LEIRA'S POV NAPAPANGITI akong mag-isa habang matamang nakatingin kay Michael na ngayon ay titig na titig sa kambal nila ni Keira. Ilang beses ko siyang nahuling nagpupunas ng luha. At alam kong hindi lang 'yon luha ng kaligayahan kundi luha rin ng pag-aalala para sa asawa niya. Tinapat kasi kami ng doktor ni Keira kanina na bagama't bumalik ang heartbeat ng kakambal ko ay hindi pa rin nakasisiguro na magiging tuloy-tuloy 'yon. At alam kong kagaya ko ay labis-labis ang pag-aalala ni Michael sa kaniyang asawa. Nang muling magpunas ng luha si Michael, tumayo ako at nilapitan siya. "Hindi tayo iiwan ni Keira." Tumingin sa akin si Michael, namumula ang mga mata niya. Nginitian ko siya. "Kilalang-kilala ko ang asawa mo, matapang 'yon. Hindi niya kayo iiwan." Pagpapalakas ko ng loob sa ka

