Nakabalik na kami sa Maynila upang kaharapin ang panibago na namang buwan ng pagpapakasakit este pag-aaral pala. Naging masaya ang Pasko ko sa probinsya nina Lyndon lalo na at nagka-ayos na kami ni Papa. Nalaman ko ring hindi pala siya ng tunay na ama ni Lyndon. Inako niya lamang ang responsibilidad. Lihim akong namangha sa ginawa niyang iyon.
Si Kuya kaya? Matatanggap na niya rin kaya ako?
Biyernes ngayon, huling araw ng bakasyon namin bago muling pumasok. Kay bilis ngang talaga ng panahon. Enero na, malapit na ang kaarawan ko. Pinagmasdan ko ang unti-unting pagkaupos ng mga puting kandila na nakatirik sa puntod ni Mama. Nakaupo naman ako sa harapan niyon.
“Ma, alam mo ba nagkapatawaran na kami ni Papa. Ang sarap pala sa pakiramdam ng pagkakaroon ng pagmamahal mula sa isang ama. Ang saya-saya ko po,” wika ko sa kanya. Medyo may kataasan na ang araw pero hindi ko alintana ang init niyon bagkus isang masarap na simoy ng hangin ang siyang parang yumakap sa akin. Napayakap ako sa aking sarili. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napapikit ako upang damhin ang hangin saka napaluha.
“Mama, miss na miss na miss na po kita. Pero alam ko namang nakikita niyo ako riyan. Huwag niyo po kaming pababayaan, a? Lalo na po si Kuya. Saka pakisabi naman po sa Kanya na nasa palambutin na niya ang puso ng Kuya Austin ko. Miss na miss ko na rin kasi si Kuya.”
Nakarinig ako ng mga yapak, kaya naman napalingon ako sa aking likuran. Si Lyndon pala.
“Grabe, ang layo pala ng mga tindahan dito, heto juice,” alok niya kasabay ng paghahandog sa akin ng inumin saka ng tsitriya. Agad ko naman itong tinanggap. Tumingin akong muli sa puntod ni Mama.
“Ma, si Lyndon po pala. Siya na po `yong kapitbahay bahay natin. `Yong anak ni aling Rosa. Hanggang ngayon magkadikit pa rinang aming mga bituka, hahahaha!” patawang sambit ko.
“Hello po, tita,” aniya habang paupo sa aking tabi. Sumukob din siya sa payong ko.
“Ako po si Lyndon, `yong manliligaw ko ng anak ninyo. Ewan ko po ba, sa guwapo kong ito sa kanya ako nahulog…” Magsasalita pa sana siya ngunit natigilan siya nang batukan ko siya.
“Aray ko naman!” daing niya habang hinihimas ang ulo niya.
“E, kasi ikaw, e! Parang nagsisisi ka r`yan! Sus, if I know hindi mo naman talaga yata ako mahal, e,” pagalit na sabi ko sa kanya. Mariin niya akong tinignan. Hinawakan ang magkabila kong pisngi. Nagulat na lamang ako ng biglang dumampi ang kanyang mga maiinit at malambot na labi sa akin. Dahil unang beses ko ito, hindi ko alam kung paano tumugon kaya naman nagpaubaya ako. Hanggang sa nasanay na rin ako sa halikan naming dalawa. Tumagal iyon ng ilang mga segundo bago kami natigil.
“Tapos sasabihin mong hindi kita mahal?” mayabang sa sabi niya. Natigilan ako kasi parang magkadikit pa rin ang aming mga labi. Damang-dama ko pa rin ang mainit na sensasyong iyon.
“Iyan tita, a? Mahal ko po ang anak ninyo. At wala po akong pakialam sa sasabihin ng iba,” sabi niya at saka humangin nang malakas.
“Sang-ayon na sang-ayon daw si Tita. Sagutin mo na raw ako!” biro niya. Mahina kong hinampas ang kanyang balikat.
Matapos maubos ang mga kandila, napagpasyahan na naming umalis. Bago kami tuluyang umalis, tinapunan ko ng huling sulyap ang puntod ni Mama. Napangiti na lamang ako.
“Salamat, Po,” sabi ko sa aking isipan.
X
Kumain muna kami kasi naabutan na kami ng tanghalian sa may sementeryo. Habang hinihintay na makabalik si Lyndon, nagkita kami ni Lily.
“Uy!” batian namin. May sinabi si Lily sa isa pa niyang babaeng kasama bago nagtungo sa upuan naming dalawa ni Lyndon. Umupo siya sa upuan ni Lyndon.
“Kumusta naman ang may love life?” kantiyaw niya sa akin.
“So, kinukumusta mo ang sarili mo?” pabalik kong sabi. Nagtawanan naman kami.
“Sus, loko ka talaga, Patring!” Nag-pout naman ako nang asarin niya akong Patring.
“Uy, Lily!” nabaling ang atensyon namin kay Lyndon na may hawak na number sa kanyang kanang kamay. Napatayo naman si Lily.
“Let the date begin, ayiiieee!” huling sabi niya bago siya umalis upang balikan ang kasama niya.
“Abnormal talaga `yon,” sabi ko habang pailing-iling.
X
Kinagabihan, katatapos lang naming mag-ayos ng gamit saka mamlantsa ng mga uniporme nang tumunog ang cellphone ni Lyndon. Agad niya itong kinuha saka pumasok sa kuwarto. Heto na naman ang anonymous caller niya tuwing gabi. Isa ito sa kinaiinis ko sa kanya noong nasa probinsya kami. Tipong patulog na kami pero lalabas siya ng kuwarto upang makipag-usap sa kung sinumang iyon. Ayoko naman siyang tanungin patungkol dito kasi hindi naman ako ganoon kahigpit saka wala naman akong karapatan kasi wala namang kami. Wala pa palang kami.
Mahigit limang minuto na ay hindi pa rin siya lumalabas ng kuwarto. Agad ko namang tinapos ang pagtutupi para makatulog na agad. Para akong nababalisa, kating-kati akong tanungin tanong siya kasi parang may nag-uudyok sa akin na gawin ito. Pero pinigilan ko ang sarili kong gawin ito. Hindi ko nga lang alam kung bakit.
Pagkapasok ko sa kuwarto, agad namang nagpaalam si Lyndon sa kausap niya.
“Sige na, nandito na si Pat.” Agad niyang pinatay ang tawag at itinabi ang kanyang cellphone.
“Pat?” sabi niya. Tinignan ko lang siya, nagtungo ako sa aparador namin upang kumuha ng damit pantulog. Dumiretso ako sa banyo. Nang maisara ko ang pinto ng banyo. Impit akong napaiyak.
Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Malay mo naman kaklase lang naman iyon o kaya mga tropa niya. Pero kasi, parang may iba, e.
“Pat?” pagtatawag niya sa akin habang kinakatok ang pinto. Agad akong naghilamos ng mukha, buti na nga lang at hindi masyadong halata na umiyak ako. Marahas kong pinunasan ang mga mata ko. Kumuha ng tuwalya saka pinunasan ang mukha ko. Dali-dali naman akong nagbihis.
“Ayokong kausapin si Lyndon ngayong gabi. Mahirap na at baka mag-away lang kami. Ako na ang mananahimik,” turan ko sa aking sarili bago lumabas ng banyo.
Pagkabukas ko ng banyo, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Lyndon. Agad niya akong sinalubong.
“Pat?” nag-aalalang tanong niya habang tuloy-tuloy lang akong pumasok sa kuwarto naming dalawa.
“Inaantok na ako,” malamig na tugon ko sa kanya at agad na humiga. Nagtalukbong na ako ng kumot saka pagilid na pumwesto. Nasa likod ko siya. Niyakap niya ako nang patalikod, saka mahinang bumulong, “Good night, I love you.”
Hindi ko maiwasang hindi lumuha. Ako nga lang ba talaga, Lyndon? Ako nga lang ba talaga?
X
Alas-tres ng madaling araw ako nagising, nakadantay pa sa aking bewang ang hita ni Lyndon. Ang likot talaga nitong matulog kahit kailan. Dahan-dahan ko namang inialis iyon para masiguro kong hindi siya magigising.
Mabuti na lang at nakapag-grocery kami kahapon kaya may mailuluto na akong agahan. Nang matapos kong magluto, mayamaya pa ay kumain na ako. Bago ako maligo sinilip ko muna si Lyndon, mahimbing pa rin ang tulog nito. Tulog-mantika talaga ang isang ito!
Kumuha ako ng sticky note mula sa study table ko, sinulatan ko iyon.
Lyndon,
Kumain ka na riyan, may hinanda akong almusal sa ibaba. Kung hahanapin mo ako, alam mo na kung saan ako naroon.
Patrick Huwag kang iiyak. Tama na, Patrick. Huwag kang iiyak.” Tila naging mantra ko iyan sa aking isipan.
Agad na kinuha ni Lyndon ang sando niyang nakakalat sa sahig samantalang si Lily naman ay pilit na itinatago ang kanyang hubad na katawan gamit ang kanyang damit. Nagkuyom ang aking mga kamao. Pilit na pilit akong pakalmahin ang aking sarili. Malalalim at mabibigat ang naging paghinga ko. Bumibigat din ang mga paa ko. Pinilit kong ilakad iyon para makapanhik sa itaas, para makuha ko na ang mga gamit at damit ko sa kuwarto.
“Pat, let me explain,” aligagang sabi ni Lyndon habang paakyat ako sa itaas. Nanahimik lamang si Lily na nagbibihis na pala.
“Thank you, Lyndon. You are truly a goddamn kisser,” aniya saka dali-daling umalis ng bahay. Napatingin na lamang ako sa kanya. Kung nakamamatay lamang ang titig, siguro nakalibing na si Lily agad dito sa sala.
“Hey, wait,” sabi ni Lyndon habang agad akong napatakbo sa itaas. Agad-agad kong kinuha ang mga gamit at damit ko. Pero habang ginagawa ko iyon, bigla na lang lumabas ang mga luha ko. ANG TANGA MO, PATRICK. ANG HINA MO!
Agad akong niyakap sa likod ni Lyndon, mahigpit iyon kaya hindi ako makagalaw. Natigil tuloy ako sa pag-iimpake. Naramdaman ko namang namasa ang balikat ko. Mainit ang likidong nagpapabasa rito. Narinig ko ang paghikbi ni Lyndon. Buong lakas akong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin at agad na nag-impake.
“Patrick, sorry. Let me explain,” habol niyang sabi sa akin habang palabas na ako ng kuwarto.
Hinila niya ang braso ko nang makababa na kami. Walang anu-ano`y nagkaroon ng sariling buhay ang kamay ko at sinampal niyon nang pagkalakas-lakas si Lyndon.
“WALANG HIYA KA! MAGSAMA KAYO NI LILY! MGA HAYOP!” bulyaw ko sa kanya saka ko siya dinuraan sa mukha. Natigilan niya. Pero bago ako tuluyang lumabas ng bahay, may huli pa akong sinabi.
“Salamat nga pala, dahil sa iyo nagka-ayos na kami ni Kuya Austin ko.”
Ibinalibag ko ang pagkakasara ng pinto, iniwan ko siyang nasa loob na parang estastwa. Ngayon ko lang napagtanto, may kapalit pala lahat ng kaligayahan at kaayusan.