LESSON 13 “From Past To Present”

2446 Words
            ISANG magandang babae na nakasuot ng school uniform ang nakita niya nang umakyat siya sa rooftop ng isang school building ng umagang iyon. Hindi niya kilala ang naturang babae pero nararamdaman niya ang koneksiyon niya dito. Nakaharap ito sa kaniya at tigam ng luha ang mga mata. “Sino ka?” Iyon ang una niyang naitanong dito. Hindi siya sinagot ng babae. Patuloy lang ito sa paghikbi. Gusto pa sana niya itong kausapin ngunit tumalikod na ito sa kaniya at mabilis na naglakad papunta sa may gilid ng rooftop. Mula sa bag nito ay naglabas ito ng lubid. Sumilip pa ito sa ibaba bago itali ang dulo ng lubid sa bakal na railings sa gilid ng rooftop. Malakas na sumigaw ang babae. Ramdam niya ang samu’t saring negatibong emosyon sa pagsigaw nito. Galit, poot at lungkot. Ang kasunod na ginawa nito ay itinali nito ang kabilang dulo ng lubid sa leeg nito. Doon na siya kinabahan dahil alam niyang balak nitong magpakamatay. “Sandali—” Tatakbuhin niya sana ang babae upang pigilan ito nang may maramdaman siyang malamig na kamay na humawak sa kaniyang kaliwang braso. Pagtingin niya sa kaniyang gilid ay nakita niya si Helga. “Hindi mo siya dapat pigilan,” malamig nitong sabi na may kasamang pag-iling. “P-pero magpapakamatay siya,” aniya. “Tatapusin niya ang sarili niyang buhay!” “Ang kamatayan ay maaaring katapusan para sa iba ngunit iba sa kaniya. Ang kamatayan niya ay simula lamang. Tatapusin man niya ang kaniyang buhay ngunit iyon ay paraan lamang upang magawa niya ang kaniyang paghihiganti.” Isang nakakatakot na ngisi ang rumehistro sa labi ni Helga. Kasunod niyon ay ang malakas na pagsigaw ng babae. “Hindi dito natatapos ang lahat! Babalikan ko kayong lahat. Iisa-isahin ko kayo! Wala akong ititira! Babalikan ko kayo!!! Isinusumpa ko! Babalikan ko kayong lahat!” Punung-puno ito ng poot. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit ng babae pero nagtataka siya kung bakit parang nararamdaman niya iyon ngayon. Pakiramdam niya ay… iisa sila! Ipiniksi niya ang braso upang makawala sa pagkakahawak ni Helga. “Kailangan ko siyang pigilan!” Nang makawala ay agad siyang tumakbo patungo sa babae. Umaasa siya na magagawa pa niya itong iligtas sa tangkang pagpapakamatay. Hindi man niya ito kilala ay gusto pa rin niya itong iligtas. Ngunit nang halos aboy-kamay na niya ang babae ay bigla naman itong tumalon mula sa rooftop habang may nakataling lubid sa leeg!   “HUWAAAG!!!” Napabalikwas ng bangon si Olive mula sa isang masamang panaginip na iyon. Nagbubutil ang pawis sa kaniyang noo at hinihingal siya na para bang tumakbo siya ng maraming oras. Nanlalaki ang kaniyang mata habang bahagyang nakaawang ang bibig. Sa hitsura niya ay parang hindi niya kayang maka-recover mula sa kaniyang napanaginipan. Para kasing totoong-totoo iyon. Simula doon sa babae, sa lugar at sa emosyon na nararamdaman niya—lahat ay parang totoo. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isipan niya ang hitsura ng babae. Halos magkasing-taas at magkasing-katawan sila nito. Parehas silang medyo balingkinitan. Pati ang edad nilang dalawa ay parang hindi nagkakalayo. Meron itong maganda at maamong mukha. Ang buhok nito ay hindi ganoon kahaba. Halos hanggang batok nga lang iyon. “O-olivia?” Kusang lumabas iyon sa bibig ni Olive. Mariing ipinikit ni Olive ang mata upang maiwaglit ang imahe ng babae sa kaniyang utak. Nang ibukas niyang muli ang kaniyang mga mata ay napatingin siya sa pinto ng kaniyang kwarto. Nanlabo bigla ang kaniyang paningin ngunit naaaninag niya na unti-unting bumukas ang pinto at isang babae ang nakita niyang nakatayo sa may bungad ng pintuan. Nanlaki ang mata niya nang tila kabulto ng babae sa panaginip niya ang babaeng nakatayo doon! Malabo pa rin ang kaniyang mata. Mabilis na naglakad ang babae palapit sa kaniya. Dinig na dinig niya ang malalakas na yabag ng paa. Nakaramdam si Olive ng panganib kaya napasiksik siya sa headboard ng kaniyang higaan. “Huwag! `Wag kang lalapit!” nahihintakutan niyang sambit habang papalapit ang babae sa kaniya. At isang malakas na sigaw ang kumawala sa lalamunan niya nang hawakan siya nito sa kamay. “Olive! Ako ito. Ang daddy mo!” Boses iyon ng isang lalaki at hindi babae. Tila nahimasmasan si Olive nang marinig ang tinig ng daddy niya. Huminto siya sa pagsigaw at tiningnan ito. Mukhang namalik-mata lang siya.. “Daddy?” May pagdududa niyang tanong. Sandali siya nitong iniwanan upang buksan ang ilaw. Nang bumaha ang liwanag sa kaniyang silid ay nasiguro niyang ang daddy nga niya ang babaeng iyon. Bumalik ito sa tabi niya. “Bakit ka pala sumigaw? Narinig kita kaya napatakbo ako dito. Are you having a bad dream again?” May pag-aalalang tanong ng daddy niya. “Yes, daddy. M-may humahabol daw sa akin at gusto akong patayin.” Pagsisinungaling niya. Hinaplos ng daddy niya ang kaniyang buhok sa likod. “Maybe random dreams… Ganiyan naman talaga ang mga panaginip. Minsan magulo at hindi natin kayang i-explain. Madalas ay wala naman talagang connection sa totoong buhay. Gusto mo bang tabihan kita sa pagtulog?” “Si tatay?” “Oh! Malaki na ang tatay mo. Makakatulog na siya kahit mag-isa!” tawa ng daddy niya. Nauna na siyang humiga at tumabi sa kaniya ang daddy niya. Yumakap siya dito at ipinikit na ang mga mata. Mas payapa siyang nakakatulog kapag katabi niya ito dahil pakiramdam niya ay ligtas na siya…           “OUR plan is to kill Olive sa mismong school trip natin, Israel. Nag-research ako sa place na pupuntahan natin at mukhang prone sa Amburayan River. Malakas ang current sa river at pwede nating palabasin na aksidente ang pagkamatay ni Olive…” Paliwanag ni Dominique kay Israel habang magkatabi silang nakahiga sa kama niya. Kapwa wala silang saplot at kakatapos lang ng kanilang p********k. May puting kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng kanilang katawan. Bumuntung-hininga si Israel. “Kailangan ba talagang mamatay si Olive?” Tumaas ang kilay niya sa tanong nito. Tumagilid siya para humarap kay Israel. “Are you telling me na magba-back out ka sa plano natin?! O baka mahal po pa talaga ang scandal girl na iyon?!” asik ni Dominique. “Alam mo, kung nagdadalawang-isip ka, ako na lang. Kaya kong gawin ito without your help!” Kumulo ang dugo niya sa sinabing iyon ng lalaki. “That’s not my point. Natatakot lang ako na baka may makaalam sa gagawin natin kay Olive.” “You have nothing to worry kung iyan ang iniisip mo. Tayong dalawa lang ang nakakaalam nito. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi ko sinabihan. This is just the two of us, Israel…” Hinaplos niya sa pisngi ang lalaki habang namumungay ang mata. “Think about it, kapag namatay si Olive ay magkukunwari kang nagluluksa. Maraming maaawa sa iyo at iisipin nila na talagang mabuti kang boyfriend.” “Paano ka?” “For the meantime, secret muna ang namamagitan sa ating dalawa. Kaya kong mag-sacrifice for you. Saka para mag-number one na ako sa Mirror. Nakakainis na two weeks nang nasa top ng Mirror ang scandal girl na `yon! I am so tired for being the second best! Kung alam lang niya, sumikat lang siya dahil sa video scandal niya. Eww!” Nandidiring itinirik ni Dominique ang mata. “Don’t worry dahil ikaw na ang first sa puso ko!” Napatili siya sa kilig. “Ang corny, ha!” “Corny pala, ha!” At mas lalong napatili si Dominique nang mabilis na pumaibabaw si Israel sa kaniya at pinaghahalikan siya sa leeg.   LABIS ang pagtataka ni Olive nang pagpasok niya kinabukasan sa school ay bukambibig ng halos lahat ng estudyante si Olivia Penelope. Kung sino ito, ano ang nangyari dito at kung paano ito namatay. Marami ang nacu-curious kay Olivia lalo na at estudyante ito dati sa kanilang school. Meron din na natatakot dahil baka daw nagmumulto ito sa school nila. May mga idinikit pa ang pangalan ni Olivia sa Killer School Girl dahil kawangis ito ni Olivia. Maging sa f*******: group ng kanilang school ay panay Olivia Penelope ang topic. May nagkalkal ng litrato ni Olivia at panay iyon ang pino-post. Nakilala si Olivia Penelope sa apple cut nitong buhok na may bangs. Parang bombang pinasabog ang pangalan ni Olivia Penelope sa Wellington High dahil halos lahat ay pinag-uusapan siya. “She was bullied. Then nagpakamatay siya sa rooftop. Tumalon siya doon with rope on her f*****g neck! And you know what happened next?” Napahinto si Olive sa pagpasok sa classroom sa narinig na kwentuhan ng mga babaeng estudyante sa tabi ng pinto ng kanilang classroom. “What?” curious na tanong ng isang babae. “Pagtalon niya ay naputol ang ulo niya!” “What?! Posible ba iyon?” “Yes. Kaya nga nangyari, `di ba? Siguro, malakas ang pwersa ng pagtalon niya. Nahila ng rope ang leeg niya then… boom! Pugot ang ulo ni ate girl ninyo!” Nagtawanan ng malakas ang mga naroon. Ikinuyom ni Olive ang mga kamay. Hindi niya nagustuhan na ginagawang katatawanan ang nangyari kay Olivia Penelope. Ayos lang na pag-usapan ito pero ibang usapan na kapag tila ginagawang biro ang pagpapakamatay ng isang tao dahil sa bullying. Parang kahit nasa kabilang buhay na ito ay binu-bully pa rin ito sa lupa. Matalim ang mata na lumapit si Olive sa kumpulan ng mga babae. Apat ang mga ito. Napatingin sa kaniya ang pinaka malakas na tumawa. “Uy, si Olive! Ang number one sa Mirror. Binoto kita, Ate Olive. You deserved to be on top! Pa-picture!” Inilabas ng babae ang cellphone. Nagulat ang lahat nang tabigin niya ang cellphone ng babae at tumalsik iyon sa kung saan. “OMG! My phone! Hindi na kita iboboto. Ang sama ng ugali mo!” singhal nito sa kaniya. “Kayo ang masama ang ugali! Para kayong mga demonyo! Paano ninyo nagagawang pagtawanan ang pagpapakamatay ni Olivia?!” Halos maiyak na si Olive sa sama ng loob. Siguro ay nakaka-relate siya kay Olivia dahil meron silang common denominator. Parehas silang biktima ng bullying. “Affected much? Bakit? Kamag-anak mo ba siya?!” sigaw ng matabang babae. Itinulak niya nito at napaatras siya. Doon na tuluyang naputol ang pisi ng pagtitimpi niya. Hinablot niya nang napakalakas sa buhok ang matabang babae at ang katabi nito. Pinag-umpog niya ang dalawa. Mahilo-hilong natumba ang dalawa sa sahig. Hindi pa siya doon natapos dahil sinabunutan din niya ang magpapa-picture sana sa kaniya at parang napakagaan na bagay na isinalya niya ito sa isa pang babae na sobrang payat. Parang mga bowling pins na nabangga ng bola na natumba ang dalawa. Malakas na humampas sa gilid ng classroom ang likod ng payat na babae. “Pagsisisihan ninyo ang pagtawa ninyo kay Olivia Penelope!” Parang wala na sa sarili si Olive ng sandaling iyon. Binuksan niya ang kaniyang bag at kinuha ang gunting. Ibinuka niya iyon at mahigpit na hinawakan. Nanlilisik ang mga mata na tiningnan niya ang apat na babae