Ivah POV
I am looking at a family of 3, happily having a picnic in the park. I wonder, how it feels like to have a complete family. Mararanasan ko pa ba to with my Husband?
I am driving home from work. I didn't have a chance to check the issue about the overpriced product due to overload works. Kanina kasi nag start mag shoot ang endorser na nakuha ng marketing team.
5 mins later nakarating ako sa dito sa bahay nameng mag asawa. I was surprised to see his car parked in the parking lot. Inikutan ko pa at tinignang mabuti dahil baka kamuka lang, but i am sure sakanya ito. Pumasok ako ng bahay, I put my bag on the sofa at dumeretso sa kusina. I can smell the food being cooked, maybe that's manang, my chef. I want to check what we have for dinner.
My heart skips a beat for a moment as i am now seeing my husband wearing an apron and holding a ladle. Naramdaman nya ata ang presensya ko kaya napalingon sya sakin. "How long have you been standing there? Are you hungry? Take a seat, this will take only a few minutes."
Dahan dahan ako humakbang at naghila ng sarili kong upuan. Am i delusional? I can't speak, i can't think of it properly. Everything seems like a dream. Kung panaginip ito ayaw ko ng magiseng. "Nga pala, manang will not be here for the next few days. Umuwi sya sa anak nya." Ah kaya pala sya ang nagluluto.
He finished cooking. He served caldereta and rice on a platter and placed it on the table. He also took 4 oranges from the fridge and put them in the juicer before serving the two glasses for each of us.
Hindi ko napansin na may nakalagay na din palang plato at kutsra sa harap ko. Kanina pa ba to? "Let's eat!" He said, more on 'he commanded'. Kumain nalang din ako dahil sobrang gutom ko na din.
Walang umiimik samen habang kumakain. Hindi ko alam na his cooking skill is on another level. I think i ate 3 cups of rice. "I will do the dishes. Iwan mo nalang dyan ang mga plato pag tapos mo kumain. I'll just change my clothes."
"No, go ahead and rest. Ako na dito." Another surprising word from him.
"O-okay." Gusto ko sanang magtanong kung ano nangyayare sakanya but i chose not to. Ruining this night is the last thing I wanna happen. Maybe I'll clean his room instead. We haven't slept next to each other ever since we got married. We have our own separate room.
Hindi din naman masyadong madumi ang kwarto ng asawa ko kaya hindi din ako nagtagal sa paglilinis. I decided to go down to drink water but I found him in the living room drinking beer. Nagdere deretso lang ako ng lakad hanggang sa kusina, pretending not to see him. Pagbalik ko he invited me to sit on the sofa. I obeyed him.
Tinitignan ko lang sya sa mata, hindi ako nagsasalita. I'm afraid to start up a conversation cause he might dislike the topic, and we might argue. "You can ask me anything." He said as if he sensed my hesitation. "I know you're getting confused by my actions."
I took a deep breath before I spoke. "You're right. It's confusing because the last time I checked you didn't want me to be near you even for a minute. Pero ngayon we had dinner together. You even cooked the food for us. Hindi ako sanay."
He chuckled, lumalabas ang dimple nya. One of my favorites on his facial features. Kung sabagay lahat naman sa muka nya kaakit akit. "Am I that bad to you? I'm sorry."
Whooooa. Asawa ko ba tong nasa harap ko? Kung ano man ang nakain nya kanina sana tumagal ang epekto para matagal kaming ganito.
"Can i ask you something?" I asked him. He said sure so i continued. "Bakit biglang ang bait mo sakin? Hindi mo ko iniiwasan, hindi ka naninigaw, hindi mo ko sinusungitan?"
A tear fell from his eye. He quickly wiped it off but I still saw it. "I tried to look for her. My plan is to court her before our divorce then I'll marry her." Para akong sinasaksak ng paulit ulit dahil sa sinasabi nya. "Mahal na mahal ko sya pero hindi ko na pwedeng ipilit pa ang samin." Yung nag iisang luha kanina, ngayon sunod sunod na. I had an urge to hug him, but I was hesitant to do so, as i remembered the last time we almost had s*x. Hindi ko sya bibigyan ng dahilan para iwasan na naman ako.
I want to be his comfort, just like old times. So i took out my handkerchief from my pocket and handed it to him. Siguro napaka ganda ng Ex nya para mahirapan syang kalimutan ng ganito. Nahuli kami ng ex nya last year na ginagawa yun, but i didn't see her face dahil nagtakip ako ng unan.
"Kaya ngayon--" he hangs his word to drink the remaining beer in his mug. "Susubukan kong i work out itong kasal naten. Let's give it a shot. Katulad nila mommy at daddy. Susubukan ko mahalin ka ng higit pa sa kaibigan."
I instantly cried. Ito yung matagal ko ng gustong marinig. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako, ng sa gayun hindi mo ko iwan pag nalaman mo ang totoo.
Andrea POV
"Cedric bantayan mong mabuti ang bahay ah. Kung nagugutom ka may pagkain sa kusina." Bilin ko sa kapatid ko
"Opo ate. Mag iingat po kayo."
"Hindi ka pwedeng gumala Cedric hanggat hindi mo natatapos ang project mo. Aalis na kami ng ate mo." Sabi ni nanay kay Cedric habang bumababa ng hagdan. Pagbaba nya akala ko dederetso na kami sa labas pero naupo pa muna si nanay sa upuan habang nakahawak sa dibdib nyang nagtataas baba.
"Nay hinihingal ka ah. Cedric ikuha mo si nanay ng tubig." Utos ko kay Cedric na agad naman nyang sinunod. Bumalik sya ng may dalang isang basong tubig. Inabot ko yun kay nanay para inumin nya.
"Salamat anak." Inabot nya kay Cedric ang pinag inumang baso. "Sa init lang siguro to, ayos na ko. Wag na kayo mag alala. Tara na! Baka ma late ako sa session ko." Napatag naman ako ng makita kong hindi na hirap huminga si nanay.
Lumabas na kami ni nanay ng bahay at naglakad papalabas sa main road. Nasa loob kasi ng iskinita ang bahay namen. Naging maingat at dahan dahan kami sa paglalakad dahil hinihingal daw uli ang nanay. "oh ayan sakto may jeep na."
Paparahin sana ni nanay yung paparating na jeep pero pinigilan ko sya. "Nay mag tataxi po tayo para hindi kayo mapagod."
"Ay hindi na anak. Magastos pa pag sa taxi. Tsaka pano naman ako mapapagod, eh nakaupo lang naman ako dyan." Here goes nanay again and her reasons.
"Baka po nakakalimutan nyo na dalawang sakay tayo papunta sa hospital, at malayo po anh lalakarin pag baba ng jeep"
"Ayos lang naman ako sa jeep nak. Ang mahal pa kung magtataxi eh." Kontra ni nanay, pero hindi sya nagwagi saken dahil pinilit ko na magtataxi kami. Kahit sa ganito kaliit na bagay man lang maging komportable si nanay. Nang may dumaan na taxi, pinara ko na para di na sya makakontra pa. May kalayuan kasi ang hospital na pupuntahan namen.
Nakarating kami sa ospital ng mabilis, walang hassle at ang pinaka importante, komportable si nanay. Hinatid ko sa nanay sa dialysis area at naupo dito sa labas para antayin sya.
Habang nasa session si nanay, may lumapit sa akin na nurse. "Miss kayo po ba ang anak ni patient Cena Manuel?"
"Opo, ako po yung panganay nya "
"Pinapatawag po kayo ni Doctor Ang, may gusto daw po sya i discuss sa inyo." Si Doctor Ang ang Nephrologist ni nanay.
Kahit kinakabahan ako sumunod nalang ako sa nurse. Hoping ako na good news yung gusto daw i discus saken ni Doc. May donor na kaya?
Hinatid ako ng nurse sa tapat ng pinto ng opisina ni Doc. Kumatok ako ng tatlong beses. Nakarinig naman ako ng boses mula sa loob na sinabing 'pasok' kaya binuksan ko ang pinto at sumulip ng konti. "Good afternoon Doc. Gusto nyo daw po ako makausap?" Tinigil nya ang sinusulat nya at tinanggal ang reading glass nya.
"Ah oo iha, have a seat." Umupo ako sa upuan sa tapat ng desk nya. "May mga itatanong lang muna ako iha." Hindi ako nagsalita at hinayaan ko magtanong si Doc. "Anong mga activities ng nanay mo nitong mga nakaraang araw?"
"Madalas po mga gawaing bahay lang ang ginagawa nya Doc. Mag isa nalang po kasi sya sa bahay pag pumapasok na po kaming mag kapatid."
"Particularly, what kind of chores does she do every day?"
"Linis ng bahay, luto, hugas plato. Laba din po pero madalas ako na po naglalaba ng damit namen kapag galing akong trabaho o day off ko."
"Wala ng ibang mabigat na trabaho bukod doon?" Nag isip ako ng mabuti. Pero wala na akong ibang maisip na pwedeng gawin ni nanay habang nasa bahay.
"Ayan lang po Doc. Wala na po ako ibang maisip na pwedeng gawin ni nanay sa bahay."
"How's your mom these past few days? Does she easily get tired? Yung tipong konting kilos nya lang parang hapong hapo na sya?" Naalala ko yung nangyari kanina.
"Kanina po Doc, kanina po habang naglalakad kami papasakay ng taxi hinihingal daw po sya. Yung hingal na nakahawak syansa dibdib nya tapos ang nagtataas baba ang balikat nya" Kinabahan ako sa reaction ni Doc. Umiling iling kasi ito na parang may mali sa nasabi ko.
"I have to be honest with you iha, meron lang akong napansin sa nanay mo. Ito ang recorded heart rate nya" Kinuha ko ang inabot nyang papel. Record ng heart rate per minute ni nanay every dialysis session nya. 98, 95, 70, 60, 55, 40, 38, 35.
"Ano po ibig sabihin nito?" Tinuro ni Doc ang mga numerong nakasulat.
"Itong 95 hanggang dito sa 60, normal pa yan. but as you've noticed pababa na sila ng pababa. Itong 55 at 40, it can be normal sometimes kapag sobrang relax naten, halimbawa pag tulog. Pero itong 38 and 35, this is alarming.
"Eh Doc ano po dahilan kung bakit bumaba ng ganyan ang heart rate ni nanay?" Naguguluhan kong tanong.
"Madaming pwedeng maging factor para bumaba ang heart rate naten. It can be due to medication, other medical conditions and disorders and the most common reason is heart related problem." He paused for a while, naghahanap ng tyempo sa gusto nyang sabihin. "Iha, I think she developed Heart Disease, ayun ang dahilan ng mabilis nyang pagkapagod."
"Ano po?" Nataranta ako sa sinabi ni Doc. "Paano po mangyayari yun? Diba Doc nasa Kidney ang sakit ng nanay? Paano po sya naging Heart Disease?" Sunod sunod na tanong ko kay Doc.
"Ok I'll explain it to you iha, but before that I want you to calm down."
"Paano ako kakalma Doc, hindi pa nga po magaling si nanay sa Kidney Disease nya ngayon meron na din Heart Disease."
"It's not yet certain Iha, that's why you have to hear me out. Ipapaliwanag ko sayo ang POSIBLENG kundisyon ng nanay mo at i re- refer ko din kayo sa Cardiologist for proper diagnosis.
Mahirap man, pinilit ko pakalmahin ang sarilii ko. Yung kamay ko nalang ang di ko mapigilan kase nanginginig talaga sa kaba. "Patients with End Stage Kidney Disease who require dialysis are at risk for the development of Heart Disease. Bakit kamo? I know for sure, you know how hemodialysis works right?" I nodded.
"Hemodialysis itself may adversely affect the Cardiovascular system, or we are more known as Circulatory System. Dahil sa madalas na Hemodialysis na natatanggap ng nanay mo nagkakaron ng instability sa blood flow nya na pwedeng magpahina sa puso nya. Tandaan mo na kapag nagkukulang ang supply ng dugo sa katawan naten nagkukulang din tayo sa oxygen that explains why your mom seems to always catch up her breath.
"Eh Doc ano po kailangan kong gawin para dyan?"
"Without proper diagnosis, we will never know what treatment is appropriate for her. Sa ngayon ire refer ko si nanay mo sa Cardiologist, dito din sa hospital and he will check up on your mom. However, as her Nephrologist, I need to perform a Kidney Transplant as soon as possible. If she has a new Kidney, hindi na sya mag da.dialysis. The more she undergoes that, the more complications may arise"
Natulala ako for a moment. Too much information to digest all at once. I took Civil Engineering, I studied Math and Science in connection with infrastructures and buildings, hindi sa ganitong klase ng science kaya hindi ko maintindihan ang explanation ni doc.
"Balik kayo the day after tomorrow. Doctor Brookes will be here. He will be your mom's cardiologist." I nodded wala na akong masabi, kasi parang nag shut down ang utak ko.
Isa lang ang maliwanag sa ngayon, kailangan ko na makahanap ng donor ASAP.
~~~~
Natapos na ang dialysis ni nanay. Niyaya ko muna sya kumain sa cafeteria nitong hospital. Nag miryenda lang kami habang inaantay si Diane, susunduin nya daw kasi kami. Wala na naman magawa ang gaga.
Hindi ko pa nasasabi kay nanay ang napag usapan namen kanina ni Doctor Ang. Kung pwede lang hindi ko nalang sabihin dahil mag aalala lang to sa mga gastusin pero hindi naman pwede. Paano ko sya mapapag ingat kung sarili nya mismo hindi alam ang nangyayari sakanya. Sa bahay nalang siguro namen to pag uusapan.
Nang dumating si Diane umalis din kami agad sa hospital. "Diane, sa bahay kana maghapunan." Alok ni nanay kay Diane.
"Ay sure tita. Makakatikim na naman ako ng luto mo. Ano po ulam?" Walang paligoy ligoy nyang sagot.
"Ano ba gusto mo, ipapagluto kita." Si nanay. Parang anak na din turing nyan kay Diane.
"Hmmm parang gusto ko po ng ginataang kalabasa nyo tita. Namimiss ko na po yun eh."
"Oo ba. Pag uwing uwi naten mamalengke ako." Sabi ni nanay
"Ako na po mamamalengke nay. Magpahinga nalang po kayo sa bahay." Pag piprisinta ko baka kasi mapagod na naman si nanay at mahirapan huminga. Kung kanina nga lang na mula bahay hanggang main road habol hininga na sya, pano pa kaya sa palengke.
"Oo nga po tita, sasamahan ko nalang po si Andrea." Nag green na ang stop light kaya nagmaneho na uli si Diane. Dahil naabutan na kami ng rush hour mahigit isang oras ang naging byahe namen. Nag park lang si Diane sa convenience store na nasa labas ng iskinita namen.
Tulad kanina, mukang napagod uli si nanay maglakad mula sa labas hanggang dito sa bahay. "Nay pag uwi naten mahiga muna kayo sa kwarto ko bago kayo umakyat." Nasa baba lang kasi ang kwarto ko, nasa taas ang kwarto nila ni Cedric. Sa tingin ko kailangan ko ipaubaya ang kwarto ko sa baba para di na mag akyat panaog si nanay sa hagdanan.
Pag pasok namen ng bahay, nadatnan namen si Cedric at Justin na naglalaptop.
"Nay, Ate!" Bati smen ni Cedric at lumapit kay nanay para mag mano.
Ganun din ang ginagawa ni Justin "Good evening po nanay Cena." Bati nya kay nanay sabay mano. Bumaling naman sya saken at kinuha ang backpack na nakasukbit sa likod at pinatong sa isang upuan.
"Andito na pala ang future girlfriend ko." aalalayan nya sana ako paupo sa bangko pero hinawi ko ang kamay nya.
"Anong future girlfriend? Tsaka kaya ko sarili ko noh. Mabuti pa si nanay ang alalayan mo sa kwarto ko para matuwa ako sayo." Tumuwid sya ng tayo at nag salute pa.
"Aye aye future wife!" Napatingin ako kay nanay na impit na tumili.At kay Diane na parang nasamid sa sarili nyang laway.
"Anak kailan mo ba sasagutin itong si Justin? Mabait naman, maalaga at gwapo pa." Si Justin na ata ang pinaka bet ni nanay na nanligaw saken.
"Nadinig mo yun? Tsaka wag ka mag alala, kahit tayo na araw araw padin kitang liligawan." Nilayo ko ng bahagya ang muka nya dahil habang sinasabi nya yan palapit sya ng palapit.
Isang death glare lang ang binigay ko at alam na nyang hindi na ako nagbibiro. Mabilis nyang hinatid si nanay sa kwarto ko. Napansin kong hindi pa umaalis si Diane sa kinatatayuan nya malapit sa pinto. Nakatingin sya sa kwarto kung san dinala si nanay at malungkot ang muka
"Pop" Tawag ko sa atensyon nya at tinapik ang upuan sa tabi ko "Libre umupo." Lumapit sya at naupo sa tabi ko."Bakit parang matamlay ka? Ayos ka lang?"
"Oo naman, pagod lang siguro ako tsaka...."
"Tsaka gutom?"
"Nadale mo." Nagtawanan kami. Pero kahit ayun ang sinabi nya, ramdam kong may mali.
"Dito ka na kumain, tara samahan mo ko sa palengke." Aya ko kay Diane
"Kuya Tin." Tawag ni Cedric kay Justin. "Pano nga po ulit ito?" Lumabas si Justin ng kwarto at lumapit kay Cedric. Tinuturuan nya ang kapatid ko mag laptop
"Saan pala galing yang Laptop?" Tanong ko kay Cedric
"Bigay ko sakanya yan" Sagot naman ni Justin. Nagpasalamat ako at sinabing babayaran ko saknya to. Hindi biro ang presyo ng gadget ah. Pero sinabi nyang wag na dahil regalo nya daw ito kay Cedric.
"Tsaka may trabaho na ko. Hindi nako tambay." Proud na sabi nya. Pero kahit namann talaga sya tambay. Tumutulong sya sa pagpapatakbo ng meat shop nila.
"Talaga? Saan? Buti naman napagod kana kakatambay." Pabiro kong sabi sakanya.
"Secret! Walang clue." Sinapak ko sya ng mahina sa sikmura. And daya eh, ako sinasabi ko lahat sakanya. "Joke lang, aray ko naman. Na realized ko kasi na kailangan ko na magbanat ng buto para sa future naten." Ok kinilig ako dun, ng slight lang.
"Uy si Ate namumula! Yiiiee." Kumuha pa si Cendric ng maliit na salamin at inabot sa akin. Oo nga. Namumula ang pisngi ko.
"In denial lang kasi ang ate mo pero ang totoo crush na din ako nyan." Bulong ni Justin sa kapatid ko. Parang sila ang tunay na magkapatid kung magkampihan.
"Bahala nga kayo. Aalis muna kami para makapamalengke ng uulamin."
Piniligilan ako ni Justin dahil meron na daw syang dalang baboy at rekado kanina pag dating nya dito. Nagprisinta syang magluluto para matikman ko naman daw ang luto nya.
Kaming apat lang ang nasa hapag ngayon dahil si nanay ay gusto daw muna magpahinga. Inutusan ko nalang si Cedric na dalan si nanay ng pagkain sa kwarto nya para kung magutom man sya, dun nalang nya kainin.
Nilagyan ni Justin ang plato ko ng kanin, ipinagsandok nya din ako ng sinigang sa maliit na mangkok. Hinayaan ko nalang sya. Napansin ko naman si Diane na hindi ginagalaw ang plato't kutsara nya. "Pop ok lang ba? Nakatulala ka na naman." Saglit huminto sa ginagawa nya si Justin para tignan si Diane.
"I feel like i want to rest pop. Can i go home na?"
"Huh? eh akala ko gutom kana. Kain ka muna bago ka umalis. Pls"
"Oo nga. Sabayan mo na kami masarap kumain kapag may kasabay." Sa pangalawang pagkakataon nasamid na naman si Diane sa sarili nyang laway. Seriously? Anong nangyayari sa kanya?
"Ah. eh. S-sige"
Kumain kaming apat na magkakasabay. Nang matapos kumain ay si Justin pa anh naghugas ng plato. Andito kami sa labas ng bahay ni Justin, nagpapababa ng kinain.
Nabanggit ko sakanya ang pinag usapan namen ng doctor ni nanay. Nasabi nyang nagkaron daw sya ng kamag anak na ganito din ang naging sakit, gumaling naman daw pagtapos mabigay ng bagong kidney.
"Oo nga pala, napansin ko hindi na kayo nag aasaran ni Diane ah. May nangyari ba sa inyo pagtapos naten mag inom?"
Kung kanina si Diane, si Justin naman ngayon ang nasamid sa sarili nyang laway. Yung totoo araw ba ng samid ngayon? Hinagod ko nalang ang likod nya.
"Ano? W-wala noh. Hindi ko type yun. Hindi ko type ang babaeng masyadong maingay. Tsaka ayoko sa flat"
"Huh? Flat? Ano ba yang pinagsasabi mo? Tinatanong ko lang naman baka nagka ayos kayo habang nag iinuman." Hindi ko na sila nasamahan hanggang pag uwi dahil hinatid ko si Maam Ivah sa Opisina nya sa mall. Iniwan ko sila ni Diane na nag iinuman.
"ah ayun ba? hehehe. Oo ganun nga. Tsaka kaibigan mo din sya, gusto ko din maging kaibigan ang kaibigan mo." Napakamot sya sa ulo nya at yumuko. Para syang nag aalangan sumagot.
"Hindi mo ba sya nakikita as a woman?" Maganda din naman si Diane.
"Hindi Andrea. Ikaw lang talaga ang gusto ko. Unang beses ko palang na nakita ka, nung time na naglilipat kayo ng gamit, humanga na ako sayo. Hanggang yung paghanga, naging pagmamahal. Kaya kahit hindi ka pumayag magpaligaw, liligawan talaga kita. Kahit hindi mo masuklian itong nararamdaman ko, wala akong pagsisisihan kasi ang importante ginagawa ko yung sinasabi ng puso ko." Mahaba pero iisa lang ang point nya. no matter what happens, he will love me.
"Ganun mo ba talaga ako kagusto?" Tumango sya
"Lahat gagawin ko para sayo."
Sandali akong nag isip. Baka kaya hindi ako makalaya sa past dahil hindi ko binibigyan ng chance na baguhin ang puso ko. Baka kaya sya padin ang mahal ko ay dahil hindi ko binabaling ang tingin ko sa iba. Ngayon na isang taon na syang wala at mukang hindi na babalik, baka pwede ko bigyan ng chance si Justin manligaw.
Umayos ako ng upo upang mapaharap sa kanya. "Sige pumapayag na ako magpaligaw." Let's give it a shot. Malay naten magustuhan ko dn sya soon.
"Yessss!"
Yayakapin nya sana ako dahil sa tuwa pero pinigilan ko sya. "Magkaliwanagan tayo. Ligaw palang ah, hindi pa GF."
"Oo naman, gaya ng sinabi ko kanina araw araw kitang liligawan kahit maging tayo na."
Lumapit sya saken at niyakap ako. This time hindi ko na sya pinigilan. Napabitaw sya saken ng may marinig kaming nabasag.
Si Diane, nabitawan nya ang basong hawak nya. "Sorry, dumulas lang. ahhh Pop, i think i need to go home. Medyo masama kasi pakiramdam ko."
"Okay pop. Ipapahatid kita kay Justin hanggang lab--" Pinutol nya ang sinasabi ko
"Hindi hindi. ok lang ako. Kaya ko na." Bumalik sya sa loob para kunin ang bag nya. Hindi ko man lang sya nasabihan ng ingat dahil mabilis syang naglakad papalayo.
"Paki sundan lang Tin hanggang sa labas." Madame na ang tambay ng ganitong oras. Nag aalala akong mapag tripan sya.
"Okay dito ka lang ahh" Humalik pa sya sa kamay ko bago umalis. Ang bilis ng galawan. 'kilig ka naman' sabi ng utak ko.