LEIRA'S POV ILANG SANDALI AKONG HINDI NAKAKILOS pagkatapos sabihin ni Tito Arnold kung sino ang dumating para sunduin ako. Si Mico. Bakit siya? Nagpresinta ba siyang sunduin ako? O, baka naman nagkamali lang ako sa pagkakadinig ko? At para masiguro kung sino ang sundo ko, tinanong ko si Tito Arnold. "Si Mico, anak." Ulit ni Tito Arnold, nasa mukha at boses niya ang pag-aalala. "Nasa labas siya, naghihintay sa 'yo." Nang marinig ang kumpirmasyon kay Tito Arnold na si Mico nga ang narito para sunduin ako. Agad akong nakaramdam ng magkahalong nerbiyos at saya. "Leira, anak." Untag ni Tito Arnold sa akin nang hindi pa rin ako kumilos para lumabas. I need your help, Leira. Mahal na mahal ko ang mag-iina ko. Bigla akong natauhan nang tila marinig ang desperadong boses ni Michael nang

