Ilang saglit pa ay may nagdoorbell. Tumayo si Ricky para buksan ang pinto samantalang dinampot ni Ren ang mangkok nya ng ginataan at paper bag nya ng libro. Nilagay nya ang mangkok sa lababo at ang mga libro sa kitchen counter. Bumalik siya sa refrigerator para kumuha ng tubig inumin bago tuluyang bumalik sa salas.
"Maupo po kayo," anyaya ni Ricky.
Saktong pumasok si Ren sa salas at umupo sa handrest ng sofa kung saan nakaupo si Ricky.
"Magandang hapon po," bati ng dalawang bagong dating na tatayo pa sana para magbigay galang kay Ren.
"Maupo na po kayo, Doc," tugon ni Ren.
"Kamusta na Ricky?" usisa ni Doc Santi.
"Ok naman po," wika ni Ricky na ngumiti.
"Si Doc Chris nga pala. Isang paychologist natin dito sa base. Nabanggit ni Kuya Ren mo na madalas ka daw nananaginip ng masama causing you to loose sleep. Hindi maganda iyon for your recovery kaya nagpasiya kami na subukan mo ang hypnosis para maintindihan mo ang mga panaginip mo," paliwanag ni Doc Santi.
"Gagana lang ito kung willing kang maki-cooperate," dugtong ni Chris.
Lumingon si Ricky kay Ren na humihingi ng paniniguro at permiso. Hinawakan lang ni Ren sa balikat si Ricky at tumango. Tumingin si Ricky sa dalawang doktor at tumango.
"Well let's get started," ani Chris.
Pinalipat nya sa mahabang sofa si Ricky, at doon pinaupo. Sinimulan ni Doc Chris ng calming exercises si Ricky hanggang ma-hypnotize na nya.
"Ok, subukan natin. Magsimula tayo sa basics. Anong pangalan mo?" tanong ni Doc Chris.
"Ricky dela Cruz," sagot ni Ricky na nakapikit.
"Ok Ricky, we will travel back through time parang time machine. We will start by travelling back three months ago. Nasaan ka ngayon?" tanong ni Chris.
"Beach po labas ng base," sagot ni Ricky.
"What are you doing there?" tanong ni Doc Chris.
"Sketching. Watching the sun going down calms me down po. Napakapayapa ng pakiramdam habang nanonood ng mga alon," tugon ni Ricky.
"Good. Now we are going back a little farther. We are going back a year ago. Nasaan ka?" tanong muli ni Chris.
Hindi sumagot si Ricky pero napansin ni Santi na na medyo na-agitate si Ricky.
"Ricky naririnig mo kami? Nasaan ka?" tanong ni Chris.
"Isang gubat! Kailangan kong lumayo," sagot ni Ricky.
Kinuyom ni Ricky ang kanyang kamay na nagsimulang manginig. Bumilis ang hinga ni Ricky na tila hinahabol.
"Something is wrong. Doc, anong nangyayari?" lapit ni Ren kay Ricky na nag-aalala.
Tumango si Santi na hinawakan ang pulsuhan ni Ricky to check his pulse rate.
"Pulse is rapidly increasing, Doc Chris," nababahalang wika ni Santi.
"Ricky, talk to us. Where were you? " tanong ni Chris.
"No. Please stop. No... No..." samo ni Ricky na tila pinipigilan ang sarili.
"Ricky!" tawag ni Ren kay Ricky.
"Ang ulo ko! Ang sakit! Tulungan nyo po ako. Ang sakit!" daing ni Ricky na humawak sa noo nya.
"Hindi pwede ito. Impossible!" wika ni Chris.
"Okay Ricky. We are going back to the present. Try to relax, you will rest for five minutes then wake up. Relax," utos ni Chris.
Nang kumalma si Ricky ng kaunti ay humarap si Chris kay Ren.
"I'm sorry Sir pero I think we cannot access his memories. Nakapagtataka pero parang vault na naka-lock ang mga iyon. Hindi natin pede pilitin dahil may possibility na ikasama ng pag-iisip nya yun. Maaari nya iyong ikabaliw. Triggers na lang po ang pwedeng magbalik noon sa kanyang alaala," paliwanag ni Chris.
"Thank you po for trying, Doc Chris," sabi ni Ren na napabuntong-hinga.
Ilang sandali pa napansin nila si Ricky na gumalaw at nagising. Dahan-dahan siyang bumangon hawak ang ulo niya at umupo sa sofa. Kaagad pumunta si Ren sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Pagbalik nya inaalalayan si Ricky ni Doc Chris na katabi nito. Lumapit si Ren kay Ricky at inabot ang baso ng tubig. Halos mabitawan ni Ricky ang baso kaya nilapag ni Ren ito sa lamesita.
"Are you ok, Ricky?" tanong ni Ren na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Napakasakit po nang ulo ko, Kuya. Para pong binubutas ang ulo ko," sagot ni Ricky na napakagat sa labi nya.
"I'm going to administer a sedative to you later para makapahinga ka. Tumawag na ako sa Infirmary para madala yun dito. Kaya sit back and try to relax," wika ni Santi.
Sumandal si Ricky sa sofa. Tinabihan siya ni Ren na hinilot ang ulo nito. Maya-maya pa ay dumating si Anton dala ang sedative. Hinatid ni Doc Santi si Ricky sa kwarto nito bago tinusok kay Ricky ang pampakalma. Nagpaalam ang dalawang doktor kina Ren at Anton.
"Kamusta si Ricky?" tanong ni Anton.
Napabuntong hininga si Ren.
"Wala pa rin. Dumadalas ang pagsakit ng ulo nya nitong nakaraang araw," sagot ni Ren na malungkot.
Napansin ni Anton ang pag-aalala ni Ren. Pinatawag si Ren para sa isang assignment mula kay General Santiago. Habang pabalik ay napansin ni Anton na malalim ang iniisip ni Ren.
"Ayos ka lang ba? Masiyadong malalim ang iniisip mo," wika ni Anton.
"Hindi naman," ani Ren.
"Si Ricky ba?" tanong ni Anton.
"Napapadalas na ang mga sakit ng ulo nya. Nangangamba ako sa kalagayan nya. Kung magtutuloy ito, tatanggihan ko ang misyong ito," paliwanag ni Ren sa kaibigan.
"Mahalaga ang misyon mo, Ren. Nakakalalay sa magiging papel mo ang kinabukasan ng kaharian ng LeValle," ani Anton.
"Nauunawaan ko iyon pero nangangamba ako sa kalagayan nya," katwiran ni Ren.
"Pag-isipan mo munang mabuti. Mahalagang makakuha tayo ng impormasyon kay Ricky sa LeValle. Alam ko na napalapit ka na kay Ricky. Huwag mo siya masiyado alalahanin. Ako ang bahala sa kanya. Hindi ko siya pababayaan," paniniguro ni Anton.
"Alam ko kaya nga nagdadalawang-isip ako. Hayaan mo muna akong pag-isipan yon." sagot ni Ren.
"Ok, Commander. May dalawang araw pa sa inyong pasiya," sabi ni Anton.
Kinagabihan, lumabas si Ricky sa kwarto nya para kumuha ng isang basong tubig. Napansin nya na bukas pa ang ilaw sa opisina ni Ren kaya kumatok ito bago sumilip.
"Pasok!" sabi ni Ren na nakatutok sa laptop nya.
Dala ang isang tray na may basong juice at sandwich, pumasok si Ricky at nilapag iyon sa lamesa ni Ren.
"Ricky! Salamat. Bakit gising ka pa?" tanong ni Ren.
"Kumuha lang po ako ng tubig. Napansin ko po na bukas pa ilaw sa opisina mo. Naisip ko po na baka nagugutom na kayo. Kayo po bakit di pa kayo natutulog, kuya?" tanong ni Ricky.
"Tinatapos ko lang ang paper works ng mga nakaraang misyon ko. Matutulog na rin ako," ani Ren.
"Kuya, nabalitaan ko po na may misyong ibinigay sa'yo pero hindi mo pa tinatanggap,' ani Ricky, "Sa pagkakaalam ko, ito ang unang pagkakataon mong tatanggi sa isang misyon."
"Hindi pa naman ako sumasagot pero pinag-iisipan ko pa lang kung tatanggapin ko. Lalo na sa sitwasyon ngayon," wika ni Ren.
."Narinig ko po na balak nyong tanggihan ang misyon dahil sa akin. Pasensiya na po kayo kung inililihim ko ang mga nararamdaman kong sakit. Nabalitaan ko na po last week pa na kayo ang ikinokonsidera sa assignment nyo," seryosong wika ni Ricky, "Ang kinatatakot ko kaya nagsinungaling po ako ay ipagpaliban nyo yun. Alam.ko po kung gaanong kahalaga ang assignment na ito para sa LeValle. Huwag nyo po akong alalahanin, kaya ko po sarili ko."
"Inaalala ko lang ang kalagayan mo. Kapatid na ang turan ko sa'yo at hindi ako manginhiming tanggihan ang mga misyon kung kalagayan ng mga taong mahal ko ang kapalit," katwiran ni Ren.
"Salamat po sa pag-aalala nyo at pagturing nyo sa akin bilang kapatid. Nakikiusap po ako kuya na huwag mo tanggihan ang misyon. Naniniwala akong ikaw lang ang makakagawa ng misyong ito ng matagumpay," pakiusap ni Ricky kay Ren.
Napaisip si Ren.
"Hayaan mo pag-iisipan ko yan. Salamat," ani Ren,"Sige na magpahinga ka na at susunod na ako."
"Good night po," sabi ni Ricky na lumakad palabas ng kwartong iyon.
"Good night," bati pabalik ni Ren na muling hinarap ang laptop nya.
Napaisip si Ren at bumalik sa ginagawa nya. Napalingon siya sa dalang tray ni Ricky. Dinampot nya ang baso bago humigop ng juice at kinagatan ang sandwich.
Lumipas ang ilang araw, halos hindi magkatagpo sina Ricky at Ren dahil sa sobrang abala sa loob ng base. Isang umaga, nagulat si Ren paglabas ng kwarto nya ay nakahain na ang almusal nila ni Ricky.
"Good morning Kuya," bati ni Ricky.
"Good morning. Ang aga mo ah! Naunahan mo ako," bati pabalik ni Ren na umupo sa harap ng lamesa nila sa kusina.
Nangiti si Ricky at umupo sa upuan nya sa lamesa.
"Maaga lang po akong nagising," ani Ricky.
"Nightmare?" tanong ni Ren.
Pilit mang itanggi ni Ricky ay alam nyang tama ang hula nya.
"Hindi ka na naman uminom ng sleeping pill kagabi?" usisa ni Ren.
"Sinubukan ko lang po na lumiban kasi sumasakit ang ulo ko pagkagising kapag umiinom ako noon," wika ni Ricky.
"Pumunta ka kay Doc Santi mamaya para mapapalitan ang sleeping pills mo. Mukhang hindi iyan hiyang sa'yo. Kulang ka na naman sa tulog," payo ni Ren.
"Magtutulog po ako mamaya," ani Ricky.
"You have a mission with Mike and Drew. You will be going to help sa isang rescue mission mamayang bukas. You will be given instructions mamayang gabi. You will be scouting the area as well. Hot zone ang papasukin nyo kaya mag-ingat kayo," wika ni Ren.
"Opo. Baka po late na ako makabalik mamaya may taekwondo evaluation po kasi kami mamaya," paalam ni Ricky.
"May meeting ako sa HQ mamaya. I could pick you up later movie date and sa labas tayo maghapunan. Is it ok with you?" tanong ni Ren.
"Sure po," sagot ni Ricky na napangiti.
"Sorry kung hindi kita naaasikaso nitong mga nakaraang araw. I need to prepare things before I go," ani Ren.
"Tutuloy ka, Kuya?" tanong ni Ricky.
Tumango si Ren.
"Mabuti naman po," ani Ricky
"Mukhang matatagalan kasi ulit bago tayo makalabas kaya ngayon pa lang uumpisahan ko ng bumawi sa'yo. Tumaas na sa red alert ang status natin dahil sa LeValle," paliwanag ni Ren habang kumakain.
"Ano pong nangyari sa LeValle?" tanong ni Ricky na nabahala.
"Natagpuan na ang prinsesa. Nabuhayan ng loob ang protectors ng Sentro. Nalaman na ito ng mga Greems kaya pinipigilan nila na makabalik ang prinsesa sa Sentro," paliwanag ni Ren.
Mapayapa namumuhay ang kaharian ng LeValle sa isang rehiyon sa isang daigdig na katulad ng Earth. Sentro ang LeValle ng kapangyarihang political, ekonomikal at literal na kapangyarihan sa Orion Region. Ang LeValle ay isang kaharian na may mga mamamayang may kakaibang kakayahan. Payapang namumuhay ang mga mamamayan nito sa pamumuno ng Hati nito. Ang Greems, katulad ng LeValle, ay may ganito ring katangian ngunit nangingibabaw ang kapangyarihan ng Phoenix Stone sa buong rehiyon. Dahil sa paghahangad na maging pinakamalakas at pinakamakapangyarihan, ninais ng hari nitong si Juno, isang salamangkero ng itim na mahika na masakop ang LeValle at makontrol ang Phoenix Stone. Biglang inatake ng Greems ang kaharian ng LeValle para sakupin mag-iisang taon na ang nakaraan. Ang Greems, ang mga arch enemies ng LeValle. Nakontrol ng Greems ang South at West sector ng LeValle dahil sa mahuhusay nilang assassins. Sa gitna ng digmaan inutos ng hari ang palihim na pagtakas ng kanyang pamilya - ang prinsipeng panganay na tagapangalaga ng Phoenix stone, ang kambal nilang prinsipe at ang prinsesa. Ayon sa balita, natunugan ang pagtakas ng mga tagapamana kaya hinabol sila ng Greems para patayin. Walang nakakaalam kung nakatakas nga ang mga prinsipe at prinsesa dahil naputol lahat ang komunikasyon sa Sentro, hanggang sa dumating ang balitang ito.
"Iyon po ba ang misyon nyo?" tanong ni Ricky.
Tumango si Ren. Kilala kasi si Ren bilang isa sa pinakamatinik na undercover security detail para sa mga VIP kaya sa bata nyang edad ay narating nya ang pagiging colonel. siya ang madalas na inire-request ng mga high profile guest dahil bukod sa husay nito sa trabaho ay magaan itong kasama.
"Kailan po ang alis nyo?" tanong ni Ricky.
"Wala pang tiyak na araw," ani Ren.
"Ingat po kayo," bilin ni Ricky.
Tumayo na si Ricky para ligpitan ang pinagkainan nya pero pinigilan siya ni Ren.
"Ako na. Go! Baka malate ka sa school nyo," wika ni Ren na niligpit din ang pinagkainan nya.
Tumingin ng nagdadalawang-isip si Ricky.
"Sige na," ani Ren.