KASASAWAY lang ni Landon kay Lucas na manahimik ngunit nakarinig naman silang dalawa ng putok ng baril na nanggaling sa likod. Matapang pang nilingon ni Lucas kung sino ang mga iyon. “Tatlong lalaki ang nasa likod. Nakasakay sa itim na Mazda. Ano’ng gagawin natin?!” hindi mapakaling sabi ni Lucas. “Mga tarantadong ‘to! Bakit nila ako hinahabol?!” angil niya ngunit nakatuon pa rin ang paningin sa pag-eekis sa kalsada maiwasan lang ang mga balang pinapaulan sa kanilang dalawa. “Ano ba kasing ginawa mo? Tinanan mo ba iyong asawa niyan?!” tanong pa ng lalaki habang nakatingin sa lalaking nahihimlay na nang matagal sa kanyang likuran. “Alam mo, kung hindi kita pinsan, ibabangga ko na ‘tong kotse ko para pare-pareho tayong may butong mababalian, eh!” Mas lalong hindi na nakapag-focus si

