chapter 18

2224 Words
Chapter 18 Aica's pov: Hindi ako mapakali habang nakaupo dito sa office ko.One week na ang nakalipas after nong nangyari kay dina ,i slept on her room that time and that was the first time na natutulog ako sa tabi at nagising rin sa tabi niya.that was the best night for me ! ngunit hindi ko rin makalimutan ang pag uusap namin ni aling divina..bago ako umuwi. Laging bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi nito.Kung paano siya nagalit sakin. flashback: "Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko ,bakit ngayon ka lang nagpakita?".Turan sakin ng mama ni dina,pauwi na sana ako sa condo ko ng bigla niya akong tawagin ng makalabas ako sa bahay nila . "Po?".Takang tanong ko sa kanya,oo nga pala yan yung tanong niya sa akin kagabi habang hinatid ko sila dito. "Kilala kita ,pati na rin ang relasyon mo sa anak ko.Alam ko lahat pati na rin ang pag iwan mo sa anak ko". Napalunok ako sa narinig sa mama ni dina,parang umurong ang dila ko .Kaya pala galit na galit siya sakin alam na pala niya kung ano ang ugnayan ko sa anak niya. "Pasensya na po magpapali- "Hindi na ! ".Galit nitong putol sakin. "Simula ngayon layuan mo na ang anak ko.Hindi na ako papayag na saktan mo siya ulit katulad ng ginawa mo sa kanya dati.Hindi mo alam ang pinag dadaanan niya nong saktan at iwan mo siya, Nong nalaman ko na masaya na ulit siya dahil dumating ka sa buhay niya guminhawa ang pakiramdam ko dahil alam kong naka recover na siya mula sa diegong yun pero nong muli kong makita ang lungkot at sakit sa anak ko para akong nanghina kaya layuan mo siya dahil ayoko nang makita ang anak ko na nalulungkot at nasasaktan". Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito.Gusto ko mang magsalita pero nilamon ako ng hiya.Hiyang hiya ako dahil sa ginawa ko kay dina pero sana alam niya kung bakit ko nagawa yun,sana maiintindihan niya rin ako. "Mahal ko po si dina ,OO aaminin ko nasaktan ko siya pero maniwala po kayo hindi ko ginustong saktan siya pareho kami ng nararamdaman nong mga araw na iniwan ko siya, masakit rin po para sakin ang ginawa ko".Nakita kong humupa ang galit sa mukha niya. Pagkatapos niyang narinig ang sinabi ko ngunit agad din itong naglaho at napalitan na naman ng galit ang mukha nito. "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo ! ang gusto ko layuan mo si dina ,tigilan mo na siya dahil kung hindi ako mismo ang gagawa ng paraan para mailayo siya sayo". Papasok na sana ito sa loob ng bahay ng pigilan ko si aling divina.Npahinto ito at tumingin sakin. "Bigyan nyo po ako ng isa pang pagkakataon papatunayan ko sa inyo kung gaano ko siya kamahal".Hindi ito sumagot bagkus nagpatuloy ito sa paglalakad papasok sa bahay nila pero bago pa man niya ito isinirado ay muli itong tumingin sakin. "Huli na ang lahat! wag mo ng guluhin ang anak ko". end of flasback* Napabuga ako ng hangin sa gulo ng isip ko.Okay na sana e ,! tanggap na sana ako ng mama ni dina dati pero dahil sa ginawa ko nagalit ito hindi ko alam kung paano suyuin si aling divina . Natigilan ako ng biglang nag ring ang phone ko.Hindi ko inaasahan ang tumawag sakin. "Yes miss karen?". Sagot ko sa kabilang linya. "Aica pwede ba tayong mag usap". "Miss importante po ba? anong pag uusapan natin?". Saglit na natahimik si miss karen,hindi ko din alam kung bakit gusto niya akong makausap. "Yes it's important aica so please I'll wait for you etetext ko ang lugar kung saan tayo mag usap". Binaba ko na ang tawag ng magpaalam na si miss karen.Kung kaninay gulong gulo ang isip ko dahil sa mama ni dina mas lalo lang itong gumulo ngayon. Bakit ang biglaan ata ng pakikipag usap ni miss karen sakin? At ano iyon? anong pag uusapan namin? sabi niyay importante daw ito. Hindi na ako nag aksaya ng oras ng mabasa ang text ni miss karen.Lumabas na ako ng office para puntahan ang adress kung saan kami mag usap. +++ "Miss kanina ka pa?".Tanong ko agad kay miss karen ng makarating ako sa convenience store na sinabi niya. "karating ko lang din aica salamat at nakapunta ka". Nakangiti nito sabi. "Anong gusto mo ? ". Napatingin ako ako menu na nasa mesa. "Ahm coffee na lang siguro miss ,busog pa namn ako". Ngumiti si miss karen at agad na nag order ng dalawang coffee. "Anong pag uusapan natin miss,may problema ba?". Sabay kaming napalingon ng dumating ang order naming coffee kaya hindi agad nakasagot si miss karen sa Tanong ko. "It's about dina and lawrence ".Maya mayay sabi nito bago humigop ng kanyang kape.Sinusuri ko ang mukha ni miss karen at batid kong marami siyang alam tungkol kay dina at lawrence.. "What's about them miss ? at bakit kailangan na pag usapan natin sila- "Deretsuhin na kita aica ,i need your help !".Napaawang ng konti ang bibig ko sa sinabi ni miss karen.Help ? she need my help! Napailing at ngumiti ako sa harap ni miss karen dahil hindi ko talaga siya maintindihan .Sabi niyay tungkol kay lawrence at dina ang pag uusapan namin tapos ngayon sasabihin niyang kailangan niya ang tulong ko. "Actually it's not me who need help, it's dina".Napakunot noo ako sa sunod niyang sinabi.sh-t what is it ? ano bang meron? Kinakabahan na ako ngayon lalo nat involved si dina dito. "Miss please can you tell the main reason kung bakit nag uusap tayo ngayon? Gulong gulo ako hindi kita maintindihan , what's help do you mean? what about dina? please be specific".May pag alalang sabi ko sa kanya. Ramdam kong kabado si miss karen sa harap ko ngayon. "I heard lawrence talking with someone i don't know who is it? but i heard him from his own mouth about his plan for dina". Fuck ! napamura ako sa narinig .I can sense na hindi maganda ang plano ni lawrence. "Dina and lawrence marriage is fake pero hindi alam ni dina yun , plano ni lawrence na buntisin si dina para hindi na ito makawala sa kanya.And next week will be their flight papuntang london". Hindi ako makapaniwala sa sunod sunod na na sinabi ni miss karen.Paulit ulit akong napamura sa sarili ko.Buntisin si dina? at bakit kailangan planuhan ni lawrence yun ng hindi alam ni dina,e alam ko namang tabi silang natutulog gabi gabi . "Miss I can't believe this ,how? pano nagawa to ni lawrence kay dina pano niya nilihim na fake ang kasal nila". "I don't know either aica,as in kahapon ko lang din nalaman ang totoo ng marinig ko si lawrence". "f**k him! ".Mura ko hindi ko talaga napigilan yung galit at inis ko sa nalaman. "bakit kailangan niyang buntisin si dina ng hindi sinasabi sa asawa niya ,alam naman nating tabi silang matulog at imposi- "No your wrong aica".Natawang Sambit ni miss karen sakin.Napakunot muli ang noo ko sa kaharap ko. "Dina told me about their agreement ". Napailing na Dugtong na miss karen .Hinintay ko lang sunod niya sasabihin . "They have an agreement ,yes magkasama sila sa iisang bahay pero magkaiba sila ng kwarto na tinutulugan". "What?".Halos magkasalubong ang kilay ko ng marinig ang sunod na sinabi ni miss karen.All of sudden akala ko natulog si dina sa bisig ni lawrence every night and im so jelous habang naiisip yan . "That's impossible miss ". Napailing na rin ako sa nalaman at the same time nakaramdam ako ng saya sa loob ko that dina never have an intimate moments with lawrence. "Ako rin aica hindi makapaniwala buong akala ko mag asawa talaga sila ,tinutukso ko pa nga si dina na ako ang magiging ninang sa first baby niya ". Saglit kaming natigilan ng pareho naming narealize na ang daming thoughts na pumasok sa isip namin pero hindi pala nangyari. "But there's one thing you need to know aica".Mayat mayay sabi ni miss karen ng sabay naming hinigop ang kape.Seriously i need water now dahil sa lahat ng nalaman.Naiinis ako ! nag iinit ako sa galit. "What is it miss?".Tanong ko kay miss karen. "sinabi rin sakin ni dina na si lawrence ang dahilan kung bakit inataki siya ng nebyos , lawrence force her to do s*x with him-- "f**k! f**k him!!".hindi natuloy ang sinabi ni miss karen ng mag mura ulit ako.Nag init bigla ang mukha ko sa galit.Sabi ko na e! may nangyari talaga ng gabing yun. Mapapatay ko talaga si lawrence!!! Nakuyom ko ang kamao ko habang naiisip si dina hindi ko siya maprotektahan sa lawrence na yun.Arghhh! galit din ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa . "Please help her aica,bago pa matuloy ang plano ni lawrence ,alam ko na hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal niya ,sana sa pagkakataong ito mailigtas mo siya ". Ngumiti ako kay miss karen kahit hindi niya sabihin saking tulungan si dina ay gagawin ko parin,sa lahat ng mga nalalaman ko mas lalo akong nagkaroon ng lakas para bawiin si dina . "Don't worry miss,babawiin ko siya". +++ "Come on answer your phone dina!".paulit ulit kong tinawagan si dina pero hindi niya ito sinasagot ,kaya yung secretary niya ang tinawagan ko pero wala raw si dina sa office.sh-t where are you? mas lalo kung pinabilis ang kotse hanggang sa napunta ako sa condo ni lawrence,miss karen gave me the address kaya agad akong sumakay ng elevator papunta sa unit ni lawrence. Ilang ulit ko ng pinindut ang doorbell pero walang bumukas ng pinto.I was about to leave when someone appears sa harap ko. "Wala na ang nakatira dyan ,ang alam ko may vacation yung mag asawa sa london". Vacation ? ang sabi ni miss karen next week pa . Nginitian ko ang babae bago kinuha ang phone ko sa bag. i dial dina's number again naka out of coverage na ito.fuck! where are you dina? Kinabahan na ako ngayon lalo na't hindi ko na siya makontak damn!! pano kung nilalayo na talaga siya sakin ni lawrence? oh no!!!!! Dali dali ako umalis sa unit ni lawrence at wala na akong nagawa kundi pumunta sa bahay nila dina,alam kong galit sakin ang mama niya pero kailangan ko talaga itong makausap. "Wala dito si dina atsaka pwede ba tigilan mo na ang anak ko,bigyan mo naman siya ng peace of mind". Galit na turan sakin ng mama ni dina,hindi ako pinapasok sa bahay nila. "Please po , i really need your cooperation ..nilalayo po ni lawrence si dina sa akin at maging sa inyo sabihin nyo na sakin kung nasan sila ngayon- "Tama na ! pwede ba? wag mo ng guluhin ang anak ko at ang asawa niya,wag na wag mong siraan si lawrence sakin dahil alam kong mahal niya si dina at hindi niya ito sasaktan katulad ng ginawa mo !". Hindi ako nakaimik agad ,talaga ngang wala akong makukuhang tulong sa mama ni dina. Isaara na sana nito ang pinto pero pinigilan ko ito gamit ang isang kamay ko. "Fake po ang kasal nila".Sabi ko dito at mas lalo ko lang nakita ang galit sa mukha nito. Deretso itong nakatingin sakin. "Wag mong siraan - "Totoo po ang sinabi niya tita!". Sabay kaming napalingon kay miss karen kararating lang nito. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ng mama ni dina.Lumapit sa amin si miss karen, thanks to her dahil alam kong makumbinsi niya ang mama ni dina para sabihin nito kung nasan sila ngayon. "Aica is right ,fake ang kasal nila niloloko lang ni lawrence si dina ,hindi sila totoong kasal at may plano si lawrence na ilayo niya si dina sa atin". Yung kaninay galit na galit si aling divina ay napalitan ang mukha nito ng may pag alala.halata rin dito na naguguluhan ito sa mga nangyayari. "Karen ang paalam sa amin nila dina ay magbakasyon sila sa london ng 3 days- "Tita no! ilalayo ni lawrence si dina sa atin kaya please sabihin mo sa amin kung nasan sila ngayon para mapigilan natin sila ". Palipat lipat ang tingin ni aling divina sa amin ni miss karen.Hindi ko na rin nakita ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. "Kakaalis lang nila bago siya dumating". Tumingin siya sakin,ako ang tinutukoy niya..kayat nagkatinginan kami ni miss karen.Muli kaming Napatingin kay aling divina ng magsalita ulit ito. "Papunta na sila sa airport ngayon". Sabi nito ng nakatingin ng deretso sakin. Napasapo ako sa noo ko sh-t hindi pwedeng matuloy ang plano ni lawrence. Pipigilan ko siya as long as i can, tumalikod na ako sa kanila pero bago paman ako nakarating sa kotse ko ay narinig ko ang pagtawag sakin ni miss karen. "Aica saan ka pupunta?". "Hindi pa huli ang lahat miss".Sagot ko pabalik sa kanya,nang makapasok ako sa kotse ay nakita kong nasa harapan ng kotse ko si miss karen at ang mama ni dina. "Aica sasama kami sayo". Hinintay ko ang pagsakay nila, nasa front seat si miss karen nasa back seat naman ang mama ni dina at bakas sa mukha nito ang pag alala , nilingon ko ito sa likod. "Don't worry po we will get dina back".sabi ko at tipid na ngumiti.Tumango lang ito sakin at nakaramdam ako ng saya ng wala na akong nakikitang galit sa mga mata nito . end of chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD