Andrea POV
Nagbilin ako kay Diane na mag text or chat kapag nakauwi na sya sa bahay nya, pero mag tatatlong oras na ng umalis sya dito wala pa din akong natatanggap. "Tin, pa call nga ako." Inabot nya saken ang phone nya at dinial ko ang # ni Diane. Ilang ring lang ng sagutin nya yun.
"Hello? Wala kang dapat i explain saken. Aksidente yung nangyari, at may kasalanan din ako dun. Masaya ako para sa inyo." Huh? Tinignan ko ang #, tama naman ang na dial ko.
"Pop?" Pagkukumpirma ko.
"OMG pop, that's you pala. Akala ko si Leo ang tumawag." Para syang nataranta sa kabilang linya.
"Inaantay ko kasi ang text mo kung nakauwi ka na. Nasan ka na ba?"
"Sorry pop, kakauwi ko lang kasi." Kahit dito sa phone call mahahalata na hindi maganda ang pakiramdam nya.
"Ano kaba, wala yun. Ako nga ang dapat mag thank you sa pagsundo samen ni nanay sa hospital." Hindi ako sanay na ganito kalungkot ang boses nya. Palagi kasi syang jolly at kalog. Hindi ko sya mausisa dahil baka hindi pa sya handa mag share saken. Sa ilang taon ng pagkakaibigan namen palagi naman sya nagsasabi saken kapag may problema kaya hindi ko maiwasan mag alala.
Andito padin si Justin sa bahay. Pauwi na sana sya kanina pero nung nalaman nyang may pasok ako sa bar nagprisinta syang ihahatid ako. Si nanay hindi ko na nakausap dahil pag silip ko kanina sa kwarto, nakatulog na sya. Binilinan ko si Cedric na tumabi kay nanay matulog para kapag may nararamdaman si nanay matawagan nya ako agad.
"Tara na?" Tanong saken ni Justin. Tumango ako
"Cedric papasok na ko sa trabaho. I lock mo ang pinto." Huling habilin ko sakanya bago lumabas ng bahay. Gaya ng nakagawian, kinuha ni Justin ang bag ko para bitbitin nya.
Hindi naman kalayuan ang bar at maaga pa kaya napag desisyunan nameng maglakad nalang. Para kamimg nag dedate sa luneta sa bagal ng lakad namen. Kulang nalang HHWW. (holding hands while walking)
"Andrea salamat ah." Basag nya sa katahimikan.
"Salamat saan?" Naguguluhan kong tanong.
"Sa pag payag na manligaw ako. Oo manliligaw ako kahit hindi mo sabihin pero iba padin yung may approval mo. Kasi para mo nading sinabi na 'tuturuan mo ko magustuhan' at masaya ako para doon."
"Ah ayun pala. Aaminin ko hindi kita gusto kasi ayaw ko masira ang friendship naten. Pero naisip ko din what if kailangan ko lang din ng konting push para magustuhan kita. Edi sayang kung hindi ko gagawin kasi mapapakawalan ko ang isang Justin na mapagmahal at maalaga. Medyo talo nga lang sa itsura." Pero biro ko lang yun. Hindi lang ako sanay na masyadong seryoso ang atmosphere. May itsura si Justin, scratch that, gwapo sya.. Pinoy na pinoy ang moreno nyang skin tone, makakapal ang kilay at bilugan ang mata. Matangos ang ilong pero hindi namam ganun kataas ang nose bridge nya, sakto lang. Matangkad din sya, standing 5'9 in height.
"Aray ko naman. Eh ano naman kung hindi kagwapuhan. Mahal ka naman, at magiging faithful naman sayo." Pambobola nya.
"Sus, tama ka na nga sa pambobola mo." Kinontra nya pa ang sinabi ko na hindi yun bola at nagsasabi lang daw sya ng totoo. Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi nya kasi pakiramdam ko may halaga ako sa ibang tao. Pero dahil sa past ko ang hirap na magtiwala. 'hay tama na nga yang kakaisip sa nakaraan, wala ka ng magagawa doon. Dapat focus ka nalang sa future'
Nakarating kami ng bar nang hindi namen namamalayan. Umalis si Justin pero sinabihan akong susunduin pagtapos ng shift ko.
Saturday night ngayon, ano pa nga bang iniexpect mo pag ganitong araw? Puno ng tao ang lugar, mas naging busy pa kami ngayon dahil nag expand itong bar. Pinalagyan ng 2nd floor ng may ari.
"Miss matagal pa ba ang inorder namen?" Pasigaw na sabi saken ng isang guest. Mag iisang oras na kasi pero wala pa yung inorder nilang special sisig.
"For a while sir, i follow up ko po uli." Paalis na sana ako pero biglang hinigit ng guess ang isang kamay ko ng malakas. Natapon tuloy ang tray na hawak ko sa isang kamay na may lamang mga plato at baso, dahil kaka bash out ko lang sa katabi nilang mesa. Dinig na dinig sa buong lugar ang tunog ng mga nabasag na glasswear dahilan para mapatingin sa amin ang lahat.
"Kanina pa yan pina follow-up. Pinag lololoko mo ba kami? Yung ibang table meron na yung samen wala pa." Galit na galit ang tono ng kanyang pagsasalita. Napapangiwi nadin ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa wrist ko.
"Humihingi po ako ng paumanhin sir. Nauna po kasi silang naka order pero wag po kayong mag alala ipapa follow up ko po uli."
Hindi na ako nakapalag ng tumayo sya at itulak ako ng malakas. Natumba ako at nadaganan ko pa ang ibang bubog kaya madaming galos ang natamo nito sa aking katawan. "Hindi ka sinuswelduhan dito para sagutin ng ganyan ang guess mo. Hindi mo ba ako kilala? Anak ako ng chairman ng barangay na kinasasakupan ng bar na to. Isang salita ko lang sa daddy ko ipapasara nya to, mawawalan kayo ng trabaho." Mabilis akong tumayo at yumuko sakanya.
"Pasensya na po sir. Hindi ko po sinasadya." Humingi nalang ako ng tawad kaysa mapasara itong bar. Kasi tama sya, pag napasara ang bar pare parehas kaming mawawalan ng trabaho.
"Kung talagang gusto mo humingi ng pasensya, lumuhod ka." Nagdalawang isip ako. Manghihingi ako ng tawad para di na lumaki to at walang madamay na ibang nagtatrabaho dito. Subalit hindi ba sobra naman kung luluhod ako dahil kung tutuusin ay wala akong kasalanan dahil hindi lang naman sila ang guess dito. Best seller ang Special Sisig namen dito kaya halos lahat ng table ay may order nun.
Pero nilunok ko ang lahat ng pride ko at napiling lumuhod nalang. Luluhod lang naman, hindi naman yun ikakababa ng pagkatao ko. Ang mahalaga may trabaho kaming lahat, lalo na ngayon may bagong tinitignan sa kundisyon ni nanay. Akmang luluhod na ako pero isang lalaki ang sumulpot sa gilid ko at pinigilan ako.
"Hindi din ikaw ang nagpapa sweldo sakanya kaya wala kang karapatan pasalitaan sya ng ganyan." Matapang na payahag ng lalaki sa gilid ko sa galit na guess.
"Sino ka ba?" Tanong ng galit na guess
"Hindi mo ba ako kilala? Pwes pag tapos nito makikilala mo na ako." Sagot naman ng lalaki, kasabay ng pag pasok ng mga pulis at nilagyan ng posas ang galit na guess. Pero teka, paano nagka pulis dito?
"Ayos ka lang miss? Madami kang sugat." Tinignan ko naman ang katawan ko. May mga nakatusok pang bubog sa mga palad ko. Hindi ko naramdaman ang sakit nito dahil mas inintindi ko ang galit ng guess kanina.
"Andrea!" Patakbong lumapit sakin si Manager Kim, ang may ari nitong bar. "Napaka dami mong sugat, anong nanyari dito? Bakit walang naka pwestong bouncer dito?" Galit na sigaw ni Manager Kim habang lumilinga linga sa paligid.
"Manager Kim ayos lang po ako."
"What? Anong ayos? Hindi ka ayos." Nagpabalik balik si Manager Kim ng lakad at aligaga. May kinuha sya sa pantalon nya , cellphone ata at mag didial na sana pero
"Manager Kim, remote po yan ng aircon." Paalala ko sa kanya.
"Hindi ba cellphone yung nadampot ko?Dibale na nga." Muling nagpabalik balik ng lakad si Manager Kim habang nag iisip. Unti unti kong nararamdaman ang hapdi ng mga sugat ko at tumutulo padin ang dugo ko mula sa mga ito.
"Ah excuse me po, kailangan naten sya dalin sa hospital para matahi yung ibang sugat at matigil ang pagdurugo." Sabi ng lalaking tumulong sakin
"Sandali, ipapahanda ko ang sasakyan ko. Isusugod kita sa Ospital. Dyan ka lang, dyan ka lang ah. Wag ka matataranta. Mag relax ka lang dyan. Wait lang wailt lang" aniya nya at aalis na sana kaso sa kabilang direksyon ang tahak nya.
"Manager Kim dito po" turo ko sa tamang direksyon papunta sa garahe.
"Sabing mag relax ka lang eh. Antayin mo ko dyan" Muling sabi nya
"Ah ma'am, ako na po ang magdadala sakanya sa Ospital kung ok lang po sa inyo. Wag po kayo mag alala hindi ako masamang tao" Dinukot ng lalaki ang wallet nya sa bulsa ng pantalon nya at may dinukot sya doon. "Ito po ang calling card ko."
Napanganga sa gulat si Manager Kim. "Kayo po si..." Nakaturo pa sya sa lalaki na parang hindi makapaniwala. "Opo sir ayos lang. Pakiusap paki ingatan nyo po ang empleyado ko."
"Salamat po." Sagot naman ng lalaki. Bumaling naman sya sakin. "Tara na miss?"
"Ah Opo," Nilisan namen ang lugar at nagtungo sa ospital. Nahihiya pa nga ako sumakay dahil napaka gara ng sasakyan nya at napaka linis ng loob. Nakakahiya kung matutuluan ko ng dugo, pero sabi nya he doesn't mind daw at pwede naman daw nya ipalinis yun ang mahalaga daw ang magamot ako.
Nakarating kami ng ospital, tinawagan ko na din si Justin para ipaalam ang nangyari dahil pagtapos ko dito pwede na daw ako dumeretso ng uwi sabi ni Manager Kim. "Maraming salamat po kanina sir." Kausap ko sa lalaking nagdala sakin dito.
"Wala yun, i just did the right thing and i don't wanna see women being hit by men. Ikaw din, sana next time you should know your worth. Wag ka basta basta luluhod lalo na kapag wala kang kasalanan."
"Opo sir. Alam ko naman po yun. Nagawa ko lang naman po yun kasi ayaw ko ipasara nya ang bar na yun. Madami po samen ang mawawalan ng trabaho. Lalo na po ako, kailangan ko po ng trabaho dahil may sakit ang nanay ko." Napayuko ako. Narinig ko ang buntong hininga ng lalaki.
"I'm sorry, i should be more selective about my words. Don't worry, he doesn't have the right to shut down that bar. By the way I'm James. And you?"
"Ako po si An--"
"Andrea!!" Hindi na natapos ang pagpapakilala ko ng patakbong lumapit samin si Justin. Pawisan ang noo at leeg nya, at magkaiba din ang tsinelas na nasuot nya. Napangiti ako ng lihim. Halatang nagmadali sya papunta dito.
"Sorry dapat binantayan nalang kita dun" Pagkalapit ay mabilis nya ko ginawaran ng yakap. Ramdam ko ang nginig nya at dinig ko ang mabilis na t***k ng puso nya mula sa pagkakahingal.
"Ayos lang noh. Hindi mo naman ako kailangan bantayan doon. Tsaka tinulungan ako ni sir." Kumalas saglit si Justin sa pagkakayakap para tignan ang sinasabi kong sir.
"Maraming maraming salamat po sir" aniya kay Sir James
"Wala yun, ginawa ko lang ang dapat."
Nang matapos linisin at tahiin ang ibang malalaking sugat pwede na daw ako umuwi. Si sir James na din ang nagbayad ng ospital bill ko pero sinabihan ko syang ibabalik ko pag nakapag reimburse ako kay Manager Kim, pero sinabi nyang ayos lang at ibulsa ko nalang daw. Di nalang ako nakipag talo para di na humaba to pero ibabalik ko padn ang pera pag nasa akin na.
Todo naman ang alalay sakin ni Justin at nagpakuha pa ng wheelchair. "Ano kaba? Nasugatan lang ako hindi ako nalumpo."
"Shhhh, wag ka na mag reklamo dyan."
"Ok fine pero pwede mo ba ko idaan muna ako sa cr" Gaya ng sabi ko tinulak nya ang wheelchair papunta sa cr. "Hep! Dyan ka lang. Hindi mo ko pwedeng samahan sa loob." May balak pa kasing sumunod kaya pinigilan ko sya.
"Kaya mo ahh, sigaw ka lang pag kailangan mo ng tulong." Napaka talaga.
"Oo na." Hindi ko na pinansin ang iba pa nyang sinasabi at pumasok na ako sa loob. Pag tapos ko umihi tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Puno ng gaslos at sugat ang bandang braso ko. May benta yung iba dahil kinailangan tahiin. Paano ko ba ipapaliwanag kay nanay ang nangyari? Baka hindi na nya ko payagan bumalik sa trabaho pag nalaman nya ang totoo. Hay! Bahala na nga.
Lumabas ako ng Cr, nadatnan ko si Justin at si sir James na parang nagtatalo. Nung napansin nilang lumabas na ako bigla sila nanahimik pero yung tinginan nila sa isa't isa mahahalata mong may tensyon.
Pagdating sa garahe ng ospital, inalok pa ako ni sir James na ihahatid sa bahay pero tumanggi si Justin at sinabing hindi na kailangan dahil may dala syang motor.
"Dude, that's for her to decide. Whether she'll come with me or not."
"Ako ang kasama nya kaya saken sya sasama." Justin
"But I was with her when we got here, so basically kasama nya na din ako." Sir James
"Ako ang kakilala nya." Justin
"We just introduced ourselves to each other, so magkakilala na din kami." Sir James
Nahihilo na ko kakalipat lipat ng tingin sa kanina. "Sandali sandali sandali.. mabuti pa tigilan nyo na yan kasi baka mamaya magpang abot kayo, kayo naman ang isugod ko sa ER." Tumingin ako kay sir James. "Sir maraming salamat po sa alok nyo pero sobra sobra na po yung pang aabala ko. Siguro po kay Justin nalang ako sasabay, tsaka magkalapit lang po kami ng bahay."
"Oh narinig mo yun?" Ani Justin at parang proud na proud pang nameywang habang ang noo ay nakataas. Kinurot ko sya ng pino sa tagiliran dahilan para dumaing sya ng sakit. "Ahhhh, hoo hoo"
"Tumigil ka nga. Para kang bata" Bulong ko sakanya.
"Okay. I guess we have to part ways. Anyway Andrea it's to meet you." Si sir James. Kinuha nya ang kanang kamay ko, ito kase ang walang benda, sabay hinalikan nya. Mabilis naman iyon binawi ni Justin. Inisprayan nya pa nga ng alcohol ang parteng hinalikan ni sir James. Hay! Kahit kailan talaga to. Sinuotan nya ko ng helmet at inalalayan makasampa sa motor nya. Iginaya nya ang mga braso papayakap sa kanya.
"Bye po si--" biglang pinaharurot ni Justin ang motor dahilan para hindi na ako makapag paalam ng maayos kay sir James. Tinignan ko nalang sya mula sa side mirror at kinawayan. "Oy dahan dahan nga lang." Sigaw ko sknya dahil bumibilis sya sa pagmamaneho.
"Kailangan ko bilisan. Baka mamaya sumunod yun." Mapapa face palm ka nalang talaga. Yumakap nalang ako para di ako mahulog. Nang medyo lumayo ang distansya namen sa ospital, nagsimula syang magmaneho ng sakto lang, pero napansin kong hindi ito ang daan pauwi samen. Tinanong ko sya kung saan kami pupunta at ang sabi nya ay surprise. Mag relax lang daw ako.
Halos kalahating oras ang lumipas narating namen ang isang overlooking spot dito sa Taytay Rizal. "wow!" Tanging nasambit ng makita ko ang view. "Napaka ganda pala dito kapag gabi." Kitang kita ko ang mga nagliliwanag na gusali. Iba din ang simoy at hampas ng hangin. Napaka sariwa. Pumikit ako para damhin ang malamig na hangin nang may naramdaman ako yumakap mula sa likuran ako. Sisikuhin ko sana ngunit nagsalita sya.."Pls, hayaan mo lang ako."
Hindi ako pumalag, hinayaan ko lang syang yakapin ako. Dapat ay naiilang na ako ngayon dahil hindi ako sanay na may ibang yumayakap sakin ngunit sa di malaman na dahilan naging komportable ako.
"Pwede ko ba ihinto ang oras? Para ganito nalang tayo." Pinatong nya ang baba nya sa balikat ko. "Pwede ba ko magtanong?"
"Nagtatanong kana." Biro ko na ikinatawa naman nya. "Ano ba yun?"
"Paano kung maging tayo na tapos may nagawa akong kasalanan, mapapatawad mo ba ko?"
"Hmmmm. Depende sa kasalanan. Magbigay ka ng example."
"Halimbawa, ano--" hindi nya matuloy tuloy ang sasabihin nya.
"Anong ano?" Saglit kaming natahimik. Hinayaan ko lang syang mag isip ng sasabihin nya.
"Halimbawa, may nagalaw akong iba. As in may naka s*x akong iba." Hindi ako nakasagot agad kasi parang bumalik yung sakit nung naghiwalay kami, nung time na nahuli ko sila.
"Makikipag hiwalay ako." Alam na alam ko ang gagawin ko sa ganun scenario dahil naranasan ko na minsan ang ganun. Naramdaman kong humigpit ang yakap nya sakin. Yung yakap na parang ayaw nya ko makawala. "Pero depende padin naman. Oo magagalit ako, baka makipag hiwalay ako pero depende yun kung paano mo ko masusuyo. Alam ko naman na lahat nag kakamali, normal yun. Ang mahalaga ay kung paano mo itatama ang mali mo." Bagay na hindi nya ginawa dahil imbis na kausapin ako iniwan lang ako sa ere at nagpunta ng America. Hinayaan nya kong nasasaktan, wala akong narinig na paliwanag, wala lang sakanya ang lahat.
Pinihit nya ko paharap sakanya at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. "Napaka ganda mo talaga" ngumiti sya ng matamis. "Pero hindi ganda ang nagustuhan ko sayo kundi ikaw mismo. Bonus nalang na maganda ka." Hinawakan nya ang dalawang kamay ko. "Hindi ako mayaman, wala akong mansyon, wala akong magarang sasakyan pero lahat ng meron ako ibibigay ko sayo. Aalagaan kita, kayo ng pamilya mo. Babantayan at poprotektahan kita. Mamahalin kita ng walang hanggan."
Ang sarap pakiramdam na sabihan ng mga ganitong bagay. Hindi ko masabing mahal ko na sya, kasi kanina lang naman ako nagtry buksan ang puso ko sa iba, pero hindi ko din masasabing ayaw ko sakanya. We're now more than friends, but not lovers. Ah basta yun na yun
Kahit naman noon nung hindi ako pumapayag magpaligaw ay nanliligaw pa din sya. Kinikilig ako kapag may ginagawa syang mga bagay para sakin at sa pamilya ko. Totoong kapatid ang turing nya kay Cedric at totoong magulang naman kay nanay. Kaya din siguro gusto sya ni nanay para sakin kasi nakikita nya ang effort ni Justin. Ako lang naman ang sarado ang mata sa ibang lalaki dahil sa past ko, natatakot ako magmahal muli dahil ayoko masaktan. Then i realized, kapag nagmamahal ka masasaktan at masasaktan ka talaga because it's part of that. Hindi mo mahal ang isang tao kapag di ka nasaktan.
Now that I'm ready to love someone, and i want that someone to be Justin. Gusto ko sya matutunan mahalin dahil deserve nya masuklian ng pagmamahal. He was always by my side.
After namen mag over looking nagkayayaan kami kumain ng pares. "Diba may trabaho kapa bukas? San pala?" tanong ko sakanya ng maalala ko ang nabanggit nya kanina.
"Secret walang clue. Bukas malalaman mo din." Tulad kanina ito uli ang sagot nya. Inirapan ko sya at hindi na nangulit. Nagulat ako ng tumawa sya
"Haha, maganda ka din pala magtaray." pang aasar nya.
"Tigilan mo ko Justin." Kumain nalang ako ng pares. Ilang minuto din kami walang imikan. Busy sa kanya kanya nameng pagkain. "Eh bakit mo pala naisipang magtrabaho? Diba may meatshop naman kayo?"
"Maganda ang kita doon pero hindi ako makakaipon kung dun lang ako sa meatshop. Pangarap ko kaya makabili ng bahay kung saan ko ititira ang magiging pamilya ko. Ayoko lumaki ang mga anak ko sa lugar naten. Alam mo naman ang mga tao dun puro gulo ang gusto. At ikaw Andrea, ikaw ang gusto ko maging pamilya, ikaw ang gusto ko maging nanay ng mga magiging anak ko. Magsusumikap ako para mabigyan kayo ng maayos na buhay, pati sila nanay Cena at Cedric isasama naten. Ganun kita kamahal."
Mukang tama ang naging desisyon ko na bigyan ng chance ang sarili kong mag mahal ng iba, at bigyan sya ng chance para i prove nyang karapat dapat sya. And so far, puro pagpapakilig nalang pinaparamdam nya. Am i really better off with someone else? With Justin?