Chapter 13

1578 Words
NANLALAMIG ang mga kamay at talampakan ni Bernadette. Iyon ang unang araw na sisimulan na ang nakasaad sa kontrata. Ang una sa limang sesyon na 'gagawin' nila ni Leandro ang anak nito kay Hasmin. Mabibilis ang mga hakbang niya. Nang marating ang parking area ng establisimyentong sinabi ni Esme sa text ay agad niyang nilingap ang mga plaka ng mga sasakyan. Kalat na ang dilim kaya hindi na niya halos maaninag ang mga iyon. Gayunman, hindi nagtagal ay nakarinig siya ng busina sa gawing dulo ng parking area. Noon niya nakitang bumukas ang salamin ng kaliwang panig ng sasakyang kulay itim at kumaway sa kanya ang sakay niyon. Lalo na siyang inatake ng nerbiyos dahil doon. Isipin pa lang ang mga susunod na sandali ay parang sinisilihan na ang kanyang katawan. Aaminin niyang isa sa mga emosyong nadarama ay excitement pero hindi iyon tama. Alam niyang hindi dapat dahil hindi na malaya si Leandro ngayon. Hindi na ito ang dating lalaking nagmahal sa kanya at nangakong pakakasalan siya ng totoo...nang higit sa kasal-kasalang ginawa nila noon sa paborito nilang lugar. "Pasensiya ka na kung natagalan ako. Hinintay ko pa kasing makatulog ang anak nat...si Andrew." Isang marahang tango lang ang isinukli ni Leandro. Ni hindi siya nito tinapunan ng pansin. "Saan tayo pupunta?" Noon lang ito sumulyap sa kanya. "I'll be the one to choose the place everytime we're going to meet, Miss Polintan...or Mrs. Imperial as you wish." Agad siyang nakadama ng sakit sa tinuran ng lalaki. Wala ba itong puso para sabihin iyon sa kanya? He muttered those words with extreme coldness. Hindi ba nito naisip ang epekto ng mga simpleng salitang binibitiwan nito? Ipinaling niya ang ulo sa gawi ng bintana upang hindi mahalata ni Leandro ang pangingilid ng mga luha niya. "Bahala ka," maikli niyang tugon. Tumakbo ang sasakyan at ilang sandali rin iyong naglakbay hanggang marating nila ang condominium nito sa Pasig. Dito siya dinala ni Esme noong ipinakilala nito sa kanya ang lalaki. Inalalayan siya nitong bumaba at nanatiling nakadaiti ang kamay nito sa siko niya hanggang lumulan sila ng elevator. Nasa ikalabing-isang palapag ang unit ni Leandro at hindi nagtagal ay naroon na sila. Habang binubuksan ng lalaki ang pinto ng unit ay kumakabog ang dibdib niya. Halos mangatog ang mga tuhod niya sa sobrang kaba. Kung nagkataong hindi ang lalaki ang makakasama niya ngayong gabi, gayon rin kaya ang damdamin niya? Would it make a difference if she would be with another man? "Come in," malamig na wika ni Leandro. Pinauna siya nitong makapasok at saka ito sumunod. Isinara nito ang pinto at ini-lock iyon. Iginiya siya ng lalaki sa silid nito at saka pinaupo sa kamang naroon. "Do you want some coffee? or wine, perhaps?" tanong nito. Naglakad ito papunta sa wine bar na nasa isang sulok. Binuksan ang isang bote ng champagne at sinalinan ang dalawang kopitang naroon. "Kung maaari ay bilisan na natin dahil kailangan ko nang umuwi," aniya. Nang sulyapan niya si Leandro at makitang bahagya itong napangiti ay hindi niya naiwasan ang pamulahan ng mukha. Sa uri ng pagkakatingin nito ay tila naaaliw pang nagmamadali siya. Iniisip ba nitong nasasabik na siya doon? "Leandro, please..." Nawala ang ngiti sa mga labi ng lalaki nang muli niya itong tingnan. Ngayon ay naglalakad na itong palapit hawak ang dalawang kopita sa magkabilang kamay. Iniabot nito sa kanya ang isa habang ang isa ay nanatiling hawak nito. "It's Daniel and not Leandro, Bernadette," seryosong wika nito. "Pinag-isipan kong mabuti ang pangalang itinawag mo sa akin sa restaurant. Sino si Leandro? Why do you always call me in that name?" She sipped the wine and pretended not to hear his question, pero imposible iyon dahil wala man lamang kahit anong ingay sa silid. Nang maupo ang lalaki sa tabi niya ay awtomatiko siyang napausod palayo rito. "Sorry...hindi ko sinasadyang tawagin ka sa pangalang iyon. Hindi na mauulit," aniya sa kabila ng kagustuhan niyang isatinig ang panunumbat dito. "Okay. Relax, Berna...cool down," masuyong wika nito. Nang kunin nito mula sa kanyang kamay ang goblet ay saka lang niya namalayang naubos na pala niya ang laman niyon. Bahagya na ring mainit ang pakiramdam niya. Ipinatong nito sa bedside table ang dalawang kopita at saka siya nito tinabihang muli. "You're very beautiful," anas nito habang hinahaplos ang pisngi niya. Mula roon ay kumilos ang mga daliri nito papunta sa talukap ng kanyang mga mata kaya kusa siyang napapikit. "Your eyes are very expressive. Your nose is a little bit proud...just like you." Yumuko ito upang hagkan ang tungki ng ilong niya at nanigas siya sa ginawa nito. Nang muli itong nagmulat ng mga mata ay dumako naman ang tingin nito sa kanyang mga labi. His thumb finger touched her lips and she saw him breathe hoarsely. "These lips...perhaps, are the most sensual lips I've ever seen in my life. Can I feel them?" Hindi pa niya nagagawang tumugon ay yumuko na si Leandro upang angkinin ang mga labi niya. Magaan lang iyon sa simula pero habang tumatagal ay nararamdaman niya ang paglalim ng halik na iyon. Tuluyan na siyang napapikit at ang mga kamay ay pinagsalikop niya sa leeg ni Leandro. She missed him so bad that she was not even aware she was now kissing him savagely. She was returning his every touch and kiss with equal intensity. Ipinadama niya sa lalaki ang bawat sandali sa loob ng tatlong taong pinanabikan niya ito. Kung alam lang nitong walang araw na hindi niya ito hinanap at iniyakan. Paano ba nito malalaman ang lahat ng pinagdaanan niya? Nang ihiga siya nito sa kama at sinimulang alisin ang ilang saplot niya ay muli niyang itinaas ang mga braso upang ipulupot sa leeg nito. She could still remember how she used to embrace him then. Sa pamamagitan kasi noon ay damang-dama niyang sa kanya lang si Leandro. Na wala itong ibang mamahalin kung hindi siya lang. "Berna..." Napapikit siya sa mahina nitong pagdaing. His voice was soothing...encouraging, inviting her to join his trance. "Leandro..." Napadilat siya nang kumalas ang lalaki sa kanyang pagkakayakap. Nakabadha sa mukha nito ang galit kaya hindi niya naiwasang sagilahan ng kaba. Napaupo siya nang maupo ito patalikod sa kanya. "What do you want?" matigas nitong tanong nang hindi lumilingon. "Sorry—" "Ano'ng binabalak mo?" "Hindi ko maintindihan—" Marahas itong humarap at sinaklit ang isa niyang braso. "Why have you been insisting I am that bullshit! Ano ang kailangan mo?!" Nasindak siya sa ginawa nito kaya hindi siya nakahuma at nanatiling nakatingin lang sa lalaki. Ilang ulit siyang napailing. "Wala—" "Kung ganoon ay bakit mo ipinipilit na itawag 'yan sa akin? Alam mo ang nakaraan ko, hindi ba? Inalam mong mabuti ang tungkol sa aming mag-asawa at dahil diyan, gumagawa ka ngayon ng kuwento para linlangin kami! Pinalalabas mo bang kilala mo ako at alam mo ang lahat ng tungkol sa akin?" Namilog ang kanyang mga mata. Ibig niyang magsalita upang sabihin dito ang lahat pero nadaig siya ng awa at takot sa anyo nito. "Kilala ko ang mga uri mo, Bernadette! At binalaan na rin ako ng asawa ko sa mga taong tulad mo! Kung ako sa'yo, gawin mo na lang ang trabaho mo para matapos na ang lahat ng ito! Sa gayong paraan ay hindi na rin natin kailangan pang magkita!" "Magpapaliwanag ako..." "Lumabas ka na. I'm sure you can take a cab to bring you home." Kasabay ng mga salitang iyon ay ang paghagis nito ng isang libong papel sa ibabaw ng kama. Tumayo ito at tinungo ang bathroom. Tinitigan niya ang perang basta na lang inihagis nito. Ganoon ba kababa ang tingin ni Leandro sa kanya? Marahil nga. Siguro ay wala rin ito kahit kaunting respeto sa kanya. Paano bang magkakaroon kung ang tingin nito ay mababa siyang uri ng babae? Mayamaya ay napilitan na siyang tumayo sa kabila ng panlulumo. HINDI agad nagawang lumabas ng gusali ni Bernadette dahil sa lakas ng ulan. Mula sa kinatatayuan sa lobby ng building na iyon ay alam niyang hindi niya magagawang maghintay ng taxi nang hindi siya mababasa. Wala pa naman siyang dalang payong. Ipinasya niyang maupo sa isang mahabang sofa set na naroon. Nagbasa-basa muna siya ng magazine na nasa ilalim ng center table habang naghihintay ng pagtila ng ulan. Ikatlong magazine na ang hawak niya nang tumunog ang elevator at nakita niyang iniluwa niyon si Leandro. Awtomatiko siyang napatayo. Walang lingon-lingong lumabas siya ng main door at mabilis na tumakbo palabas ng gusali sa kabila nang malakas na pagbuhos ng ulan. Higit palang malakas ang ulan kung nasa ilalim ka niyon, naisip niya. Yakap ang sarili ay tumawid siya ng kalsada at pilit na naghanap ng taxi. Nagpalinga-linga siya at muling tatawid nang may humaklit sa kanyang braso. Napatili siya sa pagkagulat. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" sigaw niya nang makita si Leandro. Mahigpit nitong hawak ang kanyang palapulsuhan. "Bakit ka sumugod sa ulan? Nagpapakamatay ka ba?!" sigaw nito. "Wala kang pakialam! Uuwi na ako kaya bitiwan mo ako!" Sinikap niyang iwagwag ang braso upang mabitiwan nito pero nanatiling nakakapit ang lalaki sa kanya. "Pumasok ka sa loob," matigas nitong sabi. "No! Uuwi na ako!" "Sinabing pumasok ka sa loob!" "Bakit ba ang kulit mo—" Napatili siya nang bigla siyang umangat sa lupa. Daig pa niya ang sako ng bigas na tila walang kabagay-bagay na inilagay ng lalaki sa balikat nito. Nagpapasag siya pero hindi siya ibinaba ni Leandro. Muli siyang dinala nito papasok sa loob ng gusali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD