Chapter 10 Hunter POV “Nandito na po ang Daddy niyo, Sir Hunter. Naghihintay po siya sa inyong opisina,” salubong sa akin ni Marie nang muli akong nakarating sa aking opisina. “Sige, thank you,” sagot ko at dumiretso ako sa private elevator na ako lang ang pwedeng gumamit. “Dad,” tawag pansin ko sa kanya dahil nakatanaw siya sa labas. Gawa kasi sa salamin ang pader ng aking opisina kaya naman makikita mo ang buong kapaligiran lalo na at nasa mataas na palapag ang aking opisina. Tinted rin naman ito kaya hindi rin nila makikita kung ano ang ginagawa ko dito sa loob ng aking opisina. Hiwalay ang opisina ko sa mga empleyado at si Marie ang pinapaharap ko sa kanila simula noong ako na ang umupong CEO ng kumpanyang ito na minana ko pa sa aking ama. Hindi ko rin hinahayaan na kumalat ang pi

