MALAKAS ang tahip ng dibdib ni Bernadette. Ngayon ang first meeting nila ni Leandro o Daniel. Personal siyang tinawagan ni Mrs. Raymundo para ipaalala iyon sa kanya. Napahugot siya ng buntong-hininga. Nang nagdaang gabi ay hindi siya nakatulog sa pag-iisip ng tungkol sa lalaki. Paano niyang tutuparin ang mga kasunduang nakasaad sa kontrata kung ganitong nagsisimula pa lang ay hindi na siya matahimik?
"Sorry, I'm late."
Lumipad ang tingin niya sa lalaking nakatayo sa kanyang tabi. Napatayo siya at agad na itinuro ang katapat na upuan. Nautal pa siya sa pagsasabi niyon.
"Pasensiya ka na. I was trapped on a traffic," wika nito na pilit na naman ang ngiti. Marahil ay tama si Roxanne, napilitan nga lang itong sumunod sa gusto ng asawa.
"Ayos lang," maikli niyang tugon habang nakayuko.
"Lagi na lang kitang pinaghihintay, nakakahiya na sa'yo."
Noon siya nag-angat ng mukha upang salubungin ang mga tingin ng lalaki. "Oo nga. Lagi mo na lang akong pinaghihintay," makahulugan niyang sabi.
He cleared his throat before he got the attention of one of the waiters.
"Choose anything you like," wika nito nang iabot sa kanya ang menu.
Napatitig siya rito at hindi niya napigilang bumulusok ang isip pabalik sa nakaraan.
"Love, ikaw na lang ang pumili ng para sa akin," kimi niyang sabi kay Leandro noon.
Sa halip na kunin ay ibinalik lang nito ang menu sa kanya. "Piliin mo ang kahit anong gusto mo at huwag mong isipin kung ano ang gusto kong pagkain para sa iyo. You are so sweet for being too submissive and I appreciate that, Love, pero sa pagkain ay pagbibigyan kita."
"Berna?"
Napadiretso siya sa pagkakaupo. Hindi niya napunang kinakausap na pala siya ni Leandro.
"Ano ulit iyon?"
"Ang sabi ko ay ano ang gusto mo nang masabi na natin sa waiter. Superb ang scallops nila dito, try it."
"Bahala ka na," aniya. Mayamaya pa ay iniwan na sila ng waiter.
"Hindi ko alam kung bakit natin ito ginagawa, M-Mr. Raymundo..."
"You don't like the idea? I thought my wife has already talked to you," malamig nitong sabi.
My wife...nag-echo iyon sa pandinig niya. It was very sweet to witness such possessiveness of a man...nakakalungkot lang na hindi siya ang pinatutungkulan nito ngayon.
"Nabanggit na nga niya ang tungkol dito pero kailangan pa ba talaga? Magkakilala naman tayo, hindi ba?" She looked directly in his eyes and waited for his reaction.
"My wife is talking about something deeper than that, Berna...more than knowing each other's names, if you know what I mean."
Umangat ang kilay niya sa narinig. Talaga bang pangangatawanan nito ang kalokohang ginagawa? Tumango siya sa kawalan nang masasabi. "Okay, then...so here we are. What are we gonna do next?"
Boredom was evident in his face. Halatang sumusunod lang talaga ito sa asawa.
Napakasuwerte mo, Hasmin...
"Clueless..." Nagkibit ito ng balikat.
"Sige, Q and A muna tayo, tutal ay hindi naman natin lubusang kilala ang isa't-isa, hindi ba?" Muli niya itong tinitigan nang matiim.
"Shoot. Ask first."
Lihim siyang napabuga ng hangin. Sa ginagawa ng lalaki ay hindi niya alam kung saan siya lalagay. Hindi niya alam ang takbo ng isip nito at kung ano ang dahilan nito sa ginagawa pero dahil wala siyang choice, kailangan niyang sakyan ang palabas nito.
"What is your favorite color?"
Napangiti si Leandro. "Hmmm...I don't know. Dark colors maybe," balewalang sagot nito.
Makakalimutan ba niya ang bagay na iyon? Walang hilig sa makukulay na bagay ang lalaki. She should have known better than anyone else in the world. Kahit pa nga kay Hasmin siguro. Hindi lang tatlo kundi anim na taon niyang nakasama ito noon hindi gaya ng babae na tatlong taon lang.
"Ikaw naman," aniya.
Dumating ang in-order na pagkain ni Leandro at sinimulan nila ang pagkain habang nag-uusap.
"What is your favorite movie?"
She was amused with the question. He could have asked other questions but it was the one he had chosen to ask first. Natatandaan pa kaya nitong mahilig siya sa panonood ng pelikula noon?
"Foreign or local?" simple niyang tanong na hindi tumitingin dito.
"I think, you prefer to watch foreign movies than local. Am I right?"
Saglit siyang natigilan. Naging matalim ang tingin niya kay Leandro. "Inuuto mo ba 'ko?"
"Hey, what did I say?" nagtataka nitong tanong.
Ilang saglit na hindi niya alam ang susunod na sasabihin. "Sige, pagbibigyan kita sa gusto mo." Pinunasan niya ang bibig at saka inayos ang sarili sa pagkakaupo. "Tama ka, mas gusto ko ang foreign kaysa local. Top on my list is Dear John by Channing Tatum. I also love Ashton Kutcher's movies. Lahat ng pelikula na hinango sa mga nobela ni Nicholas Sparks ay gusto ko rin. I also love Keannu Reeves, Brad Pitt and—"
"What is the common denominator of all these actors?"
