LEIRA'S POV "ARE YOU OKAY?" Ulit na tanong ni Ran at humarap sa akin. Kumunot ang noo nito nang mapatingin sa mukha ko. "You look pale," dagdag niya, nasa boses ang pag-aalala. "O-Okay lang ako." Nauutal na sagot ko. Nauutal ako dahil sa tensyong dulot ng mapanuring tingin ni Mico. "Are you sure?" Tumango ako. "But you look pale." "A-Ayos lang talaga a-ako. S-Salamat sa pag-aalala." Akma akong bibitaw sa kaniya nang bigla niyang kabigin ang beywang ko palapit sa kaniya. Napasinghap ako kasabay nang mas matinding tensyon na bumalot sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Umatras siya sa bandang likuran kasama ako dahil may tatlong babae na sumakay ng elevator na kinalululanan namin. Hinintay kong sumakay din si Mico, ngunit tila napako na ito sa kinatatayuan niya. "Are you coming i

