7

2952 Words
            Sa sobrang dami ng mga nagaganap, halos makalimutan ko ng birthday ko na pala. Nagulat na lang ako kanina pagkagising ko ay may cake na sa katabing lamesita ng kama ko.   HAPPY BIRTHDAY, BUNSO! GOD BLESS. MAHAL KA NI KUYA! ~ Kuya Austin               Natuwa naman ako sa simpleng note na kasama roon. Nang makababa ako ay abala si Kuya sa kusina na nagluluto ng almusal.             “Good morning, Kuya!” masiglang bati ko sa kanya. Agad siyang napatingin sa akin at ngumiti.             “Good morning din, Bunso. Wait lang, a. Malapit na `tong matapos. Upo ka na riyan.”             Pagkatapos naming mag-almusal, nag-ayos na kami ng aming mga sarili saka sabay na pumasok. Nagkahiwalay lang kami sa may gate ng school kasi nando`n si Peter.             “Sige, Kuya mauna ka na. pupuntahan ko lang `yong kaklase ko,” paalam ko sa kanya. Pilyo naman niya akong tinignan saka ngumisi.             “Classmate o crush mate?” patawang sambit niya. Hinampas ko ang balikat niya.             “Ma-issue ka, Kuya!” sabi ko at naghiwalay na kami nang tumatawa sa isa`t isa.             Lumapit ako kay Peter. Ngumiti ito sa akin.             “Happy birthday,” malambing na sabi niya saka may inilahad na maliit na kahong kulay pula.             “Thanks! Uy, nag-abala ka pa,” nahihiyang sabi ko habang tinatanggap ang kanyang regalo. Nang buksan ko iyon, halos tumalon ako sa tuwa.             “Oh my! Salamat, Peter! Ang cute ng strawberry na ito!” parang batang kumento ko sa iniregalo niyang strawberry na keychain. Agad ko namang kinuha ang ID lace ko saka ko roon inilagay. Kinalansing-kalansing ko pa iyon sa harap niya. Tawa siya nang tawa sa ginagawa ko.             “Para kang bata, hahaha!” sabi niya habang ginulo-gulo ang buhok ko.             “Grabe, bata pa naman ako, a! Seventeen palang ako ngayon, `no!”             “Oo na, oo na. Tara na, baka ma-late pa tayo,” dali-daling wika niya sabay hablot sa braso ko. Nagtatakbo kami kasi ilang minuto na lang pala ay mag-a-alas-siyete na. Hingal na hingal man kaming dumating sa classroom, at least mas nauna kami sa prof namin para sa aming first subject. Habang patungo ako sa upuan ko, may ilang mga kaklase akong nagsisipagbati sa akin. Walang humpay na salamat naman ang itinutugon ko sa kanila. Nang makarating ako sa upuan ko, bigla akong kinabahan. Napapagitnaan ko nga pala ang dalawa. Agad akong tumingin sa likod, suwerte namang wala pa ang katabi ni Peter kaya roon ako umupo.             “Paupo rito, a. Kapag dumating `yong katabi mo, pakiusapan mo namang palit na kami ng upuan.”             “Bakit may LQ kayo ni Lyndon?” may halong asar pa niyang turan. Pinitik ko ang noo niya.             “Magtigil ka!” banta ko sa kanya. Napahimas naman siya sa kanyang noo saka tumango nang tumango.             “Opo, opo. G-grabe ka talaga sa akin. Pasalamat ka birthday mo ngayon.”             “O, e, `di salamat,” sarkastikong sabi ko sa kanya. Iiling-iling naman siyang tumugon.             “Ewan ko nga sa iyo.”             Halos nangangalahati na ang prof namin sa pag-di-discuss nang dumating si Lyndon at Lily. Binati lang ang prof namin saka nagtuloy-tuloy sa kani-kanilang upuan. Medyo hindi yata napansin ni Lyndon na nasa likuran ako kasi nakita ko sa kanyang mukha na para siyang may hinahanap nang madatnan niyang wala ako sa upuan ko. Luminga-linga siya at nang makita niya akong katabi ni Peter, medyo natigilan siya bago niya iginalaw ang kanyang bibig.             “Happy birthday,” he mouthed. Tinignan ko lang siya saka ibinalik ang tingin at atensyon ko sa leksyon namin.             Break time iyon nang magpasama ako kay Peter sa cafeteria upang bumili ng tubig. Nakasalubong naman namin si Lily. Tinignan ko lang siya at nang makita niya ako, huminto siya sa paglalakad at saka niya ako kinausap. Medyo dumistansya naman si Peter.             “Happy birthday, friend. Sorry,” may sinseridad na ani niya. Ngunit nabato na ang puso ko para sa kanila.             “Kung nag-so-sorry ka kasi nakokonsensya ka na sa kababuyan mo, hindi koi yang tatanggapin. Hahayaan kong lamunin at sana patayin ka ng konsensya mo,” galit na pahayag ko sa kanya saka umalis. Napatahimik naman siya sa sinabi ko. Sinundan niya na lang kami ng tingin ni Peter habang papasok kami sa loob ng cafeteria.             Sana naman kahit ganoon, may maganda pa ring mangyayari sa umaga ko. Kahit na alam kong may kaunting lamat na ito ngayon dahil sa kanila. Pero hindi ko naman hahayaang masira ng dalawang iyon ang masayang araw ko ngayon. X             Pinauna ko na umuwi si Kuya kasi pinalusot kong may lakad pa kami ni Peter. Mabuti nga at nakisakay `tong si Peter, e. Pero ang totoo, mag-uusap na kami ni Lyndon. Ayoko lang ipaalam kay Kuya kasi for sure naman ay magpupumilit `tong samahan ako. Mag-a-ala superhero na naman siya kapag nagkataon.             “Medyo OP naman ako sa mga kaganapan,” matampuhing wika ni Peter nang palabas na kami sa campus.             “Hahaha, pinaglalaban mo r`yan? Saka huwag mo na alalahanin `tong problema ko. I can manage naman, e,” masiglang sambit ko sa kanya pero lingid sa kanyang kaalaman ay halos mangatog na ang mga tuhod ko saka halos makawala na sa katawan ko ang puso ko dahil sobra akong kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung paano magsisimula. Saka kung ano pa ba dapat ang pag-usapan naming dalawa. Maliwanag pa sa sikat ng araw na nagkababuyan `yong dalawa. Imposibleng panaginip o guni-guni ko lamang iyon dahil kitang-kita mismo ito ng mga mata ko.             “A, basta, kapag may problema nandito lang ako,” seryosong pahayag ni Peter saka niya ako tinignan ng diretso. Damang-dama ko ang sinseridad sa tono ng kanyang pananalita. May kung ano naman akong naramdaman. Pakiramdam ko pa nga ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko, e.             “O, bakit? May lagnat ka ba?” nag-aalalang tanong niya at saka sinalat ang noo ko.             “Wala, abno ka naman,” matawa-tawang sabi ko sa kanya saka ko tinanggal ang kamay niya sa noo ko.             “E, bakit ka pala namumula riyan?” inosenteng tanong niya.             “Wala, dami mong alam. Tara na nga,” yaya ko sa kanya saka kami tuluyang umalis na. Hanggang sa secret place kasama ko si Peter, namangha nga siya kasi ang linaw daw ng tubigsa may ilog. Ibinabad niya ang kanyang mga paa, at saka dinama ang kalamigan nito.             “Ang ganda naman rito,” puri niya sa lugar.             Hindi ko siya sinagot bagkus ay nagpalinga-linga ako, dahil wala pa si Lyndon. Tinignan ko naman ang oras sa relo ko, mag-a-alas singko na. kanina pang alas-tres ang tapos ng klase namin kanina. Nag-super early dismissal kasi may urgent meeting lahat ng faculty and staffs ng campus. Noong uwian nga, bigla na lang siyang nawala, e. Akala ko dumiretso siya rito.             “Baka kasama si Lily,” turan ko sa aking sarili. Ibinaling ko na lang muna kay Peter na, kasalukuyang nagtatampisaw, ang atensyon ko. Nagulat na lang ako kasi nakahubad na siya ng kanyang pantaas at naka-boxers. Ang kanyang uniporme at pantalon ay nasa tabi. Kakikitaan ang magandang hubog ng katawan si Peter kumpara kay Lyndon na may kaunti pang baby fats. Bunga ngang talaga ng pagiging sporty nito kung bakit mala-Adonis ang kanyang katawan.             “Matunaw mga abs ko!” pabirong sigaw niya na nagpabalik sa akin sa ulirat. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. “Tuwang-tuwa ka na riyan sa tubig! Baka nakakalimutan mo nagpahatid lang ako,” saway ko sa kanya. Nakatalikod na ako sa kanya kaya hindi ko na alam ang ginagawa niya. Argh! Bakit nga ba para akong nahipnotismo ng katawan niya!? Magtigil ka nga, Patrick! Nakarinig na lang ako ng lagaslas ng tubig. Umahon na siguro siya. Nang pagkakita ko sa kanya, nakaahon na nga siya. hindi niya alintana na naka-boxers na lang siya nang siya ay palapit sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay nang nasa harap ko na siya. “What? Hindi ka ba sanay na makakita ng perfect body?” mayabang na puri niya sa sarili niya habang nag-reflex pa siya para ipakita ang biceps niya. Napalunok na lang ako kasi naman pumuputok ang biceps niya. Aaminin ko, perpekto na nga ang katawan niya. “Magtigil ka nga,” matigas na sabi ko sa kanya. Pero pakiramdam ko masyado na akong namumula ngayon. Sumpain ka, Peter! “Hahahaha, sandali lang, magbibihis lang ako,” sabi niya saka siya nagpunta sa kotse niya. Aba, mukhang handa pa ito, a. Kasi nagulat na lang ako nang maglabas siya ng tuwalya. “Boy Scout? Laging handa?” kantiyaw ko sa kanya. Sasagot pa sana siya nang dumating si Lyndon. “Doon muna ako sa loob ng kotse,” paalam niya. Tinanguan ko lang siya. Nagtitigan muna kami ni Lyndon, tila ini-estima kung sino ang mauunang magsalita.             “Ano…” sabay naming sabi. Napatigil din kami pareho. Natawa naman kami sa pagsasabay na iyon.             “Mauna ka na,” sabay na naman naming wika sa isa`t isa.             “Mauna ka na,” pag-uulit ko naman. Napatikhim siya at tumingin sa akin ng diretso.             “Sorry,” panimulang sambit ni Lyndon at hindi ko na napigil pa ang mga luha ko. Traydor `tong mga `to! Nakakainis!             “Sorry kasi nagtaksil ako sa iyo, pero maniwala ka mahal kita,” aniya. Ngunit sa tinuran niyang iyon, hindi pa rin napawi ang hinagpis ko. Ayoko ng maniwala pa sa mga sasabihin niya, kasi pakiramdam ko lahat ng mga iyon ay puro mga kasinungalingan na lamang. Hindi ko na alam ang totoo sa hindi. O kung may totoo pa ba.             Nanatili akong humihikbi habang nagsasalita siya. Wala akong matinong maisip na sabihin sa kanya.             “Natukso lang talaga ako, Pat. Lalaki ka rin naman kahit paano kaya alam mo na ang tukoy ko. Nadala lang talaga ako,” halos nagmamakaawa na niyang paliwanag sa akin. Pero hindi pa rin niyon magawang burahin ang mga senaryong nakita ko. Ang tagpong nagpawasak sa akin.             “Lyndon,” garalgal na sambit ko na lamang. Napatigil siya sa pagsasalita. Agad siyang napatingin sa akin. Bumuntong-hininga naman ako bago magsalita.             “It’s okay,” tipid na sambit ko. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko.             Nagtataka naman niya akong tinignan.             “Pat?”             “Shh, tama na ang paliwanag, Lyndon,” pagpipigil ko sa kanya.             “Salamat sa lahat ng mga bagay na ginawa mo para sa akin. Salamat sa ilang taon nating pinagsamahan. Kaya ko itinaong magkita at mag-usap tayo ngayong birthday ko kasi may birthday wish sana ako,” malungkot na sabi ko sa kanya.             “A-ano?” parang takot niya pang wika.             “Magkalimutan na tayo,” tugon ko sa kanya. Mabigat at mahirap man para sa akin, pero ito lang ang tanging naisip kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. Kung magkakalimutan kami, hindi na ako masasaktan at hindi na niya rin isisisi sa kanyang sarili ang lahat. Oo, siguro nga may kasalanan siya pero ayoko ng maging pabigat pa sa mga iintindihin niya. Mas marami pang makabuluhang bagay ang dapat niyang intindihin kaysa sa akin, sa amin. Magulo man ang naging pasya ko, kailangan ko itong panindigan.             “Ano? Ha?” naguguluhang untag niya. Akma siyang lalapit ngunit agad akong lumayo sa kanya. Humakbang ako patalikod upang ipakitang lumalayo ako sa kanya. Natigil siya. Nanahimik at tinignan ako.             “Iyan ba ang gusto mo?” seryosong tanong niya. Tumango ako. Malungkot siyang ngumiti saka unti-unting naglakad palayo. Bago siya nakalayo sa akin ng tuluyan, agad ko siyang hinabol saka niyakap sa likod, bumulong ako sa kanya.             “Lyndon, habambuhay akong magpapasalamat sa iyo. Sa lahat-lahat. Sana huwag kang magbabago at alam kong may taong nakalaan para sa iyo. Panahon na lang ang magtatakda para muli tayong manumbalik sa dati. Maraming salamat, mananatili ka rito sa puso ko.”             Nang matapos kong sabihin iyon, marahas niyang kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang dami ng luhang inilalabas ng mga mata ko. Napaluhod na lang ako sa lupa at napatakip ng mukha.             Mula sa araw na ito, magbabago na ang lahat. X             Matagal nang kumagat ang dilim, pero parang ayaw ko pang umuwi. Nandito ako sa kotse ni Peter. Pareho kaming tahimik. Bukas ang mga binata kaya dama ko ang lamig ng simoy ng hangin at ang ingay mula sa kalikasan. Nagtama ang aming mga mata sa rear mirror niya.             Malungkot akong ngumiti sa kanya.             “Umuwi na tayo,” pilit na utos ko. Pinaandar na niya ang kotse kasabay ng pagpikit ng aking mga mata dahil sa pagod.   “Malapit nang lumubog ‘yong araw, tara. Mag-countdown tayo,”sabi niya na siyang sinang-ayunan ko. FIVE. “I, Patrick Sanchez, promising to love this person with me today, forever until my last breath. No matter what will happen, I’ll be his savior and lover. Until the time will come for us to be united as one.” FOUR. “I, Peter Sandoval, promising to love this person with me today, forever until my last breath. I’ll be his loyal lover and a great partner. We will be as one, from now until forever.” THREE. “Sumpaan natin ‘tong dalawa, a. Walang iwanan,” sabi niya at nag-pinky promise kami. Napatawa ako ro’n, “Para tayong mga bata.” TWO. “Hoy, ipangako mong walang iwanan!” childish na sambit niya. Aba, nakuha pang mag-pout ng loko. “H’wag mo ‘kong daanin sa ganyang paandar mo, a!” pabirong turan ko. ONE. “Bilis na kasi, ipangako mo.” “Oo, walang iwanan.” Matapos kong sabihin ‘yon, agad niya akong siniil ng matamis at mainit niyang halik.   Agad akong napabalikwas sa kama matapos kong mapanaginipan iyon. Medyo sumakit ang ulo ko kaya humiga akong muli. Hinihimas-himas ito saka pilit na inaalala ang bawat detalye ng aking panaginip. Para itong totoong-totoo. Nahihibang na ba ako? Nang tignan ko ang orasan, 6:30AM na pala! Agad-agad tuloy akong nag-ayos ng aking sarili saka nag-almusal. Sana naman hindi ako mahuli sa klase! X Nang makapasok ako, agad akong nagsisisi sa lahat ng pagmamadaling ginawa ko. Paano ba naman, may sakit daw ang first subject prof namin kaya wala siya ngayon. Kaya ang ending, dalawang oras ang vacant time namin. Wala rin si Lyndon ngayon, samantalang si Lily ay nakaupo na sa medyo harapan kasama ng mga pasosyal naming mga kaklase. Since wala naman akong makakausap at talagang inaantok pa ako, umubob na lang ako sa arm chair ko. Nairita naman ako kasi may sundot nang sundot sa tagiliran ko kaya hindi ko nagawang hindi umigtad. Medyo naasar na talaga ako kaya iniangat ko na ang ulo ko. Handa na akong suntukin kung sinuman ito, pero nang malaman kong si Peter nawala agad ang asar ko. Napalitan iyon ng hiya dala ng alaala ko sa panaginip ko kanina. “O, bakit?” pagtatanong siya kasi nanatili akong tahimik matapos ng lahat ng panunundot niya sa akin. “Wala,” nahihiyang sagot ko naman. “Porket may iba kang sinasabi kagabi, ganyan ka,” sabi naman niya na nagpapukaw ng atensyon ko. “Ha?” inosenteng tanong ko. “Wala kang matandaan?” tanong niya. Napakamot ako sa aking ulo kasi matapos kong makatulog sa kotse niya kagabi, wala na akong iba pang natandaan, e. “Ang cute mo kaya kagabi,” natatawang asar niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. “Ano bang mayroon kasi?” iritang sabi ko sa kanya. “Ayoko ngang sabihin. Hahaha! Basta ang cute mo kagabi,” aniya sabay kindat sa akin. Oh my! May alam ba siya sa panaginip ko? Pero teka, panaginip ko iyon, e. So, ako lang ang may alam doon. Pero bakit parang may iba siyang ipinahihiwatig? “Ano nga kasi?” pagpupumulit ko. Hindi siya natinag, imbes na sagutin ako tinawanan niya ako. Dahil sa inis ko, piningot ko siya nang pagkalakas-lakas. “ARAY!” daing niya naman na sa sobrang lakas ay halos lahat ng mga kaklase namin ay napatingin sa kanya. Magsasalita ulit sana ako ng nakita kong pumasok si Lyndon, agad siyang sinalubong ni Lily. Niyakap siya nito pero nanatiling nakatitig kami sa isa`t isa. Napabitaw ako kay Peter. Agad namang inialis ni Lyndon ang tingin niya sa akin. “Lyndon,” malungkot sa tawag ko sa kanya. Pero sa sobrang hina niyon, imposibleng marinig niya iyon. Napakagat na lang ako sa mga labi ko. Dahil mamaya pa naman ang susunod naming klase, agad akong nagtatakbo sa may quadrangle ng campus. Nang makaupo ako sa bleachers, agad akong napayakap sa aking sarili. Marahas ko na sanang pupunasan ang mga luha ko ng may nag-abot ng panyo sa akin. Puting panyo na may nakaburdang initials na P.S. Iniangat ko ang ulo ko. Si Peter ang nakita ko. Walang anu-ano`y napatayo ako at napayakap sa kanya. Hindi ko na inalintana kung may makakakita man sa amin o ano. “Peter,” sambit ko habang humahagulgol. Kumalas siya sa yakapan namin, pinunasan niya ang mga luha ako. Ipinatong niya ang kanyang hintuturo sa mga labi ko. “Shh, tama na. Every thing will be alright,” pagpapalakas niya ng loob sa akin. Nang makakalma na ako, nagpasama ako sa maliit na chapel na nasa likod lamang ng Administration Building ng campus. Pumasok kami roon. Tahimik ang buong paligid. Hanggang sa may pailan-ilang mga ibon ang nagsisipasok at umaawit. Lumuhod ako at saka tumingin sa altar. Pumikit ako at umusal ng panalangin. “Panginoon, marami na ba akong kasalanan sa Iyo upang magkaganito ang buhay ko? Bakit naman Po ganoon? Sobra-sobra na po ang sakit na nadadama ko. May hangganan pa Po ba ito? Patawarin Niyo Po ako sa lahat ng mga naging pagkakasala ko. Nawa`y Inyo pong ingatan ng mga taong malalapit sa akin lalo na po si Lyndon. Iparamdam Niyo pa rin Po sa kanya na kahit nagkaroon kami ng hidwaan at mapait na kinasapitan ay nandito pa rin Po ako para sa kanya. Panginoon, lubha po akong nagpapasalamat sa Inyo dahil naghandog Kayo sa akin ng mga taong mapagmahal at talagang tinanggap ang buong ako. Patuloy Niyo Po sana silang i-blessat paka-ingatan. Huwag na huwag Niyo po silang papabayaan kasi sila po ang mga yaman ko rito sa mundo. Muli, ito po ang aking panalangin, sa pangalan ni Hesus, Amen.” Nang matapos ang aking panalangin, nagtagal kami rito ni Peter ng ilang minuto. Nilalasap ko ang kapayapaang hatid nito. Napatingin ako kay Peter na nakatingin sa altar. “Manalangin ka rin,” paanyaya ko sa kanya. “Ayoko,” tipid na sagot niya. “Bakit naman?” “Kasi ang taong pinapalangin ko ay nandito na,” seryosong sambit niya habang napatitig na siya sa akin. Kumabog naman ang dibdib ko. Hindi naman siguro ito panaginip, `di ba? Pilit akong napangiti sa kanya. “A, e, sino naman iyon?” may halong kaba na tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at saka hinawakan ang mga kamay ko. Agad ko naman iyong binawi na ikinagulat naman niya. “Sino nga?” awkward na tanong ko. Simpleng ngumiti siya bago sumagot. “Ikaw.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD