Chapter 9

1243 Words
ANG kabang nadarama ni Bernadette kanina ay unti-unting tila nabuhusan ng yelo. Ang sabi ni Mrs. Raymundo ay alas nueve sila magkikita ng asawa nito pero halos alas-diyes na ay wala pa rin ang lalaki. Sa restaurant din kung saan sila nagkita ni Mrs. Raymundo ang lugar na itinext sa kanya ni Esme. Tinawag niya ang isang waiter at humingi pa siyang muli ng iced tea. Ikatlo na iyon mula kanina. Siguro, kapag naubos na niya ang laman niyon ay magdedesisyon na siyang umuwi. Hindi madaling maghintay sa loob ng mahabang oras para sa isang taong ni hindi naman niya alam kung darating. Ni wala siyang text o tawag na natatanggap buhat dito. DANIEL tapped his fingers vigorously on the steering wheel. Hindi niya alam kung susundin ba niya ang sinabi ni Hasmin na makipagkita sa babaeng binayaran nito para bigyan silang mag-asawa ng anak. Kung siya ang masusunod ay ayos lang kahit hindi na. Kung maaari nga ay naka-blindfold ito sa oras na isagawa nila ang plano. Ang kaso, hindi naman maaari dahil taliwas iyon sa gusto ng kanyang asawa. Mula sa kotseng sinasakyan ay kitang-kita niya sa tinted na salamin nito ang kinaroroonan ng babaeng nagngangalang Bernadette Polintan. Maganda ito at maputi bagaman hindi kataasan. Alam niyang naiinis na rin ito kung ang pagbabasehan ay ang ilang beses nitong pagtingin sa relong pambisig at pagkalukot ng mukha nito pero hindi talaga siya magkaroon ng lakas na harapin ang babae. Hindi nagtagal ay tumayo na ito at saka lumabas. Ngayon ay mas nakikita niya ito nang malapitan habang nakatayo sa main door ng restaurant. A particular scene suddenly flashed in his head. May isang babaeng nakatayo sa malayo pero nakangiti itong kumakaway sa kanya. He felt a vigorous heart beat in his chest. Pakiramdam niya ay napakatagal niya itong hindi nakita at nasasabik siyang mayakap ito at mahagkan. Napadilat siya nang sumulpot sa imahinasyon niya ang asawa. Si Hasmin ba ang babaeng iyon? Bakit hindi yata gayon ang pakiramdam niya? Namalayan na lang niya ang sariling nakatitig nang mataman sa babaeng nag-aabang ng taxi sa harap ng restaurant. "HINDI siya dumating?" gulat na bulalas ni Roxanne. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang hindi niya nakilala si Mr. Raymundo. "Hindi. Sa tingin ko, hindi siya interesado sa plano ng asawa niya. Ano sa tingin mo? Nagkakaindintihan kaya sila?" "Imposibleng hindi dahil malinaw na narinig ko kay Esme na magkatabi pa ang mag-asawa nang ibigay sa kanya ang paunang bayad sa iyo. Ang tanong, bakit nga hindi dumating ang taong iyon?" Nagkibit siya ng balikat. "I don't care. Mas mabuti na nga iyon dahil hindi ko rin naman siya gustong makita. Tama lang na hindi siya dumating." "Pero tama rin si Mrs. Raymundo nang sabihin niyang kailangan munang maakit ang asawa niya sa'yo bago ninyo gawin si Jarred. That way, mapapadali nga naman ang trabaho mo." Kumunot ang kanyang noo at napalingon siya kay Roxanne. "Sinong Jarred?" "'Yung baby ninyo ni Sir Daniel." Daniel pala ang pangalan niya. "Nasisiraan ka talaga, Roxanne. Sino naman ang nagsabi sa iyo na puwede nating pakialaman ang pangalan ng bata? Ni hindi ko nga siya puwedeng makita paglabas niya." Natigilan siya, tila noon lang din niya na-absorb sa sarili ang kahulugan ng sinabi. "Ows? Ikaw ang nanay eh 'di siyempre, kailangan ka ng anak mo paglabas." "Ako ang nanay biologically, pero sa lahat ng aspeto ay hindi ako ang ina. Baka nakakalimutan mong isa lang akong bayaran dito, friend." Iniiwas niya ang tingin at nagkunwaring abala sa pagta-tally ng figures sa computer. "Sa bagay, pero kahit na. Para sa akin, kahit ano pa ang gawin ng Mrs. Raymundo na iyan at kahit ano pa ang kasulatang pinirmahan mo, hindi niyon mababago ang katotohanang ikaw ang