LEIRA'S POV "BAKIT HINDI mo sabihin kay Uncle Mike na umalis ka dahil may kinita kang lalaki?" sikmat niya sa akin. Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kaniya. May mumunting tuwa sa puso ko habang nakikita ang ekspresyon ng mukha niya na para bang inis na inis. "What?!" Angil niya nang mapansin na nakatitig lang ako sa kaniya. "Sabihin mo kay Uncle Mike na may kinita ka lang kaya ka umalis kanina." "Bakit parang galit ka na may kasamang lalaki si Leira?" Sabay na napunta kay Michael ang tingin namin ni Mico. "Kaya ba mainit ang ulo mo? Dahil nakita mo siyang may kasamang iba? Dahil nagseselos ka?" "No!" Mabilis nitong tanggi sa tiyuhin. "No way," ulit niya na may kasama pang iling na kulang na lang ay mabali ang leeg. "No?" Nanunuri itong tiningnan ni Michael. "Yes, no. An