"Ewan ko. Hindi ko alam. I simply enjoy their movies."
"If you will get to watch them hosting TV shows or being one of the casts of a comedy film, would you still love these guys?"
"What are you trying to point out?"
"Answer me, Berna."
Iniwas niya ang tingin dito. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.
Napaisip siya. Sa unang pagkakataon mula kanina ay tila natibag ang pagkailang niya sa lalaking kaharap. He was now trying to make a real conversation. For a moment, she decided to forget the past and focused her attention to his question.
"I don't think I would still like them given the said situation. Kutcher perhaps or...ewan, hindi ko rin alam."
"You know why? Dahil limitado ang preference mo pagdating sa pelikula. Iisang genre ang gusto mo at iyon ang common denominator ng mga taong iyan. That makes you one real romantic, Berna."
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Define romantic, Leandro." Sinadya niyang tawagin ito sa totoong pangalan at huling-huli niya ang pagkunot ng noo nito.
"It's Daniel, Berna, not Leandro." Nakangiti maging ang mga mata nito na parang pinagtatawanan siya.
She leaned towards the table to look at him carefully. "Oh sorry, Daniel na nga pala ang pangalan mo... I mean, Daniel pala at hindi Leandro." Nginisihan niya ito at saglit itong natigilan, tila nagtataka sa mga sinasabi niya. Sinikap niyang hindi mapaismid. "By the way, tama ang sinabi mo. 'Yan nga siguro ang dahilan kung bakit gusto ko ang mga actors na iyan. I love romantic movies at dahil diyan, siguro ay romantic na nga rin ako."
"Can I ask something personal, Bern?"
She nodded without looking at him.
"Are you a single mom?" kunot-noong tanong nito.
That was the final straw. She slammed her fist on the table and looked at him sharply. "Ano ba ang gusto mong palabasin?!"
Nanlaki ang mga mata ni Leandro at napaangat ang mga kamay nito. "What did I do this time?" gulat na tanong nito. Hindi yata nito inaasahan ang reaksiyon niya. Lalo siyang nagngitngit dahil doon.
"This is enough! Gusto ko nang umuwi!"
"Pero ano ba ang nasabi kong hindi mo gusto?"
"Wala! Paniwalain mo ang sarili mo sa kung ano ang gusto mo dahil wala na akong pakialam sa'yo!" Mabilis siyang tumayo at naghanda sa pag-alis pero tumayo rin si Leandro at hinawakan siya sa isang braso.
"Bern, huwag kang sumigaw. Baka kung ano ang isipin ng mga tao—"
Pumiksi siya sa pagkakahawak nito pero luminga siya sa paligid. Tama ito. Marami na ngang nakatinging tao sa kanila. Dahil doon ay napaupo siyang muli at saka ito hinarap.
"Okay, hindi na ako magtatanong kung iyan ang gusto mo. Ikaw na lang ang magtanong sa akin. Okay ba iyon?"
Tikom ang bibig na tinitigan niya ito sa mga mata. Kahit kapirasong guilt ay wala siyang naaaninag sa mga mata nito at bahagya niyang ipinagtaka iyon.
"Sigurado ka bang gusto mo pa itong ituloy?" tanong niya sa mapanganib na tinig.
Marahan itong tumango.
"Okay. What is your full name? As in your real full name?"
"My name is Daniel...Daniel Martin Raymundo."
"I said your real name." Sa puntong iyon ay naging mahina na ang timbre ng boses niya. Tila may bumubulong sa kanyang paniwalaan na ang mga isinasagot ni Leandro.
"That's my real name. Ano pa ba ang hinahanap mo?" iritado nang tanong nito.
Pakiramdam niya ay kinakapos na siya sa paghinga. Litong-lito siya habang maang na nakatingin sa lalaki.
"Tagasaan ka? 'Yung totoo?"
Napabuga ito ng hangin at saka marahang napailing pero sinagot pa rin nito ang tanong niya. "Davao City. Ang sabi ni...Sa Davao ako ipinanganak pero sa Bulacan ako nagtapos ng pag-aaral kaya hindi ako marunong ng dialect ng mga Davauenos."
Natigilan siya sa narinig. Seryoso ang paraan ng pagsasalita ni Leandro at talagang nagtataka na siya. "Have you tried checking your birth certificate?"
He chuckled. "Ano ba itong pinag-uusapan natin? Does it make sense?"
"Have you?" ulit niya.
"But of course! Iyon ang una kong hinanap nang..."
"Nang ano?"
"Look, it's getting late. Ang sabi ng asawa ko ay saglit lang daw ang meeting—"
"Kailan ka ipinanganak?" putol niya rito.
"What?"
"Kailan ka ipinanganak, Mr. Raymundo? I need to know the date you were born."
"Ano ba ang koneksiyon niyon sa atin? Can we just talk about other things?"
"Kailan ka ipinanganak?" Para na siyang sirang plaka sa katatanong pero wala siyang pakialam. Mabilis na mabilis ang tahip ng kanyang dibdib.
"January 25, 1977. Does it make you happy now?" Ito naman ngayon ang tumayo at tila galit na nakatingin sa kanya. Kumuha ito ng isang piraso ng limandaang papel sa wallet nito at ibinaba sa mesa habang ang mga mata ay nakapako sa kanya. "It was nice meeting you, Miss Polintan. Have a nice day." Iyon lang at tumalikod na ito.