Chapter 9

1592 Words
Chapter 9 Hunter POV “Anong next schedule ko for today?” tanong ko kay Marie para maiba na ang usapan naming dalawa dahil wala naman akong interest sa mga sinabi niya kanina. “Mamayang 1pm po libing na ng asawa ni Mr. Garcia, pupunta po ba kayo Sir?” tanong sa akin ni Marie at nakalimutan ko ang tungkol doon kaya naman napatingin ako sa aking relo na nakasuot sa kaliwa kong kamay. “Alas dose pa lang naman kaya may time pa ako para tapusin ito, sige pupunta ako. Nakakahiya naman kay Mr. Garcia kung hindi ako makakapunta sa libing ng asawa noya,” sabi ko kaya naman napatango sa akin si Marie. “Uuwi na lang muna ako para makapagpalit ako.” “No need na Sir, on the way na po ang driver niyo pabalik dito. Nasabihan ko na po siya na dalhin ang suite niyo dito na gagamitin para mamaya,” napatingin naman ako kay Marie at napatango ako sa sinabi niya. Masasabi ko na isang mahusay na secretary si Marie kahit na minsan ay may kadaldalan siya. “Ready na din po yung pampaligo niyo.” “Thank you, Marie, alam na alam mo na talaga yung mga kailangan ko. Sana’y makahanap ako agad ng secretary na hands on katulad mo.” “Kung hindi lang din ako buntis ngayon at wala akong asawa Sir, kikiligin na po ako sa sinabi mo,” tinignan ko naman ng masama si Marie dahil sa kanyang kalokohan saka ako napailing dahil ang lakas ng kanyang hagikgik. Matagal ko na secretary si Marie kaya naman nasasanay na rin naman ako sa mga kalokohan niya at hindi na rin naman siya iba sa akin. Pumayag na rin ako na maging ninong ng kanyang anak, sabi kasi ni Mommy ay bawal daw tanggihan iyon. Sinabihan pa ako ni Marie na pagkatapos ng libing ay kinakailangan ko daw bumalik dito sa opisina ko dahil pupunta ang Daddy ko dito na galing pa sa America, may mahalaga daw kaming pag-uusapan ni Daddy. Nagtataka naman ako dahil hindi ko alam kung bakit kinakailangan pa ako puntahan ni Daddy dito sa opisina kahit na magkikita naman kami sa bahay mamaya. Minsan ay hindi kna rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Daddy. Pagkatapos sabihin sa akin ni Marie iyon ay lumabas na siya dahil sisimulan na daw niya magligpit ng kanyang gamit kaya naman hinayaan ko na lang muna siya. Wala na rin naman ako gagawin pagkatapos namin mag-usap mamaya ni Daddy dahil tinapos ko na ang mga gagawin ko kagabi pa lang. Napatingin ako sa cellphone ko dahil bigla na lang iyon tumunog saka ko nabasa na si Roch pala ang tumatawag. “Kuya! Ano sama ka?” bungad agad na sabi tanong sa akin ni Roch at naririnig ko pa ang malakas na hangin sa kabilang linya. Marahil ay mabilis nanamang nagmamanaeho ng kotse niya si Roch. “Tumawag ka sa akin habang nag-dridrive ka? Paano na lang kun---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na iyon ni Roch. “C’mon kuya Hunter, hindi na ako bata. Ano sasama ka ba o hindi?” napabuntonghininga na lang ako dahil sa sinagot sa akin ng pasaway kong pinsan. “Fine, sasama ako pero baka malate ako ng kaunti. May pag-uusapan pa kami ni Daddy mamaya.” “Great! Pero bahala ka, kung sino ang malate siya ang manlilibre,” bago ibaba ni Roch ang tawag ay narinig ko pa na tumawa siya kaya naman napailing na lang ako. Nag-aaya kasi ang iba naming mga pinsan na mag-inom sa bar dahil ito lang ang araw na sabay-sabay kaming available. Lahat kasi kami ay may kanya-kanya ng kinakaabalahan na mga kumpanya kaya madalang na lang kaming mag-bonding. Kaya nagdesisyon na rin ako na magpakita sa kanila. “Nakikiramay ako sa inyo, Mr. Garcia,” sabi ko kay Mr. Garcia nang magkaroon ako ng pagkakataon na makausap ko siya. Tinanguan naman ako ni Mr. Garcia at nginitian ng bahagya pero kita ko sa mga mata niya ang sakit dala ng pagkawala ng kanyang asawa. Pagkatapos ng ganap na iyon ay hindi ko na muna siya kinausap kasi naiintindihan ko naman siya. Sapat na iyong nakita niya akong pumunta ako dito. Halata naman na hindi pa kaya ni Mr. Garcia na makipag-usap sa ibang tao. “Hunter, is that you?” napalingon naman sa boses babae na tumawag sa akin. “Fiona,” banggit ko sa kanyang pangalan. Siya si Fiona, isa sa mga anak na babae ni Mr. Garcia. Matagal na kasing ka-business partner ni Daddy si Mr. Garcia kaya naman kilala na namin ang bawat isa at isa na nga doon si Fiona na halos kasing edaran ko lang din naman. Isa na siyang model ngayon sa France, siguro ay umuwi siya dito sa Pilipinas dahil sa nangyari sa kanyang ina. “Long time no see, Hunter,” sabi ni Fiona saka niya ako niyakap bigla na siyang aking ikinagulat. Pero wala na akong magawa dahil nagawa na niya akong mayakap at kung sasawayin ko siya ay baka mapahiya pa siya sa dami ng matang nakatingin sa amin ngayon. “Nakikiramay ako sa inyo ng Papa mo, Fiona,” sabi ko na lang siya ko tinapik-tapik ang kanyang likuran, gesture na pangkaibigan. Pasimple akong humiwalay sa kanya kasi mukhang wala siyang balak na humiwalay sa akin. “Hindi mo ba ako namiss Hunter?” bulong sa akin ni Fiona pero agad din naman akong lumayo sa kanya ng distansya. “Fiona, hindi ito ang tamang oras para sa ganyang usapin,” mahinang sabi ko at tumingin ako sa paligid kung may nanakarinig ba o wala, buti na lang dahil walang nakarinig sa sinabi ni Fiona. Aaminin ko noong mga panahon na wasak ako ay isa si Fiona sa mga naging karamay ko at ilang beses na ring may nangyari sa aming dalawa. Noong una ay ayaw ko pang pumayag sa gusto niya pero naging mapilit siya noon at inaamin ko na talagang naakit ako sa kanya pero hanggang doon lang ang nararamdaman ko. Ako na din ang umayaw sa pakikipaglaro namin sa isa’t isa kaya naman nagdesisyon na lang siya na pumunta ng ibang bansa para makapagmove-on daw. “E ‘di umalis tayo dito. Namiss ko kasi yung ginagawa natin noon Hunter,” nang-aakit na sabi ni Fiona saka niya pasimpleng hinaplos ang aking balikat. Nginitian ko naman siya na siyang ikinangiti niya dahil akala niya ay pumapayag ako sa kanyang gusto ngunit nagkakamali siya. Kaya ko lang naman siya nginitian ay upang hindi mahalata ng ibang tao na nandito na naiinis ako sa mga oras na ito dahil sa ipinapakita at sinasabi ni Fiona. “Fiona, magbigay ka naman ng kahihiyan sa libing ng mama mo,” bulong ko sa kanya kaya naman nawala ang kanyang mga ngiti saka ko muling tinanggal ang hawak niya sa balikat ko. “Simula noong iwan at lokohin niya ang Papa namin ay hindi ko na siya tinuring na ina, hindi ko nga alam kay Papa kung bakit niya muling tinanggap ang babaeng iyan sa buhay namin eh manloloko naman siya,” mas lalo tuloy ako nainis dahil sa kanyang sinabi. Naintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang galit niya sa kanyang ina ngunit iba ito sa pagkakataong ito. “Mabuti pa ay umalis na ako tutal nakita na rin naman ako ng Papa mo,” sabi ko at tumalikod na ako sa kanya kaya naman hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon niya. Naglakad na ako papunta kung saan naka-park ang sasakyan ko ng matanaw ko na may babaeng umiiyak sa harap ng isang puntod. Sa hindi ko malaman na dahilan ay unti-unti ako sa kanyang lumapit. Napakaamo ng kanyang mukha at gusto ko siyang damayan at punasan ang mga luha sa kanyang pisngi at mata. Nakatutok lang ang mga mata ko sa kanya habang unti-unti akong lumalakad papalapit sa kanya. Dahil nakatutok siya sa pagkausap sa harap ng puntod ay hindi niya namalayan na nasa likuran na niya ako. Hindi ko naman ugali na makinig ng mga ganito pero pakiramdam ko ay parang may humila sa akin para lapitan ko siya ngayon. Rinig na rinig ko naman ang kanyang sinasabi. "Lo? Birthday ko po ngayon. At gaya ng dati si Daisy lang po ang ipapakilala sa lahat," pati ang boses ng babaeng ito ay malambing parang gusto ko tuloy siyang batiin ng happy birthday pero pinigilan ko na lang ang aking sarili. Halata din sa boses niya na pinipigilan na niyang huwag umiyak ngayon ngunit hindi niya magawa. "Lolo, sana hindi niyo po ako iniwanan agad. Ang daya niyo naman po kasi," kahit hindi ko siya kilala ay gusto ko talaga iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa ngayon, gusto kong ipadama sa kanya na nandito lang ako. “Ano ba ang pinagsasabi mo Hunter, nawawala ka na yata sa iyong sarili,” sabi ko sa aking isipan upang hindi niya ako marinig. Saka ko naman nakapa ang aking panyo na nakalagay sa aking bulsa. Kinuha ko iyon saka ko inihulog sa kanya saka ako mabilis na naglakad sa kotse dahil malapit lang ito sa kinaroroonan ng babae. Narinig ko pa nga ang pagbigkas niya sa aking apelyido bago ako tuluyang sumakay sa aking kotse. “Fajardo.” Habang papaalis na ang sinasakyan kong kotse ay natanaw ko pa sa salamin na lumingon siya ngunit hindi na niya ako nakita dahil papaalis na ang kotseng sinasakyan ko. Sa hindi ko malaman na dahilan ay napangiti na lang akong mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD