Dumating sila sa apartment na naroon na sina Mike at Ricky sa salas. "Kamusta ang laro nyo?" tanong ni Ricky. "Tig-isang silver po at pangalawa sa overall championship," balita ni Niño. "Gold sana po kung hindi inatake si Niño dahil sa sobrang init at alikabok," banggit ni Jude. "Congrats. Ok lang yun," ani Ricky. "Kamusta po si Kuya Drew?" tanong ni Jude. "Oo nga po. Kamusta po lakad nyo?" usisa ni Niño. "Nagpapahinga. Dumating kami kanina na masakit ang ulo. Temporary after effects ng laser treatment nya. Positive naman ang response sa unang treatment nya kasi malaking part na ng blood clot ang natanggal. Dalawang treatment pa ok na sya," salaysay ni Mike. "Mabuti pa magpahinga na kayong dalawa Niño, Jude," payo ni Ricky. Papasok pa lang ng kwarto si N

