4

7018 Words
            Kasalukuyang dinadampian ko ng cold compress ang namamasang mata ni Peter. Buti na lang ay agad na naawat kanina ang dalawa. Narito kami sa condo unit niya. Medyo magtatanghali na ng makarating kami rito dahil ipinatawag pa kaming tatlo kanina sa Disciplinary Office upang malaman kung ano nga ba ang tunay na nangyari. Ayoko na sanang magsalita dahil alam ko namang iba ang ipararating na kuwento ng kuya ko. Pero namangha ako dahil buong tapang na isinalaysay ni Peter sa aming guidance counsellor ang buong nangyari. Halos hindi na rin nakapagsalita o nakasingit si Kuya Austin dahil tuloy-tuloy lamang ang kuwento ni Peter. Nang matapos iyon, nawalan na ng oras upang ipatanggol ni Kuya ang sarili niya dahil alam niya ring wala siyang magagawa sa pinaplano niyang pagsisinungaling. Pinatawan ng suspension si Kuya at siya ay tutulong sa aming janitor sa paglilinis ng mga pasilyo’t palikuran ng isang buong linggo simula bukas. Hindi na nakaimik pa si Kuya at bago siya lumabas ng tanggapan, sinamaan niya ako ng tingin pati na rin si Peter. Tinawagan ng guidance counsellor namin ang mga magulang ni Peter upang ipaalam ang nangyari. Mabuti na lamang ay hindi sila nagalit sa akin, dahil napaliwanag naman ni Peter ang lahat. “Um-order nga pala ako ng lunch natin, baka mayamaya nandito na rin `yon,” sabi niya na biglang nagpabalik sa akin sa ulirat mula sa pagbabalik-tanaw ko sa mga naganap kanina. Patuloy pa rin ako sa paunti-unting pagdami ng malamig na compress sa mata niya. Nakita ko naman may bahid ng dugo ang labi niya. may maliit pala itong sugat. Habang lumabas ang kaunting dugo, hindi ko rin sinasadyang mamasdan ang namumula niyang labi. Parang ang lambot nito. “Uy!” Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita muli kasabay ng pagpitik niya ng kanyang mga daliri. “Ay! Letse!” sabi ko sa gulat. Tumawa siya nang malakas habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. “Mawalan ka sana ng hangin! Kainis!” pikon na sambit ko. Natigil ang paghalakhak niya ng makarinig kami ng tunog na mula sa doorbell ng kanyang condo. “Wait lang, a. Nandito na yata `yong lunch natin,” wika niya habang papunta sa pinto upang buksan iyon. Sumambulat ang isang lalaking naka-uniporme na may dalang malaking plastic. “Here’s your order, sir. Enjoy your meal!” anito matapos kunin ang bayad ni Peter. Kumain kami nang sobrang tahimik, mga pagnguya lamang namin ang maririnig. Wala rin kasi akong maisip na maaaring pag-usapan namin dalawa, e. “Gano`n ba talaga ang kuya mo?” pambabasag niya sa katahimikan. Natigil ako sa pagkain, tinignan ko siya. Parang nangungusap ang ating mga mata. Parang nagsasalita ang kanyang mga mata at sinasabi nitong ilahad ko sa kanya ang patungkol sa akin lalo na sa ginagawang ganito ng kuya ko. inilapag ko ang kutsara at tinidor, pinunasan ang aking bibig at huminga nang malalim. “Gusto mo talagang malaman?” sabi ko sa kanya bilang panimula. Tumango siya. “Kung okay lang naman sa `yo.” Ngumiti ako at saka ikinuwento sa kanya ang lahat. Habang ikinikuwento ko sa kanya ang buong kuwento ko, tahimik lamang siyang nakikinig. Mahahalata rin sa kanyang mukha ang lungkot, pagsisisi at kung minsan ay inis o galit lalo nasa parting namolestiya ako ni Papa. May ilang pagkakataon ding tumatango-tango siya bilang pag-sang-ayon niya sa mga opinyon ko. Nang matapos ang kuwento ko, para siyang natulala. “Ang strong mo naman pala,” sabi niya nang pabiro pero seryoso lamang ang tingin niya sa akin. Diretsong-diretso, halos walang kakurap-kurap. “Kaya nga nagpapasalamat ako kina Lyndon at Lily kasi silang dalawa ang siyang naging mga tunay kong kapatid, e.” “Ang suwerte mo sa kanila at siyempre, ang suwerte nila sa iyo,” namamanghang wika ni Peter habang tuluyang inuubos ang kanyang pagkain. “Okay na `yang mata mo? Sorry talaga, a. Nadamay ka tuloy sa away namin.” “Sus, ayos lang `yon, `no!” sabi niya saka ginulo-gulo ang buhok ko. Nagtawanan kami, in fairness may ganito rin palang side ang mokong na ito. Halos wala pa ngang isang linggo kaming nagkakasama pero parang pakiramdam ko ay sobrang lapit na ng loob ko sa kanya. X             Makalipas ng ilang linggo, naging maayos naman na ang lahat. Laking tulong ng suspension ni kuya para magkaroon ako ng kapayapaan sa loob ng campus. Mabuti nga’t hindi ako pinag-ti-trip-an ng mga tropa niya, e. Matapos kong ikuwento kay Peter ang tungkol sa akin, mas lalo kaming naging malapit sa isa’t isa. Nakasama na rin namin siya sa tropa. Bale, ngayon apat na kami. Tatlo na ang mga kapatid ko mula sa iba’t ibang ina.             Hindi rin naman pala ito mahirap turuan, dahil masasabi kong masipag siyang pag-aralan ang mga hindi niya alam. Ito lagi ang takbo ng bawat personal tutorial namin. Kahit paano din naman ay natutuwa ako sa pagiging study buddy niya.             “Bakit ba kasi kailangang hanapin ang X na `yan! Nakakainis, ang haba-haba ng solution para mahanap!” Heto na naman siya sa pagiging reklamador niya kapag dating sa Math.             “Dali na, last number na `yan, o! Saka gagawa pa tayo ng report!”             “One point lang naman ito, e. Ayoko na sagutan, bahala na `yan!” Binatukan ko nga siya. “Aray ko! Anong problema mo?” “Abno ka kasi, e. Kapag hindi mo na kayang i-solve, susukuan mo na!?” “Aba, nakuha mo pang humugot, a. ‘Yan tayo, e!” “Hindi ako humuhugot. Letse `to! Dali na! Gusto ko na umuwi, text na nang text si Lyndon!” “Puwede ka naman kasing dumito muna, saka ang lakas maging nanay ni Lyndon sa `yo, a. Ikaw a!” Mula kasi ng maging close sila ni Lyndon, palagi niya na akong inaasar dito na baka bandang huli raw ay ako na ang maging kasintahan ni Lyndon. Tuwang-tuwa naman si Lyndon. Parang mga timang. “Hindi puwede! Ayoko na!” pagtatanggi ko saka tumayo. “At bakit? Saka, aalis ka na?” “Tumayo lang aalis na agad? Hindi ba puwedeng iihi lang?” sabi ko saka dumiretso sa CR. Habang nasa loob, dinig na dinig ko ang sinasabi niya. “PAT! AYOKO NA TALAGA! HINDI KO MAGAWA!” Nang makalabas ako ng CR, nakita ko siyang nakahilata sa kama niya at ang Math notebook niya ay nasa gilid ng kama. “Wala ka na talagang pag-asa,” dismayadong sabi ko naman. Ilang oras pa kaming nagbangyan hanggang sa napilit ko siyang tapusin ang last number para sa assignment namin sa Math. Nang matapos niya ito, para siyang nanalo na lotto lalo na noong nakumpirma niya mula sa akin na tama ang sinagot niya. “X is equals to 23 lang pala! Grabe, pinahirapan pa ako nito. Kaya ayoko ng may fraction sa equation, e. Nakakatanga!” Mag-a-alas nuwebe nang matapos kami sa lahat ng gawain namin. Hudyat na rin ito upang umuwi na ako. Nagpaalam na ako sa kanya. Pero bago ako lumabas, nagpumilit pa siyang ihatid ako. Kesyo baka raw magahasa ako. “Sus. Tunay na babae lang ang ginagahasa. Saka kung pogi naman ang rapist, okay na `yon,” pilyong sabi ko sa kanya. Pero banda huli ay napilit niya rin akong um-oo sa inaalok niyang paghahatid sa akin pauwi. “Okay ka na? Nakauwi na ako, baka naman pati sa loob ihahatid mo pa ako. Wala ng rapist or what dito,” turan ko. Tumawa siya at nag-thumbs up. “Oo na, oo na. Sige, bukas na lang. Good night.” “Good night,” sabi ko saka isinara ang gate. Sinundan ko pa ng tingin ang kotse niyang unti-unting kinakain ng dilim ng gabi. Pagpasok na pagpasok ko sa loob ay nakita ko ag seryosong mukha ni Lyndon. Naka-de-kwatro pa itong nakaupo sa sofa. May hawak siyang iisang tasa ng mainit na kape. “Para kang ano r`yan. Problema mo?” tanong ko sa kanya habang isinasara ang seradura ng pinto. Inilapag niya ang kape sa lamesitang malapit sa kinauupuan niya. Seryoso niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. “Mukhang close na close na kayo ni Peter, a? Pinagpapalit mo na ako,” madamdaming pahayag niya. Tila isa itong biro sa pandinig ko kaya naman tinawanan ko siya. “Hahaha, pinagsasabi mo r`yan. Sabi ko naman sa iyo, e. Tigilan mo na ang pagkakape, itay,” ani ko at biglang nagulat dahil marahas siyang tumayo. Lumapit siya sa akin at saka hinigit ang braso ko. “A-ano ba, Lyndon! Nasasaktan ako,” sabi ko naman, nakaamoy ako ng alak sa hininga niya. Tinignan ko siya nang mabuti saka ko lang namalayang namumula-mula ang mukha niya. Pawis na pawis din siya, halos bumakat pa nga sa manipis niyang sando ang pawis niya. Unti-unti niyang binitiwan ang braso ko. Nang tignan ko ito, bumakat dito ang kamay niya. Nakita niya rin ang bakat na ito at para siyang nagising mula sa pagkakalango sa alak. “Ay, sorry. Sorry, Pat. Sorry talaga,” tarantang sabi niya saka niya ako inalalayang umupo sa sofa. “Masakit ba? Teka, kukuha ako ng yelo.”  Akma siyang tatayo pero hinila ko siya paupo sa akin tabi. Tinignan ko siya ng seryoso. Para talagang may kakaiba sa kanya. “May problema ba tayo?” prangkang untag ko sa kanya. Tila siya ay napipi kasi tinignan niya lamang ako bago siya sumagot. Ilang minuto kaming nanahimik, walang kahit sino ang nagsasalita. Hinihintay kong sagutin niya ang katanungan ko. Katanungang ninanais ko ng itanong sa kanya mula pa noong nakaraan, lalo na noong nagiging mas malapit na kami ni Peter sa isa`t isa. “W-wala,” nanginginig ang boses niya. “Mayroon,” ma-awtoridad kong sagot. Mayroon naman talagang problema, pero hindi ko lang alam kung ano iyon. Alam kong may nagbago sa kanya. Dahilan ang hindi ko rin alam. Gusto kong malaman kasi pakiramdam ko may kinalaman ito sa amin ni Peter. Hindi sa pagiging assume-ero, pero iyon talaga ang naiisip ko kung bakit siya nagkakaganyan. “W-wala nga kasi!” iritang sabi niya saka yumuko. “Sasabihin mo o sasabihin mo?” masungit na ani ko. Ang hirap talagang paaminin ng tang ito. “Alam kong may problema tayo, ayaw mo lang sabihin. Nagiging pabigat na ba ako sa iyo? Masyado na ba akong abusado? Gusto mo bang umalis na ako? Ano?” Unti-unti niyang iniangat ang ulo ko, namumula na ang mga mata niya. Umiiyak si Lyndon. Agad niya akong niyakap saka humagulgol sa balikat ko. Dama ko ang dami ng mga luhang inilalabas niya dahil agad na nabasa ang balikat ko. Niyakap ko rin naman siya pabalik. Uminit ang pakiramdam ko dahil dito, tila wala ng saysay pa ang amihan. Nang kumalas kami sa isa’t isa, pinahinto niya muna ang sarili niya sa pagtangis. Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis. “Kung hindi mo kayang sabihin iyan sa akin, marami pang ibang pagkakataon. Tara, tulog na tayo,” pagyaya ko sa kanya. Nagbihis na kami kapwa ng pantulog. Nagsuot ako ng sando saka nag-boxer short. Napatawa ako ng makitang kapareho ko siya ng isinuot na boxer short. “Pareho talagang paborito natin si Spongebob,” kantiyaw ko habang pahiga siya sa kama. Tumawa kami dahil doon. Pinatay na namin ang ilaw sa kuwarto, at hinayaan naming dalhin kami ng kung sinuman sa aming mga panaginip. X Malalim na ang gabi ng makadama ako ng mahigpit na yakap. Nakaririnig din ako ng malalim na paghinga. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Nagkukunwaring tulog kasi parang may nagsasabi sa akin na hayaan lamang ito. “Pat?” pagtawag sa akin ni Lyndon. Hindi ako sumagot upang isipin niyang tulog pa rin ako. Siguro ay sasabihin niya ang kanyang suliranin habang ako’y tulog, sa kanyang paningin. Kilala ko si Lyndon, may ilang pagkakataon ding nahuhuli ko siyang umaamin sa ganitong paraan. Kapag sobrang bigat ng kanyang dinadala, ganito ang ginawa niya para kahit paano may maibsan ang bigat nito sa kanyang dibdib. Dahil nga minabuti kong magpanggap na tulog, naghintay ako sa anumang sasabihin niya. “Kung nagkukunwari ka mang tulog o tulog ka naman talaga, nais ko lang sabihin na, mahal kita.” Nagulat ako sa sinabi niyang ito. Halos mawala na ako sa pagkukunwari ko, ninanais ko na siyang komprontahin. “Ewan ko ba, masyado kang naglalaro sa isip ko. Mula pa noong mga junior high school palang tayo may iba na talaga sa iyo,” pagpapanimula niya sa kanyang pag-amin. Nanatili akong nakapahilig matulog habang siya ay hindi pa rin tinatanggal ang pagkaka-back hug niya sa akin. “Wala talaga akong maisip na dahil kung bakit ganito. Basta isang araw na lang, nagulat na lang ako na hinahanap-hanap na kita. Na palagi na kitang na-mi-miss,” mahinang sabi niya at nadama kong hinahaplos niya ang bawat hibla ng buhok ko. “Hindi ko naman hinihiling na suklian mo ako ng pagmamahal o pagtingin. Pero hiling ko lang na sana mapansin mong may pagtatangi na ako sa iyo. Pero kasi, mukhang may iba r`yan sa puso mo, si Peter.” Nang marinig ko ang ngalan ni Peter, napagpasyahan kong kakausapin ko na si Lyndon ngayon. Kaunting buwelo na lamang ay haharapin ko na siya. Gusto ko na siyang kausapin tungkol dito. “Nakakainis! Bago mo lang siyang kakilala pero sobra na agad kayong close. Saka hindi mo man aminin sa akin, nahahalata kong magaan na ang loob mo sa kanya,” wika niya saka unti-unting kumakalas sa pagkakayakap. Idinilat ko ang aking mga mata at gumalaw. Humarap ako sa kanya. Bigla siyang nagulat kasi gising pa ako. Ngayon magkaharap ang mukha naming dalawa. Ilang espasyo lamang ang pagitan nito kaya halos dama ko ang bawat paghinga niya. “Lyndon,” sabi ko naman. Malungkot siyang ngumiti sa akin. Akmang tatalikuran niya ako pero hinawakan ko ang kamay niya. Mahigpit. Makapit. “Pag-usapan natin ito, please?” pagsusumamo ko sa kanya. Kapwa kami napaupo sa kama. Hindi namin alintana ang kalaliman ng gabi. Bumuntong-hininga siya samantalang ako naman ay nag-iisip ng mga puwedeng itanong sa kanya. Ngunit patuloy pa ring bumabalik sa aking gunamgunam ang mga sinambit niyang mga kataga kani-kanina lamang.   “Kung nagkukunwari ka mang tulog o tulog ka naman talaga, nais ko lang sabihin na, mahal kita.”             Baliw na ba akong ituring dahil sadyang tumugon ang buo kong katawan sa sinabi niyang iyan. Tumugon ito sa pamamagitan ng mabilisang ritmo ng t***k ng puso ko, panlalagkit ng noo dahil sa nag-uumpaw na pawis, kumakalam na sikmura na parang `di na yata dulot ng gutom at ang panginginig ng mga tuhod ko, pero hindi naman buhat sa pagiging takot o panlalamig.             Walang anu-ano`y agad ko siyang niyakap. Sobrang higpit na halos wala na akong pakialam pa kung makahinga man siya o hindi, basta ang tanging alam ko lang ay dapat ko siyang mayakap.             Hindi rin naman siya tumutol sa ka-abnormal-ang ginawa ko bagkus yumakap din naman siya pabalik. Tanging ang liwanag ng buwan at mga bituin na nagmumula sa bintana ang siyang tumatanglaw sa kuwarto namin. Sapat na iyon upang makita ko ang pamumula ng kanyang tenga at marahil pati na rin ng kanyang mga pisngi.             “Pat?” aniya habang pakalas na ako sa yakapan naming dalawa. Sa hindi inaasahan, biglang tumulo ng mga luha ko. Nagsisi-unahan silang lahat sa pagkakawala mula sa mga mata ko.             “Hala, Pat! Bakit, may mali ba akong nasabi? Nagawa? Sabihin mo. Sorry, sorry,” tuloy-tuloy at aligagang sabi niya habang madaliang pinupunasan ang mga luha ko. Ngumiti ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.             “Huwag mong punasan ang tears of joy ko,” sambit ko saka siya ay natigil sa ginawa niya.             “A-ano?” naguguluhang tanong niya sa akin.             “Naniniwala ka ba sa second half?” makabuluhang tanong ko sa kanya.             “Second half?” pag-uulit niya sa huling mga sinabi ko.             “Oo, second half. `Yong taong magiging kabiyak mo,” tugon ko sa kanya saka ako tumingin nang diretso sa mga mata niya. X             Kinabukasan, mapapansin sa kanya ang kakaibang sigla lalo na noong magkasabay kaming pumasok sa classroom. Absent si Lily ngayon kasi nagkaroon siya ng biglaang appointment sa Cebu para sa modelling career niya. Nagulat na nga lang kami ni Lyndon kasi nag-mo-model pala si Lily ng hindi namin alam. Nang makapasok kami sa classroom, wala pa pala ang first subject teacher namin. Nakita ko si Peter na abalang nagsusulat. Nilapitan ko siya.             “Study buddy, available ka ba mamaya? May training kasi kami sa Sabado, kaya `yong next session natin ay mamaya na lang para wala na tayo sa Sabado,” mungkahi ni Peter. Tinignan ko muna si Lyndon, tumango naman ito at ngumiti.             “Sige lang, sa condo mo ba ulit tayo?”             “Hindi, may iba tayong place mamaya.” X             Nang matapos ang buong araw, nauna ng umuwi si Lyndon. Dinala na niya ang mga gamit ko papauwi.             “Salamat, ingat sa pag-uwi,” sabi ko habang hinahatid siya sa sakayan ng jeep. Nang makasakay siya saka ako nagpunta sa parking lot kung saan naghihintay na si Peter. Nakita ko namang irita na siya kahihintay kaya minadali ko na ang pagpunta sa kanya. Nang makasakay na kami sa kotse. Hindi siya umiimik. Ayaw niya ring buksan ang mp3 player niya, gusto niya raw kasi ng complete silence. Kaya wala akong nagawa kundi ang manahimik at maglaro na lang sa cellphone ko. Buong biyahe kaming ganito.             “Saan ba `yong new place na sinasabi mo?” biglang tanong ko sa kanya habang nakaipit kami sa traffic. Tinignan niya lang ako saka bumalik agad ang tingin sa daan. Unti-unting umuusad ang daloy ng trapiko hanggang mga ilang minuto pa ay nakalabas na rin kami roon. Siguro umabot ng isang o isa`t kalahati ang biyahe namin. Bumaba siya, kaya naman bumaba na rin ako.             Nasa isang parke kami. Pinagmasdan ko ang buong paligid, mayroon nagtitinda ng ice cream sa gilid ng isang malaking kiosk na parang isang malaking bahay kubo ang estilo. Puro Bermuda grass ang paligid, tanaw na tanaw naman ang papalubog na araw dahil malapit lamang pala ito sa isang bay.             Parang nandito na ako dati. Deva ju?             “Dito tayo,” malamig na sambit niya habang nakita ko siyang patungo sa isang park bench. Sumunod naman na ako, habang may gumugulo pa rin sa isip ko.             “Wait lang pala,” sabi niya saka agad tumayo para habulin ang papaalis ng ice cream vendor. Bumili siya ng ice cream. Strawberry flavor pa nga kaya para akong batang sabik kumain ng sorbetes ng inilahad niya iyon sa akin.             “Strawberry ice cream ang paborito ko!” tuwang-tuwang sabi ko sa kanya hang inuubos ang sorbetes.             “Alam ko, alam ko ang lahat,” sagot niya naman na nagpalito sa akin. Ano raw?             “Ha?”             “Wala ka bang naaalala?” sabi niya naman. Napakunot ako ng iwinika niya iyon. Anong alaala ang binabanggit nito?             “Pinagsasabi mo r`yan?”             “Hindi mo na nga ako naaalala, lampa.” Nang marinig ko ang tinuran niyang iyon, lalo na ang lampa, parang may kung anong umiikot sa isip ko. Napapikit ako kasi para akong nahihilo na malapit ng matumba.   “Lampa! Lampa!” patuloy na asar ng mga batang nakapalibot sa ‘kin. Mga kaklase kong lalaki na halos araw-araw na lang ako asarin. “LUMAYO KAYO SA KANYA!” malakas na hiyaw ng isang batang lalaki. Lahat ng mga nang-aasar sa ‘kin ay napatingin sa kanya. ‘Yong parang lider nila na tabatsoy ang humarap sa kanya. “Hoy, bata. ‘Wag kang nakikialam dito, a. Baka gusto mong makatikim sa ‘min!?” buong angas na saad nito. “Hindi ako nakakatakot sa inyo, tigilan niyo na nga siya!” tugon naman nito kasabay ng malakas na sipa nito sa gitna ni Tabatsoy. Halos mapaiyak ito sa sakit. “Buti nga sa kanya,” bulong ko sa ‘king sarili. “Hoy, kayo, tigilan niyo na siya, a!” utos nito at dali-daling kumaripas ng takbo ang tatlong batang kasama ni Tabatsoy kanina. Habang si Tabatsoy ay naupo na lamang dahil sa sakit. Lumapit sa ‘kin ‘yong bata, tinulungan akong ligpitin ang mga nagkalat kong gamit. “S-salamat,” mautal-utal na sabi ko. Ngumiti siya at tumugon, “Walang anuman, ako nga pala si Patrick.” Nilahad niya ang kamay niya’t nagkipag-kamay ako sa kanya. “Friends?” “Friends.”   Napahawak ako sa aking sentido, nais kong humiyaw sa sakit na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggaling. Unti-unting gumapang ang sakit na iyon sa buo kong ulo. Napahawak ako ng mahigpit dito. Kasabay ng pagkabagsak ng ice cream na kinakain ko, ay siya namang pagkawala ko ng malay. X Halos mag-doble ang aking paningin ng sinimulan kong idilat ang aking mga mata. Hanggang sa tuluyan akong nakapag-adjust sa paligid. Nasa isang malamig na kwarto ako na puro puti. Nasa gilid ko ang natutulog na si Peter. Tinignan ko ang aking relo, ika-8 na pala ng gabi. Anong nangyari? Bahagyang kumilos si Peter sa kanyang pagkaka-ubob sa lamesita. Iniangat niya ang kanyang ulo at nakita akong may malay na. Agad nanlaki ang mga mata niya, dali-dali siyang nagpunta sa kama ko. “Kumusta ka? Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa iyo? Sabi ng mga doktor, dahil sa stress ang pagkawala mo ng malay kanina sa park,” bungad na pahayag niya sa akin. Hinaplos ko ang pisngi niya upang kumalma siya. “Adik ka, nahimatay lang ako. Huwag kang ano!” biro ko sa kanya para naman medyo magkaroon ng lightness ang ambiance rito sa loob. “Pero seryoso, okay ka na ba?” “I’m totally fine. Masyado lang siguro akong maraming naiisip.” “Siguro nga, mamaya titignan ka raw muli ng doktor, if makita ka niyang okay na, baka ma-release ka na ngayon din,” sabi niya. Hinanap ko naman agad ang cellphone ko para sana i-text si Lyndon, baka nag-aalala na naman iyon. “Nakita mo ba ang cellphone ko?” “Naiwan yata sa kotse, teka bababa lang ako para kunin.” “Huwag na, ano, dala mob a ang cellphone mo?” “Oo, bakit?” “Puwedeng pahiram, i-te-text ko lang si Lyndon.” Bago niya pa iabot ang kanyang cellphone, narinig ko naman ang mahina niyang pagmamaktol sa sarili, “Lyndon na naman.” Kinuha ko ang cellphone niya saka nagtipa ng mensahe kay Lyndon.   To: Lyndon Lyndon, si Pat ito. Baka late na ulit ako umuwi o baka bukas na, depende pa rin sa sasabihi ng doktor. Nawalan kasi ako ng malay kanina habang magkasama kami ni Peter. Pero don’t worry, I’m okay na. “Papa,” naiiyak kong wika habang patuloy na gumagala sa buo kong katawan ang kanyang magaspang na mga kamay. Nagsisisi tuloy ako dahil natulog ako ng walang saplot sa katawan. Impit na ang aking pag-iyak, napakagat na lamang ako sa labi ko at hinayaang umagos ang aking mga maiinit na luha sa mura kong mukha. “Huwag kang umiyak d`yan! Mayamaya naman ay masasarapan ka na,” nauulol na sambit niya sa akin habang tinatahak ang kaselanan ko. Nang maangkin niya iyon, hindi ko na napigil ang sarili ko sa paghingi ng tulong. “MAMA! KUYA! TULONG!” hiyaw ko nang pagkalakas-lakas. Nataranta siya sa ginawa ko kaya namana dali-dali niyang isinara ang pinto ng kuwarto ko. Dahil pantalon na lamang ang suot niya, agaran niya iyong hinubad, saka kinuha ang sinturon. Hinampas-hampas niya iyon sa akin. “Aray ko po! Tama na po, papa! Aray ko po!” daing ko sa sakit. Kung saan-saan na dumadapo ang matigas na bakal ng kanyang sinturon. Natamaan ako sa mukha, tagiliran at dibdib. Para itong latigo. Parang sinapian na ng demonyo ang papa ko dahil wala itong naririnig at pakialam. Ang nais niya lamang ay makuha ang gusto niya. Ngunit anuman ang mangyari, hindi niya iyon makukuha. Hindi ko ibibigay ang sarili ko. “MAMA! MAMA! KUYA! TULUNGAN NIYO PO AKO! TAMA NA PO, PAPA!” Agad na naghubo ang papa ko, ngayon tanging brief na lamang ang nakasuot sa kanya. Nakarinig kami ng nagmamadaling mga yabag. Ngumisi ang papa ko bago buksan ang pinto. Anong gagawin niya? Agad niya akong binuhat saka ipinatong sa ibabaw niya. Inipit niya ang bewang ko ng dalawa niyang mga hita. Hindi ako makagawa. Bumukas ang pinot at iniluwa niyon ang mama ko at si Kuya Austin. Nanlaki ang mga mata nila sa nakita. Hubo’t hubad kami ni papa at ako ay nasa kanyang ibabaw. Umungol si papa, na tila nasasarapan. Ngunit wala naman akong ginagawa sa kanya. “Tama na, Patrick. Ayoko na,” paawang sambit nito. “ANONG NANGYAYARI RITO!?” Dahil sa sigaw ni Mama, agad akong naitulak ni Papa kaya naman nahulog ako mula sa kama, agad akong inalalayan ni Kuya. “IYANG ANAK MO, DOSE PALANG TINIRA AKO! AKALA KO ANONG KLASENG MASAHE ANG GAGAWIN! SABI NIYA TABI RAW KAMI MATULOG NGAYON KASI NATATAKOT SIYA’T BAKA MAPANAGINIPAN ANG PELIKULA KANINA, HINDI KO NAISIP NA BABABUYIN NIYA AKO,” tuloy-tuloy at pagalit na sabi ni Papa. Natigilan sila mama at kuya sa ginawang kuwento ni Papa. “HINDI TOTOO `YAN!” sigaw ko naman. “Pa, parang hindi naman magagawa ni Patrick ang mga ganyan,” singit na pahayag ni kuya. “Anong hindi, para sabihin ko sa iyo, pati ikaw pinagnanasaan niyang kapatid mong bakla! Tignan moa ng ilalim ng unan niya,” utos nito kay Kuya. Sinunod niya ito at mas nagulat kaming lahat sa nakita niya. Nasa ilalim ng unan ko ang brief niya. “Ito `yong brief ko kahapon, a. Bakit na sa `yo `to?” “H-hindi ko po alam kuya,” inosenteng sagot ko. Tunay ngang maski ako ay nagulat. Pakana ito lahat ni Papa. “BABOY TALAGA KAYONG MGA BAKLA KAYO! MGA SALOT!” sigaw ni Papa, labis akong nagngitngit sag alit. “MAS BABOY KA! IKAW ANG NANGMOMOLESTIYA NG SARILI MONG ANAK! HAYOP KA!” bulalas ko. Agad na napahawak sa dibdib si Mama at siya ay nawalan ng malay.               “Pat?” Nabalik ako sa huwisyo nang sambitin ni Lyndon ang pangalan ko. Saka ko lamang napagtanto na na nanlilisik na ang tingin ko sa Papa niya. Mahigpit ko pa ring hawak ang kamay ni Lyndon.             “Medyo masakit, a,” mahina at pabirong sabi niya nang bitiwan ko ang kanyan kamay. Napangiwi na lamang ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko.             Papa niya ang papa ko. Ang taong nagdala sa akin ng matinding kadiliman sa buhay.             “Tara na at managhalian. Tapos na ang pagluluto ng ulam,” paanyaya ng mama ni Lyndon. Nauna siyang nagtungo sa hapag-kainan upang ihanda ang mesa. Samantalang naiwan kami ni Lyndon sa sala nila. Nagkatataka naman akong pinukulan ng tingin ni Lyndon. Ngunit hindi ko ipinahalatang may iba akong nararamdaman ngayon, lalo na ng makilala ko ang papa niya.             Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang hindi tignan ang papa ko. Tahimik lamang siyang kumakain na paminsan-minsan ay nahuhuli kong sumusulyap-sulyap sa akin. Hindi gaya ng dati, malungkot ang kanyang mga nangungusap na mata pati na rin ang kanyang pag-ngiti-ngiti. Siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin ak tanggap. Kaya naman hindi na rin ako magtataka kung sabihin ni Lyndon na nais niyang maging legal kami sa kanyang mga magulang. Kasi for sure, siya ang unang tututol. X             Talagang damang-dama ko ang pagiging probisyano sa lugar nila Lyndon. Puro malawak na sakahan ang nakapalibot sa kanilang bahay na gawa na sa semento. Mayroong bahay kubo sa gitna niyon, na sinasabing lugar na pahingahan dati ni Lyndon noong siya ay dito pa nakatira.             Hapon na noon nang nagpasiyang magyaya si Lyndon na puntahan ang kanyang dating lugar-pahingahan. Noong pumasok kami, napakalinis nito. Halatang hindi na masyadong nagagamit dahil na rin sa pagsisimulang pagkapal ng alikabok sa papag na naroon. May ilang mga unan din saka lampara.             “Parang sarap namang matulog dito,” sabi ko habang papaupo kami sa papag. Binuksan ni Lyndon ang bintana nito at nasilayan ko na sa likod pala ng kubong ito ay may ilog. Malinaw ang tubig doon lalo na`t natatamaan iyon ng sinag ng tirik na tirik na araw ng katanghalian.             “Ang ganda naman ng view rito,” manghang kumento ko habang pinagmamasdan ang malawak na sakahan na pagmamay-ari nila. Puro ito may tanim na palay at ilang mga puno pati na rin ng mga gulay.             “Kaya nga nandito ang kubong ito sa may gitna ng palayan. Para matanaw ko nang maigi ang ilog saka kapag gabi masarap ang pamamahinga rito. Ingat na mula sa paligid lamang ang maririnig,” aniya habang unti-unting inaalala ang kanyang kabataan. Ngumiti ako sa kanya.             “Kailan mo sa kanila sasabihin?” tanong ko.             “Mamaya,” tipid niyang sabi na kababakasan ng pagkakasabik.             Malapit ng lumubog araw nang naisip na naming umalis. Dito kami nagpahinga ni Lyndon, tunay ngang masarap magpahinga rito kahit na medyo may kainitan bunsod na rin ng katanghalian.             Naputol ang pag-uusap ng mag-asawa ng dumating kami nina Lyndon.             “Ma, Pa?” sabi niya na pumukaw ng atensyon sa dalawa. At heto na ang umaariba kong kaba. Unti-unti na itong lumalamon sa sistema ng katawan ko. Tanging si Lyndon lang ang tinitignan ko.             “Bakit, `nak?” tanong ng mama niya. Nakita ko namang nagtinginan sila ni papa, bago siya ngumiti.             “May sasabihin ka ba?” dugtong pa niya.             Huminga nang malalim si Lyndon bago niya ipinahayag ang kanyang rebelasyon.             “Kami po ni Patrick,” simpleng sabi niya na nagpangiti sa mama niya. Mukhang nag-iba ang inaasahan kong mangyayari sa reyalidad, a?             “Sinasabi ko na nga ba,” aniya. Nagtaka kami pareho ni Lyndon sa tinuran ng kanyang ina.             “Ay, hala, hindi pa po kami!” singit ko naman. Excited masyado `tong si Lyndon!             “Ma? Paano?” hindi makapaniwalang untag ni Lyndon.             “Naks naman, may ‘pa’. Naku, galingan mo Lyndon sa pagsuyo! Kasi naman noong dumating kayo, napansin ko agad na may kakaiba sa pakikitungo mo r’yan kay Patrick. Hindi ka ganyan ka-aruga sa mga pinsan mo, mapa-lalaki man o babae. Kaya naisip ko baka may sparks.” Halos matawa kami sa sinabi ng mama niya.             “Iyan ang napapala kapag laging nanunuod ng mga pelikula at mga drama sa TV,” matawa-tawang sabi ng papa ni Lyndon. Napuno ng tawanan ang buong sala. “Buti naman at ipinakilala mo na sa amin si Patrick. In fairness naman anak, kuhang-kuha ang hilatsa ng mukha sa guhit mo, a,” wika ng mama ni Lyndon. Saglit na natigil sa pagtawa si Lyndon, namula ang kanyang mga pisngi at tenga. “May sketch ka ng mukha ko?” tanong ko sa kanya na siyang mas nagpapula pa ng kanyang tenga. Siguro iniisip na nitong lamunin na siya ng lupa kasi dama kong hiyang-hiya na siya. “Si mama kamo!” parang batang sabi niya. “Pa, kunin mo nga `yong sketch sa kuwarto niya,” utos ng mama ni Lyndon. Agad namang nagtungo ito sa kuwarto ni Lyndon. Wala nang nagawa si Lyndon kasi tila siya ay nabato dahil sa hiya. Umupo kaming tatlo sa sofa habang hinihintay si Papa. “Heto, o.” Inilahad niya ang isang kalahating puting kartolina. Binulatlat iyon ng mama niya at nakita ko ang larawan ng aking mukha. Iginuhit gamit ang lapis. “Woah,” manghang kumento ko nang makita ito. Napakamot naman sa ulo si Lyndon saka agad na kinuha ang kartolina at dali-daling inirolyo itong muli. “S-salamat,” pautal na sabi niya. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang magkabila niyang pisngi at iginiya ang ulo niya upang magtapat ang ulo naming dalawa. “Huwag kang mahiya sa gawa mo. Saka nagustuhan ko naman, e.” At nasilayan ko ang malawak niyang ngiti. “Anak,” sabi ng papa ni Lyndon kaso sabay kaming napatingin sa kanya. Binitiwan ko ang ulo ni Lyndon. “Pa?” Sabay naming tawag. Nagulat si Lyndon sa ginawa kong iyon. “Anong itinawag mo sa papa ko?” tanong niya. Yumuko lamang ako. Ang tanga ko! “Papa ang tawag niya sa akin, Lyndon,” makabuluhang sabi niya. Nabaling sa kanya ang atensyon ni Lyndon. “IKAW!? IKAW ANG BUMABOY KAY PATRICK! WALANG HIYA KA!” galit na sabi nito at agad na sinugod si Papa. Pumagitna naman ang mama ni Lyndon. “Ay, hoy! Tama na `yan. Hoy, ano ba!” pag-aawat nito. Ang sigawan nilang tatlo ay lubos na nagpasakit ng ulo ko. Napahawak ako rito. “TAMA NA!” sigaw ko, natigil silang lahat kasabay ng pagkatumba ko. X Mahalumigmig na hangin ang dumapi`t humaplos sa pisngi ko, unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Narito ako sa kuwarto ni Lyndon. Medyo madilim kaya naman hinayaan kong mag-adjust ang aking mga mata bago gumalawa. “Lyndon?” tawag ko. Naramdaman ko namang may palapit sa akin. Agad kong binuksan ang ilaw na nasa katabing lamesita ng kama. Si Papa. Siya ang palapit sa akin. Habang palapit siya, parang palapit din ang galit at takot ko sa kanya. Nagsisi-unahang lumabas ang mga luha ko. Impit akong tumangis habang kagat-kagat ko ang aking mga labi. Nanginginig din ang buo kong kalamnan. “Huwag kang lalapit!” pagpipigil ko sa kanya. Natigilan siya at tinignan ako. “Anak,” tawag niya sa akin. Isang kataga lamang iyon pero talagang may kung anong tumusok sa puso ko dahil dito. Ito ang unang beses na namutawi sa kanyang bibig ang salitang, anak. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ng mga sandaling iyon. Magagalak na ba ako kasi tinawag na akong anak ng kinilala kong ama? O, magagalit kasi masyado siyang malaking epal sa gumaganda kong buhay. “Bakit ikaw pa? BAKIT IKAW PA ANG NAGING AMA NIYA!” singhal ko. Gumalaw muli ang kanyang mga paa, patungo siya sa kama ko. “HUWAG KANG LALAPIT! BABOY KA!” sigaw kong muli na siyang nagpatigil sa akin. Dahil limitado lamang ang liwanag, hindi ko lubos makita ang ekspresyon ng mukha niya. “Anak,” muli pa niyang banggit. “HINDI MO AKO ANAK,” turan ko habang binibigyan ng bigat ang bawat salitang inilalabas ng aking bibig. “Patawad.” At muli dahil sa iisang kataga, may tumusok na naman sa puso ko. Bumilis ang t***k nito. Nagsimula nang mamuo ang butil-butil na pawis sa noo ko. “Patawarin mo sana ako sa lahat ng ginawa ko sa iyo. Marahil dapat nga hindi mo ako kilalanin bilang ama ko kahit inaamin kong kahit kailan ay hindi ako naging ama para sa inyo ni Austin, lalong-lalo na sa iyo.” Naputol ang kanyang sinasabi dahil bigla siyang napahikbi. Ang lalaking tinitingala ko bilang isang bato at maton, umiiyak ngayon sa harapan ko at nanghihingi ng tawad. Unti-unti rin siyang lumuhod habang binabasa ng kanyang mga nagsisidamihang luha ang sahig ng kuwarto. Napabalikwas ako sa kama, pinagmasdan siya. Mukhang siyang kaawa-awa. Huminga ako ng malalim na pilit na binablanko ang mukha ko. “Para sa lahat ng kasalanan mo sa akin, kulang pa ang ganyan,” panimula ko habang bumabalik na naman sa aking balintataw ang lahat. Si Mama na laging nariyan sa akin. Siya ring naging Darna ng buhay ko dahil palagi niya akong pinagtatanggol sa mga batang nang-aasar sa akin sa eskuwela maging sa daan. Si Kuya Austin naman na kahit tahi-tahimik ay nagkakaroon din naman ng pagmamahal sa gaya ko. Kapalit siya ni Mama sa pagtatanggol sa akin, lalo na noong pumasok na kami sa iisang paaralan. At siya? Si Papa? Siya lang naman ang nag-iisang panira sa masaya sana naming pamilya. Alipin ng alak at makamundong gawain. Napalunok ako saka nagwikang muli. “Sa ginawa mo noon, halos isumpa na ako ni Kuya Austin. Hindi mo alam ang sakit na nadama ko noong umalis ka, noong mamatay si Mama at noong isisi sa akin ni Kuya ang lahat kasabay ng pagtataboy niya sa akin. Hindi lamang sa bahay namin ngayon, kundi pati na rin sa buhay niya. Hindi mo alam ang sakit na halos isumpa ka dahil lamang sa pagkasilang mo rito sa mundo!” bulyaw ko sa kanya. Nanatili siyang humihikbi-hikbi. Nakayuko habang nakaluhod sa harapan ko. “At ngayon kung kailan halos makakamit ko na ang ligaya sa buhay ko, makikita kita at malalaman kong ikaw pa ang ama ng taong nagpapasaya sa akin!” Dahil sa bugso ng damdamin, nasampal ko siya ng `di oras. Sa lakas niyon, bumakat agad ang aking palad sa pisngi niya. Tahimik lamang niya itong tinanggap. Sinuntok-suntok ko naman ang dibdib at tiyan niya. Bawat suntok, kasama roon ang bawat dahilan ng pagkamuhi ko sa kanya. Bawat suntok, kasama rin doon ang hinanakit ko pang iba sa kanya – sa pagsira niya sa akin lalo na sa pagsira niya sa pamilya namin. Napagod ako kaya huminto ako. Nanatili siya sa ganoong puwesto niya. Ilang minuto kaming nanahimik. Puro impit na hikbi ang maririnig at ang simoy ng hangin. Pinagmasdan ko siyang muli, mayroong kaunting mga dugo ang damit niya. Galing iyon sa bibig niya. Dahil sa pagkahapo ko kakasuntok sa kanya, naging mabigat ang aking paghinga. “Anak, patawad.” Nang sabihin niya iyon, kusang gumalaw ang aking buong katawan upang yakapin siya. Napakalakas ang aking pag-iyak. Naramdaman ko ang unti-unting paglapat ng mga kamay niya sa likod ko upang ako`y kanya ring yakapin. “Papa,” maluha-luha kong sambit habang mahigpit akong nakayakap sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD