35

1328 Words

NAPANGITI si Lavender nang agad na yumakap si Cassandra sa kanya nang sunduin niya ito. Ngiting-ngiti ito at tila maganda ang naging araw nito. “She shares her toys with her friends. Kung dati ay hindi siya gaanong nakikipaglaro sa ibang mga bata rito, ngayon ay siya na ang kusang sumasama,” anang tagabantay nito. “Hindi na rin siya umiiyak. Palagi siyang nakangiti at masaya.” Nginitian niya si Cassandra. “Very good naman pala ang baby ko.” Hinagkan niya ang tungki ng ilong nito. “May premyo ka sa `min ni Daddy. Sasabihin ko na mag-out of town tayo sa weekend. Gusto mong mag-swimming kasama si Basty?” Nakangiting tumango ito. “Mukhang maayos na maayos na ang relasyon n’yo ni Sir Pablo,” anang psychologist na lumapit sa kanila. “Napansin ko sa mga drawing niya na masaya siya at secured

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD