Agamani Astrid Ghaile Acosta
Ang sakit sa ulo! Nakaka stress. Nakak inis. Nakaka gago na.
Una, yung tungkol sa Mama ko si Miss Painite, yung sa Section Marivlloso, yungpag hahanap sakin ni Zinade, yung pag aaway naminni Alodia, yung pag aminni Alodia na buntis sya... at si Garnet daw ang ama.
Ngayon naman ito! Mabuti nalang ay ini-announce na namove ang ASI dahil mababaliw na ako!.
Padating daw ang ibang Acosta muka sa London to attend my not so far debut. Inaayos na ang venue at guest lists together with the gowns at tux. Hindi ko pa nakakausap si Kuya Garnet tungkol kay Alodia.
"Miss Ghaile" tawag sakin ni Poppy, iyong butler ko. Matagal na kami mag kasama ni Poppy,sya lang kasi ang naka tagal bilang butler ko since napaka pasaway ko. Maganda rin sya na may hindi lalampas sa balikat na buhok at napaka amo ng mukha.
"Yes?" Tanong ko at inilapag pa ang phone ko.
Napilitan kasi akong umuwi sa Central Mansion kasama ang mga kuya ko.
"We need to change your hair" naka ngiting sabi nya kaya napabuntong hininga nalang ako.
Bawal kasi talaga ang mag pakulay ng buhok samin. Pero since pasaway nga daw ako...ayan pinanindigan ko!.
Tamad nalang akong tumayo at inayos ang buhol ng roba ko bago sumunod sakanya papasok sa isang kwarto na karaniwang pinag aayusan namin.
"Miss Ghaile, it's been ages" bati sakin ni Loren. Hanggang balikat din ang buhok nya pero lalaki sya.
"Yeah yeah" tanging sabi ko at umupo sa harap nya.
Pumikit nalang ako at pinakiramdaman ang ginagawa nya sa buhok ko. Naramdaman kong ginupitan ito saka hinugasan at shinampoohan bago ko naramdaman ulit ang tubig saka punatuyo. Maya maya lang ay naka amoy na ako ng pangkulay ng buhok.
Ibabalik sa sating kulay ang buhok ko. At hindi rin naman mahirap pahabahabain yung buhok ko kung sakaling napaikli.
"Tapos na Miss" sabi ni Loren kaya nag mulat ako.
Assy Acosta, nice to see you back.
Napabuntong hininga ako.
Ang lampas balikat kong natural na mapulang buhok at bagsak na kulot ang nakikita ko na syang dating hitsura ng buhok ko.
"This looks more better on you" biglang pumasok si Kuya Andrei kaya tumayo ako.
"Kuya..." tanging nasambit ko.
Sinenyasan nyang lumabas si Loren na sinunod naman nito bago sya lumapit sakin.
"Assy... that's you" napayuko nalang ako. "That's the best nickname that suites you." Sabi pa ni kuya at hinaplos ang buhok ko. "I'm sorry" sabi nya at bigla nalang akong niyakap.
I know what he's sorry for. He knew what other Acostas did to me. He saw it yet he did nothing. That's why i hated him.
"Kuya" sambit ko ulit at kinalas ang akap nya. "Please don't remind me those" dagdag ko at tinalikuran sya.
Masyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa ang ilang karanasan kong ganon.
Bumalik ako sa kwarto ko.
Hindi hamak na mas malaki ang kwartong to sa kwarto ko sa Rock House.
Ang kwarto ko sa Rock house ay katumbas lang ng Banyo at Walk in closet ko. Sa loob kasi ng kwartong to ay parang isang condo. May kama, may sofa bed. May malaking TV, may coffee table, may terrace, at may mini ref.
Mas madalas ako sa kwartong to noong bata ako kaysa lumabas sa bahay dahil aa pag kukulong sakin ni Mommy dito sa tuwing wala ang iba.
Minsan ko nang sinubukang talunin ang Terrace ko noong 5 yearsold ako. At nagising nalang ako sa hospital.
"Miss?" Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa non si Poppy.
"Bakit?" Boted kong tanong at napangiti naman sya ng makita ako.
"The Assy Acosta is back" naka ngisi nyang sabi.
"Just tell me what you need" prenteng utos ko at napatawa pa sya ng mahina.
"May pupuntahan daw po kayo. Mag bihis daw po ng formal dress" tumango nalang ako kay Poppy na tuluyang pumasok para mag hanap ng maisusoot ko.
Pinili nya ang isang lace sheer mesh sheath dress na kulay itim na floral. At para naman sa sapatos ko ay isang Black round toe wedges sandals.
Isinuot ko naman yun at gaya ng ginawa ni Maya ay inayos nya rin ang buhok ko. Pero ngayon ay hindi nakataas. Naka trintas ang gilid at inipit sa kalahati ng buhok, bago nilagyan ng kulay itim na ribbon.
"Should i put makeup?" Tanong nya at umiling ako.
