His POV
I once experienced loving a person.
Alam ko ang pakiramdam nito. Ito 'yung tipo ng pakiramdam sa tuwing matatanaw mo ang babaeng gusto mong makita kahit na isang daang metro pa iyan. Kahit gaano kalayo ay sapat na basta matanaw mo lang ang kabigha-bighani niyang mukha.
Mararamdaman ko na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa tuwing titingin siya sa akin at masisilayan ko ang matamis niyang ngiti. Mararamdaman ko na lang ang nagliliparang mga paruparo sa loob ng tyan ko sa tuwing kakausapin niya ako at maririnig ko ang tawa niya na para bang dinadala ako nito sa paraisong ngayon ko lang napuntahan. Ang makasama lang siya ng isang segundo, katumbas na nito ang pagtakbo niya buong araw sa isip ko. Presensya niya lang ay buo na ang araw ko.
Lahat ng iyon ay naparanas ng babaeng unang minahal ko. It was Autumn, my first love. And my one true love. She made me feel what the first time of loving someone feels like. She was my first in everything. But she also made me experience how it feels the first time of losing someone.
Inisip ko na sa sobrang perfect na babae ni Autumn ay wala ng babaeng makakapantay sa kaniya. Na wala ng babaeng makakapagparamdam sa akin kung paano magmahal ulit. Ngunit mali ako. There was this woman who made me feel again what love feels like. Like what the first time feels like.
And right now, I was watching her intently as she laughed with my daughter. I should be focusing doing my work in my laptop while I sit here on the sofa but my attention was easily diverted by this captivating view of them. They were having fun sitting on the floor here in the living room while they play jackstones. As I watched her, I was completely bedazzled by her sweet smile. Her laugh was like music to my ears. I'm going to be honest, I'm not a big fan of music but hers is an exemption. If only her laugh was a song, I would literally delete all the other songs in my phone and only play hers. I would even set the replay button so that it would never be skipped. Hindi siya nakakasawa. Ganoon siya kasarap sa pandinig.
Una inakala ko na baka lumalalim lang ang attraction ko sa kaniya dahil may pagkakataon na nakikita ko si Autumn sa kaniya. They have the same height, same hair, and even their scent smells the same. But the only difference between them was that they have an incomparable attitude and personality. Autumn has a very organized mind and not so vocal about her thoughts not unless you ask her. Unlike Khai who was a lot of weird things running through her head and she's not afraid to be vocal about it. Minsan nakakatawa na lang ang pagiging vocal niya masyado. They both knew how to have fun in their own way.
Though, they're both different, pareho pa rin akong nahulog sa kanila. Hindi isang Autumn ang dumating sa akin, kung hindi kabaliktaran nito. And I love it. I love that she knocked and walked into my life. I really had the best time whenever I spend my time with her. It was ecstatic. It was euphoric.
In every day I'm with her, alam kong may pagbabago. My attraction to her got deeper. It was no longer about lust and my deprivation to s*x. It was just... it felt so real and pure. And that's when I realized that day by day, I gradually fell for her. Not accidentally, but slowly.
My heart skipped a beat again when she turned her head on me and showed me a smile. Napakurap kurap na lamang ako at binalik ang atensyon ko sa laptop na nasa unan ko na siyang nakapatong sa hita ko. Focus, Will. Huwag kang magpadistract sa kaniya. She keeps drawing my attention.
Hinubad ko ang specs ko nang maramdaman ang pananakit ng mata ko kakatutok sa laptop ko. Sinilip ko ang oras sa wrist watch. It's already Winter's bedtime. Maybe I should take a rest now. Pinatay ko na ang laptop ko saka binaba ito sa center table. Nilapitan ko silang dalawa na mukhang nagliligpit na rin ng kaninang nilalaro.
"Win-win, sleep na po tayo." Tawag ko sa anak ko. Tumayo naman ito saka tumango.
"Opo." Tiningala niya si Khai na kakatayo lang din. "Ate Khai, tulog na po tayo."
"Hmm." Pinanood ko silang magkahawak kamay na umakyat sa taas.
Nasa kama ako nakatihaya habang hinihintay si Khai na tapusin ang pag-aasikaso kay Winter. Wala akong ginawa kung hindi tumulala lamang sa kisame habang pinapakiramdaman ko ang paligid. Napataas ako ng kilay nang marinig ko ang pamilyar na tunog. It was from a door. It means lumabas na si Khai sa kwarto ni Winter. I listened carefully. Then I heard the same sound again. Pumasok na siya. Dali dali akong bumangon ng kama saka marahan na binuksan ang pinto sa kwarto ko. I even tiptoed on my way to Khai's room that was just in front of me. Pinili ko pa rin na kumatok nang marahan bago ako sumilip sa loob. She was on the bed, lying on her stomach.
"Hey," tawag ko sa kaniya at umupo sa gilid ng kama. She just hummed as if she's too tired to speak. Nakasubsob din kasi ang mukha niya sa kama. Mukhang nagpalit na rin siya ng damit pantulog. "Can I sleep beside you?"
Iginilid niya ang ulo niya paharap sa akin. Mapungay ang mga mata niya, antok na rin. "Nandito ka na. May magagawa pa ba ako?"
Natawa lamang ako. Tumihaya naman agad siya nang pumasok ako sa ilalim ng comforter para tabihan siya ng higa. I stretched my arm so she could use me as her pillow. Hinapit ko siya palapit sa akin at niyakap sa bewang. Napangiti pa ako nang itanday niya ang kaniyang binti sa akin.
"Pagod ka?" Tanong ko. Sinuklay ko ang mabango niyang buhok.
Sumiksik siya sa dibdib ko. "Hindi. Antok lang."
Hinayaan ko lamang siyang makatulog sa braso ko. Nangangalay na nga ako pero hindi ko naman kayang istorbohin ang mahimbing niyang tulog. Natatawa na lang talaga ako kapag humihilik siya. Mas malakas pa siya humilik sa akin. Her snore is so cute. Isiniksik ko na lamang ang pisngi ko sa ulo niya at saka sinamahan siya sa kaniyang munting panaginip. s*x is no longer the thing I anticipate whenever I'm in her room. The warm in her body is all I need on a cold night as I wrapped my arms around her. Her little snore that sounds like a lullaby to my ears is what makes me put myself to sleep. Everything she does, maliit man 'yan o malaki, it brought so much effect on me. At hindi ko na talaga matatanggi kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Handa na ako. But I don't know how to say it to her. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya kung pwede na ba naming totohanin ito. Kasi base sa pananaw niya sa mga ganito, I know that it wouldn't be easy to pursue her.
***
Her POV
"Ang sama naman ata ng araw natin."
Napairap agad ako nang iyon agad maging bungad sa akin ni Sir Traiden. Hindi ko na lamang siya pinatulan at pinagpatuloy ko na lamang ang pag-asikaso dito sa dough. Kaso trip niya pa atang dagdagan ang kabwisitan ko sa araw na 'to nang tumabi siya sa akin at panoorin ang ginagawa ko.
"Kung tao lang siguro 'yang dough, baka kanina pa 'yan nagreklamo sa tindi ng paglamas mo."
Doon ko siya nilingon at sinamaan ng tingin. "Kung punching bag ka lang siguro, baka kanina pa kita sinapak dyan." Asik ko sa kaniya.
Tumingin lang siya ng diretso sa akin at nilabanan ang titig ko. He crossed his arms then raised his brow. "Bakit ba ang init init ng ulo mo? May nangyari ba?"
Bumuntong hininga na lamang ako at nilipat ang atensyon ko sa dough. Paano ba naman kasi hindi iinit ang ulo ko? Nauurat ako sa nangyari sa motor ko. Wala na raw pag-asa maayos sabi nung nag-aayos. Ang akala ko nasa maganda pa rin itong kondisyon nang kunin ko kanila Ate Sharon kaso mukhang hindi nila ito inaalagaan o baka inabuso pa ng gamit dahil bigla na lang itong nagloko. Hindi pa nga ako nakakalayo sa subdivision noong unang subok ko rito papunta sa work. Wala tuloy akong nagawa kung hindi bumalik na lang ulit ng bahay at magcommute.
Pang ilang beses na itong nangyari. Ito na kasi ang pangatlong linggo kong pagtatrabaho rito sa bakeshop. Ni hindi ko man lang nagamit ang motor ko nang maayos. Palaging bagsak nito ay sa repair shop. Second hand na rin kasi ang motor na iyon. Wala naman kasi akong kakayanan na bumili ng brand new noon kaya nagtiis ako sa second hand. Sinabihan ako ng nagrerepair nun na mas mapapagastos ako ng malaki kung panay ako paayos kasi luma na rin daw iyon. Mas mabuti pa raw na palitan ko na iyon at bumili ng bago. Para namang may pambili ako.
"Wala ka ng pake." Bulong na sagot ko lamang sa kaniya.
"Grabe ang taray. May dalaw ka ba?" I glared back at him. Anong kinalaman nito sa dalaw ko? At bakit ba napaka-pakialamero nito? Hindi na lang ako lubayan at nang matapos ko na itong ginagawa ko.
Pinigilan ko ang sarili ko na pangunahan ng galit. "If you don't mind, kailangan ko magfocus dito. Kung wala ka pong ibang gagawin, pwede bang lubayan mo na lang muna ako?" Kinuha ko ang rolling pin saka inangat sa harap niya. "Kasi... isang tanong mo pa po, baka mapukpok ko na sa'yo 'to nang hindi sinasadya."
Natawa lamang siya imbes na matakot sa banta ko. "Fine. I won't bother you." Tinotoo naman niya at iniwan na ako.
Mayabang, feeling gwapo, chismoso, at pakialamero. Iyan ang pinatunayan niya sa akin. Excited na talaga akong matapos ang buwan na 'to at hindi na siya makita pa. Walang araw kasi na hindi niya ako binubwiset. Ang hangin kasi talaga masyado!
"Nga pala—" Nagitla ako nang bigla na lang sumulpot si Sir Traiden sa tabi ko habang abala ako sa paglalagay ng mga cupcake sa parang tower. Muntikan ko pa tuloy mabitawan 'yung basket na pinaglagyan ko nito. Sinamaan ko siya ng tingin. "May gagawin ka ba mamaya?" Tanong niya.
"Mamaya?" Tanong ko saka itinuloy na ulit ang ginagawa ko. Para kasing nakaglass cup itong cupcake tapos nakabalot sa plastic. Nilagyan din ng ribbon for beautification.
"Mamaya like after uwian. Free ka ba?"
"May gagawin ako." Walang emosyon kong sagot.
"Anong gagawin mo?"
I shut my eyes tight to calm myself. Then I opened it again before I looked at him. "Uuwi at magpapahinga." I answered, as a matter of fact.
"Then how about, sumama ka muna sa akin for dinner saglit tapos hahatid kita sa inyo para makapagpahinga ka?" Hirit pa niya.
I clenched my teeth then forced a smiling face. "How about tigil-tigilan mo na ako para mabawasan na ang init ng ulo ko?"
Kumunot ang noo niya saka nilabas ang kaniyang phone para matignan ang repleksyon niya sa screen nito. Hinawakan niya pa ang baba niya. "Nawawala na ba ang alindog ko at hindi na tumatalab sa'yo?"
Napairap lang ako. Wala ka namang alindog, Traiden. Mukha ka lang bulldog! Gwapong gwapo sa sarili jusko. Iniwan ko na lang siya nang matapos na ako sa ginagawa ko. Natapos na rin ang duty ko. Nananakit ang balikat na lumabas ako ng store.
"Sandali, Khaila." Boses iyon ni Sir Traiden ngunit hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa marinig ko ang yabag ng paa na sumusunod sa akin. Binilisan ko pa lalo ang lakad ko para hindi niya ako maabutan. "Teka sandali. Ayaw mo ba talaga magdinner muna?"
I still didn't respond. Patakbo na sana ako nang bigla niya akong maabutan. "Huli ka!" Tagumpay niya akong nahuli sa pamamagitan ng paghawak sa likod ng collar ko. Nakamessy bun ako dahilan para madali niyang mahawakan ang collar ko. Sa pagtakbo na ginawa ko at paghila niya sa akin ay halos masakal ako nang humigpit ang collar sa akin dahilan para maubo ako. "Ay gagu sorry." Napabitaw agad siya nang makita na nasakal ako sa ginawa niya.
Marahas akong humarap at sinamaan siya ng tingin. Hinubad ko ang sling bag ko saka nanggigigil na hinampas ito sa kaniya. "T#ngina mo talaga. Gusto mo ba kong patayin?" Sa inis ko ay hindi ko siya tinigilan sa paghampas ng bag ko. Hinarang niya lamang ang kamay niya.
"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya e. Ayaw mo kasing tumigil." Hinawakan niya ang bag ko para mapatigil ako. Nanlilisik ang mata na tinignan ko siya. Pati ngipin ko nagbabaga na. Nanggigigil ako p#ta! Feeling ko tuloy nakasabit pa sa lalamunan ko 'yung collar.
"Ano ba kasing kailangan mo?" Marahas kong kinuha ang bag ko na hawak niya at inayos ang damit ko.
"Dinner nga. Dinner tayo."
"Ayaw ko nga diba? Paulit ulit. Kulang ka ba sa buwan?" Iritable kong saad. Hindi makaintindi amp#ta. Parang hindi Pilipino. Gusto pa ata nito English-in ko. Nakakabingo na talaga itong lalaki na 'to sa akin e. Kung hindi ko lang ito boss at kung wala lang akong utang sa kaniya ay kanina ko pa 'to talaga inupakan e.
He heaved a deep sigh and threw his hands into the air in defeat. "Fine. Sige na hindi na. But how about ihatid na lang kita?" Walang emosyon ko lang siyang tinigan. He just forced a smile as if he realized my answer with my expression. "Alright. I get it. Ingat na lang sa byahe."
Magsalubong ang kilay na iniwan ko na siya at nagtungo na sa sakayan ng jeep. Mabuti na lang talaga ay hindi na siya sumunod sa akin. Ngayon lang ata naging ganito kainit ang ulo ko. Namoblema na nga ako sa motor ko tapos kinukulit pa ako ng Traiden na 'yun. Ano bang problema ng lalaking 'yun? Halos walang araw na hindi siya sumasablay para kulitin ako. Kung hindi dinner, magyayaya siya sa lunch o di naman kaya magyayaya siya na ihatid ako. So paano na lang pala kung weekdays ako pumayag na magtrabaho sa kaniya? Baka pumutok na ang batok ko sa high blood ko sa kaniya.
"Pwede ko ng sulatan 'yang noo mo."
Naramdaman ko na lamang ang daliri ni Will nang isulat niya ito sa kanina pang nakakunot kong noo. I relaxed my face when I looked at him. Nasa gilid kami ng pool at magkatabing nakaupo, nakatampisaw ang binti namin sa tubig.
"Huh?" Wala sa sarili kong tanong.
"May problema ba? Para kasing bad mood ka." Tanong niya.
Nagpakawala lang ako nang malalim na buntong hininga saka ginalaw ang paa ko sa ilalim ng tubig. Ginaya rin niya ang ginagawa ko. Grabe. Ang haba ng paa niya kumpara sa akin. Nakapangliliit e. "Wala. Nakakainis lang kasi kanina."
"Bakit?"
"Para kasing tanga 'yung boss ko doon. Kitang mainit na nga ang ulo ko dahil sa motor ko tapos mambibwiset pa." Kwento ko. Nabanggit ko na rin kasi sa kaniya ang nangyari sa motor ko.
"Bakit? Ano ba ginawa?" Usisa ni Will. Sinilip ko siya. Ayaw ko sa chismoso pero kapag siya nagtatanong, wala namang kaso sa'kin.
Binalik ko na ulit ang tingin ko sa pool. Madilim naman na ang kalangitan at tanging ilaw na lang rito sa pool ang nagbibigay liwanag sa pwesto namin. "Wala naman. Kinukulit lang ako na magdinner daw kami."
Mula sa paa namin na magkasabay na gumagalaw sa ilalim ng pool ay siya ang unang tumigil sa amin. Napatigil din tuloy ako. Sinilip ko ulit siya at nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya habang nakatulala sa akin. Maya maya ay kumurap-kurap siya at binalik na ulit ang tingin sa pool. Ginalaw niya na ulit ang kaniyang paa.
"Aaah. Pumayag ka?" May kung anong hiwaga ang mayroon sa tono ng boses niya. Ang tamlay kasi ng pagkakatanong niya unlike kanina na halatang interesado siya na magtanong.
"No. Bakit naman ako papayag?" Tanggi ko agad. As if naman mapapapayag ako nun. Hindi kami close para sumama ako na makipagdinner sa kaniya. At saka, ano kami lang dalawa? Anong iisipin ng tao kapag nakita kaming magkasamang kumain?
Guni-guni ko lang ata iyon na mahuli ko ang pagngisi niya. "Buti naman." Bulong niya.
"Ano?" I asked because I failed to hear it.
He cleared his throat before he looked back at me. "Wala." Umiling siya.
Minatahan ko muna siya ngunit hindi ko na kinulit pa para itanong sa kaniya. Binalik ko na lamang ang atensyon ko sa asul na tubig sa pool. Mas maganda nga talaga rito kapag gabi. Para kasing nakikisabay din sa pagkislap ang tubig sa mga bituin sa langit.
"Khai." Nilingon ko si Will nang tawagin niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay, hinihintay ang sasabihin niya. Malalim siyang nakatingin sa akin. Pansin ko pa ang paglunok niya. Mukha siyang nagdadalawang isip sa kung anong sasabihin niya dahil bubuka ang labi niya but he would just shut it back. Bigla tuloy akong kinabahan nang makitang seryoso siya.
"Ano 'yun?" Tanong ko.
He gulped again. Binasa niya ang nanunuyo niyang labi bago siya magpasyang magsalita na. "M-may gusto lang sana akong itanong sa'yo."
I pursed my lips. "Na ano?"
Umiwas siya saglit ng tingin as if he was looking for some courage to say it. He looked at me again. This time, napuno ng pangamba ang tingin niya sa akin. "Itatanong ko lang sana itong tungkol sa at—"
"Dad."
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang dumating si Winter. Pareho kaming napatingin dito. Namilog ang mata ko nang makita na naiyak si Winter habang pinupunasan ang luha sa mata niya. Ang kamay naman nito ay nakahawak sa tyan. Madali agad na napatayo si Will nang makita ang kalagayan ng kaniyang anak.
"Anak, bakit?" Tanong ni Will nang makaluhod sa harap nito. Tumayo na rin ako at lumapit. Kahit ako ay nag-aalala nang makita na naiyak si Winter.
"Ang sakit ng... ang sakit ng tyan ko." She sobbed. Bumaba ang tingin ni Will sa tyan ni Winter.
"Sobrang sakit?" Nag-aalalang tanong ni Will.
"Kumikirot lang po. Hindi ako makatulog." Pinunasan ni Will ang basang pisngi ni Winter.
"Come here." Pinalapit nito ang anak niya saka binuhat ito. Yumakap naman agad si Winter sa leeg nito. Tinignan muna ako saglit ni Will. "I'll take her to her room. Sasabihan kita kapag umayos na ang tyan niya." Paalam nito. Tumango naman ako. Inabot ko muna ang ulo ni Winter saka hinaplos. I gave her a reassuring smile that she'll be fine.
Iniwan na nila ako sa pool. Wala naman na akong ibang gagawin kaya naman nagtungo na lang ako sa kwarto. Ngunit halos kalahating oras na ang lumipas ay hindi naman ako mapakali kakaisip kung ayos lang ba si Winter kaya naman nagpasya akong silipin silang mag-ama sa kwarto. I gently knocked on the door. Dahan dahan kong binuksan ang pinto saka sinilip ang mag-ama.
Natagpuan kong binabantayan ni Will ang anak nito na mahimbing ng natutulog. Marahan nitong hinahaplos ang buhok ni Winter. Napansin ni Will ang pagsilip ko. Matamlay niya lamang akong nginitian.
"Okay na ba siya?" Mahinang tanong ko.
Maingat siyang bumaba sa kama at lumapit sa akin. Umatras naman ako para makalabas siya ng kwarto. "Yeah. Hindi lang siya natunawan. Pero okay naman na." Sagot nito.
Tumango-tango ako. "Hmm."
He held my arms. "Ayos lang ba kung hindi muna kita matabihan? Babantayan ko si Winter e. Baka kasi umatake na naman sakit ng tyan niya."
"Sira. Bakit ba nagpapaalam ka pa?" Napairap na lang ako. Para namang responsibilidad niyang tabihan ako. "Tabihan mo si Winter."
Payak lamang siyang ngumiti bago ako dampian ng halik sa noo. "Goodnight. Tulog ka na ha."
"Hmm." Natulala na naman ako. Ito naman kasi palagi ang reaksyon ko kapag ganito siya.
Hawak niya na ang door knob para makabalik sa loob ngunit tumigil siya at nilingon ulit ako. "Let's talk some other time. There's something I really wanted to tell you." Iyon ang huling sinabi niya bago siya pumasok sa loob.
Naiwan lamang ako rito sa corridor, dinarama ang puso ko na nagwawala na naman sa loob ng dibdib ko. My worst enemy appeared again. And that was this thing in my chest that keeps acting weird.