“I AM… p-pregnant?” Nanginginig ang mga kamay ni Carmen habang hawak ang isang pregnancy test kit. Nakaupo siya sa toilet bowl habang nakababa ang panty sa may paa.
Ilang araw na siyang nakakaramdam ng kakaiba sa kaniyang katawan. Madalas ang pagsusuka niya tuwing umaga, lumakas ang pagkain niya kaya nadagdagan lalo ang timbang niya at mas mabilis uminit ang ulo niya. Kaya nga madalas din ang pagtatalo nila ng kaniyang asawa. Hanggang sa nagkaroon siya ng hinala na baka buntis siya kaya kanina ay bumili siya ng pregnancy test kit sa pharmacy. Nang patakan niya iyon ng kaniyang ihi ay may dalawang pulang guhit na lumabas. Ibig sabihin ay buntis nga siya—tama ang kaniyang hinala.
“N-no! H-hindi na ako pwedeng mabuntis. Fifty years old na ako. Matanda na ako. A-ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko?” Hinila niya pataas ang panty at itinapon ang test kit sa trash bin.
Tumayo si Carmen. Palakad-lakad sa CR na akala mo ay hindi mapataeng pusa.
Isa pang dahilan kung bakit hindi na siya pwedeng magbuntis ay hindi na sila nagsisiping ng kaniyang asawa. Na-stroke kasi ito nang ilang beses kaya ang ibabang bahagi ng katawan nito ay hindi na nakakagalaw. Maraming taon na itong ganoon kaya hindi talaga sila nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng anak. Kung hindi ito nakaupo sa wheelchair ay nakahiga na lang ito sa kama. Masahol pa ito sa lantang gulay. Atleast, ang lantang gulay ay pwede pang mapakinabangan pero ito ay wala nang silbi.
Hanggang sa naisip niya ang lalaking binayaran niya ilang buwan na ang nakakalipas para makasama niya sa bakasyon niya sa Maldives. Nagpaalam siya noon sa asawa niya na may business trip siya pero ang totoo ay iyon ang ginawa niya.
Isang bayarang lalaki na gwapo, matipuno at malusog ang sperm cells!
One week silang magkasama at siya ang lahat ng gumastos. Halos gabi-gabi siya nitong binayo sa Maldives. Malakas ang loob niya dahil ang akala niya ay menopause na siya kaya ganito na lang kalaki ang pagtataka niya na buntis siya.
Oo, alam ni Carmen na mali iyon. Ngunit masisisi mo ba ang isang babaeng gaya niya na matagal nang hindi nakakatikim ng romansa mula sa isang lalaking malakas at kaya siyang dalhin sa dulo ng langit sa kama?
Ngayon ay sigurado na siya na ang lalaking iyon ang ama ng batang nabubuo sa kaniyang sinapupunan. “P-pero menopause na ako…” Iyon pa ang nakakapagtaka.
Kaya ng araw na iyon ay nagtungo si Carmen sa isang obstetrician na kilala niya. Binayaran niya ito nang malaki para itikom nito ang bibig. Doon niya nalaman na bagaman at hindi pangkaraniwan ay pwede pa rin palang mabuntis ang isang babae kahit menopause na.
“Hindi ko pwedeng ituloy ang pagbubuntis ko. Kapag nalaman ito ng asawa ko ay baka isumpa niya ako. Pati na ang mga amiga ko! Pagtatawanan nila ako. Sasabihin nila na malandi ako!” turan ni Carmen sa doktor.
“Gusto mo bang ipalaglag ang baby?”
Napatda siya. Tumango nang mabilis. “O-oo! May alam ka bang paraan?”
Binigyan siya ng doktor ng gamot para malaglag ang bata. Dalawang araw pa lang niyang iniinom ang gamot ay may bumulwak nang buo-buong dugo sa kaniyang p********e. Inakala niyang iyon na ang batang nabubuo sa loob niya pero nagkamali siya. Dahil makalipas ang anim na buwan ay biglang sumakit ang kaniyang tiyan na para bang may halimaw na gustong kumawala doon.
Hindi pala nalaglag ang bata. Malakas ang kapit nito.
Nanganak si Carmen sa loob ng banyo. Isang babaeng sanggol. Walang tumulong sa kaniya. Hindi niya kasi inakala na buntis siya dahil hindi lumalaki ang kaniyang tiyan. Akala niya ay taba lang iyon.
Habang hawak niya ang umiiyak na sanggol ay galit na galit siya. Pakiramdam niya ay niloko siya ng doktor na nagbigay sa kaniyang ng gamot.
Inihulog niya ang bata sa toilet bowl. Fli-nush pero hindi ito sumama sa tubig.
Napaiyak si Carmen. Kinuha niya ang sanggol at binalak na itapon iyon. Ngunit sa pagbukas ng pinto niya ng banyo ay sumalubong sa kaniya ang asawa na nakaupo sa wheelchair.
“S-sinasabi ko na nga ba… b-buntis ka, Carmen!” Umuusok ang galit na sabi nito habang nakangiwi ang labi. “T-taksil ka! Lumayas ka sa pamamahay ko! Ngayon din ay tatawagan ko ang abogado ko. Ipapabago ko ang aking last will ang testament. Nagkamali ako na ibigay sa iyo ang lahat ng aking kayamanan! Taksil!” Tumutulo ang luha nito habang sumisigaw.
Huminto na sa pagpatak ang luha ni Carmen sa narinig niya sa kaniyang asawa. Ibinaba niya sa sahig ang umiiyak na sanggol. Naglakad siya palapit sa kaniyang asawa at itinulak palabas ang wheelchair.
“A-anong ginagawa mo, Carmen?” Nahihintakutang tanong nito sa kaniya.
Walang pagdadalawang-isip na itinulak niya ang wheelchair kasama ang kaniyang asawa sa hagdan. Nagpagulong-gulong ito sa hagdan at tumama ang ulo nang ilang beses sa matitigas na baitang. Bali-bali ang braso at binti nang bumagsak sa ibaba ang asawa ni Carmen. Wala nang buhay. Basag ang bungo.
Binalikan niya ang sanggol. Hindi na iyong umiiyak. Pinutol niya ang nakakabit na inunan. Nilinisan iyon at binalot sa tuwalya. Marahil ay hindi na lamang niya ito itatapon. Mas magandang may kasama siya sa buhay. Isa pa, pwede na niyang sabihin na iyon ay anak nila ng kaniyang asawa. Patay na naman ang asawa niya kaya wala nang magsasalita ng katotohanan.
Sasabihin niyang lihim silang nagpa-in vitro fertilization. Kung may aapela, madali na lang dahil mas marami na siyang pera ngayon. Lahat ay kayang gawin basta may pera!
“LOOK what your friends did to me, Camila! Mga anak ng demonyo ang mga kaibigan mo!” Isang malakas na sapak sa ulo ang ibinigay ni Carmen sa kaniyang anak na si Camila matapos niyang umahon sa swimming pool.
Napakamot lang si Camila sa ulo—ang tatanga-tanga niyang anak. Slow at bobo.
“I’m sorry, m-mommy—”
“Got to your room! Isubsob mo ang ulo mo sa aklat at baka tumalino ka na!” sigaw na pagtataboy niya dito.
Kung alam lang niyang lalaking bobo ang anak niya ay itinapon na lang niya ito sana. Sana ay isinama na niya rin ito sa hukay kasama ang kaniyang asawa. Sumasakit tuloy ang ulo niya dahil palagi itong bagsak sa mga subjects nito. Mabuti na lang at nagagawan niya ng paraan. Ilang classroom na ang naipagawa niya sa Wellington Highschool para lamang hindi ito ibagsak ng mga guro nito.
Marahil ay si Camila ang karma niya. Habangbuhay na karma.
SISINGHOT-SINGHOT at bagsak ang balikat na pumasok si Camila sa kaniyang kwarto. Nakayuko siyang pumasok sa sarili niyang banyo at hinubad ang bathing suit. Binuksan niya ang shower at itinapat ang sarili doon.
Habang bumubuhos ang maligamgam na tubig ay hinayaan niyang umagos ang kaniyang luha. Napahagulhol siya dahil sa labis na awa sa sarili.
Ito ang pagkatao niya na itinatago niya sa lahat kahit sa mga kaibigan niya. Mahina, umiiyak at nakakaramdam ng awa sa sarili. Malayong-malayo sa personalidad niya sa school na masayahin at hindi nasasaktan kahit tinatawag siyang bobo at mahina ang utak.
Nasasaktan din siya kapag tinatawag siya na bobo. Lalo na ni Dominique. Magkamali lang siya ng maliit ay sinisinghalan na siya nito. Aminado naman siya na mahina ang utak niya pero huwag na sana iyong ipamukha sa kaniya.
