Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. Kanina pa ako handa para sa pagkikita namin ni Nixon.
Halos hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung pupuntahan ko ba s'ya o hindi. Alam ko sa sarili ko na hindi ako handa para sa gusto n'ya na mangyari sa amin. Pero alam ko din na hindi ko kaya na hindi s'ya siputin. Ayaw ko na saktan s'ya nang ganoon.
Ipapaunawa ko na lang sa kanya ang saloobin ko. Na hindi pa ako handa, at sa tingin ko ay masyado pa naman kaming bata para sa isang seryosong relasyon. At sa tingin ko din ay dapat na naming tigilan ang kung ano'ng ginagawa namin.
Ngayon ko naisip na hindi maisasalba ang isang kamalian ng isa pang kamalian. It was a wrong move to let Nixon took the responsibility for what happened to me. We only fooled ourselves.
Isang katok at bumukas ang pinto ng silid ko. Agad na pumasok si Ate at umupo sa gilid ng kama ko.
"May lakad ka?" nakataas ang isang kilay na tanong n'ya sa akin.
Hindi ako sumagot at tumango na lang sa tanong n'ya.
"Nixon?" nakangising tanong n'ya.
Pasimpleng humugot na muna ako ng buntong-hininga bago tumango.
My sister teased me before she let me off the hook. Simula nang medyo naging malapit kami ni Nixon at napadalas ang bisita n'ya dito sa amin ay palagi na akong inaasar nila Mommy. Hindi naman kasi konserbatibo ang pamilya ko at sila pa ang nag-uudyok sa akin minsan na lumabas ako sa safe zone.
According to them, the fun always lies outside the safe zone.
Maayos na nagpaalam ako kay Mommy bago ako lumabas at pumunta sa sasakyan na inilaan para sa akin. Nakaabang na ang driver ni Mommy dahil nasabihan ko na s'ya kanina tungkol dito sa lakad namin.
Tulad ng kadalasan ay naging matahimik ang naging byahe namin. Hindi naman kasi talaga ako pala-kibo.
Nixon texted me last night that he'll wait on the clubhouse of their village for me. Sinabi ko naman na pupunta ako. Hindi nga lang para sa gusto n'yang mangyari.
Bago makarating sa clubhouse ay madadaanan na muna ang park. At bago pa kami makalampas doon ay may napansin akong pamilyar na pigura.
"Manong, wait lang po. Paki-tigil po ang sasakyan," bahagyang tinapik ko pa ang balikat ng driver.
Bumaba ako ng sasakyan at maingat na lumapit sa lalaking nakaupo. Tatawagin ko pa lang sana s'ya nang may babaeng naka-pulang bestida ang lumapit sa kanya. Saglit lang ay tumayo si Artamiel mula sa bench at maingat na inalalayan ang babae papasok ng madilim na covered court.
May mga poste ng ilaw na nakapaligid sa court pero patay ang mga ilaw sa mismong court. Bahagyang naliliwanagan lang ng tumatagos na liwanag ang loob ng court mula sa mga bintana sa bandang taas ng mga haligi, malapit sa bubong.
Hindi ko nakita ang mukha ng babae na kasama ni Miel, pero hindi ko maipaliwanag ang paninikip ng dibdib ko nang makita ang maingat na paghawak n'ya sa bewang ng babae.
Ilang beses ko nang nakita si Miel na maalaga at malambing sa iba, pero hindi na yata ako masasanay pa. At hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakararamdam ng ganito.
Dapat ay wala akong pakielam. Dapat ay hindi ko s'ya minamanmanan ng ganito.
Pero kailan nga ba ako gumawa ng 'dapat'?
Tahimik at maingat na pumasok din ako sa covered court. Natigil ako sa paghinga nang lumingon sa gawi ko ang babae na kasama ni Miel. Sa tulong ng munting liwanag ay naaninag ko ang mukha n'ya.
Nagulat ako nang mapagtanto na may edad na s'ya. Pero hindi maitatanggi ang angking kagandahan n'ya. Maganda ang mukha at pangangatawan n'ya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang hawakan ni Miel ang baba ng babae at iniharap ito sa kanya. Mas kumubli pa ako sa dilim at kahit na naninikip ang dibdib ko, hindi ko maitanggal ang mga mata ko sa kanila.
Sino s'ya? Ano s'ya sa buhay ni Artamiel?
Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko. Dapat na umalis na ako. Hindi dapat ako nanghihimasok sa buhay ni Artamiel. Ni hindi nga dapat ako sumunod dito sa loob.
Pumuhit ako para lumabas na pero natigilan ako nang may apat na naka-amerikanang mga lalaki na pumasok at nagsara ng gate ng entrada. Halos manginig ako sa kaba at mas isiniksik ko na lang ang sarili ko sa isang poste. Mabuti na lang at madilim at hindi pa nila ako napapansin.
Malakas ang hampas ng puso ko habang pigil na pigil ko ang gumawa ng kahit na anong ingay. Ibinaling ko ang tingin ko kay Artamiel na ngayon ay nakahulod na sa harap ng babae.
Ang kaninang maamong mukha ng babae ay napalitan na ngayon ng matalas na tingin at madilim na ekspresyon.
"You've been disobedient for months now, sweet pea," malabing na sabi n'ya, ngunit malayo doon ang ekspresyon ng mukha n'ya.
Nagyuko lang ng ulo si Artamiel. Tila s'ya isang masunuring bata lang na pinapagalitan. Hindi kumikibo, hindi lumalaban. Malayo sa kilala kong Artamiel.
Natutop ko ang bibig ko para kulungin ang pagsinghap ko nang malakas na sampalin ng babae si Artamiel. Napabaling ang mukha ni Artamiel sa lakas ng pagkakasampal sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang magsalubong ang mga mata namin. Bahagyang napahakbang kasi ako paatras dahil sa gulat. Bahagyang nasisinagan na ako ng liwanag mula sa bintana.
Kita ko ang takot sa mukha ni Artamiel habang nakatingin sa akin. Bahagyang umiling pa s'ya. Naluluha na ang mga mata ko sa takot at kaba.
Sino ang mga tao na 'to?
Hindi ko sila kilala at wala akong ideya sa pakay nila, pero nararamdaman ko na mapanganib sila. At iyon din ang pagkakaintindi ko sa binibigay na babala ng mga tingin ni Artamiel sa akin.
Naputol ang titigan namin ni Artamiel nang pwersahang iharap s'ya ng babaeng nakapula sa gawi nito. Nakita ko ang pagbaon ng mga kuko nito sa pisngi ni Artamiel.
Nahihintakutan na kumubli akong muli sa haligi. Mariing kinagat ko ang ibabang labi ko at niyakap ko ang nanginginig kong katawan.
"Scarlet, please not here," nagmamakaawang sabi ni Artamiel at nakita ko na gumawi ang mga mata n'ya sa akin. "Someone might caught us here."
"It won't be a problem, sweet pea. My boys can shoot whoever that will be. You know me, my Michael, I always get what I want," the woman sweetly said then leaned down to capture Miel's lips on her.
Pakiramdam ko ay direktang pinagbantaan n'ya ang buhay ko. Gusto ko na tumakbo palayo, pero hindi ko magawang iwan na lang si Artamiel basta-basta. Kung tutuusin, mas natatakot ako para sa kanya kumpara sa para sa sarili ko.
Masyado nang madaming pinagdaanan si Artamiel. Masyado pa s'yang bata noong nadukot s'ya. At alam ko na kahit sinabi nila na nalagpasan na n'ya ang trauma n'ya noon, hinahabol pa din s'ya ng mga bangungot n'ya.
At 'tong mga tao na 'to, at ang babaeng nakapula, maaaring nahihila nila si Artamiel pabalik sa panahong 'yon.
Ano ba ang ginagawa ni Miel kasama ang mga tao na 'to?
"Time for your punishment, sweet pea. It seems that you have to be reminded on how you should behave," the lady in red said then she motioned something to the man in suit.
Dumiin ang pagkakahawak ko sa bibig ko nang makita ang isang latigo sa kamay ng lalaki at ini-abot iyon sa babae na tinawag ni Artamiel na Scarlet.
My tears rolled down when the woman whipped the thing on the ground. I watched as Artamiel shut his eyes tightly.
Biglang gumiit sa utak ko ang mga latay sa likod ni Artamiel noon. Kay Scarlet n'ya ba nakuha 'yon? At bakit pumapayag s'ya?
"Brace yourself, sweet pea," the woman cooed then she stood behind Artamiel.
"I'm always ready for you, belle," malambing na sagot ni Artamiel at itinuwid pa ang likod n'ya.
What the heck? What's happening?
Unang pitik pa lang ng latigo sa likod ni Miel ay gusto ko nang tumakbo papunta sa kanya at iharang ang sarili ko. Nananakit na ang lalamunan ko sa kakapigil ng paghikbi.
Mariing ipinikit ko na lang ang mga mata ko para pigilin ang sarili ko sa mga nais kong gawin. Gustung-gusto ko nang sumugod para pigilan sila, pero alam ko na mas ikapapahamak lang namin 'yon ni Artamiel.
These people were no good.
Sampung hagip. Hindi ko 'yon nagawang tignan, pero hindi ko magawang pigilan ang mga tainga ko sa pakikinig ng bawat paghagip ng latigo. At nang magkaroon ako ng tapang na silipin ang kaganapan, halos malusaw ako sa kinatatayuan ko sa nakitang ayos ni Artamiel.
Sira na ang likod ng damit n'ya dahil sa mga latay n'ya at kahit sa kaonting liwanag ay nakita ko ang pagdudugo ng mga sugat n'ya. Nakakanghina.
"You're not being a good boy, sweet pea. I hope this will remind you on how you should act," the evil woman said then she whipped him once more.
I swallowed my sobs.
"Just kill me, Scarlet," he murmured in a defeated tone.
My heart sank at how he begged for his death.
"I don't want this life anymore, belle. It doesn't have any purpose. Just please kill me now," Artamiel begged with his head bowed down.
"No!" she hissed. "Your life is mine. You don't decide for it!"
She walked out after that and her men followed her. The moment they shut the gate, I ran towards Artamiel.
"M-Miel," my lips quivered as I looked down at him. Lumuhod ako sa harap n'ya at ginagap ko ang mukha n'ya. Mas naiyak ako sa kabiguan ng mukha n'ya.
"You shouldn't be here," he murmured.
Hinaplus-haplos ko lang ang mukha n'ya. Gusto ko sana na yakapin s'ya pero alam ko na masakit pa ang katawan n'ya.
"Stop pushing me away, please? Stop pretending that I don't exist. Because I want to be at your side for always," I cried.
I just realized those things now. And I want to be honest about it. Ayoko nang ulitin pa ang kay Nixon. I was in loved with him, and until the day I fell out of love I never said what I felt for him.
Hindi ko sinasabi na mahal ko si Artamiel, pero alam ko na totoo ang mga sinabi ko sa kanya. Na ayoko na binabalewala n'ya ako. Ayoko na ipinagtutulakan n'ya 'ko.
I helped him up. Alam ko na na ayaw n'ya na may ibang makaalam kaya hindi ko na sinabi na pumunta kami ng ospital.
"Wait here," sabi ko sa kanya at tumakbo ako papunta sa sasakyan ni Mommy.
Binilinan ko ang driver na umuwi na at ako na ang bahala na magsabi kila Mommy.
Nang makaalis na ang driver ay binalikan ko si Artamiel.
"Why are you here, Prudence? May usapan kayo ni Nixon, 'di ba?" seryosong tanong ni Artamiel.
Kinagat ko ang labi ko at pinili ko na hindi na lang sumagot. Hinawakan ko s'ya sa braso at hinila na para makaalis kami. Isinampay ko ang itim na balabal ko sa kanya para matakpan ang likod n'ya.
"Ayoko na munang umuwi, Pru. Just take me away from my reality. Please?" he begged.
Ilang sandali na tumitig na muna ako sa kanya bago ako tumango. Pinara ko ang isang taxi na paparating. Nagsabi ako na ihatid kami sa isang malapit na resort.
"Okay lang ba sa'yo na d'on na muna tayo? Para magamot ko 'yong mga sugat mo," masuyong tanong ko at ginagap ko ang kamay n'ya.
Taimtim na tumitig lang s'ya sa akin. Nailang na lang ako kaya tumingin na lang ako sa driver at nagbilin na idaan na muna sa isang drug store.
Bumili ako ng mga gamot at panglinis ng mga sugat ni Artamiel. Swerte na may isang boutique malapit kaya naibili ko na din s'ya ng bagong damit.
Nagmamadali akong bumalik sa taxi dahil paniguradong kumikirot ang mga sugat ni Artamiel.
"Pasensya ka na medyo natagalan. Binili pa kita ng damit," sabi ko nang maisara ko ang pinto sa gilid ko.
Napasinghap ako nang yumuko s'ya sa hita ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinahaplos ang buhok n'ya. Hanggang sa makarating kami sa resort ay gan'on lang s'ya. Tumayo lang s'ya nang tumigil na ang taxi.
Si Artamiel ang nagbayad ng taxi at ng room na kinuha namin.
Nailang pa ako sa tingin na ibinigay sa amin ng receptionist ng resort.
Hindi ito malaki at mamahaling resort kaya hindi masyadong mahigpit. Nakita ko din na hindi totoong pangalan ang inilagay ni Miel sa form.
Sinamahan kami ng isang staff sa room na kinuha namin at matapos ang ilang paalala ay iniwan na din kami. Agad na inilatag ko sa kama mga kailangan sa paglinis ng mga sugat ni Miel.
"Hubadin mo na muna 'yang damit mo para maasikaso ko na ang mga sugat mo," masuyong sabi ko sa kanya.
Hindi s'ya kumibo pero sinunud naman n'ya ako. Matapos mahubad ang t-shirt n'ya ay dumapa na s'ya sa kama.
Hindi ko napigilan na mapaluha nang makita nang maayos ang mga latay sa likod n'ya. Madami din ang mga peklat n'ya mula sa mga nakaraang latay pa.
Madami akong gustong itanong sa kanya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko na masyadong manghimasok pa. Gusto ko na makontento na hinahayaan n'ya ako ngayon dito sa tabi n'ya.
Ni hindi s'ya nagreklamo o pumiksi habang ginagamot ko ang mga sugat n'ya. Nang matapos ako ay napansin ko na nakatulog s'ya. Maingat na tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo sa gilid n'ya at hininaan ko ang aircon dahil hindi ko s'ya pwedeng kumutan para hindi masanggi ang mga sugat n'ya.
Nang masigurado na maayos si Artamiel ay umupo ako sa upuan malapit sa kama at inilabas ang cellphone ko. May ilang mensahe at missed calls mula kay Nixon. Higit isang oras na mula nang napag-usapang oras ng pagkikita sana namin.
Napabuntong-hininga ako. Tama na din siguro ang ganito. Para hindi na s'ya umasa ng sa aming dalawa.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung kailan ako naging ganitong makasarili. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan ako ni Artamiel, at gusto ko na nandito ako sa tabi n'ya.
I'm sorry, Nixon.
Pinatay ko ang telepono ko at ibinalik iyon sa bag. Tahimik na pinanood ko na lang si Artamiel na tila isang anghel na natutulog.
Kung sino man si Scarlet, marahil ay wala s'yang puso para gawin ito kay Artamiel.