Chapter 8

1181 Words
"HELLO, ikaw pala si Bernadette Polintan." Pilit man ay sinikap ni Bernadette na ngumiti sa kaharap na babae. Halos dalawang oras pa lang ang nakalilipas mula nang tumawag si Esme kay Roxanne at sabihing gusto na siyang makilala ni Mrs. Raymundo. Iyon ay matapos niyang tanggapin ang paunang bayad nito nang mismong araw na dumalaw sa ospital ang babae. "Ako nga, Mrs. Raymundo." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito bago naupo sa upuang naroon. "What do you want? Coffee, softdrinks or—" "I'm fine. Hindi rin naman ako magtatagal dahil kailangan ako ng anak ko sa ospital." Napatango ang babae pero tinawag pa rin nito ang isang waiter at humingi ng dalawang iced tea rito. Nailang siya nang pagtalikod ng waiter ay hantaran nitong titigan ang kanyang kabuuan. "You're very beautiful, mas maganda sa picture na nakita ko." "Salamat." "Would you mind if I get straight to the point, Miss Polintan?" Umiling siya. "Berna na lang. Please do, naiintindihan ko." "My husband and I need to fly back to Davao next month. Magiging busy na kami noon kaya kung puwede, gusto ko sanang simulan ang plano next week." Kinalma niya ang sarili at pinigilan ang pagsinghap. "Next week?" Tumango ito bago inilabas ang isang folder na kulay gray. "Nang tanggapin mo ang advance payment na dala ni Esmeralda ay pumirma ka. That was just to acknowledge the receipt of the said money. The contract with full details is here with me." Inilagay nito ang folder at isang ballpen sa harapan niya. Siya naman ay hindi magawang buklatin iyon. "Mrs. Raymundo, kailangan na ba talagang madaliin ang—" "You've already accepted the advance payment, Berna. Siguro naman ay hindi mo ako bibiguin sa bagay na ito. Eventually ay gagawin rin naman, so why not do it the soonest possible time?" "Pero nasa ospital pa ang anak ko..." "—which is just on time. Look, kung may ibang pagkakataon na kailangan mo itong gawin, siguro ay ngayon na iyon. Nasa pagamutan ang anak mo at puwede mo na siyang ipasailalim sa mga lab tests na kakailanganin niya para sa operasyon. Don't you realize that?" Napahugot siya ng malalim na paghinga. "Okay." She slowly scanned the pages of the contract. Sinikap niyang basahin ang mga nakasaad doon bagaman alam niyang hindi papasok ang mga iyon sa isip niya. "Sign it, Berna. Walang nakalagay diyan na hindi mo magugustuhan," tila naiinip nang sabi nito. Hinawakan niya ang ballpen pero ilang beses pa niyang pinasadahan ng tingin ang mga titik na nasa papel. "Five sessions for four hundred thousand pesos. Fifty percent more than what I originally offered you. That amount is good for the first month of executing the plan." Executing the plan...Lumikha ng echo iyon sa kanyang isip. Kung tukuyin iyon ni Mrs. Raymundo ay tila napakasimpleng bagay gayong halos panlambutan na siya ng mga tuhod isipin pa lang ang mga susunod niyang gagawin.  "If you will agree, I will set you an appointment with my husband this coming Thursday. You need to know each other so that everything will not be awkward as we go along." Tutol ang isip niya sa sinabi nito. Sa tingin niya, kahit ilang beses pa silang magkita ng asawa nito bago ang nasabing 'plano' ay hindi pa rin maiiwasang magkailangan sila ng lalaki. Hindi ordinaryong bagay ang gagawin nila at ipinagtataka niyang nakakaya iyong tanggapin ng babaeng kaharap. "Five sessions for this month, Berna. I hope you mark your period in the calendar so everything would be easy—" "I do." Hasmin smiled widely. "Good. When is your fertility period then?" Ininom muna niya ang iced tea na ibinaba ng waiter at saka sumagot. "Friday next week." "So that means you really need to see my husband this Thursday. Then magkita ulit kayo next week before Friday." Doon na siya napailing. "Is that necessary, Mrs. Raymundo? I'm sorry but personally, I think it is no longer needed. Gagawin ko ang trabaho ko kahit ano ang mangyari." The woman looked straight in her eyes. "To be honest, gusto kong makita ka ng asawa ko nang maaga dahil gusto kong akitin mo siya." "Ano?!" "Don't be too surprised, Berna! Relax..." nakangising sabi nito. "I know you are a good mom and I can sense that. Sana ay maintindihan mo din ang pangarap ko na magkaroon ng sariling anak. At dahil sa pangarap na iyan, wala akong ibang iniisip kundi ang kapakanan ng magiging anak ko." Muli itong nagbuntong-hininga. "Kung maaakit ang asawa ko sa'yo, nangangahulugan iyon na mapapadali ang trabaho mo. Baka hindi na natin kailangang umulit sa susunod na buwan—" "Susunod na buwan?" Marahas niyang sinulyapan ang hawak na folder at hinanap sa kasulatan ang tinutukoy nito. "Kung hindi ka magbubuntis, natural na kailangan nating ulitin ang procedure. But don't worry because that means another four hundred thousand pesos in your hands." "Hindi ko kailangan ng labis na pera; ang kailangan ko lang ay pampaopera ng aking anak." "Be practical. Ipasyal mo ang anak mo o kaya ay magpagawa ka ng bahay, mag-business ka para sa inyong mag-ina." Napailing siya. "Pipilitin kong mangyari ang gusto mo ngayong buwan, Mrs. Raymundo. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang panibagong buwan." "That sounds good. The earlier, the better, of course. Sa oras na magbuntis ka ay sabihin mo agad sa akin. Ako ang bahala sa mga checkup at gamot mo. Lahat ng kakailanganin mo sa buong durasyon ng pagbubuntis ay gagastusan ko." Lumipad ang isip niya sa isang eksena, siya habang malaki ang tiyan kasama ang mag-asawang Raymundo at nagpapatingin sa isang OB-gyne. Very awkward pero may choice ba siya? "I have some rules, though, Berna..." Napatingin siya dito. "Only three rules." "Go ahead." She grinned before she continued. "First, you are not allowed to do anything and go anywhere as soon as you conceive if you won't inform me." Hinintay nito ang reaksiyon niya. Marahan lang siyang tumango. There was nothing wrong with that. Ibig lang nitong siguruhin ang kaligtasan ng magiging anak nito. "Second, I'd like to stress that you would never have any right to my child. Nakasaad sa kontratang hawak mo na wala kang karapatan sa bata kahit biological aspect ang pag-uusapan. The child is mine alone, sa amin ng asawa ko. Maliwanag ba?" Muli siyang tumango. Pilit na itinataboy sa isip ang mga pagtutol niya. Having another child means another Andrew in her life. Sa pakiwari niya, ngayon pa lang ay mahihirapan na siyang sundin ang pangalawang rule na iyon. "And the last rule..." Huminga muna ito nang malalim. "Never fall for my husband. Trabaho lang ang sadya mo at bawat hirap na titiisin mo ay may katumbas na malaking halaga, Berna. Inaasahan kong hindi mo ako aahasin sa puntong iyan." Napailing siya, hindi halos makapaniwala. "The third rule is not necessary, Mrs. Raymundo. Alam ko 'yan kahit hindi mo sabihin, invisibly written in my head. Iyon lang ba?" Nang tumango ito ay sinimulan na niyang lagdaan ang ibabaw ng pangalan niyang nakatitik sa papel. Saka na lang niya iisipin ang mga konsekwensiya ng desisyong ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD