NAGING mahirap kay Carlos ang pagtapak niya sa National Capital Region. Tunay na napakalaki ng pagkakaiba nito sa probinsya. Ngayong dito siya mamamalagi, kailangan niyang makapag-adjust nang mabilis. Nakakuha siya ng isang apartment-type na bahay na katabi ng isang kumbento. Ilang araw na rin siyang nakatira roon at wala naman siyang naging problema. Malapit iyon sa palengke, simbahan, ospital, at mall. Ilang araw na rin siyang naghahanap ng trabaho ngunit hindi siya pinapalad. Ngayong araw na nga lang ay hindi siya tinanggap ng tatlong tindahan sa mall na pinuntahan niya dahil sa kanyang edad. Wala sa hinuha niyang ganoon pala sa Maynila—mayroong age requirement sa paghahanap ng trabaho. ‘Di tulad sab ayan nila na kahit na matanda na ay tinatanggap pa rin basta kaya pang magtrabaho.

