Her POV
"Magdala ka ng payong. Tingin ko magiging maulan."
Iyon ang naging paalala ni Will habang nakain ako ng breakfast dito sa may dining table. Papasok na kasi ako sa trabaho. Nag-abala pa nga siya na gumising ng maaga kahit na day-off naman niya para lamang magluto ng breakfast. Ewan ko ba dito, hindi naman kailangan.
Matapos makapag-breakfast ay kinuha ko na ang sling bag ko. Kinuha ko na rin ang payong ko bago ako magpaalam sa kaniya. Hinatid niya pa ako sa gate.
"Ayaw mo talagang ihatid kita?" Tanong niya habang nasa gate kami.
"Hindi na. Bantayan mo na lang si Winter." Sagot ko. Maayos naman na ang kalagayan ni Winter nang ikwento niya sa akin kanina. Gusto niya akong ihatid kaso sabi ko 'wag na dahil kailangan niyang bantayan ang anak niya. Mahimbing pa rin itong tulog hanggang ngayon. Maaga pa rin naman kasi.
"Hmm okay. Ingat ha." Hinawakan niya ang likuran ko at tangka sana akong hahalikan sa labi and my initial reaction was to move my head backward, away from his lips. Napatitig siya sa akin, nagtataka sa naging reaction ko.
Payak lamang akong ngumiti saka marahan siyang tinulak sa kaniyang dibdib para makaalis ako sa yakap niya. "Alis na ko. Bye."
Nagsimula na akong maglakad paalis. Nang makasiguro na malayo na ako ay doon lamang ako nakahinga nang maluwag. Kung katulad lang ito ng dati, malugod kong tatanggapin ang halik niya. Pero sa mga araw na lumilipas, pansin ko na may nagbabago. Wala naman ito noong una e. When we started this set-up, it was just a casual s*x. No feelings involve. It's just us filling each other's desire. But day by day, ramdam kong may nagbabago. He started showing me small gestures that makes my heart act weird. Every time he compliments me, or just a simple smile from him, t#ngina 'yung puso ko para ng sasabog sa sobrang bilis ng t***k. Ibang iba ito sa nararamdaman ito whenever we're in bed. This time, it was warmer and heavier.
Ayokong aminin at hindi naman ako tanga para hindi magets kung anong nangyayari sa akin. This isn't part of the plan, Khai. Mali ito. Hindi ito ang pinasukan mo when you agreed to this set up. This isn't right.
***
Kinalimutan ko na lamang ang kung anong bumabagabag sa akin at nagfocus na lang sa trabaho. Imbes na chef uniform ay nakasuot ako ng apron na ginagamit sa store dahil dito ako ngayon nakatoka sa cashier. Kakatapos lang kasi gumawa sa baking area. Nakaday off din ang naka-assign dito sa cashier kaya ako muna ang pumalit. I flashed a smile on my face when I greet the customers na lalapit sa counter.
Kahit pala nakatayo lang dito sa counter ay sasakit pa rin pala ang katawan. Nang mapansin na wala na masyadong customer ay inunat ko ang katawan ko. I tilted my head sideways to stretch my neck that was becoming stiff. Maya maya ay pumasok si Sir Traiden na may dalang cup sa magkabilang kamay. Ang isa ay iniinom niya. Nagtungo siya sa direksyon ko at napataas ang kilay ko nang ilapag niya ang cup sa ibabaw ng counter. Pinaikot niya ito kung saan nabasa ko ang nakasulat rito. May note na nakalagay.
________________________________
Drink this pretty lady :)
________________________________
Nagsalubong agad ang kilay ko nang iangat ko pabalik sa kaniya ang tingin ko. Ngunit na imbes ipaliwanag kung anong meron sa cup ay kinindatan niya lamang ako sabay ngiti. Sunod niyang ginawa ay binaba niya ang nakatupi sa note at may nabasa ulit ako.
________________________________
Better not throw this, m'lady
________________________________
"You better not," pahabol niyang sabi bago niya ako iwan dito sa counter kasama ng cup na ibinigay niya at nagtungo sa likod. Napabuga ako ng hangin, hindi natuwa sa nakasulat sa note nang kunin ko ito. It was a fruit juice. Balak ko sanang baliwalain ang nakasulat at ipamigay na lang kaso nauuhaw na rin ako. Wala akong nagawa kung hindi labag sa loob na ininom ang binigay niyang drinks.
Dumating ang hapon at nagsimula na ngang pumatak ang malakas na ulan. Umulan nga talaga gaya ng sabi ni Will. Mabuti na lang ay pinaalalahanan niya ako na magdala ng payong. Dahil din sa ulan ay wala ng masyadong customer dahilan para magsabi si Sir Traiden na maaga kaming magsasara. Nagtungo muna ako sa may comfort room bago ako bumalik sa may employee area para kunin ang bag ko.
"Asan na 'yun?" Nagsalubong ang kilay nang mapansin na wala sa ibabaw ng bag ko ang payong. Sinubukan kong hanapin ito sa paligid ngunit wala talaga. Dinala ko 'yun diba? Hindi ba?
Ano ba naman iyan? Paano ako makakauwi nito? E hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi naman ako pwedeng tumakbo papunta sa sakayan dahil sakit ang abot ko nito.
Should I message Will? Hindi. 'Wag. Binabantayan niya si Winter ngayon. Mas mabuti pang huwag ko na lang siyang abalahin. Jusme naman. Ngayon pa talaga ako walang payong. Wala tuloy akong choice kung hindi maghintay na tumila ang ulan. Si Sir Traiden ang huling magsasara ng store kaya naman iniwan ko na siya at naghintay sa may labas. May silong naman dito sa harapan kaya may matatambayan ako habang nagpapatila.
Nakatitig lamang ako sa kalangitan nang marinig na bumukas ang pinto sa gilid ko. Nang silipin ko iyon ay si Sir Traden pala na kasalukuyang nila-lock ang pinto. Nang makita niya ako ay napataas siya ng kilay.
"Why are you still here?" Taka niyang tanong.
"Nagpapatila ng ulan." Sagot ko.
His mouth formed an 'o'. "Wala kang dalang payong?" Napairap ako sa kashungaan nito. Aba malamang! Maghihintay ba ako rito kung meron? May ubo na talaga 'to sa utak. He just laughed quietly when he saw my reaction. Lumapit siya sa akin saka tumabi. "Kawawa ka naman." May halong pang-aasar sa tono ng boses niya. May kinuha siya sa bulsa ng jacket niya at naglabas ng payong.
Nainggit ako ng makita na may payong siya. Hindi ko alam pero mukhang sinasadya niya pa atang tanggalin ng dahan dahan ang tali at buksan ito nang napakabagal. Sinilip niya ako at nginisian nang tuluyan niya ng mabuksan. "O bakit? Inggit ka kasi may payong ako at ikaw wala?" He mocked. Inilapit niya ang kamay niya sa mukha ko at tinapik ng daliri niya ang tungki ng ilong ko. Mas lalo lamang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Pwes mainggit ka." Napanganga ako nang mapang-asar siyang tumawa at nagsimulang dumaan sa harapan ko, dala dala ang kaniyang payong.
May gana pa talaga siyang mang-asar ano. Siraulo 'tong lalaki na 'to. Epal masyado. Binalik ko na lamang ang atensyon ko sa harapan at sinumpa itong ulan na bakit hindi pa tumitigil sa pagbagsak.
Habang sinusumpa ko ang ulan ay lumipat ang atensyon ko sa presensya ni Sir Traiden nang bumalik ito sa pwesto ko. Nakakunot ang noo ko sa kaniya. Bakit narito pa 'to?
"Sabay ka na sa'kin. Kawawa ka naman dyan. Mamaya masisi pa ako na hindi ka nakauwi kasi iniwan kita." Sambit niya nang makalapit sa akin.
"Hindi na. Umalis ka na."
"Sige na. Arte naman nito. Tinanggihan mo na nga ako sa dinner, pati ba naman dito tatanggi ka pa. Masyado mo ng sinasaktan ang damdamin ko. Nagmamalasakit na nga ako sa'yo."
Napanganga lang ako sa pagiging sadboi niya. "Hindi ko kailangan ng malasakit mo."
"Pero kailangan mo ang payong ko." Bato niya sa akin. "'Wag ka ng umasa na titigil ang ulan dahil matatagalan ka lang. Sumabay ka na sa akin. Magko-commute rin naman ako. Wala 'yung motor ko e, pinapaayos ko pa."
Pake ko sa motor mo. Hindi ko siya pinansin. Nagmatigas pa rin ako.
"Ayaw mo talaga?" I didn't respond to him. "O sige. Bahala ka dyan." Tumalikod na siya ulit ngunit bago pa siya maglakad ay may sinabi pa siya. "Nakow. Nakakatakot pa naman dito kapag gabi lalo na't madilim. Hindi ko ba nabanggit sa'yo? May gumagalang masamang tao rito lalo na kapag maulan." Sinilip niya ako. "Mag-ingat ka ha. Text mo na lang ako kung nakauwi ka na. Nasa iyo pa naman siguro ang business card ko. Ciao!" Tuluyan na siyang tumalikod at nagsimulang maglakad.
Napuno ako ng pangamba saka inilibot ang tingin sa paligid. T#ngina ang dilim na. Nanlaki pa ang mata ko nang makita na patay sindi 'yung ilaw sa poste. Napahigpit ang kapit ko sa sling bag at mas lalo akong binalot ng kaba nang makarinig ng matinis na tunog.
"Sandali!" Tawag ko kay Sir Traiden na hindi pa nakakalayo.
"Ano?" Tanong niya nang lingunin ako.
"Sa sakayan ka papunta diba?" Tanong ko.
Tumango siya. "Oo, bakit? Sasabay ka?"
Tumango naman ako. "Oo."
"Kala ko ba ayaw mo?"
"S-sige na. Sabay na ko sa'yo." Halos nagmamakaawa na ako na sumabay sa kaniya.
"Okay." May sigla niya pang tugon, animo'y ikinatuwa ang sinabi ko. Bumalik siya sa akin para makasilong ako sa payong niya. "Let's go?"
Nakisilong na nga ako sa payong niya at nagsimula na kaming maglakad. Kung hindi lang naman gabi ay hindi naman ako mapipilitan na sumabay sa lalaking 'to. Pero tama siya, kailangan ko ang payong niya para makauwi.
Tahimik lang kami habang naglalakad patungo sa sakayan. Napansin ko pa nga na mas sakop ko na ang payong at nababasa na ang balikat niya kaya naman inusog ko ang kamay niya na nakahawak sa handle ng payong palapit sa kaniya para hindi siya mabasa.
"Nababasa ka na." I told him.
Payak lamang siyang ngumiti. "No, it's fine. Nakajacket naman ako." Binalik niya lamang ang malaking parte ng payong sa akin.
Tahimik na muli ngunit matapos ang ilang minuto ay siya na mismo ang bumasag nito.
"You know what I love about rain?" Tanong niya kapag napatingala ako sa kaniya.
Magkasing-tangkad lang din kasi sila ni Will kaya kailangan ko pa siyang tingalain. Nang silipin niya ako sandali ay umiling lamang ako. Wala naman kasi akong ideya sa sasabihin niya.
"It's because of its cool breeze. Tipong ito 'yung tamang panahon para yakapin mo 'yung mahal mo sa buhay." Panimula niya. Binalik ko ang tingin ko sa daan habang nakikinig sa paliwanag niya. "Masarap rin maglakad sa ilalim ng ulan kasi ang tanging nangingibabaw sa pandinig mo ay ang bawat patak na 'to. Maganda 'to para sa mga gustong makapag-isip nang maayos. It's also dramatic kasi sa oras na may problema ka at sumuong ka sa ulan, hindi nila mapapansin na umiiyak ka na pala."
"At may isa pa," dugtong niya sabay hinto nang makarating na kami ng sakayan. Hindi niya pa rin binababa ang payong niya nang humarap siya sa akin. "It's also the best weather to confess your feelings to someone."
Napatingala ulit ako sa kaniya. Kitang kita ko kung gaano niya ako kalalim titigan. Napasinghap ako nang biglang kumidlat at sumunod ang malakas na kulog. Maliban sa dalawang iyon, mas may ikinagulat pa ako nang dugtungan niya ang sinasabi niya sa akin.
"I like you, Khaila Rachel Buena."
Ang akala ko nabingi ako sa tindi ng kulog kaya kung ano ano na lang ang naririnig ko ngunit inulit niya pa iyon na mas nagpalinaw sa akin sa kung ano ang sinasabi niya. Natulala na lamang ako sa kaniya.
"Ayokong magpaligoy-ligoy pa. Gusto ko ang tulad mo."
Mula sa mga mata ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko. Hindi agad ako nakapag-react at nanlaki na lamang ang mata nang bigla niya akong hawakan sa batok ko. Sa bilis ng pangyayari ay naramdaman ko na lamang ang malambot na labi nito sa akin.
My mind went blank after that.
***
Nakauwi na ako ng bahay at lutang ang isip ko nang pumasok ako sa loob. Nadatnan ko pa si Winter na nasa sala, nanonood ng palabas sa T.V. Ngumiti agad ito nang makita ako at tumakbo palapit sa akin.
"Ate Khai!" Bumaba ako para mayakap siya.
"Hey, Winter. Kumusta pakiramdam mo?" Tanong ko rito saka hinaplos ang buhok nito.
"Ayos naman na po." Hinila niya ako at dinala sa sofa kung saan ko siya naabutan. Hinanap ko sa paligid si Will ngunit wala ito.
"Asan si papa mo?" Tanong ko rito.
Kumunot ang noo niya saka sumilip sa may pinto. "Po? Hindi niyo po ba kasabay?"
Kagaya niya ay nagkalinya din ang noo ko. "Huh? Kasabay ko?"
Tumango siya saka ngumuso. "Opo. Nagpaalam po siya sa akin na susunduin ka niya kasi maulan daw po. Hindi niyo po pala siya kasabay?"
Wait what? Sinundo niya ako?
Mula sa pag-uusap namin ay sabay napunta ang atensyon namin sa bumukas na front door at niluwa noon si William na bagsak ang balikat. Napansin niya kaming dalawa ni Winter. May kung anong lungkot sa mga mata niya nang magtama ang tingin namin. Ngunit hindi iyon nagtagal nang siya mismo ang unang umiwas. Madiin siyang lumunok saka isinara ang pinto sa likuran niya.
Didiretso na sana siya ng lakad nang huminto siya at magtanong. "Lowbatt ba phone mo?"
Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at binuksan ito ngunit ayaw naman. It was dead. "Aah yeah."
I saw his hand balled into fist. "Hmm. I see." Walang emosyon na sambit niya.
Tumayo ako at pinagmasdan ang likuran niya. "Sinundo mo raw ako?"
Dinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Pero imbes na sagutin ako ay iniwasan niya iyon ng isang utos. "Magbihis ka na. Magdidinner na tayo." He added in a monotonous tone.
Sa loob ng ilang buwan na nakasama ko siya sa pamamahay na ito, this was the very first time I heard his lifeless voice of him. Kasing lamig ng boses niya ang lamig ng patak ng ulan at lamig ng simoy ng hangin sa labas. Kung kanina ay halik ni Sir Traiden ang bumabagabag sa isip ko, ngayon naman ay natabunan na iyon at ang tanging inaalala ko na lang ay ang malamig na trato ni Will sa akin ngayong gabi. Simula ngayong gabi.