Nagmartsa ako paalis sa kusina. Madilim ang mukha ko pagbungad sa mga nakaupo sa sala at pawang mga nag-uusap. Nahuli ng mga mata ko ang mata ni Leila, pero agad naman itong umiwas. Nagpupuyos ako sa galit at ayaw ko iyong ipakita. "Aalis ako, tumawag si Tom nabalitaang dumating ako," saad kong tinungo agad ang sabitan ng susi ng aking motor. Kinuha ko iyon ng biglang mapatayo si Leila. Napalunok ako dahil alam kong gusto niya akong pigilan. Hinintay ko siyang magsalita pero hanggang tingin lamang siya. Kapagdaka'y napatungo. "Nate, madaling araw na. Huwag ka nang umalis..." madiing pigil ni mama na hindi ko pinakinggan. Muling napaupo si Leila dahil hinila siya ni Kuya. Si Kuya naman ay iiling-iling habang pinapasadahan ako ng tingin. "You are still immatute, Nate!" palatak niya na lal

