Natulala ako sa sinabi niya. Tumayo siya at balak na hapitin ako palapit sa katawan niya pero hindi natuloy dahil sa mga katok sa pintuan. Kaagad kong hinila ang kamay ko at lumayo sa kanya. Nagawa kong lumayo bago pa man bumukas ang pinto at inuluwa ang isang babae. Sandra entered the office with such confidence. Para bang sanay siya o may karapatan gawin ito. Buti na lang talaga kaagad akong nakalayo kay Regon! Kaagad nagsalubong ang kilay niya sa pagkakakita sa akin. Hindi din nakawala sa akin ang pagtaas ng kilay niya at ang disgusto sa pagkakakita sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nagiging asta niya sa akin. Sa totoo lang wala akong nakikitang dahilan para sa hindi magandang pakikitungo niya sa akin. Para bang may nagawa rin ako sa kanya kaya ayaw niya ang presensya ko.

