Kahit puno ng alinlangan pumasok si Ricky sa portal kasama sina Mike at Drew.Nakaramdam ng paninindig ng balahibo si Ricky ng pumasok siya sa dimension warp hole. May mga flashes at images siyang nakita habang tumatawid sila sa portal, natrigger ang sakit ng ulo nya. Nadisorient siya at nawalan ng balanse sa paligid nya kaya paglabas nya ay halos matumba siya.
Lumitaw ang tatlo malapit sa university library na magkakahiwalay.
Nakasuot sila ng street clothes para hindi sila mapansin. Naka-itim na jacket si Ricky, suot ang usual nya na outfit na maong pants, black high cut shoes at white shirt. Dala ang messenger bag nya, mukha siyang isang college techie na galing library. Si Drew naman ay naka-backpack na itim, light shade na maong pants at naka-reading glasses. Si Mike naman dala ang blue gym bag nya, naka-sports jacket at tracksuit pants habang naka-headset.
Biglang tumunog ang emergency monitor ng relo ni Ricky sa relo nina Drew at Mike. Kaagad namang hinanap ng dalawa si Ricky na nakita nilang nakaupo sa isang banda ng walk way at nakatukod sa lupa.
"Ricky!" tawag ni Drew na kaagad inalalayan si Ricky sa balikat.
"Ayos ka lang? Mike, pakitulungan ako," wika ni Drew na salo pa rin si Ricky.
Inalalayan ni Mike si Ricky sa kabilang balikat.
"Dito tayo. Maupo ka muna," sabi ni Mike na inalalayan si Ricky sa pinakamalapit na park bench.
Kaagad naman inabutan ni Drew si Ricky ng tubig mula sa backpack nya.
"Uminom ka muna. Ganyan rin nangyari sa amin nung una kami gumamit ng portal," ani Mike.
Lumagok si Ricky ng tubig at ibinaba sa tabi nya. Tinukod nya ang siko nya sa mga hita nya at yumuko.
"Ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni Drew
"Biglang kumirot ulo ko. Flashes. Para akong nananaginip ng gising.- isang phoenix. Hindi ko maintindihan." pilit pinapaliwanag ni Ricky na halatang nalilito.
"Sige recover ka muna. Teka bakit nga pala dito tayo napunta?" ani Drew na chineck ang kanyang relo nya for navigation.
"Nasaan ba tayo?" tanong ni Mike.
Inangat ni Ricky ang ulo nya. Hinawakan ulet ang tubig at uminom ng konti. Iginala nya tingin nya sa paligid. Pakiramdam nya ay pamilyar siya sa lugar na ito kahit ngayon nya lang ito napuntahan o nakita ito. Nanginginig pa rin katawan nya.
"University of Valle, Ark Sector, Roark District. Dapat sa Pub Republic, Antel District tayo pero nakapagtataka dahil dito bumukas ang portal," sagot ni Ricky na sinusubukan kontrolin ang panginginig nya.
Nagulat si Mike sa sagot ni Ricky.
"Paano mo nalaman ang lugar na ito? Unang beses mo palang dito," usisa ni Mike.
"I don't know. This place feels familiar," ani Ricky.
Binuksan ni Drew ang communication line nya sa relo nya at in-adjust ang earpiece nya para makinig. Tumayo si Ricky pero na out balance saglit.
"Kaya mo na?" tanong ni Mike.
Tumango si Ricky.
"Sigurado ka?" paniniguro ni Drew.
"Thanks for the concern guys. Ayos na ko. A little disoriented but ok. We better move," wika ni Ricky.
"I'll make a call muna para inform sila na nakarating tayo," sabi ni Drew na lumayo muna saglit.
Nilipat nya ang frequency ng radio nya sa communication nya sa ACTSU base.
"This is Wolf. Eagle Two," ani Drew sa radyo.
"We hear you Wolf. Please turn on your GPS. Status report," sagot ni Anton.
"Roger, Eagle Two. We have just arrived at the nest." pabatid ni Drew sa kabilang linya.
