LEIRA'S POV "RAN, ANO BA?" Akma akong lalayo kay Ran nang pigilan niya ako. "One minute." Hiling niya bago mas inilapit ang mukha sa mukha ko. Sa sobrang lapit ay halos magkapalit na kami ng mukha. "Bakit ba?" Angil ko rito dahil ayoko nang ideya niyang ito. Pakiramdam ko, mas lalo lang sasama at bababa ang tingin sa akin ni Mico. "Kung mahal ka pa niya, susugod 'yan dito para hilahin ka niya palayo sa akin." "Ano?" "Kung mahal ka pa ng lalaking 'yan, hindi siya papayag na halikan kita. Kahit anong galit niyan sa 'yo ay magseselos at magseselos 'yan kung mahal ka pa rin niya." "Pero..." "Trust me." Hiling niya, saka hinawakan ang baba ko. Bumilis ang kab0g ng dibdib ko, hindi dahil sa presensya ni Ran kundi dahil sa kaba. Kinakabahan ako. "Let's wait. Let's count." Nags

