“SA palagay mo ba, tama iyong ginawa natin?” pabulong na tanong ni Layne habang nagtitimpla ng milktea. Sina Janus, Gaia, at Kristel ay abalang nasa magkabilang lobby at silang dalawa ang naiwan sa counter dahil umakyat si Lorice upang kausapin si Lucas. “Hindi ba’t sabi sa atin ni Six, huwag mag-aalala kasi “he got our back”?” sabi sa kanya ni Wilkins. “Oo nga. Pero paano kung magdesisyon si Madam na tanggalin tayo sa pagiging crew ni Lucas? Saan tayo pupulutin?” Napatingin sila sa pinto nang tumunog ang chime nito. Isang lalaking nakasuot ng kulat itim na fitted shirt at ng brown wayfarer sunglasses ang pumasok sa loob. Pagkatanggal pa lang nito ng salamin ay nagtinginan na ang mga taong naroon. “G-good morning, Sir,” bati ni Kristel na katabi ni Gaia. “It was nice to see you ag