"Do I read your 20 right? Nasa University of Valle Library Complex kayo? I thought we set your 20 at Pub Republic?" nagtatakang tanong ni Anton.
"Yun din po alam ko Eagle Two. We ended up here. After that I checked the communication link sa area, I had just heard na the assassins was expecting us there," sagot ni Drew.
"We just received a report right now an entourage in Pub Republic is expecting us there. They have intercepted our previous comlines," paalam ni Anton kay Drew.
"That's bad news, Sir. We also had complications here. Ricky is very disoriented right now after leaving the portal. His head ached again and was on the verge of collapse when we arrived," balita ni Drew na sumilip sa kinalalagyan nina Mike at Ricky.
Nakita nyang nakaupo ulit si Ricky at nakayuko.
"That's bad. His exposure to the warp hole may have triggered something," nag-aalalang wika ni Anton.
"What will be your instructions, Sir?" tanong ni Drew.
"You need to find a place to stay first. Palamig muna kayo. Pagpahingahin nyo muna si Ricky para maka-recover, pati na rin kayo. Hold on to the cargo. I'll send you details as soon as we locate our contact. This will be a long and dangerous mission, so be careful. I'll send next frequency before contact," utos ni Anton.
"Yes Sir!" tugon ni Drew na pinatay ang tawag.
Bumalik si Drew sa dalawa. Inangat ni Ricky ang ulo nya.
"We need to find a place to rest. Sabi ni Kuya Anton may nakatao sa Pub Republic, ambush position. They will contact the target ulit para mai-drop na natin ang cargo. For now we need to rest." wika ni Drew.
"There is a hostel near here. Three blocks from here," salo ni Mike na in-activate ang hologram nang viccinity map.
"Let's move," wika ni Drew.
Umalis ang tatlo sa lugar na iyon. Maingat silang nakisalamuha sa mga taga Ark. Sa lobby ng hostel habang naghihintay si Ricky na maka-check in si Drew na kasama nya ay may lumapit sa kanya.
"Ricky?" tanong ng matandang babae.
Napalingon si Ricky sa tumawag sa pangalan nya. Lalong natuwa ang matanda nang lumingon si Ricky.
"Ricky? Ikaw nga! Matagal tayong hindi nagkita. Anong nangyari sa'yo, Hijo?" tanong ng matanda.
Nagulat si Ricky at halatang nalito saglit. Nakaramdam siya ng panandaliang hilo. Nakakita muli siya ng flashes ng mga pangyayari. Nataon namang tapos na magcheck-in si Drew kaya kaagad siya lumapit.
"Are you alright?" tanong ng matandang babae.
Nagsalita ang matandang babae sa local na lengwahe na nag-aalala. Sumagot si Ricky sa parehong lengwahe ng matanda na ikinamangha ni Drew.
"Sit down Ricky," alalay ni Drew sa upuan.
Inulit ni Ricky ang sagot nya sa matanda.
"Pasensiya na po kayo nagkakamali yata po kayo, pero kilala ko po ba kayo?" tanong ni Ricky na litong-lito.
Inabot ni Drew ang kanyang lagayan ng tubig kay Ricky.
"Uminom ka muna," payo ni Drew.
Sumunod naman si Ricky.
"Ayos lang ba siya?" tanong ng matandang babae.
"Opo. Pasensiya na po pero kilala nyo po ba ang kaibigan ko? Baka po nagkakamali lang yata po kayo." wika ni Drew.
Kinausap ng matanda si Ricky sa lokal na lengwahe, sumagot naman si Ricky. Binuksan ng matanda ang bag nya.
"Give this to him later. It is a medicine that can help him. Let him rest in your room. If he is well enough you can visit me at the coffee shop in the corner street," anang matanda.
"Thank you Ma'am," wika ni Drew.
Lumayo ang matanda sa kanila. Pumasok naman sina Mike, Drew at Ricky sa kwartong inupahan nila. Pagdating doon kaagad namang umupo si Ricky sa sofa na nasa kwarto.
"Inumin mo muna ito. Bilin nung matanda," wika ni Drew na inabot ang gamot kay Ricky.
Kaagad binuksan ni Ricky ang gamot at ininom.
"Sorry guys. I don't know what's happening to me right now," sabay tayo ni Ricky at pumasok sa kwarto, "I'll be at the bedroom kung kelangan nyo ko. Sorry talaga."
Susundan siya dapat ni Drew pero pinigilan siya ni Mike.
"Hayaan mo muna siyang mag-isa, tol. He need time to sort things out. Masiyado siyang naguguluhan sa nangyayari. He'll be ok. Give him some space," pigil ni Mike.
"Sige, bro. Labas muna ako para bumili ng pagkain. Pakiset-up commline natin sa base. Tatawag any time si Eagle Two. Baka tumawag din si Kuya Ren. I'll also look around and check kung safe tayo dito," wika ni Drew na naglakad papunta sa pinto.
"Roger. Pakibili ako nung spicy noodles nila," bilin ni Mike.
Nagtaas ng thumbs up sign si Drew bago lumabas. Dumaan ang ilang oras. Lumabas si Ricky ng kwarto nya. Naroon si Mike sa sala ng kwarto nila.
"O, how are you feeling?" tanong ni Mike.
"Better. Thanks for understanding. I just need time to focus. Pasensiya na kung naging pabigat ako kanina," wika ni Ricky.
"Hindi ka pabigat, bro. Nangyayari talaga yan lalo na first-timer sa portal. Naikwento rin ni Drew yung encounter mo kanina sa lobby. Hindi ko alam na mahusay ka sa lengwahe rito," ani Mike.
"This place seems familiar. Hindi ko alam kung bakit. Siguro napuntahan ko na ang lugar na ito dati pero hindi ko maalala. Kahit 'yung babae parang kilala ko siya." ani Ricky.
"Gusto mo bang malaman ang sagot sa mga tanong mo?" tanong ni Mike.
Tumango si Ricky.
"Priority natin ang misyon natin dito." wika ni Ricky.
"We will be going there later. Huwag mo masiyado isipin ang misyon. Kung magpapatahimik yun sa isip mo, kung kailangan kaladkarin ka namin papunta dun gagawin namin," ani Drew na dumating na may dalang plastic bag ng pagkain.
Ibinaba ni Drew ang pagkain sa lamesita sa harap ng sofa. Inilabas naman ni Mike ang pagkain.
"Kain muna tayo. Gutom na ko," ani Mike na inabutan ng pagkain sina Drew at Ricky.
"Tumawag nga pala ang base. They reported nasa area si Kuya Ren," balita ni Mike sa dalawa.
"Akala ko bukas pa siya aalis?" gulat na tanong ni Ricky.
"Nauna siyang umalis sa atin. Hindi na siguro siya nakapagpaalam sa'yo noong umalis tayo. Biglaan kasi siyang kinailangan sa field," paliwanag ni Drew, "Tumawag si Kuya Ren. He will meet us ng nine hundred hours sa malapit na coffee shop. Same coffee shop na pag-aari ng babae kanina."
"Ang galing naman ng timing," pabirong wika ni Mike na nilantakan ang spicy noodles na pinabili nya.
Nagkwentuhan ang tatlo habang kumakain. Patayo na sana si Drew para itapon ang mga basura at bumalik sa labas.
"Ako na muna ang lalabas. Magpower nap ka muna," prisinta ni Ricky.
"Sure ka? Pwede naman ako muna umikot," tanong ni Mike.
"Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin. Don't worry, I'll be roaming sa buong block lang," paniniyak ni Ricky.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Hayaan mo na siya. I'll be on standby sa radio," wika ni Mike kay Drew.
Tumayo si Drew.
"Ingat ka bro. Idlip lang ako. See you later," paalam ni Drew na niligpit ang kinainan nya, dinala sa basurahan sa kusina at dumiretso sa kwarto nila.
"Thanks," sinambit ni Ricky na nilagay ang earpiece nya.
"Ingat sa labas. Your on air," paalala ni Mike.
"See you later," wika ni Ricky na lumabas ng kwarto