LEIRA'S POV LEIRA, OKAY KA PA BA? Piping tanong ko sa aking sarili. Mariin akong napapikit at napahawak sa sariling dibdib dahil muli akong nakaramdam ng paninikip. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na muntik na akong makapatay kanina kung hindi ako napigilan ni Tito Arnold. Huwag na huwag mong dudungusin ang mga kamay mo dahil lang sa taong 'yan, anak. Iyon ang mga salitang sinabi ni Tito Arnold sa akin kanina habang yakap niya ako dahilan para ako'y mahimasmasan. Kung hindi siya dumating kanina, sila ni Mama ay malamang nakakulong na ako ngayon dahil napatay ko ang baklang 'yon sa sobrang galit ko. At sa totoo lang, hindi ko na rin alam ang ginagawa ko kanina. Para akong nawala sa sarili kong katinuan. At dahil sa nangyari, mas lalo lang pinagpiyastahan ang pamilya

