Kinabukasan mas maaga ang naging gising ko. Wala kaming pasok ngayon kaya naman matutuloy ang plano naming pamamasyal sa sentrong bayan mamaya. Suot ang simpleng pantalon at damit ay tinungo ko ay kusina para sa almusal. Ang sabi ni Danah ay bago pa ang tanghalian ay tutungo na kami sa sentrong bayan. Hihintayin lang namin si Jurry na matapos ang lahat ng gawain niya sa umagang iyon. “Magandang umaga, señorita!” magiliw niyang salubong nang makapasok ako. “Magandan umaga rin, Danah.” Bati ko pabalik saka na umupo para sa almusal. Napansin kong dalawa lang ang plato sa hapag kaya pinagtakhan koi to. “Nasaan si Manang Desa? Hindi ba siya sasabay sa agahan natin?” “Nako señorita maaga pong umalis si Inay. May kukuning ho na gulay kila Mang Sanko. Pabalik na rin ho siguro siya dahil maaga