Pinipilit naman niya na unawain ang lahat pero sadyang hindi kaya ng utak niya. Kahit anong gawin niya ay mabagal talaga ang pag-proseso niya sa lahat ng bagay.
Kung nasasaktan siya sa pangungutya ng ibang tao ay mas masakit para sa kaniya ang pangungutya mula sa sarili niyang ina. Kahit noong bata pa lang siya ay hindi niya naramdaman ang pagiging ina nito sa kaniya. Palagi itong galit at ipinagdidiinan ang kabobohan niya. Ibinibigay nga nito ang lahat ng pangangailangan niya pero hindi lang naman ang mga iyon ang kailangan niya.
Kailangan din niya ng isang ina. Ina na magpapalakas ng loob niya. Ina na magpaparamdam ng totoong pagmamahal at tatanggapin siya kahit na hindi siya matalino.
Mabuti na lang at isinama siya noon ni Courtney sa Royals. Naturingan man siyang “dumb b***h” ng grupo ay natagpuan naman niya sa mga ito ang pamilya at kaibigan na ipinagkait sa kaniya ng sarili niyang ina.
“ANG totoo niyan ay tutol talaga ako sa relasyon ng anak ko at ni Olive. Hindi ko maatim na ganoong klase ang girlfriend ni Israel. Hindi naman siya pinalaki para lang magmahal ng isang babae na merong video scandal. Dios mio!”
Napahinto si Israel sa pagbaba ng hagdan nang marinig niya ang boses ng mommy niya na parang may kausap sa salas. Sabado ngayon kaya late na siyang nagising. Ala una na ng hapon. Bababa sana siya sa kusina para humanap ng makakain.
Sinong kausap ni mommy? Bakit ganoon ang sinasabi niya? Tanong niya sa sarili.
Binilisan niya ang pagbaba. Napanganga siya nang makita na si Dominique pala ang kausap ng mommy niya sa salas.
Hinawakan ng mommy niya ang kamay ni Dominique. “Kaya gawin mo ang lahat para maging kayo ulit ni Israel. Okay?”
Akala mo ay anghel na ngumiti si Dominique. “Tita, baka isipin po ni Israel na desperada—”
“Dominique!” Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa dalawa. “Anong ginagawa mo dito?”
“Son, binibisita lang tayo ni Dominique. Nagdala siya ng favorite mong cake. Nasa kitchen.”
“Israel, alam ko na wala na tayo pero alam mo rin na naging close na ako kay tita…”
Tumayo ang mommy niya. “Kayong dalawa. Mag-usap kayo. Pupunta lang ako sa garden ko.” Umalis ang mommy niya at iniwan silang dalawa ni Dominique.
Nawala ang sweet na ngiti ng babae. Napalitan iyon ng ngisi. “Ang galing kong um-acting na mabait, `di ba? Gaya ng Olive mo. I can be her if you want to. Lahat ng ginagawa niya ay gagawin ko rin, Israel. Balikan mo na ako.” Walang gatol na sabi nito. Hindi man lang yata ito kinikilabutan.
“Kahit anong gawin mo ay hinding-hindi ka magiging si Olive. Umalis ka na. Sinira mo na agad ang araw ko.” Iniwan niya si Dominique sa salas at bumalik sa kaniyang kwarto sa itaas.
Ang buong akala niya ay aalis na ito pero sumunod pala ito sa kaniya doon. Nagulat na lang siya nang bumukas ang pinto ng silid niya at makitang ini-lo-lock na nito ang pinto. May pilyang ngiti sa labi nito nang humarap sa kaniya.
“Hindi ka ba marunong makaintindi? Ang sabi ko ay umalis—”
“Shh!” awat ni Dominique sa pagsasalita niya. Inilabas nito ang cellphone habang naglalakad palapit sa kaniya. “Ang saya mo siguro dahil nagkaroon ng thousand reactions, shares and comments ang post mo about sa monthsary ninyo ni Olive, `no?”
“Anong pinagsasabi mo?”
“Pinupuri ka ng mga tao. Get a guy like Israel Aguillar daw. Kasi ikaw daw `yong klase ng lalaki na kayang tanggapin ang kahit na sinong babae. Kahit ano pa ang nakaraan niya.” Ilang segundong huminto sa pagsasalita si Dominique. Mataman itong nakatingin sa kaniyang mukha. “f**k, Israel! Alam kong ginagamit mo lang si Olive para mas lalong bumango ang pangalan mo. To get viral with those sweet posts. But deep inside, diring-diri ka na kay Olive dahil sa video scandal niya!”
Umiling-iling si Israel. “Hindi totoo `yan! Mahal ko si Olive—”
“Oh, come on, Israel! Stop lying! Siguro dati, mahal mo siya. Pero after that viral video scandal? I don’t think so. Katulad ka lang din ng iba. You want to get famous. Famous ka na pero gusto mo mas famous pa. Am I right?”
Naglakad si Dominique palapit sa kaniya. Atras siya nang atras hanggang sa mapasandal siya sa dingding. Hinila siya ni Dominique sa kuwelyo ng kaniyang t-shirt. Sumalubong sa labi niya ang labi nito. Marubdob siya nitong hinalikan. Noon una ay medyo nanlalaban pa siya pero nang maging malikot ang kamay nito at pumasok iyon sa loob ng kaniyang shorts ay tuluyan nang naputol ang pisi ng kaniyang katinuan.
Akala mo ay gutom na gutom na sinibasib niya ng halik ang labi ni Dominique. Binuhat niya ito habang patuloy ang kanilang paghahalikan. Dinala niya ito sa ibabaw ng kaniyang kama at makalipas lamang ang ilang segundo ay kapwa wala na silang saplot…
“LAHAT ng sinabi mo kanina… lahat ng iyon ay totoo.” Pag-amin ni Israel kay Dominique habang nakaunan ito sa kaniyang dibdib.
Kakatapos lang ng kanilang p********k. Wala pa rin silang suot. Tanging ang kumot na kulay itim ang nakatakip sa kanilang kahubdan. Sa totoo lang, simula nang maghiwalay sila ni Dominique ay ngayon lang ulit siya nakipagtalik. Conservative kasi si Olive kaya walang nangyayari sa kanila maliban sa yakap at halik.
Iba si Dominique. Lahat ay ibinibigay nito sa kaniya. Sadyang hindi na niya nakayanan ang pagiging bully nito noon kaya hiniwalayan niya ito at niligawan si Olive hanggang mapasagot niya ito.
Mahinang tumawa si Dominique. “Bakit kasi hindi ka pa makipagbalikan sa akin? We can be a perfect couple…” Nilalaro-laro nito ang mumunting balahibo sa dibdib niya.
“Binabalak ko na rin na makipaghiwalay kay Olive pero hindi pa sa ngayon. Nag-iisip pa ako ng paraan kung paanong kapag nakipag-break ako sa kaniya ay hindi sasama ang tingin ng mga tao sa akin. Kapag kasi nakipaghiwalay ako sa kaniya ngayon habang sariwa pa ang issue sa kaniya ay baka isipin ng mga tao na ganoon ako kababaw para hiwalayan siya.”
Bumalikwas si Dominique. Umupo ito. “May alam ako kung paano ka makikipaghiwalay kay Olive nang hindi papangit ang image mo, Israel!”
“Talaga? Paano?”
“We need to kill her!”
Biglang kinilabutan si Israel sa sinabing iyon ni Dominique sa kaniya.
MUNTIK nang mapasigaw sa gulat si Olive nang pagliko niya sa isang pasilyo sa Wellington High ay bumulaga sa kaniya si Helga. May dala itong dalawang banana cue. Kinakain ang isa habang ang isa ay ibinibigay sa kaniya.
“O, sa’yo na `to. Hindi ka kumain kaninang break, `di ba?”
Umiling siya. “Busog ako. Saka nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo na tigilan mo na ako. Huwag na muna tayong maglapit dahil mainit ang dugo nina Dominique sa atin!” May inis na sabi niya dito. Naglakad na ulit siya pero nanatiling nakasunod si Helga.
“Alam mo bang namimigay ng free make up and powerbanks si Dominique para siya ang iboto sa Mirror? E, kasi naman for the second week ay pangalawa pa rin siya sa iyo sa list! Iba ka talaga—”
“Wala akong pakialam sa Mirror! Mas magandang maalis na ako sa listahan na iyon. Ibinoto lang nila ako dahil sa video scandal ko. Inaasar lang nila ako!”
“You should be thankful—”
“Tumigil ka na nga sa pagsunod sa akin!” Humarap siya kay Helga at aksidenteng natabig niya ang isa nitong kamay. Nabitawan nito ang isang banana cue at nalaglag. Tumalikod na siya at muling naglakad.
Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay nakaramdam siya agad ng konsensiya sa ginawa niya kay Helga. “Sorry—” Ngunit paglingon niya ay wala na si Helga. Ang tanging naiwan ay ang banana cue sa sahig na puno na ng dumi.