25

4418 Words
Her POV "You're not allowed to wear shorts." Napanganga ako nang banggitin iyan ni Will sa akin kinaumagahan nang maabutan niya ako sa kusina na nagluluto ng breakfast nila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng lalaking 'to at iyon agad ang bungad sa akin sa umaga. Napatingin tuloy ako sa suot ko na itim na dolphin short. Anong mali sa suot ko at naisipan niyang ipagbawal aber? Samantalang wala naman siyang pake dati kung magsuot ako ng ganito. Mas bet pa nga niya na nakapanty lang ako o walang suot kamo. Tapos ngayon— Problema nito? Napatigil ako sa pagbati ng itlog. "At bakit naman aber?" Sumilip pa siya sa akin saka pinagmasdan ang suot ko ngunit hindi nagtagal ang titig niya nang umiwas agad siya. He cleared his throat after he finished making his coffee. "I-it's a new rule in this house." Umupo na siya sa may dining chair. "At bakit mo nga naisip 'yan? May problema ba sa shorts ko ha?" Hindi siya makatingin sa akin. I could sense that he was nervous at this point. "Just do it. Bakit ba panay ang tanong?" Bakas ang iritable sa tono ng boses niya. Mali ba gising mo sa umaga, Sir? Aga aga ang init ng ulo. Nagtatanong lang naman. Sinilip ko tuloy ang pwet ko para makita kung may mali ba sa suot ko. Wala naman e! Hindi rin naman panget ang binti ko. Ang kinis ko kaya. Wala naman kasi akong masyadong peklat dahil hindi naman ako palalaro noong bata ako. Ewan ko ba rito kay William. May sayad na ata at maliit na bagay pinoproblema. Napairap na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Habang nagbabati ako ng itlog ay namilog ang mata ko nang may marealize. Hala! Maitim ba singit ko? T#ngina? Tinignan ko ulit si Will na tahimik na nainom ng kape habang may binabasa sa phone niya. G#go 'to ah. Kaya ba pinagsoshort niya ko kasi dahil sa singit ko. Hindi naman maitim ah. Hinayupak 'to. Ano ba problema nito? Matapos niya akong pagsawaan dati, ngayon maiilang na siyang makita akong nakaganito? Aba, Sir. Matindi. Parang hindi ka tuwang tuwa dati na pagmasdan ang baba ko at simutin ang katas ko ah. Gusto ko sanang ibuhos sa kaniya itong itlog kaso 'wag na lang. Binalewala ko na lang ang sinabi niya. He must give me valid reasons with that stupid rule. Wala siyang karapatan para pagbawalan ako magshort. Daig pa niya boyfriend kung maging strikto. Napatigil ako sa paglagay ng itlog sa fan. Boyfriend? Sinilip ko ulit siya. Naramdaman ko agad ang pag-init ng pisngi ko. I even chewed the inside of my cheek to keep myself from smiling. What the f#ck, Khai?! Napakalayo! Siya magiging protective sa'kin as if he's my boyfriend? In my dreams! Magtigil ka nga Khaila. Baka nakakalimutan mo, pinaiyak ka niyan. Bigla ka na lang hindi pinansin. 'Wag ka marupok oy! Napabuntong hininga na lang ako at humigpit ang hawak sa spatula. Naisip ko na sa mga ginawa niya sa akin, sa pagpapaiyak sa akin, sa pagpapa-overthink, at sa hindi pagpansin sa akin, my worst enemy inside my chest still doesn't leave. Narito pa rin. Nagwawala pa rin. Pagkuha ko ng itlog sa pan ay napatigil ako at pinagmasdan ang side profile ni Will. This f#cking idiot. Sinubukan ko naman pigilan kaso ang tindi ng epekto niya sa akin. I swear I really tried. Pero wala e, sa ginagawa ko ay niloloko ko lang ang sarili ko. Ang hirap burahin ng isang damdaming naitala na. Hindi naman ako iiyak at masasaktan sa pagtrato niya sa akin kung wala lang. Hindi naman ako magpapabagabag ng ganito kung kahibangan lang itong nararamdaman ko para sa kaniya. It's not about lust anymore. Hindi ko naman hinihiling na bumalik siya sa dating William dahil lang sa namimiss ko na siyang makasiping. It's not about that anymore. It's just that... I fell. Right. I fell. Hindi s*x ang namimiss ko. Namimiss ko lang 'yung paraan kung paano alagaan ng isang William. Iyong makatabi siya sa gabi. Tipong aalis siya ng kama kapag maaalimpungatan siya at mapapansin na wala ako sa tabi niya tapos hahalughugin niya ang bawat sulok ng bahay para lang mahanap ako. Namiss ko ang bawat yakap niya. Miss ko na rin ang bawat halik niya. I swear, just a simple kiss from him on my forehead would instantly melt me. Nagwawala na agad ang puso ko. Why did I even let myself fall for him? At bakit ang tagal kong aminin sa sarili ko na nahulog na ako sa kaniya? Ang tanga mo, Khaila. Ang tanga tanga mo talaga. O paano na ngayon? Hindi na siya tulad ng dati. Paano na ang gagawin natin niyan, Khai? I just let out a deep sigh saka nilapag na sa mesa ang huling breakfast. Nagtungo na ako sa taas para tawagin si Winter na kakain na. Nakapagbihis na ito kaya naman sinundan ko na siya pababa sa dining table dala dala ang bag niya. Habang nakaupo at sinasabayan sila sa pagkain, sinilip ko si William. If only I accepted my feelings towards him as soon as I realized that I fell for him, ano na kaya kami? If only I was honest with him, ano na kaya ako sa buhay niya? Dalawang tanong sa buhay ko na mukhang malabo ng masagot. *** His POV Aaminin ko. Ang hirap magpigil lalo na kung pagala gala lang sa bahay ang isang walking temptation tulad ni Khai. Sinabihan ko na siyang huwag magshort pero heto pa rin siya. Rumarampa pa rin ng nakashort. Hindi ko naman maamin sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit may ganoong rule. As if naman kaya kong sabihin. Ayokong mag-isip siya ng masama sa akin. Hangga't maaari, kung sakaling titigil na siya sa pagtatrabaho sa akin, I want us to be in good terms. Kahit na masakit isipin na darating ang araw na aalis na siya ng bahay. Hindi ko nga alam kung alam na ba ni Traiden na sa akin nagtatrabaho ang girlfriend niya. Nakwento na kaya ako ni Khai sa kaniya? It could be. Imposible namang magtago ka ng ganito sa kasintahan mo. Kapag talaga naaalala ko si Traiden, selos at inis ang nararamdaman ko sa kaniya. Sa dinami-rami rin kasi, bakit siya pa? Ang dami namang iba. Pwede namang ako! "Sir Will." Nagising ako sa kakaisip nang malalim nang marinig ko ang boses ng isang anghel. Nilingon ko si Khai na nakatayo na sa harap ko. Inabot niya sa akin ang bag ni Winter. Kita ko pa ang anak ko na madaling madali ang lakad palabas ng bahay. Paano ba naman hindi magmamadali? Nalate ng gising. Pareho silang dalawa na late na nagising kaya ako tuloy ang nag-asikaso ng umagahan. "Nagpuyat ka na naman siguro ano?" Tanong ko kay Winter nang silipin ko siya sa rear-view mirror at maabutan na humikab. Ngumuso lamang ito. Sa ganoon pa lang na ekspresyon ng mukha niya ay alam ko na agad ang sagot sa tanong ko. Napabuntong hininga na lang ako. Sa susunod nga, iaactivate ko na ang paglimit ng screen time sa tablet niya. Pasaway na e. Nang maihatid ko na si Winter ay nagpababa na lang si Khai sa pinakamalapit na waiting sched kaya naman diretso na ako sa Clinic. Pagpasok ko sa pinto ay narito na ang isa sa mga assistant ko at binati kaagad ako. "Good morning, Doc." Nakangiting bati nito. "Good morning." I smiled at her when I stopped on the front desk kung nasaan siya. She was wearing a light blue scrubs. "Nag-almusal na?" Humagikhik ito. "Yes po, Doc. Bakit po? Manlilibre po ba kayo? Hindi po ako makakatanggi dyan." Natawa lamang ako. "Aww. Nag-almusal na ko e. Pero pwede naman later. Gusto niyo ba free lunch mamaya?" "Yun o! Becca, narinig mo 'yun? Manlilibre raw si Doc!" Masayang sambit nito sa babaeng kakalapit lang din sa amin, isa sa mga vet nurse. Tuwang tuwa naman silang dalawa sa binalita ko. Nagtungo na ako sa office ko saka kinuha ang white coat ko na narito at isinuot. Isinabit ko na rin sa leeg ko ang stethoscopes ko. Pumasok na ang assistant ko para ipaalam ang schedule ko sa araw na ito. Mukhang wala naman akong outdoor check up na nakasched kaya dito lang ako sa Clinic. Gaya ng palaging nangyayari kapag nasa Clinic ako, kung wala akong emergency operation ay inaasikaso ko naman ang ilan sa mga alaga na narito for check up and observation na rin. Katabi ko ang assistant ko habang hawak hawak niya ng clipboard. Sinasabi ko sa kaniya kung ano na ang progress sa isang animal na chinecheck up namin. Ngayong araw na ito ay hindi naman kasi dinagsa ng patient kaya medyo maluwag nang kaunti ang oras namin. Habang nasa office ako at nakatutok sa computer, inaanalyze ang information na nasa monitor ay narinig kong tumunog ang phone ko. Inabot ko ang shoulder bag ko at nilabas ang phone. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang nasa screen. Winter's adviser was calling. "Hello?" Sagot ko sa kabilang linya. "Hello po, Mr. Serrano. May ginagawa po ba kayo?" Tanong ng babaeng adviser ni Winter. "Wala naman. Napatawag po kaya, ma'am. May problema po ba?" "Ah, hindi naman masasabing problema." Mas lalong nagsalubog ang kilay ko. "Ano po ba 'yun?" Ilang segundo pa ang lumipas bago nag-iba ang tono ng boses ng nasa kabilang linya. It was my daughter's voice this time. "Daddy, I have a problem." "Ano po 'yun?" Alalang tanong ko. Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanila sa school diba? "I left my project." Hindi ko alam pero nakaluwag ako nang maluwag nang malaman na iyon lang pala ang dahilan ng pagtawag niya. Ang akala ko malaking problema na e. "Where?" I asked. "Sa bahay?" "Hmm. Naiwan ko po sa kwarto ko." Dinescribe niya sa akin ang project niya. May ideya naman ako kung anong hitsura noon dahil minsan ko na rin itong nakita sa kaniyang kwarto. "Can you get it? Pasahan na po kasi mamaya. Baka po dumating na teacher namin. I don't want her to get mad at me." Malungkot ang boses nito. Gusto ko sana siyang sermonan na hindi niya maiiwan iyon kung hindi siya nagpuyat at hindi nagmadali sa pagpasok sa school kaso pinili ko na lamang na hindi sabihin. Hindi rin iyon makakatulong sa sitwasyon niya. For sure, nag-aalala rin 'yun. Pinaghirapan niya ang project na 'yun e. "She won't get mad at you, baby. Sabihin mo na lang sa kaniya if ever na hinanap na sa'yo na dadalhin ko kamo dyan ngayon. For sure, maiintindihan niya iyon." "Really?" Tumango pa ako kahit hindi niya naman nakikita. "Opo. I'll bring it to you right away. Don't worry." Kapag talaga anak ko ang kausap ko, feeling ko nagbebaby talk na rin ako. Nawawala ang lalim ng boses ko e. "Okay!" Masigla na ang boses nito. "I'll wait for you." "Opo. Sige na. Abot mo na kay teacher 'yung phone. Alis na rin si Dad." I told her. She said okay hanggang sa boses na ng teacher ang narinig ko. "Thank you for calling. Sorry din sa abala." "No worries po." The call ended. Sinubukan kong tawagan si Khai para ipautos na lang sa kaniya kaso hindi naman niya sinasagot ang tawag. Hindi ba niya hawak ang phone niya? Hinubad ko na lang ang white coat at tinabi muna saglit para umalis ng Clinic. Ako na lang ang kukuha. Matatagalan pa kung hihintayin ko si Khai. Dumiretso ako sa parking area saka sumakay sa kotse ko. Mabilis lang naman ang byahe dahil wala namang traffic kaya nakarating agad ako ng subdivision. Habang nakatutok sa daan, malapit na sa bahay namin ay napansin kong may pumarada na motor sa tapat mismo ng bahay. Binagalan ko ang takbo dahil may speed humps ngunit ang mata ko ay nakatutok sa nagmamay-ari ng motor na iyon na bumaba saka hinubad ang suot nitong helmet. Pigil ang hininga ko nang mamukhaan ko kung sino iyon. It was Traiden. Humigpit ang kapit ko sa manubela nang saktong pagparada ko ay pinindot naman niya ang door bell sa gate ng bahay ko. I clenched my teeth when I felt the rage build inside me. Kung ano ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Ganito ba sila kapag wala ako? Dinadalaw niya si Khai? Nagkikita sila kapag wala ako at nasa Clinic? Napansin niya ang pagparada ko ng sasakyan kaya nilingon niya ako. Lumabas ako ng kotse at nang magtama ang tingin namin, his eyes widened. Bakit? Gulat ka? Hindi mo siguro inaasahan na uuwi ako ng bahay. Ewan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Daig ko pang nakasaksi ng pangangabit kahit wala namang ganoon. "William." It wasn't a question as if nagtataka siya na makita ako sa lugar na 'to. Sinambit niya iyon sa tono na tila ba gulat siya na naabutan ko siya dito. "Traiden." Lumapit ako sa kaniya. I acted as if I have no idea why he was here. Alam ko naman na si Khai ang pakay niya rito. Sino pa ba? Hindi naman siya magugulat ng ganyan kung ako ang pinuntahan niya rito. Sabay kaming napalingon nang gumawa ng tunog ang gate at bumukas ito. Bumungad sa amin si Khai na nakamessy bun pa at nakashort pa rin malamang. Gulat siya na kaming dalawa ang nadatnan niya sa likod ng gate na ito. "Sir Will, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Khai pagkatapos ay lumipat ang tingin niya kay Traiden. Pansin kong walang kaba sa mukha ni Khai nang makita si Traiden sa labas kasama ko. In fact, magkasalubong pa ang kilay nito nang tanungin niya ito. "At ikaw, anong ginagawa mo rito?" Hindi ko alam bakit ganoon ang tono ng boses niya. I don't know. Baka galit siya kasi nagpunta rito si Traiden at saktong naabutan ko sila. Nilingon ko si Traiden. "Sorry, I didn't tell you. I'm her boss. She's my daughter's nanny." Pagpapakilala ko. "Siya 'yung tinutukoy mo nun diba?" It took him seconds to speak. "Hmm." Sagot niya lamang. I forced a smile. Nagtaka pa ako nang mapansin na hindi man lang siya nagulat na malaman na kilala ko ang tinutukoy niya, na kilala ko si Khai. Alam na ba talaga niya? Kinuwento na nga ako siguro ni Khai sa kaniya. "I see." Binalik ko ang tingin kay Khai na mukhang nagtataka sa kinilos namin. "May kukunin lang ako sa loob. Naiwan kasi ni Winter ang project niya." Paalam ko sa kaniya at nagpaalam na sa kanila saka pumasok sa loob. Malinaw ang sakit sa puso ko nang kumirot ito. Para lamang bumalik 'yung sakit na naramdaman ko nang gabing iyon. It felt like it happened yesterday. Pinigilan ko ang sarili ko na maluha nang kunin ko ang pakay ko rito sa bahay. T#ngina ang sakit pa rin. Ramdam ko ulit na may kung anong pumipiga sa loob ng dibdib ko. I tried to conceal it with a forced smile nang maabutan ko sila na nasa labas pa rin ng gate. Natigil sila sa pag-uusap nang makita ako. "Iwan ko na kayo." Paalam ko ulit sa kanila nang bumalik ako sa kotse ko. Nang silipin ko sila dito sa loob ay nakita kong nakatingin sa akin ni Khai habang sa kaniya naman nakatingin si Traiden. I just smiled halfheartedly at her before I drove the car away from them. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak habang nagmamaneho. It's just f*****g hurt. Sobrang sakit. Masakit pa rin. Isa lang naman ang dahilan nito e. Nasasaktan lang naman ako kasi mahal ko pa. Kahit kailan naman hindi 'yun nawala. Marahas kong pinunas sa likod ng palad ko ang basa sa aking pisngi. At dahil ayokong mapansin ni Winter ang lungkot sa aking mukha ay pinatawag ko na lang ang adviser nito na kunin ito sa akin sa may labas ng building. Pinilit kong alisin sa isip ko 'yung kanina kaso masyado ako nitong ginagambala kaya kahit sa trabaho ay hindi ako makapagfocus. Naramdaman ko ang pait ng luha ko nang dumaloy ito pababa sa labi ko habang nakatulala ako sa desk dito sa office ko. So they're really a thing, huh? Kahit sa pag-uwi ko ay lutang ang isip ko. Pinilit ko na lamang na maging masigla nang magkwento si Winter sa nangyari sa school nila habang narito kami sa sofa. Ang totoo, wala akong masyadong maintindihan sa sinasabi niya dahil ang utak ko ay kung saan na napadpad. Ang tanging naintindihan ko lang ata ay nagustuhan ng mga classmate niya ang gawa niya. Ngumiti lamang ako saka ginulo ang buhok nito. "You did great," I told her. Winter just showed her white teeth when she smiled. "Thanks, Dad." Niyakap niya ako nang mahigpit. I kissed the top of her head. "Sige na, anak. Tulog na. Puyat ka, diba? Akyat na taas para makabawi ka ng tulog." Umalis siya ng yakap saka ngumuso. Natawa lamang ako nang mahina nang macute-an sa pagnguso niya. I gently pinched her cheek. "Sleep na okay?" Wala siyang nagawa kung hindi tumango at sinamahan siya ni Khai sa kwarto nito. Pinanood ko silang maglakad ni Winter paakyat ng hagdan. Balik na naman ako sa dati. Hindi ko na naman siya matignan ng matagal. Napabuntong hininga ako. Kailan ba matatapos 'to? Kailan ba mawawala 'yung sakit? Kailan ba ako tatantanan ng kirot na 'to? Pinilit kong makatulog ngayong gabi ngunit kahit anong pwesto ko sa kama ay hindi naman ako makatulog o makaidlip man lang. It's their fault. Tangina nakakainis kasi. Bakit pa nila kailangan magkita dito? Hindi ba nila inisip na baka maabutan o makita ko sila? Hayok na hayok na ba magkita? Ganoon ba? Bumaba na lamang ako sa kusina para kumuha ng beer sa refrigerator. Napaupo ako sa high stool sa may countertop dito sa kusina at dito ko sinimot 'yung canned beer. Nakatatlo na nga ako pero kulang pa rin ito para antukin ako. Tumayo ulit ako para kumuha ng alak pa sa ref at nag-iisa na lang ito. Narinig kong may bumaba ng hagdan at dumating si Khai dito sa kusina, yakap yakap nito ang kaniyang sarili. Napataas pa ang kilay niya nang madatnan niyang nagkalat ang walang laman na canned beer sa may counter. Ngunit wala siyang sinabi. Naglakad lamang siya palapit sa akin para kumuha ng pitsel ng tubig at kumuha ng baso. Pinanood ko siyang maglagay sa may counter. "Magkakilala pala kayo?" Napataas ang dalawang kilay ko sa biglaan niyang pagtanong. Tinagnan niya ako nang mataman. "Huh?" "Ni Traiden. Magkaibigan pala kayo? He told me that earlier when I asked him." Pahayag niya. Napaiwas agad ako ng tingin ngunit tumango pa rin. "Hmm." I just hummed. Dumiin ang kapit ko sa canned beer. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na magkakilala kayo?" "Nito ko lang din naman nalaman na kilala ka pala niya." Pag-amin ko. Totoo naman. Wala naman akong alam kung hindi pa sasabihin ni Traiden sa akin. Sinilip ko siya, napatango-tango lang siya. "Aaah." Ininom niya na ang tubig. Lumunok ako nang madiin nang maglaro sa isip ko ang mga tanong na gusto kong sabihin sa kaniya. Ngunit dala ng tama ng alak ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita. Binasa ko ang nanunuyo kong labi bago magsalita. Kinakabahan ako na ewan. "A-anong sabi niya sa'yo?" "Na ano?" Kunot noo niyang tanong. "Hindi ba raw siya nagseselos na malaman niyang nagtatrabaho ka sa akin?" Halos maglaban ang kilay niya nang magsalubong ito. "Huh? Pinagsasabi mo? Bakit naman 'yun magseselos?" Takang tanong niya. "Kasi magkasama tayo sa iisang bahay." Sagot ko. Binaba niya ang baso sa counter at hindi na nagrelax ang mukha niya sa mga sinabi ko. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Ano namang pake niya kung magkasama tayo sa iisang bahay? Buhay ko 'to. Wala na siyang pake do'n." Gigil niyang saad. Hindi iyon ang inaasahan ko na magiging sagot niya. "Bakit naman siya hindi magagalit? Kahit sino naman siguro magseselos kung 'yung girlfriend nila ay nakatira sa bahay ng ibang lalaki." Saad ko na mas nagpalukot ng mukha ni Khai. Napaiwas ako ng tingin sa tindi niya makatingin sa akin. Daig pang lalapain ako. "Teka nga, ano pakiulit? Girlfriend? Ako? Girlfriend ni Traiden?! Tangina William, saan mo napulot 'yang ideya na 'yan? Hindi ko boyfriend ang Traiden na 'yun! Ni wala nga akong boyfriend." Gigil niyang sabi. Hindi ko alam kung dala ba ito ng tama ng beer na nainom ko at parang hirap akong intindihin ang sinabi niya. Natulala ako sa kaniya, hindi makapag-isip ng tama. Did I hear it right? Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko ngunit sinubukan ko pa rin na magsalita. "W-what?" Napameywang siya at umirap. "Ano ba 'yang pumapasok sa isip mo?" Napalunok ako at inalala 'yung halik nila at 'yung kanina. "Ang akala ko..." Wait what? I'm still confused. "Kayo? Hindi ba?" Mali ba ko? Khai looked disappointed when she exhaled. "Jusko, William. Kahit kailan hindi ko papatulan 'yun." Ang bigat ng bawat paghinga ko. "Pero bakit siya nagpunta dito?" And what about the kiss? Am I just hallucinating? She sighed. "Nagpunta siya rito kasi gusto niyang humingi ng tawad sa ginawa niya sa akin." Siwalat niya. "Na ano?" Siya naman ang umiwas ng tingin sa akin at bumaba ang atensyon sa kaniyang paa. Ilang segundo pa ang lumipas ngunit wala siyang sinabi. I was being impatient so I asked her again. "Na ano?" Ulit kong tanong. "H-he..." She paused when she stuttered. "He kissed me. After niya magconfess, hinalikan niya ko." Hindi tulad kanina, humina ang boses niya. As if she was embarrassed to tell that to me. "But I slapped him." Bumalik ang tingin niya sa akin na tulala lamang sa kaniya, gulat sa nalaman ko. "Ano ba kasing karapatan niya para halikan ako!" Singhal niya sa akin na animo'y naglalabas ng sama ng loob. Parang nanghina ang tuhod ko. Napahawak ako sa ref sa tabi ko para kumuha ng suporta. "What the—" I tried to recall the kiss that I saw. "So 'yung nakita ko—" I looked at her. "Ang... ang akala ko kayo na 'cause I saw you two—kissed." I said the last word in a whisper. Namilog ang mata niya, gulat din sa sinabi ko sa kaniya. "You saw us?" Napaisip siya sandali bago magsalita ulit. "Umamin ka nga, William. Kaya ka ba naghimutok nang gabing iyon kasi inakala mo na... na kami na? Because you saw him kissed me?" Hindi ako nakasagot at iniwasan ang tingin niya. Tangina, William. Ano ba 'tong nalalaman mo ngayon? So ano? Lahat ng selos na naramdaman ko ng araw na iyon ay para lang sa wala? Nagselos ako sa wala? Nasaktan ako para sa wala? Hindi ko siya pinansin at iniwasan para lang sa wala? Tangina, William. Anong ginawa mo? "So ano? Nagselos ka?" Tanong niya pa. I got jealous for nothing. I swallowed the thickness that just swelled on my throat. "S-so wala kang boyfriend?" "Sagutin mo muna ako. So nagselos ka?" "Wala kang boyfriend?" Desperado kong tanong dahil gusto kong lumabas iyon ulit sa bibig niya para makasiguro ako. "Tangina naman, William. Paulit ulit sinabi na ngang wala. Ikaw. Sagutin mo muna ako." Hindi ko alam pero bigla na lang nawala lahat ng bigat sa dibdib ko na siyang naipon simula nang gabing iyon. Daig ko pang nakarinig ng pinakamagandang balita sa buong buhay ko. Napangiti ako sa loob ko. Wala siyang boyfriend? Hindi sila ni Traiden. So may pag-asa ako? Napabuga siya ng hangin. "Ano? Hindi mo ko sasagutin? Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, pwes bahala ka dyan!" Tumalikod siya at nagsimulang magmartsa paalis sa kusina. Mabilis akong kumilos at nilapag ang canned beer sa counter saka hinabol siya at hinawakan ang palapulsuhan niya para pigilan siya sa pag-alis. "Ano ba!" Singhal ni Khai nang marahas niya akong harapan. Hindi na mawala ang saya sa mukha ko. "So wala ka talagang boyfriend? As in?" Napairap na naman siya. "Isa pang tanong. Sinabi na ngang wala e—" Hindi ko na siya pinatapos nang hatakin ko siya palapit sa akin. I put my hand behind her neck then pulled her head closer to mine. Napapikit ako nang angkinin ko ang labi niya. F#ck. I kissed her. God knows how I missed her soft lips. Ang tagal na rin nang huli kong mahalikan ang labi niya. Sinubukan niya pa akong itulak sa dibdib para kumawala sa halik ko ngunit nilaliman ko lang ang pag-angkin sa kaniya. Daig ko pang nakalutang sa ulap nang ibuka niya ang labi niya at hinayaan ang sarili na magpasakop sa akin. Bumigay na rin siya. Nilakbay ko ang kamay ko pababa at hinanap ang kamay niya. Nang mahawakan iyon ay inangat ko ito para maipulupot niya sa leeg ko. Humawak naman ako sa bewang niya. Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ko ang init mula sa mapusok naming halik at marinig ang mahina niyang ungol. I missed those moan. I missed her. Naiinis ako sa sarili ko. Ang tanga ko. Ang tanga ko para mag-assume sa isang bagay na hindi naman pala totoo. I pulled my head to stop us from kissing and I looked at her. Pareho kaming kinapos ng hininga mula sa pagkauhaw sa halik ng isa't isa. Hindi na tumigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko habang nakatitig ako sa mga mata niya. Her eyes were glimmering when she looked back at me. I missed staring at her. Namiss kong tumingin sa kaniya nang hindi nasasaktan. Wala na rin akong pake kung makita niya mula sa mga mata ko kung gaano ko siya kamahal. I wanted her to see it. I want her to feel it. Tigil-tigilan mo na pagiging duwag mo, William. You must tell it to her. "Hiring ka ba?" Tanong ko habang nakahawak sa bewang niya at siya naman ay sa leeg ko. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Saan?" Halos paos ang boses sa patanong niyang tugon. "Wala kang boyfriend diba?" Napairap na naman siya. Iritable na siguro sa paulit ulit kong tanong ngunit matino niya pa rin akong sinagot. "Wala." Napangiti ako. Sinuklay ko ang hibla ng buhok niya saka itinago ito sa likod ng kaniyang tenga. Then I looked back at her and stared deeply into her brown eyes. Ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Ayoko ng dumating ang araw na mahuhuli na naman ako at magsisisi. So I asked her. "Ayos lang ba kung mag-apply ako bilang boyfriend mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD