24

2929 Words
Her POV Lumabas na ako ng kwarto ni Will dala dala 'yung bowl na ginamit ko kagabi. Medyo bumaba na ang lagnat niya, though mainit-init pa rin. Mabuti nga at Linggo ngayon which means makakapagpahinga siya. Ano ba kasing ginawa ng lalaking iyon at nilagnat ng mataas? Hindi ba 'yun nagpapahinga? Wala ba 'yung maayos na tulog? Grabe naman ata siya kumayod sa Clinic para lagnatin siya. O baka dahil sa panahon na rin na pabago bago. Uulan tapos biglang aaraw. "Ate Khai." Napalingon ako kay Winter na lumapit sa tabi ko habang naghahanda ako ng chicken noodle soup. Sinabihan ko kasi siya na ito ang ipapakain ko sa kaniya para gumaling na siya. "Po?" Medyo kunot ang noo nito na halos halata ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Si Dad. He wouldn't let me go in his room." Nakanguso nitong sambit. Oo nga pala. Walang ideya itong si Winter na may sakit ang papa niya. "Bawal kasi may sakit si papa mo," I told her. "Po? May sakit si Dad?" She looked concerned now. Tumango ako saka pinatay na ang stove para mailipat na itong soup na hinanda ko. "Opo. Kaya hangga't hindi pa siya gumagaling, bawal ka muna lumapit sa kaniya, okay?" Tinaasan ko siya ng kilay, hinihintay ang isasagot niya. Nakanguso lamang siyang umupo sa may dining table nang ilipat ko na ang niluluto ko. "Malala po ba sakit niya?" Hindi ko alam kung matatawa ako sa loob ko o ano e. "Hindi baby. Lagnat po. Baka kasi mahawa ka. Mabilis pa naman mahawaan ang bata." "But I eat vegetables. Malakas po resistensya ko." Kung abot ko lang talaga siya ay kanina ko pa kinurot ang pisngi niya. Kaso nasa kabilang table siya e. "Dad told me that if I eat veggies, ligtas po ako sa sakit." Sh#t. Ka cute man oy!  "Yes po, your Dad is right. Pero mas maganda pa rin na mag-ingat tayo. Pasukan mo pa naman. Bawal ka magkasakit." Sagot ko sa kaniya. Kumuha na lang siya ng kutsara at saka binuksan 'yung lagayan ng mayonnaise. She looked sad now. Napabuntong hininga na lang ako. Dahil ayaw kong nakikitang malungkot ang batang paslit na ito ay nakaisip ako ng paraan. "Gusto mo ko samahan sa taas? Baka papasukin ka niya kapag kasama mo ko." Mabilis na umangat ang kaniyang tingin. Halatang gustong-gusto niya ang ideya na iyon nang magningning ang kaniyang mga mata. Pinasama ko nga si Winter paakyat sa room ni Will. Dala dala ko ang breakfast table na may bowl ng soup na nakalagay. Si Winter naman ay nakasunod sa akin dala ang bread at mayonnaise. Kinatok ng paa ko ang pinto at inutusan si Winter na buksan iyon. Sinilip ko si Will na nakahiga pa rin sa kama. Tumingin siya sa akin na matamlay pa rin ang mukha. "Daddy." Inunahan na agad ako ni Winter na tumakbo papasok sa loob saka sumampa sa kama at lumapit sa daddy niya. "Winter, diba sabi ko—" "I have this, don't worry." Pagputol ni Winter sa kaniyang ama nang makaupo sa tabi nito saka tinuro ang suot nitong face mask. Natawa ako kasi proud pa talaga si Winter na may suot na siyang mask para hindi mahawaan. E 'yun lang naman kasi ang naisip ko para makasama niya ang papa niya. "Kahit na." "But Ate Khai told me na safe ako sa sakit if I wear this." Nilingon niya ako. Nanghihingi ng tulong ang mga mata para kumpirmahin ang sinabi niya. "Diba po, Ate Khai?" Napatigil ako nang mailapag ko ang breakfast table sa kama. "Huh? Aah, oo." Pagtango kong sagot. Minatahan lang ako ni Will as if what I did was wrong. Tinitingin tingin mo? Nagmamalasakit lang naman ako sa kaniya niya. Tsk. Ngayon na may sakit siya, ang lakas na ng loob na titigan ako. Pero noong mga nakarang araw, daig pa kong may nakakalubhang sakit na nakakahawa kapag tinitigan. I just forced a smile. "Kainin mo na 'to para pagpawisan ka at nang gumaling ka na." Wala siyang nagawa kaya bumuntong hininga na lang siya. Umayos siya ng upo sa kama kaya mas inilapit ko ang table sa pwesto niya. "Mainit 'yan, dahan dahan." Paalala ko. Umupo muna ako saglit sa gilid ng kama para hintayin siya na ubusin iyon. "Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Will. "Mamaya na. Hindi pa naman ako gutom," sagot ko. Sinimulan niya ng higupin 'yung sabaw. Nakikuha na rin siya ng tinapay mula kay Winter. Umalis saglit si Winter saka kinuha ang remote at bumalik na rin ng kama nang mabuksan ang T.V. Nilipat niya agad ito sa cartoon. Ito talagang batang 'to. Pwede naman siya manood sa sala. Aba'y dito pa talaga sa loob ng kwarto ng papa niya. Palibhasa busy si William nitong mga nakaraan kaya wala sila masyadong bonding at ngayong Linggo lang kaso nagkasakit naman. Nang malagyan ni Winter ang bread ng mayonnaise ay isusubo na sana niya ito ngunit may mask na nakarang sa bibig niya. Binaba niya ang mask saka sumubo sa tinapay ngunit sakto naman na nilingon siya ni William. Nagkatinginan sila na siyang nagpatigil kay Winter at naiwan sa bibig niya ang tinapay. Pinigilan ko ang tawa ko nang makitang narealize ni Winter ang ginawa niya. Nagmask nga siya para hindi mahawaan kaso dito pa rin naman kumain sa loob. Edi need niya tuloy ibaba ang mask niya. Tinaasan siya ng kilay ni William. I bit my lower lip to suppress my laugh nang ibalik ni Winter ang mask sa mukha niya. Nakakatawa reaksyon niya. Iyong tipo na nahuli tapos patay malisya lang. "Sorry," saad ni Winter. Hindi na ito makatingin sa ama niya. William just laughed quietly then playfully ruffled her hair. Nang araw na ito ay nagpahinga lang si William. Bumaba rin naman siya sa kwarto nang magtanghali. Nahuli ko pa nga na may dalang tuwalya at pupunta sa bathroom. Maliligo raw kasi wala naman na raw siyang lagnat. E mainit init pa nga siya. Ang pasaway. Kitang may sakit pa tapos maliligo. Hindi pa nga magaling e. Ayun tuloy, nakatanggap siya ng sermon sa akin. Nakanguso pa siyang bumalik sa kwarto. Parang bata. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nagkasakit siya o hindi. Kasi kinakausap niya na kasi ako simula nang gumaling na rin siya. Though syempre ako unang magsasalita sa amin. Sumasagot na siya at mas mahaba pa di tulad dati. Actually, hindi ko pa rin matanong sa kaniya kung ano ba ang dahilan kung bakit siya umakto ng ganoon. Gusto kong itanong kaso pinili ko na lamang na manahimik. Mas magandang hindi siya pilitin at hayaan na siya mismo ang magsabi. Tutal hindi rin naman ako sigurado kung ano ba talaga ang dahilan. Ang alam ko lang ngayon, pinapansin niya na ako. Blessing in disguise ata ang lagnat niya at pinapansin na rin ako. May improvement na rin ang pagtitig niya sa akin. Kung dati ay wala pang three seconds, ngayong humaba na. Mga ten seconds. Pero siya pa rin ang unang iiwas. Ewan ko sa'yo, William. I mean, okay na 'yun. Mas okay na ang ganito kaysa