"Just some lipstick and gel blush" sabi ko at ako mismo ang kumuha pati ng isang lash mascara na ako na ang nag lagay.
"Let's go miss" sabi nya at kumuha ng maliit na bag at ibinigay saakin.
Sophia Webster, Black Flossy Shoulder Bag na may design na butterfly sa harap.
Kinuha ko naman yun at inilagay ang card carrier ko at ang phone ko na maraming messages at missed calls.
Yung mga siraulo.
Pag baba ko at naka tux sila kuya na kung hindi kulay itim ay navy blue.
"Our Assy Acosta is back huh?" Sabi ni kuya Andrew at inilahad ang braso.
Kinuha ko naman yun.
"Let's go?" Naka ngiting aya ni Lolo.
Dalawang sasakyan naman ang ginamit namin. Isa para saming mag kakapatid, at isa para kila Lolo at Mommy and Daddy.
"Astrid" tawag sakin ni kuya Aquil pero bagkus ay itinuon ko lang ang pansin ko sa cellphone ko.
"Assy, your brother is calling you" boses ni kuya Andrei kaya nilingon ko sya.
"Isn't he also your brother?" Tamad na sabi ko kaya pinag kunutan nya naman ako ng noo.
"What happenned to Assy? I think she's worse than she was in London" asik ni kuya Andrei na para bang wala ako sa harap nya kaya tumawa ako ng puno ng sarkasmo.
"Ano bang problema mo?" Kalmadong tanong ni Kuya Aiden.
"Kayo" simpleng sagot ko at ibinalik sa bag ang cellphone ko. "Alam nyo na palang ginagamit ako ng mga talapindas na yun---may ginawa ba kayo?" Mapait na sabi ko habang naka ngiti.
"Because when we do a move, pwedeng malagay ka sa panganib at mamatay si Reina" sabad ni kuya Aquil kaya inirapan ko sya.
"Nice. I wonder who that Reina is. She's really inportant to all of you" mapait kong sabi at lumingon nalang sa labas ng bintana.
"Ano naman yang pinag uusapan nyo?" Sabad ni Kuya Andrew.
"A thing that is non of you business" matabil na dilang sagot ni Kuya Aiden.
"Aiden!" Suway ni Kuya Andrei sakanya.
"Mag away kayo sa harap ko...pare parehas ko kayong sisipain" banta ko habang hindi naka tingin sa kanila.
Huminto ang sasakyan sa isang resto na nasa gitna ng malaking Garden.
Pinag buksan naman kami ni Butler Den.
Nag pauna akong lumabas sakanila at nag pauna din mag lakad para maabutan si Lolo at sakanya umalalay.
"Oh? Nasan ang mga kapatid mo?" Tanong nya kaya sumimangot ako.
"Nakakarindi ang ingitan nila" walang ganang sabi ko at humagikgik naman si Lolo.
"Hindi ka pa nasanay sa mga yan. Lalo na kay Andrew at Aiden. Parang ang mga tita at tito mo" napatango naman ako bilang pag sangayon kaya natawa si lolo.
"Ikaw ba Ghaile, may nobyo na?" Tamong ni Lolo kaya natawa naman ako.
"Wala po Lo" natatawang sagot ko.
"Eh iyong dati mong nobyo" seryosong tanong ni Lolo. Gait kasi sya kay Shan.
"Ayos na po kami lo. Mag kaibigan na kami" sabi ko at pilit na ngumiti.
"Mabuti." Sabi ni Lolo bago kami tuluyang makapasok sa Resto.
Medyo dim ang lights at walang ibang tao bukod sa mga waitress at limang tao sa isang mahabang lamesa sa gitna ng resto.
Nagulat pa ako ng mag dapo ang tingin namin ni Blake na agad namang lumapit sakin.
Bumati pa muna sya kay Lolo bago mag lahad ng kamay sakin na tinanggap ko naman.
Nakita ko rin si Vince at si Kuya Garnet na tipid na naka ngiti sakin. Inalalayan ako ni Blake na umupo sa upuan katapat ng kanya.
"Good Evening Mr. Hidalgo" dinig kong bati ni Daddy kay Mr. Hidalgo kaya tumayo rin ako para bumati gaya ng ginawa ng mga kapatid ko. "P-painite" nag lahad ng kamay si Miss Painite na kinuha naman ni Daddy.
Nag tagpo ang mata namin ni Miss Painite at maganda syang ngumiti sakin.
Pag kaupo namin ay nag serve na ng pag kain ang mga waiter.
"So what is this all about?" Casual na tanong ni Kuya Andrei.
"Ito na ba si Andrei? What a grown man" naka ngising sabi ni Miss Painite.
"Thanks Tita" casual parin na sabi ni Kuya.
"This is about...my daughter?" Tanong ni Mommy at nadinig ko naman ang mahinang pag tawa ni Miss Painite.
"Allisandra... It's about my daughter" naka ngiting sabi ni Miss Painite at nilingon pa ako bago nilingon si Lolo. "Nice to see you again...Dad" may diin na bati ni Miss Painite.
"Ghaile is soon turning 18" sabi ni Lolo at nilingon pa ako. "And as the Prime Holder of the Acostas,
She'll be having the biggest share dahil sya ang nag iisang heiress sa buong Acosta" dagdagni Lolo at ibinaba ang kubyertos.
Ako naman ay nakatitig lang sa hinihiwa kong pagkain.
"So you're planning to give the unowned 60 percent of Prime share of Acosta Group?" Tanong ni Mr. Hidalgo at umiling naman si Lolo.
"The 30 percent of Prime Share of Acosta Group will be under Ghaile's. But the 20 percent will be owned by her twin... Blake" sabi ni Lolo at natigilan naman ako.
Nabitawan ko ang slicer at fork na pinang hihiwa ko sa steak.
That's it... he admited it though indirectly. Miss Painite is really my mom.
"Hindi kailangan ng anak ko ng Yaman ng mga Acosta Mr. Acosta" singit ni Mr. Hidalgo.
"Anak ko si Blake." Madiin na sabi ni Lolo.
Napayuko nalang ako at parang maiiyak.
Anak ako ni Lolo at ni Miss Painite? What a very actual f**k.
"There you go dad. You admitted it. I wanna get my daughter back" sabi ni Miss Painite kaya nag angat ako ng tingin.
Naka tingin sakin si Kuya Garnet, Blake at Vince na may tipid na ngiti sa labi na para bang sinasabing nandyan lang sila para sakin.
"You wanna get your daughter back? Pag ginawa mo yun there's a possibility that her inherits will not be trasferred to her Painite" confident na sabi ni Mommy.
Tumawa naman si Miss Painite na para bang mababaliw na sa sinabi ni Mommy.
"Allisandra, i'm not rich because of Acostas. I'm a San Diego afterall. I can get my daughter back without pulling out her inherit from her name" mayabang naman na sabi ni Miss Painite.
"You know what? Tita, mauuna na po kami." Sabi ni Kuya Andrei at sumenyas.
"Too early Andrei. Are you not happy to see me?" Puno ng sarkasmo na sabi ni Miss Painite.
"Tama na. Anak, tara na" tawag sakin ni Daddy pero hindi ako lumingon.
"Ghaile!" Asik ni Mommy.
"Let her decide Allisandra" asik naman ni Lolo.
"Mauna na po kayo" hindi lumilingon na sabi ko.
"Sa Rock House ka ba uuwi? May susi---" i cut kuya Aiden off.
"Sa Condo ako ni Kuya uuwi" blangkong tugon ko at nilingon pa sya.
"Condo?" Takang tanong ni Mommy.
"Sa Condo ko po tita. Pinagamit ko sakanya nung umalis sya sa Rock House since hindi ko naman po ginagamit" sabat ni Kuya Garnet.
"You're living in his condo?" Kunot noong tanong ni Daddy.
"Why Kuya? He's her brother" pambabasag ni Miss Painite.
"You're going home in the Central Mansion" utos ni kuya Andrew.
"I don't want to" simpleng sagot ko at tumayo.
"Assy!" Asik ni kuya Andrew.
"I'm tired of your arguments. Be at peace and i'll be home" sinamaan ko sya ng tingin at si Kuya Aiden.
Hindi na sila naka palag pa at iniwan ako kasama sila Miss Painite.
"Do you believe now?" Boses ni Vince.
"Oo naman" pabulong kong sagot at dumapo naman ang kamay ni Miss Painite sa kamay ko.
Nilingon ko sya at tipid syang naka ngiti.
"I'm so sorry" parang naiiyak na sabi nya.
"Ma, sa labas nalang kami mag aantay" sabi ni kuya Garnet at binitbit ang dalawa katulong si Mr. Hidalgo.
Nang makalabas sila ay muli akong hinarap ni Miss Painite.
"I'm so sorry" pag uulit nya at lumuha na.
Lumapit naman ako at pinunasan ang luha nya saka ngumiti.
"Please don't be sorry Ms. Painite" naka ngiting sabi ko.
"They forced me to leave you to them. Ayaw kong may maiwan sainyo ni Blake--pero kung dadalhin ko kayo pareho noon ay baka hindi pa ako nakaka alis sa bakuran nila ay patay na tayong tatlo" mas umiyak sya kaya inakap ko na sya.
"Tumahan na po kayo" pag papatahan ko at bahagyang hinaplos ang likod.
Gumanti rin sya ng mahigpit na yakap.
"If i could just rewind the time... i will do my best to runaway with the both of you" pabulong na sabi ni Ms. Painite at hinalikan pa ang ulo ko.
"Tama na po" sabi ko at humiwalay sa akap.
"Can you?...can you give me the chance to act up like your mother?" Maluha luha nanaman na sabi ni miss Painite---what should i call her?
"Bakit naman hindi Miss......Bakit hindi Mama?" Biglang bumuhos ang luha nya at inakap ulit ako ng mahigpit.
Mama...