"HINDI mo dapat ginawa iyon. Pinabayaan mo na lang sana ako," naiiyak na sabi ni Bernadette. Hiyang-hiya siya sa sarili at sa mga tao sa building na iyon dahil sa ginawa ni Leandro.
"Kahit ganoon ang ginawa mo kanina...hindi kita magagawang pabayaan." Sumulyap ito sa kanya at nag-iwas siya ng tingin. "Ano ang naisipan mo at sinugod mo ang ulan?" Lumapit ito sa kanya. Iniabot nito ang isang tuwalya at saka iyon ipinulupot sa kanyang katawan.
Pumiksi siya at tinabig ang kamay nito. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Kanina lang ay ipinagtatabuyan mo ako—"
"But this building is not mine! What do I care if you would decide to stay at the groundfloor?"
"Kahit pa! You shouted at my face at dahil diyan ay hindi kita gustong makita kaya ko iyon ginawa!"
Hindi niya inaasahang mapapangiti ang lalaki sa sinabi niya. Tila naaaliw na pinagmasdan siya nito.
"Okay, let's have a truce," wika nito. "I won't shout at you anymore..."
Napatingin siya nang diretso sa mga mata nito.
"But never call me Leandro again. My name is Daniel, if I need to reiterate that."
She heaved a sigh. "Okay."
"Can you promise me that?" tanong nito.
"Hindi ako malurit kausap." Sinabayan niya iyon ng irap.
"Then, it's settled. Malakas pa ang ulan kaya hindi ka pa makakauwi. I guess you need to stay since it's already late. Iyon naman ang orihinal na plano, hindi ba?"
Marahan siyang tumango. Tinalikuran niya ang lalaki at saka tinungo ang bathroom nito.
MADILIM na ang paligid at tanging malamlam na liwanag na lang ng lampshade sa gawi niya ang tumatanglaw sa kabuuan ng silid. Kanina ay matagal pa silang nagpilitan ng lalaki kung saan siya matutulog. Nang sinabi niyang okay na siya sa couch ay nairita ito. Ito na lang daw roon pero natural ay ipinilit niya ang gusto dahil ito ang may-ari ng bahay. Alangan namang siya ang matutulog sa kama habang nagtitiis ito sa kapirasong couch? Sa huli, napagpasyahan nila kapwa na magtabi na lang sa pagtulog. Hindi na siya umarte dahil alam naman nila parehong sa mga susunod na araw ay higit pa roon ang gagawin nila.
"Hindi ka ba makatulog?"
Napapikit siya sa tanong na iyon. Ano naman ang isasagot niya rito? Na hindi nga siya makatulog dahil sa presensiya nito ngayon? Na hindi niya ito nakikita bilang si Daniel kundi bilang si Leandro na kanyang kasintahan noon? Minabuti na lang niyang hindi kumibo.
"Hindi ko alam kung kailangan mo pang malaman ito..." Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. "Dito kita dinala dahil wala pang ibang babaeng nakapunta na rito."
Hindi niya naiwasan ang magtaka. "Nagbibiro ka ba?" tanong niya habang nakatalikod pa rin sa lalaki.
"Of course not. Not even one, I swear...not even Hasmin."
"Bakit?"
Bumuntong-hininga ang lalaki. "Ayaw niyang magpunta rito. Malayo raw kasi." He chuckled.
"Sa pagkakaalam ko ay may sarili kayong hotel, hindi mo na nga kailangan ang unit na ito."
"Iyan din ang paulit-ulit na sinasabi ni Hasmin sa akin. I don't know. I just find this kind of freedom everytime I come over here."
"Mahigpit ba ang asawa mo?" nabigla niyang tanong. "I'm sorry, hindi ko iyon dapat—"
"It's all right. Oo, mahigpit siya. She used to manipulate everything about our marriage."
Umayos siya sa pagkakahiga at saglit na sumulyap dito. "Normal iyon sa isang babae...lalo at mahal ka ng asawa mo," aniyang sinisikap na kontrolin ang sariling emosyon. Mahirap palang ipakipag-usap sa taong mahal mo ang tungkol sa babaeng minamahal naman nito.
"How did you know? I thought you're separated?"
Napipi siya.
"Hasmin told me you're a single mom. How were you able to support your child alone?"
Marahan siyang ngumiti. "Hindi naman iyon pinaplano at pinag-iisipan. Gagawin iyon ng kahit sinong inang nagmamahal sa kanyang anak."
"You're very impressive..."
"Thank you."
"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo pinasok ang situwasyong ito?"
"Ikaw, ano ang dahilan mo at pumayag ka sa ganitong setup? Hindi ka ba...naiilang?"
Muli itong nagbuntong-hininga. "Natural, naiilang ako. Pero wala akong magawa. Hasmin has been bugging me about having a child. Matagal na niyang gusto ang anak pero may mga dahilan kung bakit hindi kami magkaroon."
"How long have you been married?"
Sa gitna ng dilim ay naramdaman niyang natigilan si Daniel.
BERNADETTE was doing it again. He knew he was the one who wanted to talk. Gusto niya itong kausapin dahil alam niya, tulad niya ay hindi rin ito makatulog. Pero iba na ang mga itinatanong nito. He knew, Berna was fishing for some information again. Iyon ang sabi ni Hasmin. Mag-ingat daw siya rito dahil natuklasan nitong may nakatago palang lihim ang babae. Hindi pala siya ang una sa listahan ng mga lalaking 'pagkakalooban' nito ng anak. Ang totoo ay pangatlo na pala siya. Ginagawa raw iyon ng babae para kumita ng malaking pera upang ipagamot ang nag-iisa nitong anak.
He felt bad for her. Ang sabi ni Hasmin ay nahiwalay raw ito sa asawa dahil hindi ito kuntento sa uri ng buhay na ibinibigay ng mister nito. Hindi rin kasi magawang itaguyod ng lalaki ang pamilya lalo pa at may problema sa puso ang anak nitong nagngangalang Andrew. There were times he would like to hate her but he couldn't deny to himself her guts were admirable. Sa kabila ng pagiging mababang uri nitong babae, ang katotohanang ginagawa nito ang lahat ng iyon para sa anak ay lubhang kahanga-hanga.
When he had first laid his eyes on her, he thought he knew her. There was something familiar with the way she looked at him. The kind of stare, the longing in her eyes, all those things seemed to be familiar.
Nang tawagin siya nitong Leandro sa restaurant ay laking pagtataka niya. Ibig niya sanang itanong dito kung sino ang lalaking iyon pero salamat na lang at hindi niya ginawa. Nang sumunod na araw ay dumating ang orihinal na kopya ng marriage contract at birth certificate na ipinakita ni Hasmin noon sa kanya. Kompirmado, limang taon na nga silang kasal ng asawa tulad ng sinasabi nito. Dalawang taon na silang nagsasama nang maaksidente siya at maiwala niya ang kanyang alaala.
Kasabay ng pagbibigay ni Hasmin ng mga dokumentong iyon ay ang pagpapaalala nito tungkol sa pag-iingat niya sa pakikitungo kay Bernadette. Alam na raw ng dalaga ang tungkol sa kanyang nakaraan at posible raw itong gumawa ng hakbang upang gamitin siya nito sa pansarili nitong kapakanan. Kaya't mahigpit nitong bilin na huwag siyang makikipaglapit ng loob dito dahil isa lang naman ang pakay niya rito at iyon ang pagkakaroon ng anak.
When he asked Hasmin to replace her, she immediately said no. She personally liked Bernadette despite her character which was very ironic. Sa tuwing magtatanong siya ay iniiba nito ang usapan. Sa huli ay mauunawaan rin niya ang asawa. It was not easy after all to talk about Bernadette. His wife was just trying to be strong but deep inside, she might be hurting.
"Daniel?"
Bernadette was intently looking at him, waiting for his response.
"Five years, we've been married for five years already," aniyang tila nainis rito.
Napatango ang babae. "I see. Five years," ulit nito.
Hindi niya sigurado kung lungkot nga ang nakita niyang nakiraan sa mga mata ng kausap. "Hindi ka pa ba inaantok? It's already late. Matulog na tayo," aniya sabay higa. Tumalikod siya rito at saka ipinikit ang kanyang mga mata pero kakatwang maamong mukha ni Bernadette sa halip na sa asawa ang nakikita niya.