sa sahig. Ang naiisip niya ay pagsasaksakin ng gunting ang mga ito sa mukha! Akala mo ay mga baboy na kinakatay na sumisigaw at umiiyak ang apat. Alam na siguro ng mga ito ang gagawin niya. Ihahakbang pa lang sana ni Olive ang paa nang may humawak sa kamay niya at inagaw ang gunting. Niyakap siya nito sa beywang at hinila palayo sa mga babae. “Olive, stop!” Tila nagising siya sa isang mahabang pagkakatulog nang marinig ang boses ni Teacher Alona. Paglingon niya sa paligid ay marami na pala ang estudyanteng nanonood. Lahat ay nakatingin siya kaniya. May mga nagbubulungan at obvious na siya ang pinag-uusapan. Naroon din ang grupo nina Dominique na pinagtatawanan siya. “T-teacher… Hindi ko po sinasadya.” Naguguluhan na sabi ni Olive. Pinakawalan na siya ng guro. “Sumunod ka sa akin sa principal’s office, Olive. At kayo ring apat!” Maawtoridad nitong sabi sabay lakad paalis. Wala pa rin sa sarili na sumunod si Olive kay Teacher Alona. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit naging ganoon kalaki ang reaksiyon niya sa mga pinagtatawanan si Olivia Penelope…   “THIS could be a reason para tuluyang bawiin ang scholarship sa iyo, Olive. Kapag nakarating ito sa head master ay baka hindi maging maganda ang desisyon niya sa iyo. Ano ba ang pumasok sa isip mo at nakipag-away ka? Ikaw lang mag-isa laban sa apat na babae?” Umangat ang mukha ni Olive mula sa pagkakayuko nang sabihin iyon ni Mrs. Madrigal. Nasa principal’s office na siya at ang apat na babae na nakaaway niya. Magkatapatan sila ng upuan ng mga babae. Tanging si Teacher Alona ang nasa tabi niya. Nahihiya siya sa adviser niya dahil nakikita niya sa mukha nito na na-disappoint ito sa kaniya. Agad na nagpaliwanag si Olive. “Narinig ko po kasi sila na pinagtatawanan ang pagkamatay ni Olivia Penelope, Mrs. Madrigal,” aniya. “E, paano pakialamera ka!” singhal ng matabang babae. “`Buti sana kung kamag-anak mo pinagtatawanan namin. Hindi naman! Kung nanahimik ka na lang sana, wala tayo dito!” “Kahit na. Mali pa rin na pinagtatawanan niyo siya—” “Stop!” awat ng principal. “Olivia Penelope? Paano ninyo nalaman ang tungkol sa kaniya?” Ang payat na babae ang sumagot. “May nagpakalat ng conspiracy theory sa f*******: group ng school. Ang sabi, kamukha daw ni Olivia Penelope iyong Killer School Girl. Doon na po nag-umpisa ang pagre-research ng lahat tungkol kay Olivia.” “Sino po ba si Olivia Penelope?” singit ni Teacher Alona. “Dati siyang student dito sa Wellington High. She killed herself sa lumang school building.” Umiling-iling ang principal. “Anyway, gusto niyo ba na ipatawag ko ang guardians ninyo?” “Hindi na po, Mrs. Madrigal!” Takot na chorus ng apat na babae. “Huwag na po sana.” Mahinang sagot naman ni Olive. “Okay. Ganito na lang. Papalampasin ko ang insidenteng ito pero ang gusto ko ay mag-sorry kayo sa isa’t isa. Kaya niyo ba?” “Sorry.” Mabilis na sabi ni Olive habang nakatingin sa apat na babae. Siya na ang nauna para matapos na ang lahat. “Sorry din.” Sabay-sabay na sagot ng apat. “Sana ay hindi na ito mauulit. You may go now.” Nagpasalamat si Olive kay Mrs. Madrigal at humingi rin siya ng tawad kay Teacher Alona. Kasabay niyang lumabas ng principal’s office ang apat na babae na panay ang irap sa kaniya. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Naiwan si Teacher Alona sa office ni Mrs. Madrigal. Narinig niya na may pag-uusapan pa daw ang dalawa. Hindi na niya inalam kung ano. Inilabas niya ang kaniyang cellphone upang tawagan si Israel. Kailangan niya ngayon ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD