Sa school, naabutan nina Jaycee, Drew at Mike si Ricky na nagbabasa ng article sa tablet nya sa paborito nilang sulok ng library. Kagat-kagat na naman nya ang pendant ng kanyang kwintas. Umupo sina Mike at Drew sa magkabilang side ni Ricky. Habang si Jaycee ay sa harapan nito.
"Kanina ka pa namin hinahanap andito ka lang pala," ani Mike.
Hindi napansin ni Ricky ang mga katabi kaya tinapik nya ito sa balikat. Napatingin si Ricky sa tatlo at iniluwa nya ang pendant.
"Hindi ko kayo napansin. Pasensiya na," wika ni Ricky.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah," usisa ni Drew.
"Focused ah. Ano ba yang binabasa mo? Mga clippings from six months ago? Tungkol yan sa LeValle," ani Jaycee habang sinisilip ang tablet nito.
"Na-curious lang ako sa LeValle," depensa ni Ricky.
"May kinalaman ba iyan sa susunod nyong misyon?" tanong ni Jaycee.
"Wala naman," tutol ni Ricky, "Naku-curious lang ako sa lugar na ito."
"At kanino mo na naman nalaman iyan?" gulat na wika ni Drew kay Jaycee.
"Mukhang ako na naman ang sasalo ng mga gawain nyong tatlo," pabirong wika ni Jaycee.
"Kaya nga anghel ka namin," pambobola ni Mike.
"Basta ba kayo ang bahala sa project na galing kay Miss Pet," sabi ni Jaycee.
"Mukhang hinalungkat mo na naman schedule namin," napapailing na wika ni Ricky na lumingon kay Jaycee.
"Tinanong ko kasi kung pwede akong magtungo sa Orchard sa isang araw. Sabi ko sasamahan nyo ako pero nabanggit nyang may misyon kayo," sagot ni Jaycee.
"By the way, Sir John is looking for you. He is asking if you are attending the evals para sa competition," paalala ni Drew.
Napatingin sa relo nya si Ricky.
"Ay! hindi ko napansin ang oras. I need to go. Catch you later guys," wika ni Ricky na nilagay sa bag ang tablet nya at nagmamadaling tumayo at tumakbo palayo.
Sa locker room ng gym, pansamantala nyang hinubad ang kwintas nya para sa training at inilagay sa locker nya. Nagbihis siya ng pantraining, nagmadaling sinara ang locker nya at kinuha ang gym bag nya bago nagtungo sa training area.
Pagdating sa gym, kaagad siya nagbow bago tumuntong sa matted area at lumapit sa coach nila at nagbow. Nagwa-warm-up na ang mga teammates nya noon.
"Sorry coach for being late," wika ni Ricky.
"You are just in time. Mag warm-up ka na. We will be starting with poomsae," ani Coach John.
"Yes Coach," tugon ni Ricky.
Lumapit siya sa team mates nya at nagwarm-up kasabay nila. Maya-maya ay dumating sina Drew, at Jaycee para manood ng evaluation.
Habang nag-aayos ng gamit si Ricky napansin nya na hindi nya suot ang kwintas nya. Wala rin ito sa gym bag nya nang kanyang hanapin. Lumapit si Ricky sa coach at nagpaalam saglit. Pumayag naman ang coach.
Lumapit si Ricky kay Drew.
"Bro can you do me a favor?" tanong ni Ricky.
"Sure. What favor?" sagot ni Drew.
"Nakalimutan ko iyong kwintas ko sa locker ko. Can you please get it?" tanong ni Ricky na inabot ang susi ng locker nya.
"Sure," tugon ni Drew na lumabas sa gym.
"Ricky, your turn," wika ng coach.
Bumalik si Ricky sa training at sumalang sa evaluations. Pagbalik ni Drew ay lumapit siya kaagad siya kay Jaycee.
"Can you please keep this for Ricky? I need to go to Miss Pet for something," na inabot ang kwintas ni Ricky sa kanya.
"Ok," sagot ni Jaycee.
Nilagay ni Jaycee sa bulsa nya ang kwintas.
Habang nagpe-perform si Ricky nakaramdam siya ng pagka-out balance pero nakarecover. Pagtapos nya magperform, lumingon siya sa pwesto nina Mike at Jaycee pero wala siya nakitang tao na nakaupo.
"Good job. Medyo shaky ka nang konte," anang coach nya.
"Pasensiya na Coach," ani Ricky
Nakaramdam siya ng lula kaya umupo muna siya saglit at uminom ng tubig habang naghihintay sa sparring nya. Natapos ang evaluation nila at nagbilin ang coaches ng mga announcement. Nang matapos ang training ay nagmamadali nagbihis si Ricky at lumabas ng gym. Hahanapin na sana nya si Drew para sa susi ng locker nya nang mag-ring ang phone nya.
"Hello, Kuya," sagot ni Ricky.
"Ricky, I'm at the entrance right now. Tapos na kayo?" tanong ni Ren.
"Yes, Kuya. I'll be there," sagot ni Ricky na binaba ang phone at patakbong umalis.
Nakasalubong nya si Drew habang patungo sa main entrance ng gym.
"Ricky, locker room key," wika nya na may hinagis papunta kay Ricky.
"Thanks," sagot ni Ricky na sinambot ang susi.
"See you later. Kuya is waiting for me sa entrance," sabay takbo palayo.
Pagdating sa gate, kaagad lumapit si Ricky sa kotse ni Ren at binuksan ang pinto.
"Sorry to keep you waiting, Kuya," wika ni Ricky habang binubuksan ang pinto sa likuran ng kotse.
"Your just in time. Kapaparada ko lang. Nag-stop by pa ako saglit sa food stalls sa labas nung tumawag ako," ani Ren while Ricky throws his bag sa back seat and puts on his seat belt.
"Ready to go?" tanong ni Ren na nakangiti.
"Yes sir!" sagot ni Ricky.
Nagkwentuhan ang dalawa while on the way sa sinehan. Pagkaparada ni Ren ng kotse sa parking lot ay agad sila pumasok sa sinehan para bumili ng ticket. While waiting for their turn sa sinehan, napakapit si Ricky sa balikat ni Ren. Nakita kaagad ang pag-aalala kay Ren.
" Are you ok?" tanong ni Ren na inabutan si Ricky ng bote ng tubig na bukas na.
"I'm good, Kuya. A little tired lang po siguro," sagot ni Ricky na sumandal sa pader bago lumagok ng tubig.
"Mukhang napalaban ka sa evals ngayon," pansin ni Ren.
"Sinubukan kasi ni Coach na ipares ako sa mabigat na kalaban," paliwanag ni Ricky.
"Ouch! At hulaan ko, binugbog mo naman?" tanong ni Ren.
"Hindi naman po," nakangising ni Ricky.
Biglang tumunog ang cellphone ni Ren kaya. Sinagot nya ito.
"Hello," sagot ni Ren bago nakinig.
Nagbago ang mukha ni Ren at naging seryoso. Sumulyap siya kay Ricky.
"Yes I'll be coming over," sagot ni Ren na binaba ang phone nya.
Nilaro-laro pa ni Ren ang phone nya dahil nag-aalangan ito sa desisyon nya. Nabasa ni Ricky ang expression na yun ni Ren. Emergency yung tawag na yun at kailangan nilang bumalik sa base.
"Tayo na Kuya," ani Ricky na hinatak si Ren paalis ng pila.
Tumingin si Ricky kay Ren. Tumango lang siya para ipaalam kay Ren na naintindihan nya. Tahimik silang lumabas ng sinehan at sumakay sa kotse ni Ren. Habang nagmamaneho si Ren ay bigla itong nagsalita.
"I'm sorry about that," hingi nya ng paumanhin.
"I understand naman, Kuya. Ano po bang nangyari?" tanong ni Ricky.
"The Greems found out the location ng safe house ng Prinsesa. We need to move her now for her safety. Hindi namin inaasahan matatagpuan nila kaagad ang kinaroroonan nya. Na-compromise din yung agent na ginagamit namin. I need to assess our situation," paliwanag ni Ren.
"Hindi nga magandang balita iyan," wika ni Ricky na napailing.
"Sorry kung hindi natuloy lakad natin," ani Ren.
"Wala po kayo dapat ipag-sorry naintindihan ko naman po," alo ni Ricky kay Ren.
Pagdating sa base ay kaagad sinalubong ni Anton si Ren.
"Commander, there is an urgent conference call waiting for you po sa Command Center." pabatid ni Anton.
"Ok," tugon ni Ren na kaagad sumunod kay Anton.
Bumalik naman si Ricky sa quarters nila para iayos ang gamit nya. Isang tawag mula kay Anton ang natanggap nya kaya nagtungo siya sa control room. Makaraan ang ilang saglit ay bumalik siya sa kwarto para maghanda sa misyon nila. Nakita nya ang gamit ni Ren na nakahanda na sa sofa kaya nagdikit siya sa bag nito nang post it na may nakasulat na 'Good luck' sa knapsack ng kuya nya.
Paglabas nya ay dumiretso siya sa briefing room kung saan inilatag at ipinaliwanag ang misyon nila. Bumalik siya sa kwarto nya para kunin ang knapsack nya at hindi nya napansin na nawala na gamit ni Ren. Makaraan ang dalawang araw ay bumalik sa base ang tatlo para sa phase two ng misyon nila.
Kasabay sina Mike at Drew nagtungo si Ricky sa Portal Room kung saan sila ide-deploy papunta sa Ark District. Pagpasok na pagpasok pa lang ay gumapang na ang kaba at takot sa dibdib ni Ricky kaya napatigil siya.
"Are you ok?" tanong ni Drew na napansin na kinakabahan si Ricky.
"Oo," pagsisinungaling ni Ricky.
"Ito nga pala ang una mong pagkakataon na gagamit ulit ng portal system," wika ni Drew na naalala.
"I don't know why pero parang nagawa ko na ito pero hindi ko talga maalala," ani Ricky na nakaramdam ng matinding kaba, "Hindi ko maintindihan pero parang nangyari na ito dati, hindi ko maalala kung saan."
"Ayos ka lang?" tanong ni Mike na nag aalala.
"A-ayos lang. Pasensiya na po sa delay," sabi ni Ricky na pumasok sa kwarto
"We usually use this method pag kelangan naming magtungo sa LeValle at mga rehiyong nito na walang nakakapansin. Isang teknolohiyang ipinagkaloob sa atin ng LeValle. Pinakamabilis at pinakaepektibo," paliwanag ni Anton, "Katulad din ito ng sistema na ginagamit natin dito ss daigdig kapag nais nating magpunta sa ibang rehiyon sa kalawakan. Sa sistemang ito mas mabigat ang "pull" at consequence sa katawan kaya madalang pa itong gamitin ng mga sibilyan. May teleport systen din sa LeValle pero nais naming portal system ang gamitin nyo sa pagpasok at paglabas."
"Pero mapanganib din dahil maari kang maipit sa time stream at magkahiwa-hiwalay," susog ni Drew, "Kakaunti pa lang ang may access sa portal system kaya kakailanganin nyong maglakbay patungo sa Valle military base para makabalik dito," dugtong pa nito.
"Sige po," anang tatlo.
"Be careful boys, medyo mahigpit pa ang security dahil nililinis pa ng resistance at mga tauhan ng kaharian ang Greems sa Ark. Kababawi lang ng Ark mula sa Greems. Good luck and Godspeed," bilin ni Anton.