Kabanata 55

2550 Words

KADA hakbang ni Gaia kasama si Lucas patungo sa bookstore ay katumbas ng tripleng pagkabog ng dibdib niya. Malamig ang mga kamay niyang kanina pa nakahawak sa strap ng bag at namamasa ng pawis. Hindi naman siya pawisin pero iba talaga ang nagiging hormone niya kapag katabi niya si Lucas. Noong nilalakad niyang mag-isa ang daan mula sa clothing store patungo sa bookstore ay napakabilis lang niyang nararating ito. Ngunit ngayong kasama niya ang lalaki, tila ba sampung minuto nilang nilalakad ang daang iyon.    Ilang beses na siyang pasikretong bumubuntong hininga dahil hindi niya kinakaya ang pagbilis ng t***k ng puso niya. “Okay ka lang?” tanong ni Lucas sa kanya at saka ito huminto sa paglalakad. Napalingon tuloy siya sa lalaki. “O-oo. Okay lang ako. Medyo hindi lang ako makahinga.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD