“MASAYA ako na narito ka na uli, anak.” Nginitian ni Lavender ang kanyang ina na abala sa pag-aayos ng mga gamit niya sa closet. Ang sabi niya ay siya na ang bahala roon ngunit hayaan na raw niyang gawin nito iyon para sa kanya. Nami-miss na raw nito ang pag-aalaga sa kanya. “Masaya rin ako, `Nay.” Nang matapos ito sa ginagawa ay nilapitan siya nito sa kama. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. “Dito ka na lang, anak, ha? Huwag ka nang bumalik sa Amerika.” “`Nay, iyong nangyari po sa amin ni Arthur—” “Wala akong pakialam sa walang-kuwentang lalaking `yon, Lavender. Hindi ko malaman kung bakit sa dinami-rami ng lalaking iibigin mo ay isang may-asawa pa ang minahal mo. Mas matatanggap ko pa kung ipinagpatuloy mo na lang ang kahibangan mo kay Pablo.” Napabuntong-hinin