magsisilang sa bata at siyam na buwan mo siyang dadalin sa katawan mo." Sinenyasan niya ang kaibigan na hinaan ang boses dahil naglalabasan na para sa pananghalian ang ilan nilang kasama. Mahirap nang may makarinig pa sa mga sinasabi nito. Nakita niyang itinuon nito ang sariling pansin sa kaharap nitong computer. Ilang saglit pa ay kinalabit siya nito. "Lika dito, check this out," wika ni Roxanne na inginuso pa sa kanya ang computer screen nito. Dumukwang siya sa puwesto nito at nakita niyang tulad ng dati ay nagpi-f*******: na naman ang kaibigan. "Ikaw talaga, Roxanne, kalokohan na naman iyan ano?" "Hoy, hindi ah!" "Bago na naman ang boyfriend mo? What happened to your American bf?" "Naku, break na kami. Nakita ko kasing may tattoo siya sa batok kaya ayoko na. Takot ako sa mga ganoong klaseng tao," tumatawa nitong sabi. "Ito ang ipapakita ko sa'yo, dear..." Gamit ang pointer ay itinuro nito ang account name ng taong nasa f*******:. "Daniel Raymundo?" basa niya sa nakasulat na pangalan. "Mismo." "Bakit mo ipinapakita sa akin 'yan? Don't tell me na nagpi-f*******: siya kanina habang naghihintay ako sa pagdating niya?" "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ipinapakita ko lang sa'yo kung gaano ka kasuwerte sa lalaking ito. Look how gorgeous he is." Iningusan niya ang kaibigan. "Puro ka kalokohan, Roxanne! Anong suwerte ang sinasabi mo eh pagsasamantalahan nga ako ng taong iyan?" "Hey, watch your words, my friend. Take note, susunod lang siya sa kagustuhan ng misis niya. Hindi naman siguro siya mapagsamantalang tao. Katunayan ay hindi nga sumipot kanina, hindi ba?" May punto ito. Baka nga dahil hindi ito ganap na sang-ayon sa plano ng asawa kaya hindi nito nagawang tumupad sa usapan kanina. Kaya lang ay hindi pa rin makatwirang pinaghintay siya nito sa loob ng isang oras. Kung hindi pala ito darating, sana man lang ay nagpasabi ito. "Kahit pa, ayoko siyang makita." Hinatak ni Roxanne ang isa niyang braso pero hindi talaga siya nito napilit na muling lumingon sa computer screen nito. Mabuti na ring hindi niya ito makilala upang sa gayon ay hindi siya mailang sa oras na ipagkaloob na ang sarili dito. Magkukunwari na lang siyang natutulog habang ginagampanan ang bahagi niya sa special project na iyon. HINDI tulad nang una na maaga siya, ngayon ay sinadya ni Bernadette na magpa-late ng limang minuto sa oras na sinabi ni Esme. Ano kung late? Kung si Mr. Raymundo nga ay hindi dumating sa una nilang usapan. Pero sampung minuto na siya sa kinauupuan ay wala pa ring lalaking dumarating. Mukhang maghihintay na naman siya sa wala sa ikalawang pagkakataon. Mayamaya ay natanawan niya ang pagpasok ni Esme sa entrance door ng kainan. Nang magtama ang kanilang mga mata ay napangiti ito. May pagmamadali itong lumapit at naupo sa tapat niya. "Kanina ka pa ba?" "I came just five minutes late to two o'clock. Nasaan na siya?" "Pasensiya ka na Bern, hindi siya makararating dito eh." Hindi niya naiwasan ang mapabuga ng hangin sa inis. "Hindi na naman? Bakit ba nagsi-set pa ng meeting si misis kung hindi naman pala gusto ng asawa niyang makipagkita sa akin?" "Cool, Berna...hindi naman sa hindi gusto ni Sir na magpunta rito. May naging problema lang kanina kaya napatawag siya sa akin na hindi na raw siya makararating." "Bakit hindi niya ako kinontak? Ang akala ko ay may numero ako sa kanya?" "Hindi ko alam, basta sa akin na lang siya tumawag eh. Anyway, pinasasabi niya na dalin kita sa condo niya sa Pasig. Doon na lang daw kayo magkita." Umangat ang tingin niya kay Esme. Ang buong akala kasi niya ay hindi na sila magkikita nito. Iyon pala ay iniba lang nito ang meeting place nila. Ilang saglit pa silang nag-usap bago ito nagyayang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD