Andrea POV
"Relax lang nay. Baka hindi maganda kalabasan ng result kung kakabahan ka." Sabi ko kay nanay. Andito kami ngayon sa clinic ni Doctor Brooke dito sa hospital. Sya yung nirefer na cardiologist ni Dr. Ang.
"Hindi ko maiwasan nak. Paano kung may makita nga sakin na bagong sakit?"
"Kaya nga po kayo kinakabahan kasi ganyan agad ang naiisip nyo. Sige ganito nay, Inhale..exhale.. inhale.. exhale ." Ginaya naman ni nanay ang paghinga at pagbuga ko ng hangin.
"Good morning Misis Manuel. I'm sorry I'm late, nagka emergency ako kanina". Dumating si doctor Brooke at naupo sa swivel chair nya. Binuksan ni Dr. Brooke ang folder ng information ni nanay, doon kasi nakasulat ang kinuha kanina ng nurse na height, weight, blood pressure, temperature at heart rate.
Sunod ay ininterview nya si nanay tungkol sa medical history ng pamilya, kung may bisyo, kung ano ano ang ginagawang activities sa loob at labas ng bahay, kung ano ano yung mga napansin nyang kakaiba sa paghinga nya lately, kung gaano na sya katagal may End-Stage Kidney Disease, kung gaano na sya katagal ng papa hemodialysis and so on.
"Ok misis, may ilan na po kayong signs ng Left Ventricular Hypertrophy, kung saan kumakapal po ang wall ng lower part ng Left Ventricle nyo." Tumayo sya saglit para kunin ang anatomical heart model nya. Itinuro nya gamit ang ballpen ang left side ng puso. "This is the Left Ventricle at itong part naman yung nagkakaron ng pangangapal. The left ventricle is the main pumping chamber in our heart. During left ventricular hypertrophy, the thickened wall can become stiff and blood pressure in the heart increases. The changes make it harder for the heart to effectively pump blood. Eventually, the heart may fail to pump with as much force as needed." Paliwanag ni doc. "According to the interview we conducted, you're possibly suffering from this heart disease, but we will do another test to make sure."
Tinawag ni doc ang nurse nya para ipahanda ang room kung saan gagawin ang test kay nanay. Tatagal daw ng 1-2 hrs ang test na gagawin kaya naupo muna ako dito sa desk ni Dr.Brooke. Maya maya pa lumabas ang nurse mula sa silid kung nasan si nanay. "Ah nurse magkano po ba ang ginagawang test kay nanay ngayon?"
"2,500 po ma'am, Echocardiogram po ang tawag sa test." Sagot ng nurse. Nagpasalamat ako at umalis na sya. Maigi pala at may dala akong extrang pera. Naka dami kasi ako ng tip kagabi. Si sir James nga pala andun uli kagabe para mag inom. Akala ko nga mag aaway sila Justin dahil buong duty ko nagpapalitan lang sila ng masasamang tinginan. Nag tip si Sir James ng 1k saken, hindi nagpatalo si Justin at nag tip din ng 2k. Sunod na tip ni sir James ay 3k pero hindi na nasundan yung kay Justin kasi napagalitan ko sya. Hindi sya kasing yaman ni sir James kaya hindi nya dapat pilitin na malamangan sya. Tsaka bakit ba sya nakikipag kumpitensya masyado kay sir James? Well, pasalamat padin ako sakanila kasi may pang gastos ako ngayon sa check-up ni nanay.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kinauupuan ko. "Anak, giseng na." Nagiseng ako sa mahihinang tapik ni nanay. "After 1 week pa daw ang resulta. Pwede na tayo makauwi." Pinaalalahanan si nanay ng mga bawal gawin habang wala pang resulta. Nagreseta din sya ng gamot para sa puso. Nagbayad lang ako at nagpasalamat bago lumabas ng clinic nya. Bago umalis ng ospital, binili ko na sa pharmacy nila ang niresetang gamot. Mahirap na mamaya kasi nasa duty na ako.
Habang nag aabang kami ng taxi pauwi, may humintong itim na sasakyan sa harapan namen ni nanay. Binaba ng kung sino mang driver ang bintana sa passenger seat. "Andrea? I knew it was you. Where are you heading?"
"Kayo po pala yan. Pauwi na po kami sir." Iba kasi ang gamit nyang sasakyan ngayon, kumpara sa sasakyan na gamit nya nung sinugod nya ko sa ospital.
"Hop in, hatid ko na kayo." Kahit nakakahiya ay sumakay kami, kanina pa kasi kami nag aantay pero walang dumadaan na taxi. Sa harap ako naupo habang si nanay ang nasa backseat. Sinabi ko kay sir James kung saan kami nakatira.
"Ah nga pala sir, sya po pala ang nanay ko. Nay si sir James po." Pakilala ko sakanila sa isa't isa.
"Ano ka ba, pls drop the sir. I feel like I'm already old. James will do. Uh by the way nice to meet you po ma'am." James
"Tawagin mo nalang akong tita Cena, nagmumuka din akong matanda eh. Magkaibigan ba kayo ng anak ko?" Natawa din si James sa pabirong nasabi ni nanay.
"Opo nay, regular customer po si sir, i mean si James sa bar kung san ako nag tatrabaho. Sya din po yung tumulong sa--" kamuntikan ko ng masabi ang gulong kinasangkutan ko nung isang gabi. "Tumulong po sya sakin nung nawala ang phone ko." Pagsisinungaling ko.
Tinignan ako ni James na parang nagtatanong kung ano yung pinagsasabi ko. Binigyan ko sya ng wag-kang-kokontra look.
"Ah talaga? Paanong nawala naman ang phone mo?"
"Ahh- ano po nay. Na na na snatch po. Pero hindi nakalayo yung snatcher kasi hinabol ni.. James" hindi talaga ako magaling magsinungaling lalo na kay nanay kaya nahihirapan ako pag ganitong kailangan ko mag palusot.
"Salamat pala iho." Nagulat ako ng hampasin ako ni nanay sa balikat. Napa aray ako kasi medyo masakit din yun. "Ikaw naman kasi ingatan mo din yang gamit mo paano kung sindikato ang hinabol nya edi napasama pa sya." Nakita ko si James sa gilid ng mata ko ang pagpipigil nya ng tawa.
"Opo nay, hindi na po yun mauulit. Tsaka importante saken ngayon ang cellphone. Paano pag sinumpong kayo ng sakit nyo? Kaya nga tinatago ko sa bulsa ko ang cellphone ko kahit sa oras ng trabaho para malalaman ko agad kung may emergency."
"Ah would you mind if i ask, what are you doing in the hospital?" Tanong ni James
"Si nanay po kasi may End-Stage Kidney Disease, and recently may napansin sakanya ang doctor nya kaya nirefer kami sa Cardiologist. Ayun po yung pinunta namen ngayon dito, check-up nya po sa Cardiologist nya."
"Sino ang mga doctor ng nanay mo?"
"Si Dr. Ang at si Dr. Brooke po. Bakit nyo po natanong?"
"Ah wala naman, i just got curious kasi may mga kilala akong doctor dyan. And please drop the po." Ngayon ko lang napansin, gwapo pala nitong si sir James este James. Ang kinis din ng balat nya parang walang pores. Meron din syang dimple sa kanang pisngi nya, sa kaliwa kaya? Nabigla ako ng nahuli nya kong nakatingin sakanya. Kumindat pa nga kaya bigla kong iniwas ang tingin ko. Tinuon ko nalang sa bintana ang atensyon. Nakakahiya!
Ilang saglit lang ng makarating kami sa labas ng iskinita. "Saan ang bahay nyo dito?"
"Sa loob kami ng iskinita. Dito nalang kami bababa. Maraming salamat at pasensya sa abala." Bababa na sana ako kaso nakalock pa ang pinto sa gawi ko.
"For a while i park ko lang to ng maayos. Hatid ko na kayo hanggang sa bahay nyo." Nag park sya sa labas ng convenience store. Napabili pa nga sya ng tubig para makapag park. Talagang sinamahan nya kami papasok ng iskinita namen. Madami sa mga kapitbahay namen ang pinagtitinginan sya yung iba pa nga inaasar ako, paano na daw si Justin. Yung iba sinasabing ibigay ko daw sakanila ang isa, si Justin o itong kasama ko.
Ganun ka vocal si Justin sa pang liligaw nya saken. Halos lahat ng tao dito alam yan. Naalala ko naman bigla si Justin, baka magalit yun pag malaman nya to pero bahala na. Eexplain ko nalang sakanya ng maayos.
"Tara iho tuloy ka. Pasensya ka na maliit lang ang bahay namen. Magpahinga ka muna saglit bago ka umalis. May gusto ka bang inumin? Softdrinks? Juice?" Inalok ni nanay si James.
"Thank you po but i need to go cause I have a meeting to attend to. Hopefully next time when I'm free, I can go here."
"Ay oo naman. Punta ka lang. Salamat din ah. Naabala ka pa namen may importante ka palang lakad."
"No worries po, Andrea see you around." Paalam nya samen ni nanay. Pag kaalis nya todo asar naman saken ni nanay. Na ang gwapo daw ng manliligaw ko, at mukang mabait din. Akala ko ba team Justin to. Sinabi ko nalang na hindi ko yun manliligaw, tanging regular guest lang yun sa bar. Hindi ko nalang pinansin si nanay dahil may pasok pa ako sa mall ngayon kaya naggayak nalang ako papasok.
Wala si Cedric dito dahil may pasok sya sa school kaya nakisuyo lang ako sa kaptbahay para may makasama si nanay. Binilin ko din na tawagan ako kung magka emergency. Nag abot nalang ako ng 100 pesos sa kanya pakunswelo.
Pagkadating ko sa station ko dito sa mall meron na agad akong naging customer. Inasistihan ko sya sa pag pili ng damit hanggang sa fitting room dahil hindi nya abot ang zipper sa likod. Napansin ko yung ibang napili nyang damit, nakita ko to kahapon sa stock room. Patago kong kinuha phone ko sa bulsa at chineck kung meron ba kong nakuhang picture ng damit na sinusukat ng customer ko ngayon. Luckily meron. I compared the two at sobrang magkalayo ang presyo nilang dalawa. Imagine, 1,000 to 2500. Sobra.
Malamang ito yung mga pinagawa nilang price tag, ito yung dineliver kagabi, pero nasan ang original price tag nitong mga damit? Sinuri kong mabuti ang price tag, sa gilid ay may nakaangat na papel. Hinatak ko iyon at bumungad saken ang original na pricetag. Nakiusap ako sa customer na wag maingay dahil mahuhuli nilang may alam ako. Kinuhanan ko ng video kung paano ko na diskubre ang tagong pricetag. Hindi sya mahahalata kung hindi mo sya susuriing mabuti. Tinulungan ako ng customer at sya pa ang naghawak ng cellphone habang naka video na tinatanggal ko yung mga pekeng presyo. Mabilis ko din yun sinend kay Justin 'another evidence, pinasa ko just in case' Chat ko sakanya.
"Salamat miss, kung hindi dahil sayo hindi ko malalamang overpriced pala itong mga napili ko. By the wah, pls keep this. I almost got scammed so you deserve this. And please i won't accept a no, this is a tip." Inabot nya saken ang 500, o mas tamang sabihin na nilagay nya ang 500 pesos sa loob ng case ng cp ko.
Ano kaya magiging reaksyon ni Trishia pag mapansin nyang tuklap ang kinabit nilang presyo? Sya ang unang makakapansin nun dahil sya ang nasa kaha.
3rd person POV
Nagpunta sa cashier ang customer ni Andrea para bayaran ang pinamili. Ganun na lamang ang pagtataka ni Trishia ng makitang iba ang presyo na nandito, mababa ito kumpara sa mga pinag gagawa nilang pekeng price tag. Gayun pa man hindi nya iyon pinahalata. Inabot ng customer ang stub kay Trishia, ang stub na ito ay ibinibigay ng mga sales personnel sa customer nila, na syang isusurrender ng customer sa cashier para sa commission nila.
'so si Andrea pala ang nag assist', kastigo ng isip ni Trishia. Hindi maganda ang kutob nya dito, nararamdaman nyang may alam si Andrea tungkol sa nangyayari. Sya mismo ang naglagay ng mga pekeng tag at sigurado syang wala syang nakaligtaan. Dapat nya itong sabihin kay ma'am Roxas.
Dumating ang break time ni Trishia, pagkakataon na para makausap ng patago ang supervisor nila. '"ma'am sa tingin ko may alam si Andrea sa nangyayari" naikwento ni Trishia ang isang customer na nagbayad sakanya kanina. Siguradong sigurado si Trishia na lahat ng nailabas ay napalitan nya ng presyo.
Sa kabilang banda, ang naka bantay sa CCTV ay tumawag sa supervisor. "Ma'am may nakita po sa cctv na isang sales lady sa stock room kahapon, nakuhanan din po sya sa hallway papuntang backdoor." Dali daling nagtungo sina Trishia at ang supervisor sa silid kung saan makikita ang footages ng mga cctv cameras. Pinapanood nila ngayon si Andrea na kinukuhanan ng picture o video ang mga damit na nasa stock room. Lingid kasi sa kaalaman ni Andrea nagkalat ang mga hidden camera mula sa stock room hanggang hallway papuntang backdoor.
Dumako naman sila sa isang kuha ng cctv kung saan lumusot ang dalaga sa bintana ng cr at tumungo sa backdoor kung saan dinala ang mga deliver kagabi. Nagtugma naman ang oras sa cctv at sa oras ng dumating ang delivery kaya sa puntong iyon alam na nilang nabisto sila ng dalaga. "Salvador, grrrr. Nalusutan ka ni Andrea. Wala ka talagang kwenta" galit na sambit ng supervisor.
Samantalang si Trishia naman ay halos mamutla na. Naalala nya na kagabi habang may nangyayari sakanila ng guard, ay may nadinig syang ingay mula sa labas. Maaaring alam din ni Andrea ang tungkol sakanila ng guard.
"Kailangan naten makuha ang cellphone nya, hindi naten alam kung may iba pa syang hawak na ebidensya." Wika ng saknilang supervisor. Nagtungo sya sa station ni Andrea, nang makalapit sya dito ay nagkunwari syang napatid para makapa kung saan nya posibleng tinatago ang cellphone nya. Hindi naman nabigo ang bisor dahil katulad ng napanood nya sa surveillance camera dito parin nya isinuksok ang cellphone nya.
"Manuel, ano yung nakapa ko?" Nagkunwaring walang alam ang supervisor at pinilit kinapa ang bulsa ni Andrea. Syang pigil naman ni Andrea ngunit disidido ang bisor na mapasakamay ang cellphone ng dalaga. Sa huli nanghingi ng tawad si Andrea at pinaliwanag na kailangan nya ng pang contact sa bahay dahil may sakit ang nanay nya pero hindi nya pinakinggan ang paliwanag ni Andrea at tuluyang kinuha ang cellphone. Sinabihan nya si Andrea na makukuha lang ang cellphone nya pagtapos ng duty.
Habang nag tatrabaho, hindi mapakali si Andrea dahil nag aalala sya sa mga nangyayari o pwedeng mangyari sa bahay nila. Hindi pa naman alam ng kapatid nya ang tungkol sa posibleng bagong sakit ng nanay nila. Paano kung mahirapan na naman makahinga ang nanay nya, hindi alam ni Cedric ang gagawin.
"Andrea, dalin mo daw ito kay Trishia sabi ni ma'am Roxas" Lumapit sakanya si Salvador para iabot ang isang hugis parisukat na kaha na naka podlock pa. Ayon kay Salvador ito daw ay naglalaman ng mga barya at smaller bills dahil naubusan na ng panukli ang kahera na si Trishia.
Tulad ng pinag uutos, nagtungo si Andrea
sa cashier area. Pagdating nya doon, nakiusap saglit si Trishia na bantayan ang area nya dahil ihing ihi na sya. Sinabihan nya din ito na ilagay sa ilalim ng counter ang hawak nya.
Mabilis lumipas ang oras at natapos na ang duty nya. Nagmamadali nyang nilapitan si ma'am Roxas na galit na galit na sinisermonan si Trishia. "Paanong hindi mo alam kung nasan ang isang bundle ng pera?" Tanong ng bisor kay Trishia. Hinahanap pala nila ang isang bugkos ng lilibuhin na dapat ay ipapalit sa bitbit kanina ni Andrea
"Ma'am, andun lang po talaga yun kanina bago ako--" napatingin si Trishia kay Andrea at tinuro nya ito. "Ikaw! Ikaw lang ang nagpunta sa area ko bukod saken. Ikaw lang ang pwedeng kumuha nun. Ilabas mo na Andrea, 50k yun."
Nagtataka namang tumingin sa kanya si Andrea. "Wala akong kinukuhang pera sa area mo Trishia. Nakatayo lang ako doon kasi sabi mo magbantay muna ako dahil ihing ihi kana." Depensa naman. I Andrea sa sarili nya.
"Ano yun naglahong parang bula? Tayong dalawa lang ang posibleng kumuha nun, at hindi ako yun kaya sigurado akong ikaw yun." Hirit pang muli no Trishia.
Inawat silang dalawa ni miss Roxas at tinawag ang security guard na babae para kapkapan silang dalawa. Walang nakitang pera sa mga katawan nila kaya nag suggest si miss Roxas na pati locker at bag nila ay kapkapan. Nauna nilang puntahan ang locker ni Trishia, ngunit wala silang nakita. Sunod naman ang locker ni Andrea, walang nakita sa locker ngunit ng buksan ang bag ay tumambad agad ang bugkos ng perang hinahanap nila.
"Hi-hindi ko alam kung paano yan napunta dyan pero hindi po ako ang kumuha nyan. Ma'am hindi ako yan." Madidinig ang labis na kaba sa boses ni Andrea. Lingid sa kanyang kaalaman ay sinet-up sya nila miss Roxas, Salvador at Trishia. Nagawa nilang buksan ang podlock ng kanyang locker upang ilagay doon ang pera at magkunwaring nawawala ito.
"Wala ka ng dapat ipaliwanag Andrea, nakita na namen ang dapat makita. Hindi ko alam na makati pala ang kamay mo." Sabi ni miss Roxas sakanya. Maya maya pa ay tinanguan nya ang security guard at naramdaman nya nalang na may malamig sa palapulsuhan nya. Kinakabitan na pala sya ng posas. "Sa prisinto ka nalang mag paliwanag. Sige na dalin nyo na yan."
"Ma'am Roxas alam naten kung sino dito ang may masamang ginagawa, wag muna kayo magdiwang dahil lalabas din ang katotohanan." Pahabol na sigaw ni Andrea. Ngunit hindi iyon pinansin ng bisor bagkus ay lalo nya itong tinawanan. Para sakanya ay walang lalabas na katotohanan dahil pina reformat nya ang cellphone ni Andrea kaya confident syang wala ng ebidensya. Hindi nya alam ay naipasa na ito ni Andrea sa kanyang kaibigan/manliligaw.
Wala kamalay malay si Justin na dinala si Andrea sa prisinto dahil sa ginawang set up ng kanyang mga kasama sa trabaho. Kinailangan nya kasing mag over time dahil nirurush na nila ang pagbubukas ng park dito sa mall. Kinuha ni Justin ang kanyang cellphone para tawagan si Andrea, pero hindi nya ito sinasagot. Hanggang sa inulit ulit nya ang pag dial, sa wakas ay sinagot din ngunit tila ibang tao ang nagmamay ari ng boses sa kabilang linya, sigurado syang hindi si Andrea ito. "Hello, si Andrea? Bakit na sayo ang cellphone nya?"
"Hello po. Si Maricar po ito, katrabaho ni Andrea. Ikaw ba yung nagsundo sakanya kagabi? Please tulungan nyo po sya."
Nabanggit ni Maricar kay Justin ang nangyari, bagaman nakita ang bugkos ng pera sa bag ni Andrea, maging si Maricar ay hindi naniniwalang magagawa iyon ng katrabaho. Si Andrea ang pinaka mabait at pinaka masipag sakanila at ito lamang din ang nakapalagayan nya ng loob. Agad agad iniwan ni Justin ang kanyang trabaho kahit na siguradong masasabon sya bukas pag hindi nya iyon matapos. Para sa binata walang mas importante sa babaeng mahal nya.
Pinuntahan nya muna si Maricar para kunin ang cellphone ni Andrea. Nadatnan nya pa nga ang supervisor nilang pakanta kanta at patawa tawa pa. Gigil nya itong nilapitan, kung wala sya sa katinuan ay paniguradong mapapatulan nya ito. Mabuti ay nakapag isip isip pa ito ng maayos at pinairal ang pagiging kalmada nito. "Tama yan, tumawa ka hanggat gusto mo. Hindi naten alam baka huli mo na yan." Tinaasan lamang sya nito ng kilay at napagpasyahan ng umalis.
Pag dating nya sa prisinto ay nadatnan nya si Andrea na nasa likod na ng mga rehas. Nagpaalam sya sa naka duty na pulis upang makausap sya saglit dahil tapos na ang oras ng dalaw. Maigi ay pumayag ito.
"Justin, na framed up ako. Nilagay nila ang pera sa bag ko para palabasing ninakaw ko yun. Pero hindi ko magagawa yun." Umiiyak na wika ni Andrea.
"Shhh, alam ko, hindi ka ganung tao. Wag ka mag alala tutulungan kita makalabas." Nagtanong si Justin sa pulis kung maaaring mapyansahan si Andrea ngayon mismo ngunit hindi daw iyon posible sa ngayon sagot sa kanya. Gabi na daw at walang mag i.issue ng release paper nya. Isa pang problema ang pang piyansa, dahil nagkakahalaga ito ng 20,000. Bago lamang sya sa trabaho at wala syang ganitong ipon ngunit gagawan nya ng paraan.
Nabanggit ni Justin kay Andrea ang sinabi ng pulis. Nalungkot ang dalaga hindi dahil matutulog sya ngayon sa kulungan, kundi dahil nag aalala sya sa nanay at kapatid nya. "Please Justin sa bahay ka matulog. Nagaalala ako kay nanay at kay Cedric. Baka pwede mo silang bantayan." Ayaw nya man iwan ang dalaga ay wala syang magawa dahil ito na mismo ang humingi ng pabor na hindi nya matatanggihan.
"Oo nga pala, andito saken ang cellphone mo." Dali dali iyon kinuha ni Andrea at chineck kung may text ba mula sa bahay. Laking gulat nya ng walang kahit anong file ang cellphone nya. Ultimo contacts at messages ay wala na din.
"Tin kanino mo nakuha to?" Tanong ni Andrea kay Justin.
"Si Maricar daw sya. Sakanya daw binigay ng supervisor nyo yan. Kaya sya din ang nakasagot ng tawag ko kanina, at sya din ang nangsabing andito ka."
Napag alaman nilang nireformat ang device at may predisyon si Justin na nakatunog na silang may alam si Andrea kaya pinagplanuhan ito. Pero dyan sila nag kakamali dahil may hawak pang alas si Justin.
"Bukas na bukas pupunta ako sa opisina ng CEO para ibuko ang mga gawain nila. Wag ka mag alala, ilalabas ko ang totoo."
Tinawag ni Justin ang mayora ng selda. Binigyan nya ito ng isang libo upang kabayaran sa proteksyon ni Andrea ng isang gabe. Alam nya ang madalas nangyayari sa mga bagong salta at ayaw nya iyon maranasan ni Andrea.
"Makakaasa ka boss. Akong bahala sa babae mo."
Nagpaalam na si Justin upang umuwi sa bahay nila Andrea. Masakit sa damdamin nyang iwan ang dalaga sa ganitong lugar ngunit wala syang magagawa.