23

3720 Words
His POV Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa may bandang tyan ko. Nang tignan ko iyon ay bisig pala ni Khai na nakapatong sa akin. Sinilip ko siya na katabi ko pa rin at mahimbing na natutulog. Mahahawaan talaga siya nito sa ginagawa niyang pagdikit sa akin. Ginawa ko ang lahat para pigilan ang sarili na yakapin siya. Ayokong gumawa ng bagay na ikakasisi ko. Pero ang hirap tiisin kung ganito kaganda ang bubungad sa umaga ko. Ang lalim ng bawat paghinga niya. Hinila ko ang comforter para makumutan siya ng ayos. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha at napangiti na lamang. Maingat ko pang hinawi ang ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa kaniyang mata. Kung ang isang tulad niya ang una ko agad makikita sa paggising ko ng umaga, mas mabuti pang hindi na lang din ako matulog. Hinding hindi naman kasi ako magsasawa na titigan siya. Unfortunately, kailangan ko ng itigil ang kahibangan ko. Huli na rin naman na. Wala na kong pag-asa. I watched her intently. Ang daya mo. Ni hindi mo man lang akong pinagbigyan na umamin sa'yo. And now it's too late. Dahil lamang sa nalaman ko noong araw na iyon. "Dad, bigyan din kaya natin si Ate Khai nito?" Napalingon ako kay Winter na pinapanood akong magluto ng homemade chicken nuggets. Ang kulit ng batang 'to. Sinabi ng lumayo rito sa stove kapag nagluluto ako. Masyado ba namang curious. Nagrequest kasi siya na magluto ako ng nuggets para sa lunch namin. Sabi ko order na lang kami pero gusto niya gawin ko raw. May napanood daw kasi siya na video kung paano gawin tapos sinabi niyang sundin ko iyon. Wala akong nagawa kung hindi sundin. Boss 'to sa bahay e. "Gusto mo dalhan natin siya nito?" Tanong ko. Nakangiti namang tumango si Winter. "Hmm." "Paano tyan mo? Mamaya umatake na naman 'yan." "Hindi po. Okay na po tyan ko." Napangiti lamang ako. Sinunod ko nga ang gusto ng anak ko. Nilagay ko na lamang sa food box 'yung chicken nuggets na iaabot namin kay Khai kaso sakto naman na tumawag ang kapatid ko. Ang nangyari tuloy ay ako lang ang pupunta mag-isa dahil gustong makavideo call ni Madi ang pamangkin niya. Sa huli tuloy ay ako lang ang bumyahe mag-isa papunta sa shop kung saan nagtatrabaho si Khai. Ever since na nalaman kong panay ang pangungulit sa kaniya ng boss niya roon ay kinabahan ako. May ideya naman kasi ako bilang lalaki na rin kung ano ang pinapahiwatig nun. Malaki ang posibilidad na may gusto siya kay Khaila. It bothered me. Mayroon pala akong karibal sa kaniya. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko ng umamin bago mahuli ang lahat. Ngunit hindi pa rin ako nakahabol. Pinarada ko muna ang kotse ko, bitbit ko 'yung food box na ang nasa loob ay ang gawa kong chicken nuggets. Nang makarating sa tapat ng shop ay pinagmasdan ko muna ang labas nito. TIO BAKERY HOUSE Ngayon ko lang nakita ang bakery na 'to. Hindi naman kasi ako palaging nakakadaan dito kaya siguro hindi ako pamilyar. Sinilip ko muna ang loob mula sa glass door. Hindi ko siya mahagilip. Dito naman siguro siya nagtatrabaho diba? She must be at the kitchen o kung ano mang tawag sa kung saan sila nagawa ng product. Nabanggit niya kasi kung hindi siya nag-aasikaso ng customers ay nagawa naman siya ng pastry. It must be the latter. Bubuksan ko na sana ang pinto nang mahawakan ko ang handle ngunit napahinto ako nang may tumawag sa akin. "William?" Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses na iyon ay namilog ang mata ko nang makita ang pamilyar na lalaki. It was Traiden. "Long time no see, amigo." Nakangiting pagbati niya. Sandali niyang tinignan ang hawak ko bago siya tumingin ulit sa'kin. "Musta?" Binitiwan ko ang handle saka hinarap siya. "Traiden." Banggit ko sa pangalan niya. Sandali kong pinagmasdan ang hitsura. Nothing changes. Kung anong hitsura niya nang huli ko siyang nakita ay ganoon pa rin ngayon. Ngayon na nakita ko na siya ulit, napansin ko na wala akong nararamdamang galit sa kaniya. Marahil ay kinalimutan ko na ang ginawa niyang kasalanan sa akin. Kung babalik lang siguro ako sa dating ako, 'yung William na nasa kolehiyo pa, baka mairita lang ako sa pagmumukha niya. But surprisingly, wala akong galit o puot na nararamdaman. Ngumisi lamang siya. "You still remember me. Ang akala ko kinalimutan mo na ko." Mula sa akin ay lumipat ang tingin niya sa pinto bago ibalik sa akin. "Nandito ka ba para bumili sa store ko? Wow. Nabalitaan mo siguro kung gaano kasarap ang bread and pastry ko? It must be. Of course, we have this motto in here where everything is bake with love." Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Maliban sa mahangin niyang pahayag na hindi pa rin nagbabago ay may mas tumatak sa akin. Store ko? This was his store? Alam kong isa siyang pastry chef pero sa dinami-rami ng store na pagmamay-ari niya ay ito pa talaga. Suddenly, I got hit by realization when I remembered what Khai told me about her boss. Namilog ulit ang mata ko kay Traiden. So siya ang boss ni Khai?! This f#cking moron? "You okay, William? Bakit naman parang ang sama mo makatingin sa akin?" Binasa niya ang kaniyang nanunuyong labi. "Don't tell me may galit ka pa rin sa'kin? Oh come on, William. People change, you know. Nagsorry na ako dati, diba? Pinagsisihan ko iyon." Saad niya. "Panigurado, hindi rin matutuwa si Autumn kapag nalaman niyang may tanim ka pa rin ng galit sa'kin." Napairap ako. "Huwag mong idadamay si Autumn sa usapan na 'to." Inis kong saad. "At para malaman mo, hindi na big deal sa'kin 'yun. You might be an asshole pero hindi ako 'yung tipo na nagtatanim ng sama ng loob. Ikaw nga 'tong biglang nawala. Bakit? Nahihiya ka bang iharap ang mukha mo sa'min?" Natawa lamang siya nang mahina. "How about we grab some drinks? Usap tayo. Let's catch up." Nakatitig ako sa box na nakapatong sa maliit na round table nang magpunta kami sa pinakamalapit na juice bar. Bumalik na si Traiden dala ang inorder niya para sa amin. "Kumusta na?" Tanong niya sabay inom sa juice. He even crossed his legs. "Ayos lang naman." Sagot ko nang inangat ko ang tingin ko sa kaniya. "Hmm I see." Sinilip niya muna ang mga taong naglalakad sa daan mula dito sa glass wall na katabi namin bago magsalita. "How about your daughter? How is she?" Nabalitaan niya siguro na may anak ako. Na may anak kami ni Autumn. "She's doing great." Kinuha ko ang cup at uminom na rin nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko. Sinandal ko ang likuran ko sa sandalan saka pinagmasdan din ang labas. "Ikaw? Musta na?" He smirked. "Doing good. I'm happy kasi naging successful ang business ko after kong bumalik dito sa Pilipinas." He looked at me again. "Ikaw? How's our Pet doctor?" Napairap na lang ako nang marinig ito sa kaniya. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganyan. "Good. Maayos din naman 'yung Clinic na pinundar ko." Natawa siya nang mahina. "Biruin mo 'yun. Iyong dating pangarap lang natin noong bata tayo, ngayon natupad na natin." Napangiti ako sa loob ko nang maalala nga iyon. We were still young when we learned to dream. Mukhang pareho nga namin natupad ang munting pangarap namin. "Nakakatuwa," sambit ni Traiden kaya napatingin ako sa kaniya habang nainom ng juice. "Inasahan ko na may galit ka pa rin sa'kin." "Inasahan ko rin," sagot ko nang maibaba ang cup. Natawa lang siya. "So glad to hear na mature ang kaibigan ko." We just laughed at it. Maswerte talaga siya na hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. "By the way, musta lovelife natin?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Napabuntong hininga na lamang ako nang maalala si Khai. Heto ako, hinahanda ang sarili ko na umamin sa kaniya. Iniisip ko pa rin kung paano aamin sa kaniya. Ni hindi nga rin ako sigurado sa kung anong magiging reaksyon niya kapag umamin ako. It's either tanggapin niya ako or baka mabast— I sighed again. Ayokong panghinaan ng loob sa pwedeng mangyari sa oras na umamin na ako. Kaso ang maisip ko pa lang na basted ako sa kaniya, kumikirot na ang puso ko. Ngayon na lang ulit tumibok ng ganito ang puso simula nang mamatay ito kasabay ng pagkawala ni Autumn. Sumama ito sa hukay ng asawa ko. Pero sa hindi inaasahan, someone managed to revive my lifeless heart. At ngayon ay hirap akong umamin sa babaeng bumuhay ng puso ko. I heard a small laugh from Traiden. "Don't tell me hindi ka pa rin nag-aasawa ulit? I mean, it's possible. Hindi naman kasi madaling palitan si Autumn. She's too perfect that even no one can replace her." Komento ni Traiden. Yeah, she's irreplaceable. Pero may dumating pa rin sa buhay ko na nakapantay sa kung ano ang naramdaman ko kay Autumn. Hindi niya lang siguro napantayan. Nahigitan niya pa. And I know even Autumn would agree to this kung sakaling makilala niya si Khai. "Anyway, ako ba. Hindi mo ba ako tatanungin sa lovelife ko?" Tanong niya sabay taas ng kilay. Napailing na lamang ako. "Wala akong pake sa lovelife mo." Natawa lamang siya sa sinabi niya. "Aray ko naman." Hinawakan niya pa ang kaniyang dibdib, animo'y nasaktan sa sinabi ko. Mula sa nakangiti niyang mukha ay bigla siya naging seryoso. "Can I ask you something, William?" Tinaasan ko siya ng kilay, nagtatanong. "What's the best way to confess to someone you like?" "Huh?" Confess? Itatanong niya sa akin iyan e ako nga ay nahihirapan na gawin 'yan. "I have this girl that I like." Panimula niya. Nakatingin siya sa labas, pansin ko ang ngiti sa kaniyang mukha nang ituloy niya ang sasabihin niya. "She's so beautiful. T#ngina as in. Ang cute cute pa. I didn't expect that I would fall for her. I mean noong una, nacurious lang ako sa kaniya. But I never expected na lalalim ang attraction ko sa kaniya." Pansin ko ang pagningning ng mata niya habang kinukwento ang gusto niyang babae. Hindi ko alam pero napahigpit ang hawak ko sa cup. "Actually, she's working for me. She's my temporary employee in my bakeshop. Madalas kong bwisiten. Nakakatuwa kasi pagiging mataray nun. Feeling ko nga may gusto rin sa'kin 'yun. I don't know. Naniniwala na lang ako sa the more you hate, the more you love." Mula sa labas ay bumalik ang tingin niya sa akin. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang sabihin niya ang pangalan ng babaeng gusto niya. "Her name is Khaila. Balak kong umamin sa madaling panahon. Tonight. Tomorrow. I don't know." Daig ko pang tinanggalan ng karapatan na huminga nang malaman kung sino ang tinutukoy niya. Tila ba may kung anong tumurok sa puso ko. Bumagsak ang tingin ko sa box na nasa harapan ko. Napaisip ako at pinagtagpi-tagpi ang mga narinig ko. Khai works in a bakeshop kung saan pagmamay-ari pala ni Traiden. And she mentioned na kinukulit siya ng boss niya na siyang nagtugma sa kwento ni Traiden. And now that he mentioned her name, that's when I confirmed na ang Khai na kilala ko ang tinutukoy niya. Pinakalma ko ang sarili ko saka binalik ang tingin kay Traiden. "N-naalala ko, kailangan ko ng bumalik ng bahay. Iniwan ko kasi ang anak ko doon." "Oh ganun ba. Hindi ka ba muna tutuloy sa shop ko? Hindi ba doon ka rin papunta kanina?" Tanong nito at sinabayan ako sa pagtayo. Napalunok ako. "S-sa susunod na lang siguro." Tumango-tango si Traiden. "Hmm okay." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "It's nice to see you again, William." Pinagmasdan ko muna ang kaniyang kamay bago ko ito kunin at makipagkamay sa kaniya. Ako na agad ang unang bumitaw. I tried to smile but it looked forced. "Una na ko." I told him. Hindi na siya sumunod sa akin nang lumabas na ako ng store at bagsak ang balikat na bumalik sa kotse ko. Itinabi ko na lamang sa passenger seat ang food box na dapat ay ibibigay ko kay Khai. Pinili ko na lamang na hindi iabot iyon. Pagdating ko ng bahay ay bagsak akong napahiga sa kama habang pilit na binubura sa isip ko ang natuklasan ko kanina. Ngayon lang ako binagabag ng ganito. How did this happen? Bakit? Bakit sa dinami-rami ng babae, pareho pa kami? T#ngina naman! Marahas akong bumangon ng kama. Sinamaan ko ng tingin 'yung extra na unan. Bakit ba gusto niya rin ang babaeng gusto ko? Ang dami naman dyan e! Sobrang dami! Wala ba siyang originality? Lahat na lang ng gusto ko, gusto niya na rin? Una si Autumn, ngayon naman si Khai. Minsan iniisip ko kung sinasadya na ba niya e. But then I remembered the way he talked about Khai. Eyes don't lie. Ayokong aminin pero kita kong seryoso siya sa sinabi niya. Seryoso siya sa nararamdaman niya para kay Khaila. Sinambunutan ko ang buhok ko sa inis. William, ano na? Ano ng gagawin mo? Napatulala na lamang ako sa kisame nang makahiga ulit. Hanggang dito na lang ba? Hindi ko na ba sasabihin? Hindi ko na ba aaminin? Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad ko. I have to tell this to her as soon as possible. Ayokong maunahan. Ayokong maagawan. Kasi t#ngina minsan na nga lang ulit ako magmahal tapos ganito pa. Hindi pwede. F#ck, hindi ako papayag. Ano bang akala ng Traiden na 'yun? Na magpapatalo ako? Pwes hindi. You have to tell her, William. Tama. Hangga't wala siyang pinipili, may pag-asa ka pa. Kailangan kong sumugal. Hindi ako papayag na mawawala siya sa akin nang wala akong ginagawa. I couldn't lose her like that. Hindi ko hahayaan na ang babaeng kumatok sa buhay ko at nagturo sa akin na magmahal muli ay mawawala na lang sa akin. I must have her. Mula sa malalim na pag-iisip ay nagsimula na nga rin na bumuhos ang malakas na ulan. Pumikit na lamang ako at pinakalma ang sarili ko. Dito sa malamig na kama ay pinag-isipan ko kung paano ko sasabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. But I couldn't think straight dahil sa pagkirot ng ulo ko. Bumaba na lamang ako at tinabihan si Winter na manood sa sala. We just spent the rainy afternoon watching a cartoon series. Nang tumingin ako sa wristwatch ko, malapit na mag-alas sais. Sinilip ko ang bintana at patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Pumasok agad sa isip ko si Khai. May dala naman siyang payong, diba? Hindi kaya siya matagalan ng uwi lalo na't maulan? Kasi alam ko mahirap makasakay kapag ganito. "Anak," tawag ko kay Winter na seryoso sa panonood. Tinaas niya lamang ang kilay niya nang marinig ang pagtawag ko. Hindi pa rin niya maalis ang tingin sa T.V. "Ayos lang ba sa'yo na maiwan muna dito para sunduin ko si Ate Khai mo mamaya?" Doon ko nakuha ang atensyon niya saka tumango. "Hmm." "Sure ka?" "Opo, Dad. Kung nag-aalala ka po sa tyan ko, don't. I'm fine now." She talked like an independent woman. Napangiti ako saka hinila siya palapit sa akin. "Ang bait bait talaga ng anak ko." Kiniliti ko siya sa tagiliran niya na siyang ikinatawa niya. Nagmakaawa naman siya na tigilan ko iyon kaya tumigil na ako at hinayaan na lamang siyang manood ulit. Nilabas ko ang phone ko para itext si Khai. Me: Susunduin kita mamaya okay? 7pm pa naman labas mo diba? Mga 6:45 nandyan na ako Nang mag-alas sais ay nagbihis na ako para makapaghanda sa pag-alis. Ininit ko muna ang chicken nuggets para may makain si Winter habang wala ako. I kissed my daughter on her head before I headed out of the house. Sinilip ko pa ang orasan dahil medyo traffic dahil nga sa patuloy pa rin na pagbuhos ng ulan. Hindi ako pwedeng malate. Nang makitang umaandar na ang kotse sa unahan ko ay tinapakan ko agad ang gas. Mabuti nga at lumuwag kahit papaano ang daan kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ay binilisan ko nang kaunti ang pagpapatakbo ko. Kaso nang makarating ako sa bakeshop ay bagsak na lang ang balikat ko nang makitang sarado na ito. Wala pa namang alas syete ah. Maaga ba silang nagsara? Nang silipin ko ang phone ko ay wala naman siyang reply sa akin. Nakauwi na siguro siya. Napabuga na lang ako ng hangin ng paandarin ang kotse. Ang akala ko pa naman ay masusundo ko siya. Malakas pa rin ang ulan. Hindi ako nakanood ng balita kaya hindi ako sigurado kung may bagyo ba. Ang tagal kasi tumila. Baka hanggang hating gabi pa ata itong gan'to. I'm not really a fan of rain. Feeling ko kasi nakakaperwisyo lang sa akin lalo na noong kabataan ko at bike lamang ang ginagamit ko pagpasok sa school. Nakakainis kasi hindi ko magawang pabilisan ang takbo ang bisekleta ko. Tulad na lang ngayon, kailangan kong bagalan ang takbo lalo na't madulas ang daan. Pansin kong humihinto na ang sasakyan sa unahan ko kaya bumagal ang takbo ko. Hindi ko alam pero may pamilyar na nahagip ang mata ko sa isang waiting shed. Nang mamukhaan ko kung sino iyon ay napangiti ako nang makita na si Khai iyon. Nandito pala siya e. But I noticed that there was someone standing in front of her. Maliwanag ang shed doon kaya malinaw sa mata ko kung sino ang nagmamay-ari ng damit na iyon kahit na medyo natatabunan ito ng payong. Natulala pa ako sa kanila at tila ba bumagal na rin ang takbo ng paligid nang makita ko ang ginawa ni Traiden kay Khai. Basa man ang windshield ng sasakyan ko, malinaw pa rin sa mata ko ang nangyari. Parang dinurog ang puso ko nang makitang hinalikan ni Traiden si Khai. It was clear to my eyes. Their lips met. Hawak pa nito ang batok ni Khai nang halikan niya ito. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng sulok ng mata ko nang ibalik ko ang tingin ko sa kalsada. I tried to focus myself as I drove the car on the way home but my eyes wouldn't let me. Nanlalabo na ang mata ko kaya naman mabilis ko itong itinabi sa gilid ng kalsada. Humigpit ang kapit ko sa manubela nang maalala ang nasaksihan ko. Sa ilalim ng pagbuhos ng ulan ay sumabay din ang pagtulo ng luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang pagsikip nito. Ang sakit. Sa sobrang sikip ay halos hindi ako nito hayaan na makahinga. I saw it. They kissed. Maybe he finally confessed. And she accepted it. Hindi na tumigil sa pagtulo ang luha ko kahit na iangat ko ang ulo ko at tumingin sa itaas. I leaned my head on the headrest as I tried to stop myself from breaking down. But it's just f#cking hurt. Daig ko pang sinaksak sa puso at diniinan ang pagkakasaksak nito hanggang sa maubos ang dugo ko. I felt numb. Para akong pinatay nang paulit ulit nang maalala ko ang halik na 'yun. "F#ck." T#ngina ganito pala kasakit masaktan. Ganito pala kasakit ang masaktan ulit. Kung alam ko lang edi sana hindi na ako umasa. Kaya ba iniwasan niya ako kaninang umaga? Iniwasan niya ang halik ko dahil sa ibang tao niya gustong ibigay? Tears still fell from my eyes when I drove the car again. Though my eyes were a bit blurry, pinilit kong makabalik sa bahay. Mas lalo lamang lumalala ang sakit sa dibdib ko sa ganitong kalakas na buhos ng ulan. Huli ka na, William. Wala na. You're already f#cking too late. Naagaw na siya ng iba. Pagparada ko ng sasakyan sa tapat ng bahay ay inis kong hinampas ang manubela ko. Nilabas ko ang hinagpis ng puso ko nang halos sirain ko na ang manubela ng sasakyan. I threw my head back on the headrest as I tried to calm myself. If only I knew this would happen, I shouldn't let myself fall for her. Kasi iba 'yung dulot ng sakit. For the second time, I died again. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si Winter kasama si Khai sa sala. Pagtama ng mata namin ay bumalik sa alaala ko 'yung kanina. I could still remember it vividly as if my mind recorded it. Ako na agad ang unang umiwas. It was the very first time na titingin ako sa kaniya, tanging lungkot lang ang nararamdaman ng puso ko. Wala na 'yung saya tulad dati. Binalot na ito ng kirot at pighati simula nang gabing iyon. I really tried to delete it in my memory. Pero daig pa nitong virus na nagkalat sa buong utak ko at sa tuwing makikita siya ay masakit na pangyayaring iyon lang ang naaalala ako. Pero sa tindi ng pagmamahal ko sa kaniya, may parte pa rin sa puso ko na nasasaktan kapag iniiwasan ko siya. Sadyang nangingibabaw lang ang galit at lungkot sa puso ko kaya nagagawa kong magtiis. Now that she's sleeping beside me, almost hugging me, grabe 'yung pagtitimpi ko na hindi siya yakapin. Hindi pwede, William. I shouldn't kasi mali. Wala na rin naman akong karapatan na gawin iyon. Wala na akong karapatan para iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Hindi na pwede. Hindi na maaari dahil may iba na siya. May iba ng nagmamay-ari sa kaniya. Pinunasan ko agad ang luha na kumawala sa mata ko. Hanggang ngayon, parang presko pa rin sa akin ang sakit. Mahirap man pero kailangan kong tanggapin. Iyon ang dapat kong gawin. Kinain ko lang ang sinabi ko. Nagpatalo ako. Napansin kong magigising na siya. Inangat niya ang tingin sa akin at napataas ang dalawang kilay nang makitang gising na rin ako. Bumangon agad siya at saka umupo paharap sa akin. Nilapat agad niya ang kamay niya sa noo ko para hipuin ang init ko. "Bumaba na lagnat mo." Masigla niyang sambit. "Yeah." Napangiti siya. "Buti naman." Diretso lamang akong nakatitig sa kaniya. Siya naman ang unang umiwas ng tingin sa aming dalawa. "G-good morning." I love you. I wanted to say it to her. But I know it was already too late so my lips did the opposite. "Good morning." Mapait akong ngumiti nang pagmasdan ko siya. I know you will no longer be mine. But I'll forever be yours.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD