“BETTINA…” Agad napalingon ang dalaga kasabay ang pagtiklop ng kwaderno nang marinig kung sino ang tumatawag sa kanya sa likod. “Oh, ikaw pala, Art. Wala ka pang klase?” Umusog siya upang makaupo ang kaibigang lalaki. Binigyan siya nito ng sandwich at juice na may nakatusok nang straw. “Mamaya pa ang huling klase ko, ikaw?” Tumingin ang dalaga sa kanyang relo. “Fifteen minutes pa. Inaantok na ako. Gusto ko nang umuwi.” Ngumiti sa kanya ang binatang engineering student at inayos ang pagkakaupo. “Sumandal ka muna sa akin.” Ngumiwi ang dalaga sa inasal nito. “Hindi na. Salamat.” “Siya nga pala, gusto kong kausapin ang papa mo dahil gusto kong mag-intern sa isa sa mga kompanya ninyo.” Nagkibit-balikat lang siya habang inilalagay sa bag ang pagkaing ibinigay sa kanya ng lalaki at in

