Andrea POV
"Nanay good morning!" Masayang bati ko kay nanay. Nagluto ako ng almusal at dinala dito sa kwarto.
"Ikaw nagluto anak? Sana iniwan mo nalang saken yan. Diba may pasok kapa?" Nilapag ko ang tray na may lamang oatmeal sa mangkok. "Oatmeal?"
Oatmeal ang hinanda kong almusal which is a very unusual kasi heavy eater kami dito sa bahay. We prefer to eat fried rice instead of pandesal sa umaga, na ipapares sa pritong itlog, or hotdog, o kaya tuyo. Pero hindi na pwede ngayon ang ganung kain namen kasi kailangan mag bawas ni nanay sa mamantikang pagkain at makolesterol.
Wala pa naman kaming diagnosis ng doctor pero mas mabuti nang nag iingat. "Anak hindi sa ayokong kainin ang hinanda mo pero bakit oatmeal? May nasabi ba ang doctor ko kahapon? Nabalitaan ko kasing kinausap ka nya."
"Alam nyo po nay?" Tumango sya. Ito na yung chance para i open up ko kay nanay ang totoo. "May napansin po kasi ang doctor nitong mga nakaraang session nyo nay, pero hindi pa naman po sigurado kaya irerefer po tayo ni Doctor Ang sa Cardiologist." Kwinento ko kay nanay ang ibang detalye.
"Kaya pala iba ang pakiramdam ko kasi meron pa pala akong ibang sakit.. Hindi na nga ako nakakatulong sa gastusin dito sa bahay, may panibago ka na namang pag kakagastuhan." Malungkot nyang pahayag.
"Nay hindi pa naman po naten sigurado kung meron. Nakakaramdam ka ng kakaiba dahil sa pag didialysis mo, sabi mo ni doc possible daw po talaga yang nararamdaman mo kaya kailangan mo ng kidney transplant asap."
"Saan naman tayo kukuha ng pampa opera anak? Aabot ata ng milyon ang pampa transplant." Ito na nga ba ang sinasabi ko, mag aalala sya sa mga gastusin.
"Gagawa po ako ng paraan wag nyo na po problemahin yun." Ngumiti si nanay ngunit ang ngiting yun ay hindi na umabot sa mga mata nya. "Ilang taon nyo po kami inalagaan ng mag isa kaya hayaan nyo pong ikaw naman ang alagaan namen." Hindi na napigilan ni nanay maiyak, pinatahan ko lang sya agad dahil baka makasama sa puso nya ang pagiging emotional. "Tahan na nay, gagaling din po kayo at matatapos din po ang lahat ng problema naten. Kaya kumain na po kayo bago pa lumamig ang oatmeal nyo."
Sinuguro kong lahat ng kakailanganin nila ni Cedric at nanay ay nakahanda na. Mula kasi sa duty ko sa mall, dederetso na ako ng pasok sa bar. Inusisa din ni nanay ang mga galos at sugat sa braso at kamay ko. Nag dahilan nalang ako na naaksidente ako habang nag tatrabaho.
Hindi na ako nahatid ni Justin sa mall, maaga daw syang pumasok kanina dahil 1st day nya sa trabaho. Parang na miss ko naman sya, dahil nasanay akong hinahatid at sinusundo nya ko simula ng makalabas sya sa ospital. Pero wala naman akong reklamo dahil unang una hindi naman nya ako girlfriend, pangalawa may sarili padn naman syang buhay hindi naman tama na sa akin lang iikot ang mundo nya.
Nakarating ako sa employees entrance ng mall 15 mins bago ang time ko. Nag bihis ako ng uniform at nag ayos ng buhok. Nag apply din ako ng light make up dahil required yun pag naka duty ka. Bawal ang cellphone habang naka duty pero sinuksok ko sa bulsa ng short kong panloob ang cellphone ko. Bawal nga pero hindi pwedeng iwan ang phone ko sa locker dahil baka may emergency sa bahay hindi ko agad malalaman. Sinilent ko lang ang phone at inon ang vibration bago pumunta sa station ko.
"Good morning miss beautiful." Bati sakin ng lalaki sa likod ko, pero kilalang kilala ko ang boses nya kaya agad akong lumingon at nagulat ako nang makita sya dito.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Pinakita nya sakin ang ID na suot nya, ganun na lamang ang pagka amaze ko ng mabasa ko ang nasa ID nya.
Justin L. De Asis
Electrician Engineer
Electrician Engineer pala sya, ngayon ko lang nalaman dahil hindi nya naman nabanggit sakin. Alam kong nakapag tapos sya pero hindi ko alam na mataas pala ang pinag aralan nya.
"Electrician Engineer ka pala, Wow! Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong ko sakanya.
"Ayoko talagang maging Electrician Engineer, pinakuha lang sakin yun ni papa dahil in demand daw sa barko. Pero ngayon napag tanto ko na gusto ko na pala para ipagmalaki mo ko, at malaki din ang sahod ng Electrician Engineer, makakaipon ako agad ng pang negosyo ko at soon makakapag patayo din ako ng bahay para satin."
Tumingin tingin ako sa paligid para tignan kung may nakarinig sa sinabi nya. "Uy ano kaba, baka may makarinig sayo."
"Haha eh ano naman kung madinig nila. Gusto mo ipagsigawan ko pang nililigawan kita at dahil sayo kung bakit gusto ko magsumikap?" Pang hahamon nya.
"Sige nga." Wala sa loob ko na pinatalunan ang sinabi nya dahil alam kong hindi nya yun magagawa.
"Makinig kayong lahat, si Andrea ang pinakamamaha---" hindi nya natapos ang sinasabi nya dahil dali dali kong tinakpan ang bibig nya. Nkakahiya!
"Huy! Ano ka ba? Nababaliw ka na ba?" Hindi ko pa sana bibitawan ang bibig nya pero matagumpay nyang natanggal ang pagkakatakip ng kamay ko dahil mas malakas sya saken.
"Oo nababaliw na ako sayo. Kayang kaya ko ipagsigawan na ikaw ang babaeng nililigawan ko."
"Siraulo ka talaga." Napipikon kong sabi sakanya. Nakuha kasi namen ang atensyon ng iba kaya pinagtitinginan kami.
"Manuel, sa pagkaka alala ko wala sa job description mo ang makipag landian during working hours." Si ma'am Roxas na sumulpot kung saan. Yumuko ako at nanghingi ng paumanhin, sinesenyasan ko si Justin na umalis na, pero ito sya at nakikipag titigan pa kay ma'am Roxas.
Tinignan nya ang wristwatch nya at nagsalita. "Ma'am, 7:58 palang. Technically hindi pa oras ng trabaho nya." Sagot nya kay ma'am Roxas. Mapapag diskitahan na naman ako nito mamaya.
"May i know who you are? Bawal kasi outsider dito, wala pang mall hours." Hindi nag salita si Justin at pinakita lang ang ID nya. "Oh I'm sorry sir. It was all just misunderstanding."
"Yeah, sana nga, dahil iba ang nakikita ko." Lumipat sa akin ang tingin nya. "Sige na Andrea may aayusin pa kong wirings. Mamaya aantayin ko ang out mo."
"Bye!" Paalam ko sakanya. Bumalik ako sa mga inaayos ko kanina dahil maya maya lang magbubukas na ang mall. Naramdaman ko ang paglapit ni ma'am Roxas sa likod ko.
"Kung inaakala mong pwede mo na kong kalabanin dahil boyfriend mo ang electrician dito. Pwes nagkakamali ka." Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo saken nito
"Hindi ko ho sya boyfriend, manliligaw lang, at kahit maging kami man hindi ko sya gagamitin para kalabanin ko kayo. Wala po akong ibang gustong gawin kundi ang trabaho ko." Tinaasan nya lang ako ng kilay at umalis din.
Ilang oras ang lumipas nag break time si ma'am Roxas. Wala naman masyadong tao kaya pumunta ako sa stock room para i check ang phone ko kung may messege ba si Cedric. Dito lang kasi walang CCTV eh. Na nakakapag taka, dahil dito nakaimbak ang mga binebenta sa mall, dapat ay may CCTV dito para may ma track kapag nagka aberya.
And speaking of aberya, naalala ko ang overpriced na mga damit. Nagkaron ako ng idea na i check ang mga nandito at kuhaan ng picture ang mga ito, kasama ang presyo. Aabangan kong ilabas ito at ipapag kumpara ko ang presyo nila. Maya maya ay nakadinig ako ng mga yabag ng paa. Tunog heels kaya sigurado akong babae yun, at sigurado akong si ma'am Roxas yun dahil pinagbawalan nya ang mga sales lady na pumasok dito. Aligaga akong naghanap ng matataguan, nakita ko ang maliit na espasyo sa gilid. Doon ako nagtago at hinarang ko ang isang hanging rack na puno ng nakasabit na dress para matakpan ako.
Bumukas ang pinto at pumasok ang kung sino mang nakasuot ng heels. "Bukas ilalabas ang ibang collection na nandito sa bodega, wala pa ba yung customized price tag?" Tama nga ako, si ma'am Roxas ang pumasok, pero sino ang kausap nya? At ano ang cutomized price tag?
"Ma'am parating po mamaya, isasabay po sa mga idedeliver na bagong portable POS machine para sa resibo na iissue sa mga customers." Teka, boses ba to ni Trishia, yung kahera namen?
"Good! Anong oras dadating?" Si ma'am Roxas.
"Around 8pm po. Sa backdoor po uli." Trishia
"Sige, ikaw ang sumalubong sakanila. Make sure na walang makakatunog sayo. Lalo na yang si Manuel, hindi ko gusto ang pagiging pakielamera nyan." Ma'am Roxas.
"Yes maam. Anyway ma'am salamat nga po pala natanggap ko na po ang bonus na binigay nyo." Trishia
"Walang problema. Actually, commission ni Andrea yun. Pero dahil mas deserve mo yan, sayo ko binigayn. Wala tayong magiging problema kung susunod ka sa lahat ng sasabihin ko." Ma'am Roxas.
"Makakaasa po kayo." Trishia
Maya maya pa nadinig ko ng nagbukas sara ang pinto kasabay nun ang papalayong tunog ng heels ni ma'am Roxas. Tama ba ang nadinig ko? Yung commission ko na kinuha nya ay binigay nya sa ibang empleyado? Naiis ako dahil tinatrabaho ang ang bagay na yun pero sa iba napunta. Hindi maganda ang kutob ko, unti unti na nakukumpirma ang hinala nila Justin at Diane. Kailangan ko makakuha ng ebidensya.
Chineck ko muna ang phone ko kung walang emergency na text si Cedric, na maigi naman at wala, bago ako lumabas ng bodega. Hinubad ko din ang suot kong sapatos para hindi makalikha ng tunog ang maliit na takong nito. Nang makumpirmang walang tao sa hallway, ay dali dali akong lumabas at tinahak ang kabilang dulo, hindi ako lalabas sa department store dahil mahahalata ako na galing ako dito sa bodega. Yung kabilang daan ang tinahak ko para magmukang galing lang ako sa cr.
Bumungad saken ang nakataas na kilay na si ma'am Roxas ng nakabalik ako sa station ko. "Hindi ka ba na orient na bawal ang pagala gala sa oras ng trabaho?"
"Sorry po ihing ihi na po kasi ako eh. Hinahanap po kita para magpaalam sana, kaso wala po kayo. Hindi nyo naman po siguro gustong magkalat ako dito." Hindi ko maiwasan na sagutin sya dahil sa mga narinig ko kanina.
"Bilib din ako sayo iha, nagiging matapang kana, well then tignan naten kung hanggang saan ang tapang mo." Ayun lang ang sinabi nya at umalis na din sya sa harap ko.
Dumating ang 7:50pm. 8pm daw ang delivery ng pinag uusapan nila kanina. Nilapitan ko si ma'am Roxas para mag paalam na ccr ako dahil kunwari nadudumi ako.
"Salvador, samahan mo si Manuel." Tawag nya sa isang kasamahan ko.
"Po? Kailangan pa ba yun?" Talagang nag iingat sya na wala akong malaman, pero sorry, too late for that. Dahil may narinig na ako, at may suspetsya na ako. Kailangan ko lang ng ebidensya.
"Magpapasama ka o hindi ka makakaalis dito?" Hindi ko naman pwedeng bawiin ang sinabi kong nadudumi ako. Wala na kong nagawa sa huli kundi magpasama kay Salvador.
Habang naglalakad papuntang CR naiisip ko bigla, hindi kaya kasabwat din itong si Salvador? Ito kasi ang parang kanang kamay ni ma'am Roxas sa aming mga sales lady. Kapag wala si ma'am Roxas sya ang nagiging mata nya, kaya hindi din malabong may alam sya sa nangyayari.
"Hindi na ako papasok dahil ayokong maamoy yan. Pero bilisan mo lang dahil malalagot ka kay ma'am Roxas pag nagtagal ka." Sabi ni Salvador.
"Oo saglit lang talaga ako, antayin mo ko dyan ah." Pumasok ako sa cr at ni lock ang pintuan. Ngayon paano ako makakalabas dito ng hindi nya napapansin? Sa kabilang sulok may nakita akong jalousie window. Nilapitan ko yun at tinanggal ang salamin mula sa ibaba hanggang taas na tansya kong magkakasya na ako. Maingat ako lumusot sa bintana at pumunta papuntang back door.
Sa kakamadali ko pa ay muntik na nila ako makita. Mabilis akong nagtago sa pader at pinanood ang nangyayari. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng panloob kong short at sinimulan mag record ng video. May dumating na sasakyan at may binabang box mula sa sasakyan. Ito na marahil ang customized na price tag at portable POS machine.
Nilapitan pa iyon ni Trishia upang masuri, nag masiguro na tama ang item na na deliver, inabot nya ang libo libong pera na naka bundle. "Magaling, siguradong matutuwa si ma'am nito dahil parehong pareho ito sa design ng pricetag na nasa loob, iba lang ang presyo hahaha."
Umalis na ang sasakyan pero andito padin si Trishia. Lumapit sakanya ang security guard at hinalikan sya sa leeg. "Baka pwede ako umiskor sayo, quickie lang."
"Ano ba, baka may makakita saten." Saway ni Trishia.
"Walang makakakita saten dito. Tsaka dun tayo sa loob, saglit na saglit lang, mga 5 mins. Pakunswelo mo man lang saken dahil malaya nyong nagagawa ang transaction nyo ng palihim." Hindi na nakapalag si Trishia nang hilahin sya ng guard papasok sa kwarto nito, o yung barrack nya..
Pagkakataon ko na to, kaya lumapit ako sa box upang maisama sa video ang laman nun, nag capture na din ako ng picture. Parehas na parehas nga sya sa mga price tag na nasa bodega pero overprice ang mga ito. Ngayon nakumpirma ko na, nagdadagdag sila ng presyo sa original price upang may maibulsa. Hindi lang si ma'am Roxas ang involve dito, si Trishia at ang guard, maaaring si Salvador din.
'tapos kana?'
'malapit na wag ka maingay hindi ako makapag concentrate, tuwad ka lang dyan'
'bilisan mo naman, baka hinahanap na ako ni ma'am'
'tanggalin mo ibang botones ng uniform mo, pahawak sa boobs'
'ahhhh, ibaon mo pa'
Dinig na dinig ko ang palitan nila ng mahahalay na salita, lumapit ako ng kaonti sa pinto para madinig sa video ang boses nila. Ngunit pag atras ko para umayos sana ng tayo ay natabig ko ang mop kaya lumikha iyon ng ingay.
'may tao sa labas, silipin mo nga' trishia
Mabilis ako nagtago sa pader upang hindi nya ko makita. "Wala namang tao dito." Sabi ng guard
"Tapusin na naten to para makabalik na ko sa loob." Trishia
Hindi ko na inantay na matapos pa sila. Kailangan ko maunahan sa loob si Trishia para hindi nya ko paghinalaan. Binalik ko ang phone sa bulsa ng panloob kong short at nilisan ang lugar. Nakabalik ako sa cr ng walang nakakakita saken. Binalik ko ang pagkaka ayos ng jalousie. Naghugas ako ng kamay gamit ang sabon at nag wisik ng kaunting tubig sa muka para magmukang pawis. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto ng cr.
"Hehe, ok na. Nakaraos din. Matagal ba ko? Sorry ah" ngumiti ako ng awkward kay Salvador. Umakto akong inosente.
"Ano pa nga ba, pssh. Kung hindi dahil sa utos ni ma'am hindi ako mag aaksaya ng oras na samahan ka." Pagtataray nya.
Pagbalik namen sa station andun na din si Trishia. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Hindi na kasing ayos kanina ang buhok nya ngayon, may lagpas ang lipstick nya at hindi naikabit ng maayos ang pagkakabotones ng uniform nya dahil may na skip na isang butas kaya tumabingi. "San ka galing?" Tanong nya saken. Malamang ay iniisip na nya kung sino ang nasa labas kanina habang nakikipag s*x sya sa guard.
"Galing ako sa cr." Sagot ko
"Pinaglololoko mo ba ko?" Trishia.
"Hindi, kasama ko si Salvador. Kahit magtanong kapa sakanya" Maigi na din palang pinasamahan ako ni ma'am dahil kung hindi ako agad ang maiisip nitong nakahuli sakanila.
"Wag kang sinungaling. Ikaw lang ang wala dito pag dating ko so sino yung.." oooops, muntik na nyang mabuko ang sarili nya. Nag akto lang ako walang alam at hinihintay ang susunod nya sanang sasabihin, kahit alam ko na. "Ah w-wala. Bumalik ka na sa station mo." Aniya. Halatadong kasambat si Salvador dahil parehas kaming wala pero hindi nya pinaghinalaan si Salvador.
"Ah okay, anyway--" lumapit ako para ayusin ang pagkakabotones ng uniform nya. "Ang gulo ng unform mo, hindi naman yan ganyan kanina. May naghubad ba nito?" Para naman syang napaso at inalis ang kamay ko sa uniform nya, tumalikod sya ang patakbong pumasok sa isang fitting room. Napangiti ako ng pilyo, nasa akin na ang ebidensya. Mamaya magpapasama ako kay Justin para makapunta sa Office of the CEO. Balita ko malapit lang sa opisina ng mga Electrician ang opisina ng may ari nitong mall.
Nagpapakasasa sila sa pera ng ibang tao. Yung pinag trabahuhan kong pera, kay Trishia ibinigay. Kahit na 4,500 lang yun eh bakit ba. Call me cheap pero hindi ko mapapalagpas yun. Ang bawat sintimong pinag hihirapan ko ay nakalaan sa nanay at kapatid ko, kaya big deal sa akin yun. Humanda kayo mamaya at malalaman ng nakatataas ang ginagawa nyo dito. Hindi ko alam kung sino sino pa ang kasabwat nyo kaya dederetso ako sa may ari nitong mall.
Pinuntahan ako dito ni Justin sa department store pag out ko. Hinatak ko sya at dinala sa isang sulok kung saan walang makakarinig sa amin. "Tin" pwede mo ba ko samahan sa opisina ng CEO?"
"Bakit? Para saan?" Naguguluhan nyang tanong.
"Kasi tama kayo ni Diane ng hinala. Merong anumalyang nangyayari dito. Umoorder sila ng customized na price tag at yun ang pinapalit nila sa mga price tag ng damit na nasa bodega bago ilabas at ibenta. Kaya pala hindi iyon pinapabenta sa amin dahil pinapalitan pa muna nila ng mga presyo iyon. Tin yung customized na price tag na yun,, overpriced. Tsaka meron din silang sariling POS machine, maliit lang, portable. Sa tingin ko ayun ang ginagamit nila pang print ng resibo na binibigay sa mga bumibili, kaya walang nagreklamo na sobra ang binabayad nila, at yung POS machine ng mall, dun nila ini scan ang code ng original na presyo kaya walang nakakahalata."
"Kung ganun, hindi lang isang tao ang involve dyan. Yung kahera nyo malamang kasabwat dahil sya ang nag sscan."
"Tama ka, at may ebidensya ako. Nandito sa cellphone ko. Pati yung guard sa backdoor kasabwat nila. Kaya malayang nakakapasok ang mga deliveries nilang gamit para sa panlolokong ginagawa nila. At malamang ay meron pa silang kasabwat kaya kailangan naten kumilos ng tahimik. Meron bang daan papunta sa opisina ng CEO ng hindi nila tayo makikita?"
"Sandali i checheck ko sa blueprint ng mall." Kinuha ni Justin ang phone nya at may chineck sya. "Tara dito tayo dumaan." Tinahak namen ang pasilyo patungo sa parte ng mall na inaayos para maging park. "Hindi pa to binubuksan, kaya tanging mga construction workers, electrician engineers at architects lang ang pwede dito. Kasama kami dun dahil kailangan namen planuhin ang electric wirings sa gawi na to. Kaya wag ka mag alala walang makakakita saten dahil kanina pa tapos ang duty namen."
Nakarating kami sa isang glassdoor na nakalagay ay 'OFFICE OF THE CEO' ngunit sarado na ito kaya bigo kaming makausap ang amo namen.
"Bukas nalang siguro Andrea, sasamahan kita uli." Wala kaming choice kundi lumabas na ng mall. Dumaan lang kami sa convenience store para makakain ako ng kanin dahil dederetso na ako ng pasok sa bar. Pinapanood ko din kay Justin ang video na nakunan ko kanina. "So, yang katrabaho mo at ang guard may relasyon?"
"Hmmmm, hindi ko masabing mag boyfriend girlfriend sila. Kasi parang pumapayag lang din si Trishia para hindi kumanta yung guard."
"Pero hindi sya mukang napipilitan base sa video kasi parang sarap na sarap pa nga sya." May point si Justin. Muka ding ginusto nilang dalawa. O baka sa ganun lang sila may relasyon pero no string attached. "Ipasa mo nadn yan saken, maganda nang sigurado para kahit anong mangyari dyan sa phone mo may copy kapa."
Sinunod ko ang sinabi nya, may point na naman sya. Hindi ko alam baka mawalan ako phone ko o kaya naman ma corrupt ang files dito. Masasayang ang pagka imbistigador ko kanina. Nahirapan pa naman ako lumusot sa jalousie window para lang makatakas sa bantay ko. Bukas matatapos ang pangloloko nila sa mga customer at sa management ng mall.