Puyat ako kinaumagahan. Hindi ako mapakali dahil wala akong suot na singsing. Kinuha talaga ni Regon ang singsing! Pinilit kong kuhanin sa kanya ito pero ang naging kapalit sa pagpupumilit ko ay ang malalalim niyang halik. He made my lips swollen again so I gave up! Kung hindi ko siya nilayasan sa kusina ay baka may makakita pa sa amin habang mainit niya akong hinahalikan habang nagpupumilit ako sa gustong makuha. Ang iniisip ko ngayon kung paano ko makukuha sa kanya ito? Saan niya posibleng ilagay ang singsing kung sakali? Sigurado akong hindi naman niya bibitbitin kung saan man siya pupunta. "Señorita sabay tayo mananghalian mamaya. Tapos si Jurry ay pupunta raw sa opisina para dalhan tayo ng meryenda." napabalik ako sa kasalukuyan dahil kay Danah. Nasa sasakyan kami papasok na sa op

