"OH, nakapasa ka kay Lucas?" bungad na tanong ni Tristan nang makalabas si Gaia sa kwarto nito. Agad namang lumukot ang mukha ng babae habang nakatingin ito sa pinsan. "Anong nakapasa kay Lucas? At saka, good morning, Tristan, ha? Lalaki talaga inuuna mo nang ganito kaaga?" Padabog siyang naupo sa dining area kasabay ang pagkuha ng tinidor. "Sorry naman!" Nilingon siya nito habang nagsasangag. "Good morning, Gaia. So, ano? Magtatrabaho ka na ba kay Lucas?" "Oo. Para sa ikasisiya ng kalooban mong bruhilda ka! Ke aga aga mo!" Marahas niyang tinusok ng tinidor ang hotdog na nasa harapan niya. "Ay, bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?" Gayang-gaya pa nito ang pagsasalita ni Bea Alonzo sa "Four sisters and a wedding". "Natanggap ako. Inaayos ko na lang ang requiremen

