LEIRA'S POV "TUMIGIL KA NA NGA!" Napipikon nang saway ko kay Ran dahil nakakatatlong ulit na siya sa panggagaya kay Mico. Hindi lang kasi niya basta ginaya ang pagsasalita ni Mico, maging ang ekspresyon ng mukha at nginig ng boses ay kuhang-kuha niya. "Ano pa nga 'yong isang linyahan niya?" aniya, saka tila nag-isip at pagkuwa'y ngumisi, "naalala ko na." "Tumigil ka na sabi, eh!" "Walang pagdadalawang-isip na ibinigay ko sa 'yo ang lahat..." Panggagaya niya with emotion, "ang puso ko, ang buhay ko, ang buong ako. Pero ikaw?" Tinuro pa niya ako gamit ang hintuturo niya. "Para kang tanga." Pigil-pigil ko ang matawa dahil sa hitsura nito. Hindi ko inaasahang may ganitong side si Ran dahil napakaseryoso ng awra niya tapos babanat nang ganito. Hindi ko na napigilan ang pagsilay ng

