Magkaharap kaming nakaupo ni Leila. Mugto ang kanyang mga mata sa kaiiyak. Habang ako ay natutulala sa nalaman. Mabigat ang aking dibdib at hindi alam ang gagawin. Pulang pula rin ang aking mga mata. Napasabunot ako sa aking buhok at pabiglang tumayo at nagpalakad lakad. Hindi ko lubos maisip, hindi kaya ng imahinasyon ko ang pangyayari kay Kuya. Maraming tanong sa isip ko at alam kong siya lamang ang makakasagot noon. Pero bakit parang ayaw kong umuwi kami ni Leila. Ayaw kong kaharapin siya. Natatakot ako, natatakot akong mawala si Leila sa akin. Natatakot akong mag-iba si Leila at bumalik kay Kuya. Natatakot akong magbago ang damdamin ni Leila sa akin dahil sa pagsulpot muli ni Kuya. Napaluhod ako sa harap niya habang siya ay nakaupo. Ginagap ko ang kanyang kamay na nakapatong sa kan