naman makaharap ko ulit ang cold-hearted na William. Tulad na lang ngayon, naghuhugas ako ng pinggan tapos siya naman ay lumapit sa tabi ko para may kunin sa wall cabinet. Habang may hinahagilap siya ay tiningala ko siya. Napansin niya ata na nakatitig ako sa kaniya at natigil sa paghuhugas. He glanced at me and our eyes met. I forced myself not to blink to see how long he'll stare at me. One second. Still looking at me. Five. Impressive. Napatigil pa siya sa paghalungkat. His eyes were still on me. Ten. He gulped, still staring at me. Twelve. He blinked twice before he averted his eyes and continued rummaging through the cabinet. Twelve seconds. It took him twelve seconds. Not bad. At least nadagdagan. Bumalik ako sa paghuhugas nang may tinatagong ngiti sa labi. Sisiguraduhin kong hindi mo ko matitiis, William. Kung pwede lang kitang akitin para bumalik ka sa dati at tratuhin mo ako tulad noon, ginawa ko na. Pero may hiya pa rin ako sa katawan ano. Kailangan siya ang lumapit sa akin. Kailangan siya ang maghabol sa akin. *** His POV I still couldn't look at her. Not because I'm still sad about what happened or anything. Maybe? Siguro nga may parte sa akin na nalulungkot at nasasaktan pa rin sa tuwing nakikita siya pero nangingibabaw 'yung kaba sa puso ko na baka mabasa niya ang tumatakbo sa isip ko sa tuwing nasisilayan ko siya. Ayokong mapansin niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya. I'm afraid I might be an open book once she looked straight into my eyes. Kaya iniiwasan ko pa rin ang tingin niya. But she's really testing me. Palagi siyang nakatingin sa akin. Sa lahat ng gagawin ko, ramdam kong may matang nakamasid sa akin. Para akong may exclusive CCTV na 24/7 na nakamasid. Nakakatakas nga lang ako sa kaniya kapag may pasok ako. She was like a magnet that keeps pulling me, forcing me to look at her. Sa tuwing sisilip ako sa kaniya at magtatama ang tingin namin, ewan ko kung sinasadya niya ba o hindi pero makikipagtitigan talaga siya. F#ck, Khai. Mas lalo akong mahihirapan kung ganiyan ka. Gustong gusto ko siya kausapin dahil may isang bagay din akong gustong itanong sa kaniya kaso nahihiya akong makipag-usap na ako ang unang mag-oopen ng topic. After what I did to her, nangingibabaw ang guilt sa puso ko. I didn't mean to ignore her. It's just that, wala akong magawa kasi sa tuwing siya ang makikita ko, nasasaktan lang ako. But I couldn't do this forever. Hindi ko kaya. Nilalamon ako ng konsensya ko. At saka ilang araw na rin. Wala namang magbabago kung hindi ko siya papansinin. Hindi pa rin naman siya magiging sa'kin. Another heavy rainy day, wala akong pasok lalo na't signal number two kami dahil sa bagyo kaya sarado muna ang Clinic. Wala naman akong ginawa kung hindi tumambay lang sa loob ng bahay. Wala si Khai sa paligid lalo na dito sa sala dahil sinigurado niyang matutulog si Winter ngayong hapon. Nagpuyat na naman kasi kagabi. Naitakas ba naman ang tablet para manood ng series na paborito niya kaya para mabawi ang puyat niya ay pinatulog ko siya. Ayaw pa nga e kasi itutuloy niya pa raw 'yung palabas kaso sinabihan ko na hindi niya mahahawakan ang tablet niya kung hindi siya matutulog. Sumunod naman. Buti nga hindi nagdabog e. Pasalamat talaga ako na hindi siya nagmamaktol kapag sinesermonan. Pasaway lang talaga pagdating sa mga cartoon series. Doon niya ako sinasaway lalo na sa pagtulog nang maaga. Mula sa pahigang upo sa sofa habang nanonood ako ng T.V sa sala ay napaayos ako ng upo nang mapansin na bumaba ng hagdan si Khai. Hindi ako mapirmi ng pwesto sa sofa lalo na nang umupo siya sa kabilang dulo ng sofa habang ako naman ay sa kabila. Nakapangalumbaba siya sa sandalan nito at saka nanood sa palabas. Huminga muna ako nang malalim bago magtanong. "Tulog na siya?" "Hmm." Sagot niya. Napatango-tango lang ako. Gusto ko sanang bumalik ulit sa focus sa panonood kaso naramdaman kong nakatitig na naman siya. She's in a CCTV mode again. Kumalabog pa nga ang puso ko nang silipin ko siya at magkatinginan kami. Kinabahan pa rin ako na baka marinig niya ang matinding kalabog ng puso ko kahit na malakas ang ulan sa labas. Ang ginawa ko na lang ay umiwas ulit ng tingin saka nilakasan ang volume ng T.V. "Sasabog na 'yang speaker ng T.V. mo." Puna niya nang malakasan siguro sa volume. "I couldn't hear it," I lied. I just don't want her to hear how my heart went crazy whenever she's around. "Nga pala, balak kong mamalengke bukas. May gusto ka bang ipabili? Baka kasi makalimutan kong itanong." Sambit niya. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na Sabado bukas. Mamamalengke siya? Wala na ba siyang work doon sa bakeshop? Ito rin ang gusto kong itanong sa kaniya e noong nakaraang Sabado. Nang sinabihan niya ako na siya ang magbabantay kay Winter. Buong weekend ay nasa bahay siya, imbes na pumasok. Tapos na ba ang kasunduan nila? O hindi na siya pinatrabaho ni Traiden since hindi na kailangan dahil sil⁠— Bumuntong hininga ako. Sila na. Sila na rin naman na. Those two words. I hate it. "Hindi ba may pasok ka sa bakeshop?" Maingat kong tanong. Hindi naman sa pangingialam pero curious lang talaga ako. Mapait akong napangiti sa loob ko. Ang hirap kapag nasanay akong tanungin siya sa nangyayari sa buhay niya. Feeling ko ngayon ay wala na akong karapatan na magtanong sa kaniya. I mean, kahit sino naman siguro maiirita kung 'yung tao panay ang tanong sa'yo. Nagmumukha lang na pakialamero at chismoso. Hindi ko na rin tungkulin 'yun. Iba na ang gagawa nun sa kaniya. And it happened to be Traiden, my bestfriend. "Wala na. Last week pa ah." Bakit? I'm dying to ask that. But I decided not to. "So ano nga? May ipapabili ka ba?" Tanong niya ulit so I just shook my head. "Wala naman." We were in silence again. Ang ironic lang. Ang tahimik sa pagitan naming dalawa kahit na naglalaban ang ingay ng ulan sa labas at ingay sa T.V. Palihim ko siyang sinilip at prente lang siyang nakaupo. Nakaindian sit siya sa sofa at dahil ang ikli ng short niya ay pansin ko ang kinis at puti ng kaniyang binti. Hindi ko pa napigilan na maglakbay ang tingin ko hanggang sa makarating ang mata ko sa hita niya, sa dulo ng short niya. Napalunok ako. Bumalik sa isip ko 'yung mga gabing pinagsaluhan namin. I missed staring at her body. With or without clothes. Bigla pang pumasok sa isip ko ang hitsura niya sa likod ng kaniyang damit. Ang ungol niya sa pangalan ko. Sa mga oras na iyon ay mabilis akong binalot ng init. Feeling ko nilalagnat ulit ako. Kaso hindi. Naramdaman ko na lamang ang pagreact ng katawan ko lalong lalo na sa baba ko. What the f#ck? No. No. Wrong timing ka. Nakasuot pa naman ako ng grey sweatpants kaya bumakat agad. Sa sobrang panic ko ay hinila ko agad ang isang unan saka mabilis na tinakip sa hita ko, tinabunan ang naninigas kong⁠— I sighed. Paano 'to? Napansin niya pa ang bigla kong paghablot kaya napatingin siya sa akin. Nakataas ang dalawang kilay niya, nagtatanong ang mga mata. I gulped again. I just awkwardly smiled. Kailangan kong makaalis dito. T#ngina, hindi niya dapat 'to mahalata. Mamaya kung anong isipin niya sa akin. Hindi ako manyak! Masama bang mamiss ko siya? It's been what? 3 weeks? 2 weeks? I don't know. I cleared my throat. "M-manonood ka pa ba?" Stop stuttering, you f#cking dickhead. "Huh?" "Babalik na kasi ako sa kwarto ko." Kumurap-kurap pa siya sa akin. Marahil ay nagtataka kung bakit pa ako nagpapaalam. Bakit pa kasi ako nagpapaalam? Kahit nagtataka ay tumango lang siya kaya naman tinabi ko ang remote sa gilid ko bago tumayo. Hawak hawak ko pa rin ang unan ko at tinakip sa gitna ko nang maglakad ako. Pinilit kong hindi ipahalata na may mali sa akin. "Saan mo dadalhin 'yang unan?" Tanong niya kaya napatigil ako. Hindi ko siya hinarap. Nanatili lamang akong nakatalikod. Kinabahan ako at mabilis na nag-isip ng dahilan. "Huh? Ah⁠—" Isip, William. Isip! "L-lalabahan ko. Amoy kulob kasi na ewan." "Kala ko ba babalik ka na ng kwarto mo? At saka, kakalaba ko lang ng niyan e. Mabango naman 'yan nung nilagay ko rito." Sh#t. Will you stop asking me, Khai? Hayaan mo na lang akong makabalik ng kwarto ko! I closed my eyes. Use your f#cking brain, William! Hindi ka naging valedictorian noong highschool para lang sa wala. "S-siguro, mas mabuti pang magpalit na tayo ng detergent powder. Tingin ko kasi ay hindi na effective." dahilan ko. "Hmm." F#ck. Anong hmm? It felt like she meant something more by that. Did she noticed that I was just making excuses? Hell, I don't care. Naglakad na lang ako na parang ewan at mabilis na umakyat sa taas. Sinara ko agad ang pinto sa kwarto ko at dumiretso ng dapa sa kama. F#ck, William. Ano bang nasa isip mo? Bakit kasi nag-isip ka ng ganoon kitang katabi mo 'yung tao? As if naman makokontrol ko ang nangyayari sa katawan ko. Sobrang lalim na ng bawat paghinga ko nang maramdaman ang pagpintig ng baba ko. Nagsisimula na ring sumakit ang puson ko. I'm trying to calm myself. I'm really trying pero ayaw kumalma. I'm still f#cking hard. Tumihaya ako at sinilip ang baba ko. Hindi niya naman siguro napansin 'to diba? Napatingala ako sa kisame. No. Hindi pwede. Hindi ko hahayang kontrolin mo ko. I wouldn't let me touch myself. Sobrang mali nito. Simula ng gabing iyon ay wala na rin akong karapatan na gawin ang ganitong bagay na siya ang iniisip ko.  Kaso sumasakit na talaga ang puson ko. Nag-iba na nga ako ng pwesto sa kama pero wala pa rin. Nangangati akong hawakan ang sarili ko ngunit nilalabanan naman ito ng isip ko. It isn't right. T#ngina, William. Sana kasi hindi mo na lang siya tinignan. Imbes na puso mo lang magwawala dahil sa kaniya, pati alaga mo apektado na rin. Sinilip ko ulit ang pants ko. Hindi ako mapakali kaya inangat ko ang garter nito at nakita na nanggagalaiti pa rin ito sa ilalim ng boxer ko. Napabitaw ako at napatulala. Napadasal ako nang wala sa oras. Kaya mo 'to, Will. Pagsubok lang 'to. Malalampasan mo rin 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD