Chapter 17
aica's pov:
"Balak mo bang maglasing ngayon?".sabi ni alexa kasama rin nito si jen.
"Hay naku lams na yan !". Dugtong ni jen hindi ko sila pinansin , Tuloy tuloy lang ako sa pag inom ng alak.Iniisip ko pa rin ang sinabi ni dina sakin.Mahal na niya si lawrence ,hindi na ako ang mahal niya.Ang sakit! pero bakit ang sabi niya sakin may space pa ako sa puso niya hindi ko kinalimutan yun umaasa ako dun.
"Wait guys sasagutin ko lang to ah".Paalam ni alexa sa amin ng may tumawag sa kanya.Itinuloy ko na lang ang pag inom hanggang sa lumapit sakin si jennifer.
"Alam mo aica forget about her , she's happily married wag mo na siyang guluhin ikaw lang din ang nasasaktan sa ginawa mo".
No! i can't forget her lalo na't may nangyari sa amin at alam ko ramdam kong mahal niya pa rin ako.The way she kiss me ..hindi ako bato para hindi maramdaman yun.
"i will never give up jen, we kissed ,we made love either bakit ako magigive up? gayong binibigyan niya ako ng sign na mahal niya pa rin ako".
Narinig kong natawa ito sa sinabi ko,muli kong ininom ang alak na hawak ko.
"Ewan ko sa inyo pano pag malaman ni lawrence ang nangyari sa inyo? pano kung ilayo niya si dina sayo-
"He can't do it dahil babawiin ko si dina sa kanya". Seryosong sabi ko kay jen,sabay kaming Napatingin kay alexa na kababalik lang.
"Naku guys bad news!".Sabi nito kita rin sa mukha nito ang pag alala. "Aica wag kang mabibigla ah ". Napalunok ako ng titigan ako ni alexa .Ano ba kasing meron? kinabahan tuloy ako lalo nat bad news pa.
"Pwede ba deretsuhin mo na ako lex,ano ba kasi yan?".Inis kong Tanong sa kanya.
"Dina is in the hospital!-
"what?".Napatayo ako sa narinig ganun rin si jen.
"Calm down ,okay kalma!".Sabi ni alexa ng makitang hindi ako mapakali , naramdaman ko naman ang paghagod ni jen sa likod ko.
"Why? anong nangyari sa kanya?".Alalang tanong ko kay alexa ,napasapo ako sa noo ko hindi ko kaya kapag may nangyari kay dina.
"Please kalma ok!Her nervous inataki na naman siya ng nerbyos".Nagkasalubong ang kilay ko sa narinig.Bakit naman aatakihin si dina ng nerbyos the last incident na inataki siya is yung nangyari sa elevator .At ang alam ko umuwi sila ng condo ni lawrence after ng meeting namin.
Oh sh-t !
Dali kong kinuha ang bag ko sa sofa.
"where are you going aica?". Tanong ni jen.
"Lex please text me the address of the hospital kung saan dinala si dina".Sabi ko bago iniwan silang dalawa.
+++
Pagkarating ko sa hospital ay nakita ko si lawrence na nakasandal sa pader.Habang sa kabila naman si miss karen kasama nito ang mama ni dina .
"Miss-
Tawag ko kay miss karen, napalingon silang lahat sakin.
"What are you doing here?".Si lawrence ang humarap sakin.Nakipagtitigan ako dito kapag talaga may kinalaman siya sa nangyari kay dina! papatayin ko siya!!! sarap niyang itali sa pole !!
"I call her lawrence ples kumalma ka muna".sabi ni miss karen,galit na nakatitig si lawrence sakin bago umalis sa harap ko.
"Kumusta siya miss?".Tanong ko ng makalapit ako sa kanila.Napansin ko ang kakaibang pagtitig sakin ng mama ni dina.I don't know batid kong may gusto siyang sasabihin sakin at ramdam ko rin na hindi niya gustong nandito ako ,halatang pinigilan lang niya ang sarili dahil nandyan si miss karen.Ngumiti ako dito ngunit umiwas ito ng tingin sakin.
"the doctor check her ,kanina pa kami naghihintay dito hindi pa rin lumabas ang doctor may pumasok na rin na psychiatrist para matulungan si dina".
Napalingon ako sa pinto ng room ni dina kung saan siya cheneck ng mga doctor.
Sana okay lang siya? please god help her!
Pinagkrus ko ang dalawang kamay ko at taimtim na nagdasal.
"Miss who's with her bago siya atakihin ? ".
Tanong ko kay miss karen,pansin kong tahimik lang ang mama ni dina na nakaupo.Lumingon muna si miss karen kay lawrence na nakatalikod sa amin.
"She's with him ang sabi sa amin ni lawrence nagkaroon sila ng misunderstanding sa condo niya, Hanggang sa bigla na raw niyang nakitang nanginginig si dina".
Napakunot noo ako sa sinabi ni miss karen hindi ako naniwalang yun lang ang nangyari ramdam kong may iba pang nangyari bago inataki si dina.
Hindi na ako nagtanong pa ulit hanggang sa lumabas na ang doctor pati na rin ang psychiatrist , Sinalubong namin ito agad.
"How's my wife doc?". Rinig kong Tanong ni lawrence.
"She's better right now but you have to let her avoid the things na nakapag trigger sa nervous niya,but over all she's doing fine! don't worry mr Montibon".Sabi ng doctor, nakahinga rin ako ng maluwag sa narinig.
"Pwede ba namin siyang makita doc?".tanong ng mama ni dina,kita ko rin sa mukha ang saya nito .
"Yes everyone can see her ,and she can also discharge today".Sabi ng doctor bago tuluyang umalis.
Nauna ng pumasok si lawrence,sunod naman ang mama ni dina,nag alangan akong pumasok dahil nandun si lawrence ngunit nilingon ako ni miss karen tsaka senenyasan na pumasok.
She still sleeping ng makapasok kami,nakaupo si lawrence sa gilid ng bed ni dina habang hawak nito ang kamay niya.Nakaramdam ako ng selos dapat ako ang nasa tabi niya ,dapat ako ang gagawa nun sa kanya.
Aalis na sana ako ng marinig ang mama ni dina.
"Anak gising ka na".
Napalingon ako kay dina gising na nga siya,titig na titig siya kay lawrence.Nakita ko sa mga mata niya ang takot habang nakatingin kay lawrence,kinuha rin niya ang kamay na nakahawak dito.Bumaling ang tingin nito sa mama niya na nasa likod ni lawrence
"Ma please iuwi mo na ako sa bahay natin ,"
May takot nitong sabi sa mama niya.Hindi ko maintindihan bakit parang takot na takot siya kay lawrence? ano ba talaga ang nangyari bago siya inataki?
Niyakap siya ng kanyang mama mukhang hindi nya ako napansin dahil nasa likod lang din ako ni miss karen.
Nakita ko ang pagtayo ni lawrence walang imik itong lumabas . Sinundan ko agad ito at bago paman siya nakalayo ay tinawag ko siya.
"Lawrence Montibon!". Nagulat siya ng makita ako ngunit napalitan din agad ng galit ang mukha nito. " Anong ginawa mo kay dina?".tanong ko agad sa kanya.
"know your place del valle ! baka Nakalimutan mong ako ang asawa in the first place ano namang pakialam mo dito? Have you forgotten already what you did to her? ".
hindi ako nakaimik sa sinabi niya .
"You broke her remember ? at ako ang taong tumulong sa kanya para gamutin ang sugat na binigay mo sa kanya tapos nagyon babalik balik ka para ano?To hurt her again?".
"Hindi mo alam ang totoo kesyo nasaktan ko siya o hindi still bumalik ako dahil babawiin ko siya sayo-
"Wow!".Pumalakpak ito sa harap ko habang nakangiti. "Words of exes!Ganyan ganyan din ang narinig ko sa ex ni dina na si diego ! pero iisa lang din ang sagot ko sa inyo! Hindi nyo makukuha sakin si dina dahil habang nabubuhay ako hindi ko siya pakakawalan pa".
"Siguraduhin mo lang dahil kapag malaman kong may ginawa ka kay dina hindi ako magdalawang isip na kunin siya sayo ".
Saglit kaming Nagtitigan dalawa nababasa ko sa mga mata ni lawrence ang galit ngunit hindi ako nagpatinag sa kanya.Babae ako pero hindi ako natatakot sa kanya.
Tumalikod na ito at umalis ,napapikit ako ng marealize ang mga sinabi ni lawrence.Bumalik na ako sa loob ng kwarto ni dina ,nadatnan ko silang nagtawanan sabay silang napalingon sakin.
Tiningnan ko si dina na nakatingin na rin pala sakin.
"Ay tita divina halika po bibili tayo ng makakain natin!".Hinila na ni miss karen ang mama ni dina,hanggang sa makalabas sila ng kwarto.Natawa na lang ako sa ginawa ni miss karen dahil hindi na nakasagot ang mama ni dina ng hilain ito.
Muli kong tiningnan si dina lumapit ako agad dito.
"how do you feel right now?"Tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
Nakita ko ang pagbagsak ng luha sa mata niya.
"Im scared". Mahinang sabi nito sakin, lumapit ako sa kanya at niyakap siya para pakalmahin . "i thought-
"Shhhh".Putol ko sa kanya,hinalikan ko ang ulo niya at niyakap siya ng mahigpit. "Keep calm , im here okay don't worry i won't leave you".
Kumalas ako dito at pinunasan ang luha na dumaloy sa pisngi niya.Gusto ko man siyang tanungin sa nangyari pero pinigilan ko muna dahil baka mas lalo lang siyang matakot kapag ipaalala ko sa kanya ang nangyari.
"Thank you".Sambit nito sakin kaya napatitig ako sa kanya. "Kumalma ang nararamdaman ko dahil nandito ka".
Ngumiti ako sa kanya, nakaramdam ako ng saya sa sinabi niya kayat muli ko siyang niyakap ng mahigpit.
Bumitaw kami sa isat isa ng may isang nurse na pumasok.
"Maam e checheck ko lang po ulit ang bp niya".Sabi nito sabay lapit kay dina ,after niyang gawin iyon ay may binigay siya gamot sakin. "Maam ito po yung last na gamot na ipainom sa kanya bukas and then sabi ni doc pwede na daw po kayong magdischarge".
Lumabas agad ang nurse ilang minuto din ang nakalipas ay dumating sina miss karen kaya naghahanda na kami para sa paglabas ni dina.
"Ahm ako na ang maghahatid sa kanila miss".sabi ko kay miss karen ng maglakad kami palabas ng hospital hawak hawak ngayon si dina ng kanyang mama divina.
"Mas gusto kong si karen na lang ang maghatid sa amin ano nga ulit ang pangalan mo?".Ramdam kong napilitan lang ang mama ni dina na kausapin ako dahil hindi talaga nito gusto ang aking presensya.
"Aica po tita ".Agarang sagot naman ni miss karen, Napatingin ako kay dina ngunit nag iwas ito ng tingin sakin.Sa pagkakaalam ko hindi naman masungit ang mama niya nong unang beses akong nakapunta sa bahay nila hindi ko lang maintindihan kung bakit iba na ito ngayon.
"Tita sorry talaga hindi ako makahatid sa inyo dahil kailangan ko ng umuwi dahil may mga asikasuhin pa ako lalo na't may pasok pa ako bukas sa school". Hinintay namin ang sagot ng mama ni dina, tumingin muna ito sakin bago nagsalita.
"Sige karen ,sa kanya na lang kami magpahatid".Sabi nito ng hindi nakatingin sakin,inalayan na nito si dina sa paglalakad.Tahimik na nakasunod lang ako sa kanila.
Tahimik lang kami buong byahe ,minsan ngay nakikita kong panay tingin ang mama ni dina sakin sa mirror ng kotse ko.Gusto ko mang magsalita pero nag alangan ako dahil hindi ko alam kung bakit mukhang galit na galit ito sakin.
"Ahm aica hindi ka rin ba hinanap sa inyo?".Mayat mayay tanong ni dina sakin,siguro dahil nababagot na rin siya sa katahimikan.
"No hindi na kasi ako umuwi sa bahay ,sa condo na lang ako palagi". Nakangiti kong sagot kay dina.
"Bakit ngayon lang kita nakita?". Nagulat ako ng magsalita ang mama ni dina, Napalunok ako sa tanong niya.
"Ah kasi po busy sa work palagi-
"ang ibig kong sabihin ay bakit ngayon ka lang nagpakita?".tanong nito ulit in a sarcastic way.
"Ma".Saway ni dina sa mama niya.Hindi agad ako nakaimik bakit parang feeling ko may laman ang tanong niya ?bakit parang kailangan kong mag explain sa kanya? "ah aica dyan sa unahan yan na yung bahay namin".sabi ni dina.
Hindi paman ako nakasagot ay nahinto ko na ang kotse dahil nakarating na kami sa bahay nila.
Nais ko sanang alalayan si dina ngunit hinarangan ako ng kamay ng mama niya.
"Huwag mong hawakan ang anak ko".
sita nito sa akin,kayat napatigil ako.Ewan parang nasaktan ang ego ko .
"Ma naman,ahm aica pasok kana muna".Sabi ni dina ng makapasok sila sa loob habang ako ito nasa likod nila.Pumasok na rin ako kahit na iba ang pakikitungo ng mama niya sa akin.
Malaki ang bahay nila iba na ito sa dati nilang tinitirhan.Ito na pala ang bunga ng mga pagsisikap ni dina.Napangiti ako sa nakita sa piligid.
"nay si lara?".Tanong ng mama ni dina sa babaeng sumalubong sa kanila.Medyo may edad na ito.Nasa 70+ na pero maliksi pa rin kung maglakad kumbaga ,malusog pa.
"Tulog na siya divina". Nakangiting sagot nito, napatingin ito sakin kaya yumuko ako bilang panggalang .Ngumiti naman ito sakin. "May bisita pala kayo".Sambit nito ngunit agad na naglakad ang mama ni dina .
"Dina magpahinga ka na, titingnan ko lang si lara" Sabi nito bago makapasok sa loob ng kwarto .
Napayuko ako sa nararamdaman hindi talaga niya gusto ang presensya ko sa bahay niya kahit man mula kanina pa sa hospital.Bakit nga ba? anong meron ?
"Ah lola si aica po ,anak po siya ni maam Anastasia Del valle siya ang naghatid sa amin dito". Pakilala ni dina sakin sa lola niya aw! lola pala niya ito kaya pala hawig na hawig ito sa mama divina niya.
Napatitig muna ito sakin bago lumapit, nagulat ako ng halikan ako nito sa pisngi ,hindi lang isa kundi sa dalawang pisngi ko.
Napangiti ako sa ginawa nito ganun rin si dina ng sulyapan ko siya.
"Ang ganda ganda mo naman iha hawig ka ni maam Anastasia ,alam kong mabait ka rin katulad ng kabaitan ng ina mo sa amin".Mas lalo akong napangiti sa sinabi nito.Kilala na pala nila si mom,how? paano? ang dami ko na palang namissed! mula ng umalis ako ng Philippines.
"Si lola talaga ,matulog na po kayo dahil malalim.na ang gabi".Sabi ni dina , lumapit muna ito kay dina at hinalikan rin siya nito sa pisngi.
"Oh siya matulog na ako ,Yna ikaw na bahala sa kanya wag mo siyang pauwiin dahil hindi na safe ang daan ngayon,iha dito ka na magpalipas ng gabi".Medyo nahiya pa ako ng tumingin sa matanda.
"Sige po lola , salamat".Sabi ko na lang, naglakad na ito pabalik ng kwarto niya,Wala kasing 2nd floor sa bahay nila dina.Magkatabi lang ang mga rooms na nandito.pero hiwalay naman sa kitchen at sala nila.
Muli kong sinulyapan si dina na nakatingin na rin sakin.
"Ganun talaga si lola". Nakangiting sabi nito."Halika maupo muna tayo".
Naupo kami sa sofa nila,hindi ko rin talaga napigilan ang sarili para hindi mamangha sa paligid ,ang ganda kasi ng mga design ,ang linis ang sarap sa pakiramdam ng ganitong klaseng bahay.
"Pasensya ka na kay mama".Muli kong tiningnan si dina,dahil sa sinabi nito.
"okay lang di ko lang gets kung bakit ganun ang mga tingin at pakikitungo niya sakin".
"Wag mo na lang siyang pansinin ,alam mo na medyo tumatanda na kasi".Biro nito sakin pero hindi ako naniwala kay dina ,alam kong may ibang dahilan ang mama niya.
"Ahm uuwi na ako gusto pa sana kitang makausap pero i guess you need some rest ".Sabi ko sa kanya at tumayo na,nakita kong tumayo na siya.
"hind ka ba dito matutulog?".Tanong nito ,naku naman dina! baka mamaya hindi kita patutulugin..natawa ako sa naisip .Umiling iling ako sa kanya.
"Baka magalit ang mama mo".Sabi ko na lang, tumango tango rin ito habang pilit na ngumiti.
Lalakad na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Can you stay with me tonight?".
Lumingon ako sa kanya at saglit kaming Nagtitigan.Kita ko sa mga mata niya yung kagustuhan na manatili ako.
Hindi ako kumibo at agad na lumapit sa kanya.Pinag interwind ko ang mga kamay namin.
"I can't say no to you".Bulong ko sa tenga niya,kaya dinala na niya ako sa kwarto niya.
end of chapter