3

2319 Words
   Ilang buwan ang nakalipas at normal na namuhay si Ricky sa base.   Hindi siya nahirapan sa pag-aadjust sa schedule nya sa base at pag-aaral. Nagulat ang lahat ng ka-batch nya na sa loob ng ilang linggo ay nakasabay at umangat si Ricky sa flight and combat training nila.     A semester later…   Sa paaralan, sa kwarto ng Student Body Organization ng kolehiyo nila ay nag-aasaran ang tatlo habang break nila. Dumating ang isang babae na umupo sa tabi ni Drew na may dalang folder na nilapag sa harap ng lamesa.   "Guys pinabibigay ni Sir Ely para daw dun sa project natin sa SB," wika ni Jaycee.   "Thanks. Kanina ko pa iyang hinihintay," tugon ni Ricky na binuklat ang laman ng folder.   Sinimulan nyang basahin ang laman ng folder para sa detalye nito.   "Iyan ba ang collab project na sinasabi mo sa akin noong isang araw?" tanong ni Drew.   "Oo. Hinintay ko lang aprubahan ni Sir Ely bago ko simulan," ani Ricky habang binubuklat ang papel sa loob ng folder.   Walang anu-ano ay biglang may narinig si Ricky na isang kakaibang tunog. Napapikit si Ricky dahil sa tunog na iyon. Tila feedback ang tunog na nakakatulig at nakakatuliro.   "Are you ok, Ricky?" tanong ni Jaycee na nag-alala ng mapansin ang reaksyon ni Ricky.   "Did you hear that?" tanong ni Ricky na nagtakip ng kanang tenga.   "Hear what?" tanong ni Jaycee na nagtaka.    "Wa-wala. Guni-guni ko lang siguro," palusot ni Ricky na hindi pinansin ang tunog.   Pumikit siya pilit na sinubukang balewalain ang tunog. Pagmulat ng mata ay tila nagbago ang kilos ni Ricky.   "Are you sure your ok, Ricky?" usisa ni Drew na may halong pagkabahala ng mapansing may nabago sa kilos ni Ricky.   Hindi kumibo si Ricky. Tumayo ito at lumabas ng kwarto.   "Where are you going?" tanong ni Jaycee.   Hindi siya pinansin ni Ricky na naglakad palayo.   "Ric! Anong problema nun?" takang tanong ni Jaycee.     Nabahala si Drew kaya sinundan nya si Ricky. Naglakad si Ricky papunta sa kalapit na forest park ng gusali nila. Tumigil siya sa may liblib na lugar malayo sa tambayan ng mga estudyante. Nagulat si Drew ng may lumabas na isang assassin. Nagtago sa likod ng isang puno sa di kalayuan sa pwesto ni Ricky.   "Assassin? Anung ginagawa nya rito? Si Ricky!" sabi sa sarili nya na magpapakita sana para tulungan si Ricky pero natigilan siya nang nagsalita ang kaibigan.   "Imura!" banggit ni Ricky sa pangalan ng assasin.   Nag-usap ang dalawa sa ibang lengwahe bago tuluyan naintindihan ni Drew na Vallian language ang ginagamit ng dalawa. Umatake ang assassin kay Ricky na nilabanan naman nito ng mano-mano. Namangha si Drew sa husay nito sa pakikipaglaban. Kitang-kita ang lamang ni Ricky sa bilis at lakas pero napaatras ito ng biglang sumakit ang ulo nito at napaluhod. Susugod na sana si Drew para tulungan siya ng biglang may isang pana na tumama kay Imura sa dibdib. Nabuwal ang kalaban bago tuluyang naglaho. Nilapitan ng archer na umatake kay Imura si Ricky at kinamusta.   "Lumabas po kayo dyan. Kailangan ko po ng tulong nyo," tawag ng lalaki kay Drew.   Lumapit si Drew sa dalawa at tiningnan si Ricky. Napansin nya na wala pa rin ito sa sarili.   "Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Drew sa archer pero pagtingin nya ay nawala na ito.   "Ricky, Ricky," tawag ni Drew kay Ricky.   Halos matumba ang kaibigan kaya hinawakan nya ito sa balikat para alalayan. "Ricky? Are you ok?" tanong ni Drew.   "I'm ok, Drew. Nasaan tayo?" tanong ni Ricky sa kanya na dahan-dahang tumayo habang inaalalayan ni Drew.   "Can you remember anything? Nasa forest park tayo," sagot ni Drew.   "No. The only thing I can remember is we are at the SBO room, tapos ang ingay na iyon," ani Ricky.   "Ok. Mabuti pa I'll bring you to the clinic," sabi ni Drew na makikitaan ng pag-aalala sa mukha nya.   "Hindi na. I'm ok, a little dizzy but it is passing now. Please don't tell, Kuya Ren. Mag-aalala yun," pakiusap ni Ricky.   "Only if you go to the clinic to let yourself be checked. Masiyado ka na kasing na-stress lately. Sabi ni Doc Santi na bawal sa'yo ma-stress," sagot ni Drew habang inaalalayan nya si Ricky pabalik sa building nila.   "Ok. Deal. Thanks," wika ni Ricky.   `Pagbalik nila sa building, nakasalubong nila sina Mike at Jaycee.   "San kayo galing?" tanong ni Jaycee na napansin na inaalalayan ni Drew si Ricky.   "What happened? Are you alright, Ricky?" tanong nito.   "A little headache lang, medyo nahihilo lang ako. Don't worry I'll be fine," sagot ni Ricky na pinilit ngumiti para maiwasang mag-alala ang dalawa.   Nagkatinginan sina Drew at Mike, at tumango si Mike.   "Hatid ko lang ito sa clinic. Mauna kayo ni Jaycee, pakisabi kay Miss May," wika ni Drew.   "Ok," sagot ni Mike na tinapik si Ricky sa balikat.   Tumango lang si Ricky. Habang naglalakad papunta sa clinic ay tahimik ang dalawa.   "Are you sure na ok ka lang? Still having nightmares?" tanong ni Drew.   Natuklasan ni Drew ang tungkol sa mga panaginip ni Ricky nang minsan ay nakasama siya sa isang speaking engagement ni Ren at kinailangan nilang tumigil sa isang kwarto sa isang hotel. Noong gabing iyon, narinig nya na sumisigaw si Ricky at umuungol. Kaagad nya itong ginising at tinanong ang nangyari.   Tumango si Ricky.   "I still can't remember or understand my dreams," sagot ni Ricky na halatang frustrated na.   "Naalala mo ba kung ano nangyari kanina?" usisa ni Drew.   "Wala talaga, bro. Hindi ko talaga maalala. Ano bang nangyari?" tanong ni Ricky.   "Nawala ka sa sarili mo at lumabas ka ng SBO office. Pumunta ka sa forest park mag-isa kaya sinundan kita," kwento ni Drew.   "Hindi ko talaga maalala," asar na wika ni Ricky.   "Huwag mo pilitin 'tol. Darating yan. Lalo ka lang nahihirapan pag masiyado kang nag-isip," payo ni Drew.   Pagdating sa clinic ay kaagad siyang sinuri ng nurse at sinabihan na magpahinga. After ng isang period, bumalik na sina Ricky at Drew sa classroom nila. Pagdating doon ay wala pa ang professor nila kaya umupo sila sa tabi ni Mike.   "Ayos ka na?" tanong ni Mike.   Tumango si Ricky na kinagat ang pendant ng kwintas nya. Basa na ng dalawa na nila ang habit ni Ricky na iyon. Ginagawa nya iyon tuwing nag-iisip siya ng malalim. Tinapik nya sa likod si Ricky.   " 'Wag mo damdamin yun. Mahal ka nun!" pabirong wika ni Mike.   Natawa si Ricky at binatukan si Mike.   "Ikaw talaga. Salamat," ani Ricky na napangiti.   Pumasok sa room ang professor nila at nagsimula ang klase. Lumipas ang oras at natapos ang klase. Palabas na sila ng campus nang tumigil ang isang kotse sa harap nila.   "Sakay na," yaya ni Ren na ibinaba nag bintana sa passenger side.   Sa pumasok ng apat sa kotse. Si Ricky sa passenger side habang nasa likod ang tatlo.   "How's school?" tanong ni Ren.   "Fine, Kuya. We are on our way home na po," sagot ni Ricky.   "Sabay na kayo. May binili lang ako sa bookstore," sabi ni Ren na kinambyo ang kotse para umandar.   "Tinakasan mo na naman Kuya ang security detail mo," natatawang wika ni Drew.   "Oo, hindi na kasi ako makahinga sa kanila. Alam mo naman na hindi ako sanay na may escort," ani Ren.   "Kuya, nag-aalala lang po si papa sa inyo. Alam nyo naman po ang sitwasyon ngayon. Masiyado mapanganib para sa'yo," paliwanag ni Jaycee.   Pagdating sa gate ng base ay saglit silang tumigil sa checkpoint bago tuluyang pumasok. Pagtigil nila sa garahe, nakita nilang nakabantay na si Anton sa driver side ng kotse ni Ren. Pagbaba nila ay kaagad itong nagsalita.   "Sir they are looking for you everywhere. Kung hindi pa kayo makikita sa loob ng ilang minuto baka magpalabas na sila ng searching team para hanapin ka," natatawang wika ni Anton na napapailing.   "Ang OA talaga nila. Paki-inform sila na andito ako sa garahe may inaayos lang," wika ni Ren.   Paglabas ng apat sa kotse,   "O, nandito na pala kayo. Mabuti naman. Magbihis na kayo at hinihintay kayo ni Nana. Nagluto siya ng ginataan at muntik na kaming mapugutan ng ulo nang sinubukan naming ubusin. Pinagtira nya kayo, lalo ka na Ricky dahil alam nyang paborito mo 'yun," ani Anton na pumasok na pabalik sa mga opisina.   "Love na love ka talaga ni Nana," pabirong sabi ni Mike kay Ricky na sabay akbay.   Namula ang mukha ni Ricky na napakamot sa ulo   "Sino ba ang makakatangi sa sarap nyang magluto?" dugtong ni Jaycee na nakangiti.   Sumenyas palihim si Drew kay Mike na may sasabihin siya kay Ren. Pasimpleng tumango si Mike kay Drew.   "Halika na Ricky. Let's not keep Nana waiting. Nagugutom na ako," wika ni Mike.   "Sige na mauna na kayo sa Commissary. Ilalagay ko lang ang mga gamit ko sa kwarto," wika ni Ren.   Nauna nang pumasok sina Ricky, Jaycee at Mike. Nang makalayo sila ay,   "Kuya o," wika ni Drew na may hinagis na bagay papunta kay Ren na kaagad naman na nasalo.   Tiningnan ni Ren ang bagay na iyon. Isang token na ginto. Naging seryoso ang mukha nya.   "Naulit na naman ba?" tanong ni Ren.   Tango lang ang sinagot ni Drew.   "Ayaw po nyang malaman mo dahil ayaw ka nyang mag-alala. Wala naman po siyang maalala pagkatapos ng episode na iyon," ani Drew.   "Nakakabahala na ang nangyayari. Ipatawag mo kay Doc Santi si Doc Chris, ang psychologist baka makatulong kay Ricky. Ipa-schedule mo siya later para sa isang session. Ako na ang bahala magsabi kay Ricky," utos ni Ren.   "Oo kuya. Daanan ko po siya mamaya. Sige po palit lang po ako ng damit." paalam ni Drew.   Pagdating ni Ren sa kwarto nila ni Ricky ay nakita nya ang binata sa may salas na kagat-kagat ang pendant ng kwintas nya habang sinusuri ang isang dokumento.   "O, anu yan? Ang lalim ng iniisip mo ah?" tanong ni Ren.   Hindi kumibo si Ricky kaya tinapik siya ni Ren sa balikat na pabiro.   "Masiyadong seryoso ah," biro ni Ren kay Ricky.   Napalingon si Ricky kay Ren at inalis sa bibig nya ang pendant.   "Sorry po, hindi ko kayo napansin. Pinadalhan ka ni Nana ng ginataan Kuya. Alam nyang gusto mo rin matikman iyon. Nilagay ko po sa counter," ani Ricky na tinuloy ang binabasa nyang dokumento.   Binaba ni Ren sa sofa katabi ni Ricky ang dala nyang paper bag at pumunta sa counter sa kusina kung saan naroon ang isang mangkok ng ginataan. Kumuha siya ng kutsara sa isang cabinet at tinikman ang ginataan.   "Masarap talaga," sabi nya na binuhat ang mangkok, pumunta sa salas at umupo sa tabi ni Ricky habang kinakain ang ginataan.   "Ano ba yang binabasa mo? Tila hindi kita maabala, " usisa ni Ren na binaba ang kinakain nya sa lamesita at kinuha ang isang papel.   Binasa nya pahapyaw ang nakasulat dito. Makaraang makita ang data ay binab nya muli ito.   "Reports po mula sa LeValle. Status report po ng labanan at defense support po. Pinababasa po sa amin para pag-aralan ang possible strategy na pwedeng gamitin para makatulong sa paghahanap ng mga kasamahan ng ating pwersa dun," wika ni Ricky.   "And? What have you learned?" tanong ni Ren na dinampot muli ang mangkok at sumubo ng ginataan.   "Kung nasakop na po ng pwersa ng kalaban ang paligid. Tanging ang kapitolyo na lang ang hindi pa nila nagagawang sakupin. Eventually aatakihin uli nila ang sentro sa tamang pagkakataon. May koneksyon po siguro ang nawawalang royalties para hindi panghinaan ng loob ang mga bumabawi sa mga distrito na nakapaligid sa kapitolyo. Siguro po nararamdaman nila na buhay pa ang mga ito, matapos na matagpuan nila ang bunsong prinsesa na buhay at malusog," wika ni Ricky.   "Nice observation. Good job," wika ni Ren na binaba muli ang mangkok.   "Kailangan nilang magkaisa para mapatatag at mabawi ang mga distritong apektado. Kailangan ding mapatatag ng hari ang mga alyansa nya," dugtong ni Ricky.   "Maaagawan mo na ako nang trabaho hahaha," pabirong wika ni Ren na hinead lock habang ginulo ang buhok ni Ricky.   "Kuya naman!" ani Ricky na pilit umalpas kay Ren.   Inalpasan naman siya ni Ren.   "By the way, you have a session with Doc Chris. He will be dropping by any minute now kasama si Doc Santi. Masiyado na akong nag-aalala sa mga panaginip mo. Hindi ka na nakakapahinga nang maayos," ani Ren.   "I'm ok. Masiyado lang po kasing nagkasunud-sunod ang mga projects ng SB sa school kaya ganoon. Ayos lang po ako," ani Ricky.   "I'm also planning to lessen your airtime at training time para makapagrelax ka," wika ni Ren.   "Kuya, yan ang huwag mo gagawin please. Huwag ka masiyado mag-worry, I'm ok. Pasensiya na po kung masiyado kayo nag-aalala sa akin," ani Ricky na lumapit at umakbay kay Ren.   Naging malapit si Ren kay Ricky magmula ng matagpuan siya nito. Dahil sa ulila na si Ren sa magulang at kapatid si Ricky ang itinuring nyang bunsong kapatid kaya minsan ay overprotective ito.   "Mami-miss kita. Ide-deploy nila ako sa defense ng LeValle siguro in two weeks time. Medyo matatagalan bago ulit tayo magkikita. Alagaan mo ang sarili mo dito," bilin ni Ren.   "Kuya naman. Huwag kang ganyan, magkikita pa tayo, tatlong buwan lang naman yang assignment mo. Mabilis lang ang tatlong buwan," ani Ricky.   "Magpakabait ka dito. Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo si Kuya Anton mo," bilin ni Ren.   "Yes Boss," ani Ricky.   Umakbay pabalik si Ren kay Ricky na hinigpitan nya ng kaunti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD